Tuesday, January 15, 2013

Nov - Dec 2012 ALS A&E Results

Naiinip na sa resulta ang mga kumuha ng pagsusulit sa Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency exams noong nakaraang November - December 2012. Tulad nang nakaraang taon, tila madedelay na naman ang paglabas ng resulta. Inabot ng limang buwan bago lumabas ang October 2011 ALS A&E noon. Ganito rin kaya sa taong ito?



Habang hinihintay ang resulta, payo ko sa mga kumuha ng pagsusulit na patuloy na mag-review ng Mathematics at English. Ito ay para naman sa kukunin ninyong entrance examinations sa college o university kung sakalaing pumasa kayo sa ALS A&E.

Sa ngayon, good luck sa lahat! Sana ay pumasa kayo!

CLICK HERE FOR THE ALS 2012 TEST RESULTS/PASSERS