Saturday, March 20, 2021

Guides on ALS Life Skills #Module7 - Financial Fitness - Activity 2 & 3

 Module 7: Financial Fitness

Maging matalino sa paggamit ng iyong pera upang magkaroon ng sapat na ipon”

                     Be wise in using your money to have enough savings.


SESSION 2: FINANCIAL FITNESS

Activity 2: Becoming Financially Fit

7.5: What Physical Fitness Looks Like

Think of your favorite athlete or sports star. How do you know that they are fit? What do you think they do to make sure that they are fit enough to play the sport they play? (Isipin ang iyong paboritong manlalaro o bituin sa palakasan. Paano mo malalaman na ang mga ito ay malakas? Ano sa palagay mo ang ginagawa nila upang matiyak na ang mga ito ay sapat na lakas upang maglaro ng isport na nilalaro nila?)

Natitiyak kong malakas at malusog ang pangangatawan ng aking paboritong manlalaro dahil  sapat at regular siyang nag-eehersisyo, kumakain ng masusustansiyang pagkain, at natutulog ng sapat na oras. Umiinom din siya ng mga bitamina at mineral na lalo pang nagpapalakas at nagpapalusog ng kanyang katawan upang makapaglaro nang mabuti.

7.6: What Financial Fitness Looks Like

        Being financially fit means having the money when you need it. Financial fitness occurs when you live within your means (in other words, do not spend more than you have), avoid debt, and have savings. Write “yes” below if you think the habit is one that will help you become financially fit. An example has been provided below: (Ang pagiging malakas sa pananalapi ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng pera kapag kailangan mo ito. Ang kalakasang pananalapi ay nagaganap kapag nabubuhay ka sa abot ng iyong makakaya (sa madaling salita, huwag gumastos ng higit sa mayroon ka), iwasan ang utang, at mag-impok. Isulat ang "oo" sa ibaba kung sa palagay mo ang ugali ay isa na makakatulong sa iyo na maging maayos sa pananalapi. Isang halimbawa ang ibinigay sa ibaba.)

Habit

Does this habit contribute to financial fitness?

(Write YES or NO.)

Why or why not?

Working hard to make money

Example à YES

If you make more money, you can save more money.

Always looking and listening for new ways to earn or save money

Oo

 Kapag may trabaho ka, magkakaroon ka ng sahod/pera upang mabili ang mga pangangailangan.

Spending all of the week’s

allowance before the week is over

Hindi

 Kapag naubos ang lingguhang badyet, posibleng magkaroon ka ng utang o kaya ay magamit mo ang iyong naitabi.

Always carefully counting coins and notes

Oo

 Kapag alam mo kung magkano lang ang pera mo, maiiwasan mong gumasta nang higit pa rito.

Paying attention to the difference between things you really need, and things that are nice to have

but waste your money

Oo

 Makatutulong ang pagkukumparang ito upang makapagdesisyon ka ng mabuti kung ang bibilhin ay talagang kailangan o nais lamang.

Putting money aside for emergencies

Oo

 Makatutulong ito upang may mahugot sa panahon ng dagling pangangailangan at hindi na kailangang umutang pa.

Looking for bargains that help you spend wisely

Oo

 Mababawasan nito ang salaping dapat mong gastusin sa isang bagay na kailangang bilhin.

Using money that’s meant for groceries to buy a new pair of shoes

Hindi

 Masisira nito ang iyong badyet sa pagkain. Dahil dito, kakapusin ang iyong panggastos sa pagkain at posibleng mangutang ka sa kalaunan.

Making sure to store money securely

Oo

 Mainam na gawin upang hindi mawala o kunin ng iba ang iyong pinaghirapan.

Asking questions to learn from others about making and managing money

Oo

 Ang bagong kaalaman ay magagamit upang mapagbuti pa ang iyong pagbabadyet, paggastos, at pag-iimpok.


7.7: Looks Can Be Deceiving

        Look at the list below. Do you think these are signs of financial fitness? Write yes or no and then why you chose your answer. (Tingnan ang listahan sa ibaba. Sa palagay mo ba ay mga palatandaan ng kalakasan sa pananalapi ang mga ito? Isulat kung oo o hindi at pagkatapos ay sagutin kung bakit mo pinili ang iyong sagot.)

Is this a sign of financial fitness?

YES OR NO

Why or why not?

1. He has three cars in the garage.

Hindi

 Posibleng utang lang sa banko ang mga sasakyan.

2. He makes and follows a personal budget every month.

Oo

 Maiiwasan niya ang gumastos ng higit sa kanyang kinikita.

3. She has savings in her bank account set aside for an emergency.

Oo

 Hindi na niya kailangang mangutang sa iba sa oras ng pangangailangan.

4. Her family goes on trips abroad every summer.

Hindi

 Posibleng ang byahe ay inutang lamang. Magastos ang ganitong pagbyahe.

5. She spends more than she saves.

Hindi

 Dagli siyang mauubosan ng pera sanhi upang umutang sa iba.

6. He repairs his clothes instead of immediately buying new ones.

Oo

 Makatitipid siya at magagamit ang perang nakalaan sa bagong damit sa mga bagay na lubos na kailangan.


Let’s Apply: Track Your Financial Habits

Track your financial habits over the course of a day (or several days). You can use the ledger below. Each time you spend money—even if it’s a very small item—record it on a piece of paper. An example has been completed for you. What you write down may surprise you! (Subaybayan ang iyong mga gawi sa pananalapi sa loob ng isang araw (o maraming araw). Maaari mong gamitin ang ledger sa ibaba. Sa tuwing gagastos ka ng pera — kahit na sa napakaliit na bagay — itala ito sa isang pirasong papel. Isang halimbawa ang nakumpleto para sa iyo. Maaaring  ka sa iyong mga isinulat!)

Date

Item

Type of item

Payment method

Cost

Jan. 3

Loaf of bread

Food

Cash

P55

 

 

 

 

 

Date

Item

Type of item

Payment method

Cost

Mar 18

 pandesal

Pagkain

Cash

 P20

Mar 18

 2 pancit canton

Pagkain

Cash

 P20

Mar 18

 2 itlog

Pagkain

Cash

 P14

Mar 18

 2 kg bigas

Pagkain

Cash

 P76

Mar 18

 1 kg galunggong

Pagkain

Cash

 P270

Mar 18

 1 bote mantika

Pagkain

Cash

 P30

Mar 18

 ½ kg manok

Pagkain

Cash

 P80

Mar 18

 1 kg talong

Pagkain

Cash

 P40

Mar 18

 ½ kg kamatis

Pagkain

Cash

 P40

Mar 18

 50 g Nescafe

Pagkain

Cash

 P165

Mar 18

 ½ kg asukal

Pagkain

Cash

 P25

Mar 18

 450 g coffee mate

Pagkain

Cash

 P104

Mar 18

 1/4 kg asin

Pagkain

Cash

 P10

Mar 18

 4 suman

Pagkain

Cash

 P40

Mar 18

 Pamasahe

Transportation

Cash

 P70

Total spending à

(Update your total spending as you complete the tracker.)

 P1,004


7.8: My Financial Fitness Habits

        Now, look at your spending transactions that you recorded. Reflect on your financial habits. Did you notice any patterns? For instance, is there a type of item on which you spend the most money? Did you spend your money in resourceful or in wasteful ways? Are you surprised by what you observed about yourself? (Ngayon, tingnan ang iyong mga naitalang transaksyon sa paggastos. Pagnilayan ang iyong mga gawi sa pananalapi. Napansin mo ba ang anumang mga pattern? Halimbawa, mayroong isang uri ng item kung saan mo ginugugol ang pinakamaraming pera? Ginugol mo ba ang iyong pera sa mapamaraan o sa masasayang na paraan? Nagulat ka ba sa napansin mo tungkol sa iyong sarili?)

         Ang pinakamaraming salaping nagagasta ko ay ang pagkain. Napansin kong gumagastos ako sa pagkain ng higit sa aking arawang sahod. Maparaan ang aking paggastos subali’t walang akong magagawa sa pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin. Upang mabawasan ang salaping aking ginagasta sa pagkain, marahil ay maaari akong magtanim ng gulay o mag-alaga ng ilang manok. Sa halip na instant coffee, maaaring bumili na lang ako ng kapeng inilalaga at asukal na pula na mas mababa ang presyo sa puti. Ang labis na ikinagulat ko ay ang katotohanang mas malaki pala sa sinasahod ko ang ginagasta ko sa araw-araw.

On a scale of 1 to 10, with 10 being the most financially fit, where would you consider yourself? Circle the number. (Sa isang sukatang  1 hanggang 10, kung saan 10 ang pinaka-kalakasan sa pananalapi, saan mo isasaalang-alang ang iyong sarili?) Bilugan ang numero. [Sa halip na bilugan, pinapula ko na lang ang aking sagot.]

1       2       3       4       5       6       7        8        9        10

What bad habits do you have now that you should avoid so that you can be financially fit? (Ano ang mga masasamang ugali mayroon ka ngayon na dapat mong iwasan upang maaari kang maging malakas sa pananalapi?)

        Ang masamang ugaling dapat kong iwasan ay ang magbili ng mga produktong gawa ng mga pamosong kompanya. Isa ko pang iiwasan ay ang pagbili ng mga bagay na hindi naman sadyang kailangan o mga pagkaing hindi mabuti sa kalusugan, tulad halimbawa ng matatamis na donut at cake, at pag-inom ng softdrinks.

What good financial fitness habits would you like to continue to cultivate? How will you do so? (Anong mabuting gawi sa pananalapi ang nais mong ipagpatuloy na malinang? Paano mo ito magagawa?)

         Pag-aaralan ko pang mabuti ang tamang pagbabadyet at pagtitipid. Upang magawa ito, susubukin kong magtanim ng mga gulay at mag-alaga ng mga manok upang mabawasan ang aking gastusin sa pagkain. Paalalahanan ko rin ang aking mga kasama sa bahay na huwag mag-aksaya ng pagkain at kumuha lamang ng kanilang kayang kainin. Iiwasan ko rin ang mamili ng mga sitsiryang hindi mainam sa kalusugan.

Sharing is Caring

Share what you have learned about financial fitness habits with family and friends. Discuss with them the different ways you can achieve financial fitness individually and as a group. You can have this discussion face to face, via text, chat, or whatever means available and comfortable to you. Remember to thank them for their help on your schoolwork! (Ibahagi ang iyong natutunan tungkol sa mga gawi sa kalakasan sa pananalapi  sa pamilya at mga kaibigan. Talakayin sa kanila ang iba't ibang mga paraan na makakamit ang kalakasang pampinansyal  nang nag-iisa at bilang isang pangkat. Maaari mong gawin ang talakayang ito sa pamamagitan ng text, chat, o kung anong paraan ang magagamit at komportable sa iyo. Tandaan na pasalamatan sila sa kanilang tulong sa iyong gawain sa paaralan!)

Activity 3: Decreasing Spending

It is tempting to think that only rich people can waste money. After all, rich people have lots of money, so it is easier for them to spend it on things that they do not really need. But is this really true? (Nakatutuksong  isipin na ang mga mayayaman lamang ang maaaring mag-aksaya ng pera. Kung sabagay, ang mga mayayaman ay maraming pera, kaya mas madali para sa kanila na gugulin ito sa mga bagay na hindi talaga nila kailangan. Ngunit totoo ba ito?)

          Sa aking palagay, hindi lang mayayaman ang nag-aaksaya ng salapi kahit marami sila nito. Hindi man mayaman ay nag-aaksaya rin ng pera dahil hindi nila alam ang tamang paggasta nito. Marami sa atin ang gumagastos nang higit sa ating kinikita. Ang masama pa rito, maraming bagay ang ating binibili na hindi naman natin lubos na kailangan. Sa kalaunan, nagkakaroon tayo ng utang sa ibang tao.

          Ang pag-aaksaya ng pera ay makikita rin sa pagtatapon ng mga bagay na maaari pang gamitin o kumpunihin. Mamamalas din ito sa pag-aaksaya ng pagkain at mga gawi na maaari namang magawa nang hindi nangangailangan ng salapi, tulad halimbawa ng paglalakad kung malapit naman ang pupuntahan o pagsadya sa bahay ng kaibigan na hindi na kailangan pang bumili ng load para matawagan.

7.9: Identifying Wasteful Spending

Look at the list of spending activities below and identify whether the item is a resourceful way to spend money or if it is a waste. List your reasons why. An example has been completed for you. (Tingnan ang listahan ng mga aktibidad sa paggastos sa ibaba at tukuyin kung ang item ay isang mapamaraang paggasta  ng pera o kung ito ay isang pag-aaksaya. Ilista ang iyong mga dahilan kung bakit. Isang halimbawa ang nakumpleto para sa iyo.)

Spending Activity

Resourceful or wasteful?

Why?

Paying for transport on a motorcycle when you could have walked.

Wasteful

When it is not far, you can walk. It is free.

Buying soft drinks when you have enough water to drink.

Aksaya

 Mas mainam inumin ang tubig kasya softdrinks dahil marami itong benepisyo sa katawan.

Repairing your bicycle tire instead of buying a new one.

Mapamaraan

 Maiiwasan ang paggastos ng pera.

Buying new clothes when you have enough clothes.

Aksaya

 Maluluma at maaksaya lamang ang mga damit kung hindi isusuot.

Turning off the lights when you are not in a room to reduce the electricity bill.

Mapamaraan

 Mababawasan ang pambayad sa kuryente.

Spending all your money on cell phone load to talk with friends.

Aksaya

 Maaari mo naman silang puntahan kung malapit lang ang kanilang bahay. Gamitin ang load sa mga mahahalagang pag-uusap.

7.10: The Four Rs in My Life


Refer to The Four Habits to Cut Costs. Think about the habits that make up the four Rs: re-use, repair, reduce, and recycle. List down or draw examples where you have exercised these Four Habits to Cut Costs: (Sumangguni sa Ang Apat na Gawi upang Mabawasan ang  Mga Gastos. Isipin ang tungkol sa mga kaugaliang bumubuo sa apat na R: muling paggamit, pagkukumpuni, pagbawas, at pag-recycle. Ilista o gumuhit ng mga halimbawa kung saan mo nagamit ang Apat na Gawi upang Mabawasan ang Mga Gastos) [Sa halip na isulat sa loob ng drawing, isinulat ko na lang sa ibaba ang mga sagot.]

RE-USE

               1. Gamitin muli ang mga lumang damit, pantalon, at sapatos.

               2. Ibigay sa mga kamag-anak, kaibigan, at kapitbahay ang mga kinalakhang damit ng mga anak.          

REPAIR

               1. Sulsihan ang mga butas ng damit o palitan ng siper ang pantalon.

               2. Ipakumpuni ang butas na gulong ng bisekleta kaysa bumili ng bag            

RECYCLE

               1. Gawing mga paso ang mga pinaglayan ng biniling tubig.

               2. Gawing basahan o doormat  ang mga lumang damit na hindi na maaaring isuot.

REDUCE

               1. Iwasan ang madalas na pagbubukas ng refrigerator.

               2. Gumamit ng timba at tabo sa paliligod sa halip na shower.

Think about it!

Talk to your family about the last time you had to buy something. Could it have been re-used, repaired, or recycled? Discuss with them face to face, via text, chat, or whatever means available and comfortable to you. It’s always great to share your ideas and hear more points of view. (Kausapin ang iyong pamilya tungkol sa nakaraang  pagkakataong kailangan mong bumili ng isang bagay. Maaari ba itong muling magamit, maayos, o ma-recycle? Talakayin ito nang harapan, sa pamamagitan ng text, chat, o kung ano mang paraan ang magagamit at komportable sa iyo. Laging mainam na ibahagi ang iyong mga ideya at makarinig ng marami pang mga pananaw.)

Session 2 – Writing Space

Use this space to complete any of the written assignments above or write any thoughts or ideas that have come to mind about the topic. (Gamitin ang espasyo o puwang na ito upang makumpleto ang anuman sa mga nakasulat na takdang-aralin sa itaas o sumulat ng anumang mga saloobin o ideya na iyon naisip tungkol sa paksa.)


No comments:

Post a Comment