Monday, May 20, 2024

Ano ang Pangulong-Tudling?

                Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito hindi ng isang opinyon o kuro-kuro ng isang manunulat lamang kundi pinagsama-samang  paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Kadalasan ang pangulong-tudling ay makikita sa likod ng unang pahina o front page ng isang pahayagan. Pagkaminsan, inilalarawan ng isang cartoon ang paksa ng isang editoryal. Ang pangulong-tudling ay isang mapanuring paglalarawan ng napapanahong isyu o kalagayan ng lipunan subali't hindi tuwirang naninira o tumutuligsa sa isang personalidad. Hindi nawawala ang editoryal sa isang pahayagan.

                            Nasa ibaba ang halimbawa ng isang pangulong-tudling o editoryal mula sa SINAG, opisyal na pahayagan ng Cesar E. Vergara Memorial High School ng Lagare, Lungsod ng Cabanatuan:

(Image from http://cevmhsdeped.weebly.com/editorial.html)

Friday, May 3, 2024

Wastong Gamit ng Pigilan at Pigilin

Madalas ay nagpakakasalit-salit natin ang paggamit ng salitang "pigilan" at "pigilin". Normal lang ito dahil napakalapit ng ibig sabihin ng dalawang salitang ito.

(Ang larawan ay hango sa https://twitter.com/KuyaKalyesergio)

PIGILAN  = ipatigil o hadlangan ang anumang kilos, gawain, o pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng balakid o pagbibigay ng utos.

Mga Halimbawa:

1. Pigilan mo ang mga mag-aaral sa kanilang gagawing pag-aalsa.

2. Kahit ano ang iyong gawin, hindi mo mapipigilan ang kanyang nabuong desisyon.

3. Huwag mong tangkaing pigilan ang kanyang gagawing pag-alis at baka may mangyaring masama sa iyo.

4. Si Pedro ay pinigilan  na pumasok sa tarangkahan ng kanilang kapitbahay.

5. Pipigilan ko sana siya sa kanyang pagtalon sa burol nguni't ako ay kanyang hinawi.


PIGILINhadlangan o kontrolin ang anumang aksyon, kilos, o damdamin, at iwasan ang pagganap ng isang bagay gamit ang puwersa o awtoridad upang hindi ito magpatuloy o lumala.

Mga Halimbawa:

1. Pinigil nila ang sayawan.

2.  Pigilin mo ang iyong damdamin sa kanya dahil kayo ay magkadugo.

3. Ang welga ay hindi natuloy dahil pinigil ito ng mga pulis.

4. Ang kanyang pag-inom ng alak ay kanyang pipigilin alang-alang sa mga anak.