Monday, May 4, 2020

2019-2020 ALS A&E Reviewer


Understanding The Self and Society

1. Ito ay grupo ng mga tao na nagtipon sa isang lugar at takdang oras para talakayin ang isang bagay at makagawa ng desisyon tungkol dito.
A. pakikipagpanayam
B. demonstrasyon
C. talumpati o SONA
C. pagpupulong

2. Nasa loob ng simbahan si Aling Tekla kasama ang kanyang anak na si Tiklo na magdadalawang taon gulang pa lamang. Sa kalagitnaan ng sermon ng pari ay nag-iingay si Tiklo. Ano ang dapat gawin ni Aling Tekla?
A. Pandilatan ng mga mata ang anak
B. Ambaan ng pagpalo ang anak
C. Ilabas muna ang anak sa simbahan
D. Paluin ang anak nang tumahan

3. Kasalukuyang nagtuturo si Ma'am Boba nang makitang naghaharutan sina Brutus at Papay. Ano ang dapat niyang gawin para masawata ang gawaing ito?
A. Tawagin ang dalawa upang sagutin ang kanyang mga tanong.
B. Batuhin ng tsok ang dalawa
C. Ipatawag ang kanilang mga magulang
D. Dalhin sa Principal's office ang dalawa

4. Sa pulong ng kooperatiba, nagtaas ng kamay si Mang Gusting at nagsabing: “ Sinisigundahan ko ang mosyon!” Ano ang kanyang ibig sabihin?
A. Nagbibigay si Mang Gusting ng bagong mungkahi.
B. Sinusuportahan niya ang mungkahing nabanggit.
C. Tinatanggihan niya ang iminungkahi.
D. Tinatapos na niya ang pulong.

5. Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay at nakababagabag na sitwasyon na maaaring makaapekto sa isipin, emosyon at pisikal na kalusugan ng isang tao.
A. suliranin
B. stress
C. stressor
D. utang

6. Alin sa mga sumusunod ng pangungusap ang MALI hinggil sa paniniwala ng mga Muslim.
A. Si Mohammed ay isang diyos.
B. Si Allah ang tanging tunay na Diyos.
C. Ang mga salita at batas ni Allah ay nasusulat sa Koran.
D. Tinatawag na Limang Haligi ng Islam ang mga tungkulin ng isang Muslim.

7. Ang pinakapinuno ng Simbahang Katoliko ay ang____.
A. Pari
B. Papa
C. Obispo
D. Pastor

8. Ano sa mga sumusunod ang hindi sintomas ng stress?
A. Pagtatae
B. Hirap sa pagtulog
C. Mga nakaiinis ng mga kasama sa bahay
D. Mataas na presyon ng dugo

9. Ang mga sumusunod ay epekto ng labis na pagkapagod maliban sa isa. Ano ito?
A. Malakas kumain
B. Kalungkutan
C. Burnout
D. Panlulupaypay

10. Nangibang bansa ang asawa ni Kardong Bayawak na si Aling Kukang bilang isang kasambahay. Mula noon, parati na siyang nag-aalala na baka may mangyaring masama sa kanyang asawa lalo na at maraming balita tungkol sa mga kasambahay na hinahalay at pinapatay. Ano ang mabuting gawin ni Kardong Bayawak?
A. Pauwiin na lang si Aling Kukang.
B. Dapat siyang mag-isip ng positibo at magdasal.
C. Maglasing upang makalimutan ang iniisip.
D. Siya na lamang ang magtrabaho sa ibang bansa.

No comments:

Post a Comment