Friday, July 4, 2014

ALS A&E Test Schedule 2014

Hindi ko alam kung ako ay namamalikmata lamang pero hanggang ngayon ay hindi ko masilip sa webpurok ng DepEd kung mayroon na ba silang iskedyul na pagsusulit para sa Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency (A&E) sa taong ito ng 2014.

Datirati kasi ay inaanunsyo na ito ng Kagawaran ng Edukasyon malayo pa ang mga araw ng pagsusulit. Sa taong ito ay tila nahuli sila ng abiso. Marami pa naman ang nagtatanong sa site na ito kung may schedule na raw.

Sa mga naging karanasan, tuwing October o November kada taon ginaganap ang ALS A&E exam. Kaya sa mga nagrereview para rito, maghanda-handa na at malapit na ito.

Kung paano makapagrerehistro, magtungo lamang sa mga District office ng DepEd. Maaari ring magtanong sa mga principal ng mga paaralang-bayan.

3 comments: