Wednesday, November 7, 2012

Dahilan Sa Pagkakaantala ng 2012 ALS A&E Exams

Marami ng mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency Exams para sa taong ito ang naiinip na at dismayado sa kapalpakan ng BALS at DepEd  dahil sa pagkakaantala ng pagsusulit na dapat ay sa buwan ng October 2012 ginawa.

Ang dahilan ng pagkakantala o postponement ng ALS Oct 2012 test ay ang hindi pa pagbibigay ng kontrata para sa paglilimbag ng pagsusulit, pagtsi-check at resulta nito. Nitong October 29. 2012 ay ngalabas pa ang DepEd ng panibagong kailangan para sa bidding. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa nasisimulan ang pagsusulit. Nangangahulugan lamang na napakakupad ng tanggapan ng BALS at DepEd para sa proyektong ito. Dapat ay hindi bigyan ng Bonus ang namamahala ng programang ito dahil sa kapabayaan nila sa tungkulin, maliban na lamang kung wala o naantala ang pondo ng kagawaran para rito.

Narito ang Rebid requirements para sa ALS A&E exams:

http://www.deped.gov.ph/cpanel/uploads/issuanceImg/BidBulletinNo.1.pdf

9 comments: