Sunday, May 2, 2021

Sample ALS Functional Literacy Test (FLT) - LS 4 - Life and Career Skills

 FUNCTIONAL LITERACY TEST (FLT) 

JUNIOR HIGH SCHOOL LEVEL 



 GENERAL DIRECTIONS 

 The Functional Literacy Test consists mostly of Multiple Choice items.  For each item select your answer from the options given.  On your answer sheet, encircle the letter of your chosen answer.  For example, if your answer to an item is option C, then encircle letter C as shown below.  

Make sure you are marking the answer columns corresponding to the item number you are on.  Mark only one answer for each item.  If you want to change the answer, erase the first answer completely.  Items with multiple answers are considered wrong. 

 FUNCTIONAL LITERACY TEST

Junior High School

For some items in LS1 English and LS1 Filipino you will be required to write your answers with a phrase, sentences, or paragraphs on the corresponding numbers on the answer sheet. 

 Do not write anything on the test booklet. 

 Follow carefully the specific directions for each test part, from LS1 to LS6.  Make sure that you use the answer sheet corresponding to the test part.  When you finish a part, go on to the next, until you finish the whole test.  The time allowed for the whole test is 1-1/2 hours.  If you finish ahead of time, review your answers.  Then turn your booklet face down and wait for further instructions. 

LS4: LIFE AND CAREER SKILLS

Panuto: Basahin ang bawat aytem. Bilugan ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel para sa LS4.


1. Isang malaking babuyan ang itinayo sa barangay nina Madelyn na malapit sa kabahayan. Ipinaalam niya niya sa pamunuan ng barangay at munisipyo ang ang mabahong amoy na idinudulot ng babuyan subali't walang aksyon ang kanyang hinaing. Saang ahensiya ng gobyerno siya dudulog?

A)  Kagawaran ng Agrikultura

B)  Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman

C)  Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal

D)  Kagawaran ng Kalakalan at Industriya


2.  Maraming punong sasa sa barangay nina Edward. Bukod sa paggawa ng bubong na nipa, ano pang industriya ang maaaring itayo sa kanilang lugar?

A)  Paggawa ng suka o alak

B)  Paggawa ng banig

C)  Paggawa ng kasangkaan na yari sa kawayan

D)  Paggawa ng tela


3.  Nagtapos ng Bread & Pastry Making si Jonnalyn sa Technical Education Skills and Development Authority (TESDA). Saan siya nababagay mag-aplay ng tabaho?

A) Andoy's Sari-Sari Store

B) Farmacia Ilocana

C) Our Daily Bread

D) Paluwagan ng Bayan


4.  Isang guwardiya sa pinapasukang Mall si Crispin. Anong katangian ang HINDI niya dapat taglayin bilaNG empleyado?

A) magiliw

B) magalang

C) mahigpit

D) maangas


5. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa peligrong biyolohikal?

A) tumatagas na LPG

B)  naglipanang mga ipis

C)  madulas na sahig

D) mapurol na kutsilyo


6.  Bilad sa matinding init ng araw ang lugar na pinagtatrabahuhan ni Roger. Ano ang HINDI karapatdapat sa pagkakataong iyon?

A) Pagsusuot ng sando 

B) Pag-inom ng maraming tubig

C) Pagsusuot ng sumbrero

D) Panakang-nakang pagsilong sa lilim


7.  Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang TAMA?

A)  Mayayaman lamang ang maaaring gumastos ng malaki.

B)  Mag-impok lamang kung may natira sa mga gastusin.

C)  Ang mahirap ay nag-aaksaya rin ng pera.

D)  Mainam magtabi ng pera sa ilalim ng kama.


8.  Tabi-tabi ang tindahan ng manok sa puwestong inuupahan ni Mildred. Upang makakuha ng kustomer, alin ang HINDI niya dapat gawin?

A)  Maging tapat sa mamimili.

B)  Ibaba ang presyo ng manok kung kinakailangan.

C)  Maging magiliw sa mga kustomer.

D)  Sabihin sa kustomer na hindi sariwa ang tinda ng mga katabi.


9.  Nakakuha ng malaking order ng bibingka si Aling Aida kada araw. Ano ang dapat niyang gawin?

A)  Dagdagan ng pampaalsa ang bibingka nang magmukhang malaki.

B)  Magdagdag ng tauhan upang matugunan ang order.

C)  Dagdagan ang presyo ng bibingka.

D)  Bawasan ng itlog at keso ang bibingka para lumaki ang tubo.


10.  Saan HINDI dapat ilagak ang naimpok?

A)  Savings Bank

B)  Kooperatiba

C)  Bahay

D)  Rural Bank

ANSWERS

1. B
2. A
3. C
4. D
5. B
6. A
7. C
8. D
9. B
10. C


No comments:

Post a Comment