Sunday, May 24, 2015

2014-2015 ALS A&E RESULTS

Below is the announcement of the Bureau of Alternative System (BAL) regarding the results of the 2014-2015 ALS A& E:

"Results
Please be advised that the checking of the A&E Test is still ongoing due to the moved test schedule. The results of the test will be released on the 3rd week or 4th week of May 2015.
Should you have further clarifications, kindly contact:
Bureau of Alternative Learning System (BALS)
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Ave., Pasig City
(02) 635-5189 | 635-5188 | 635-5194 | 635-5193
Office Hours: Monday to Friday, 8:00am-5:00pm"
Hintay-hintay po ang mga kumuha ng pagsusulit. Konting-konting panahon na lamang ang ating ipaghihintay.

Sunday, March 29, 2015

2014 ALS A&E Test Results

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin inilalabas ng Kagawaran ng EDukasyon (DepEd) ang resulta ng nakaraang Alternative Learning System Accreditation & Equivalency  (ALS A&E) na ginanap noong ika-7 ng Disyembre 2014 hanggang ika-15 ng Enero 2015. Dahil dito ay magkahalong inip at inis na ang nadarama ng mga kumuha ng pagsusulit dahil sa bagal ng paglabas ng resulta. Hindi tuloy nila alam kung sila ay kukuha ng college entrance test o kung ano ang gagawing hakbang.

Tulad nang mga nakaraang taon, talagang mabagal ang paglabas ng resulta ng ALS A&E dahil na rin sa pagtsitsek ng sanaysay o essay ng nasabing pagsusulit. Isa pa, idinadaan sa isang bidding process kung sino ang magsasagawa ng pagtsitsek ng mga papel kung may sapat na itong pondo. Kadalasan naman ay nailalabas ang resulta bago magsimula ang pasukan.

Dahil dito, dapat magpraktis ang mga kumuha ng pagsusulit upang sa gayon ay makapasa sila sa mga college entrance test na kanilang haharapin. Gawing makabuluhan ang paghihintay dahil kung nakapasa man tayo sa ALS A&E ay baka naman bumagsak tayo sa test na ibibigay ng mga pamantasan at kolehiyo.