Tuesday, April 27, 2021

Sample ALS Functional Literacy Test (FLT) - LS 1 - Communication Skills - FILIPINO

 FUNCTIONAL LITERACY TEST (FLT) 

JUNIOR HIGH SCHOOL LEVEL 



 GENERAL DIRECTIONS 

 The Functional Literacy Test consists mostly of Multiple Choice items.  For each item select your answer from the options given.  On your answer sheet, encircle the letter of your chosen answer.  For example, if your answer to an item is option C, then encircle letter C as shown below.  

Make sure you are marking the answer columns corresponding to the item number you are on.  Mark only one answer for each item.  If you want to change the answer, erase the first answer completely.  Items with multiple answers are considered wrong. 

 FUNCTIONAL LITERACY TEST

Junior High School

For some items in LS1 English and LS1 Filipino you will be required to write your answers with a phrase, sentences, or paragraphs on the corresponding numbers on the answer sheet. 

 Do not write anything on the test booklet. 

 Follow carefully the specific directions for each test part, from LS1 to LS6.  Make sure that you use the answer sheet corresponding to the test part.  When you finish a part, go on to the next, until you finish the whole test.  The time allowed for the whole test is 1-1/2 hours.  If you finish ahead of time, review your answers.  Then turn your booklet face down and wait for further instructions. 

 LS 1 : COMMUNICATION SKILLS (FILIPINO) 

Part I. Pagbasa  

     

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel para sa LS1 Filipino.

 

1.    Basahin ang sitwasyon at piliin ang tamang sagot na nagpapakita ng magalang na pananalita.


Katutulog mo pa lamang nang magising ka sa biglang pagtunog ng iyong cell phone. Ano ang iyong gagawin o sasabihin?


A. Huwag sagutin ang telepono at ipagpatuloy ang pagtulog.

B. Sagutin ang telepono at sabihing " Pwede ba mamaya na kayo tumawag?"

C.  "Ito po si Pepito. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

D. Patayin ang cell phone.


2. Piliin ang pangungusap na may tamang bantas.


A. Si Muhammad ang propeta ng mga Muslim!

B.  "Masayang naglalaro ang mga bata,"

C. Sina Rodel, Noel, at Rafael ang kanyang mga kaibigan.

D. Dali; takbo!


3. 1.    Basahin ang pangungusap at piliin ang pares ng mga salitang magkatumbas ang kahulugan.


    Mahirap lamang ang pamilya ni Anna. Sila ay kumain dili. Kung

nakapagtapos lamang ng pag-aaral ang kanyang mga magulang bago nag-asawa ay maginhawa sana ang kanilang pamumuhay. Aba man ang kanilang kalagayan, masaya naman ang kanilang pamilya.


A. mahirap - kumain dili

B. aba - mahirap

C. maginhawa - mahirap

D. masaya - maginhawa


4.    Basahin ang pangungusap at piliin ang kasalungat ng salitang may salungguhit. 


Tuwing Buwan ng Ramadan ay nag-aayuno ang ating mga kapatid na Muslim hanggang may sikat ang araw.


A. nagpipiging

B. nanalangin

C. nagbabasa ng Koran

D. hindi kumakain


Para sa aytem 5 – 6, basahin ang talata at piliin ang salitang dapat isulat sa patlang.   

        Kahit maykaya sa buhay ay hindi matapobre si Mikaela. Hindi siya mamimili ng mga nagnanais na siya ay maging kaibigan.  Nakatuntong pa rin sa lupa ang kanyang mga paa kapag nakikipag-usap sa mga taong nasa laylayan ng lipunan.

5. Si Mikaela ay nagmula sa _________ pamilya.

A. mayamang 

B. matapobreng

C. palakaibiganing

D. matulunging

6. Ang halimbawa ng isang taong nasa laylayan ng lipunan ay _______.

A. ulila 

B. pulubi 

C. nakatira sa Tondo

D. maysakit


Part II. Pagsulat

 

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

      

7.    Isulat sa patlang ang baybay sa Filipino ng salitang hiram na "infrastructure".  


__________________ 


8. Sumulat ng isang talata na binubuo ng tatlo hanggang apat na pangungusap tungkol sa mabuting dulot ng palagiang paghuhugas ng mga kamay. (2 puntos.)

 

9. Isa sa mga dahilan ng kahirapan ay ang hindi sapat ng edukasyon. Kamakailan ay naisabatas sa Pilipinas ang “Alternative Learning System (ALS) Act.” Ibigay ang iyong saloobin hinggil sa nasabing batas sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay na binubuo ng dalawang talata na may tatlo o apat na pangungusap. (2 puntos)

 


MGA SAGOT

1. C
2. C

3. B

4. D

5. A

6. B

7. imprastruktura o imprastraktura

8.

        Ang palagiang paghuhugas ng mga kamay ay isang pag-uugali na dapat panatiliin ng mga tao dahil sa mabuting dulot nito. Makaiiwas sa sakit dulot ng mga bakterya at  bayrus ang taong naghuhugas ng mga kamay bago at pagkatapos kumain o manggaling sa palikuran. Bukod sa pag-iwas sa mga sakit, ang ugaling ito ay nagpapakita rin ng kalinisan ng katawan. Kaya upang makaiwas sa sakit at maging malinis, ugaliin ang paghuhugas ng mga kamay.


9.

ALS Act, Sagot sa Kahirapan


        Isa sa maituturing na mga dahilan ng kahirapan ay ang hindi sapat na pag-aaral. Dahil sa kumpetensya sa kakaunting trabaho, mas lamang ang taong nakatapos ng pag-aaral. Isa sa nakikitang solusyon dito ay ang pagsasabatas ng Alternative Learning System Act o ALS Act.


        Sa ilalim ng ALS Act, mabibigyan ng pagkakataon ang mga out of school youth at mga may idad na ipagpatuloy ang kanilang naudlot na pag-aaral. Walang babayaran ang sinumang magpaparehistro sa programang ito ng pamahalaan. Ang paraan ng pag-aaral ay iaangkop sa sitwasyon ng mga mag-aaral. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng modyul, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at pagdalo sa isang learning center sa araw ng Sabado at Linggo. Dahil dito, walang hadlang upang hindi maipagpatuloy ng isang taong nagsisikap ang kanyang mga pangarap.

No comments:

Post a Comment