Showing posts with label A&E Test 2023-2024. Show all posts
Showing posts with label A&E Test 2023-2024. Show all posts

Sunday, October 8, 2023

May Alternative Learning System Accreditation & Equivalency (ALS A&E) Test ba ang ALS Batch 2023-2024?

Magkakaroon ba ng ALS A&E Test para sa ALS Batch 2023-2024? Ito ang katanungang namumutawi sa isipin ng mga ALS learners sa taong ito. Tatlong taon na kasing walang pagsusulit sa ALS dahil sa banta ng COVID-19. Ang pagbibigay ng katunayan o sertipiko ng pagtatapos ay ibinatay lamang sa Performance Portfolio ng mga mag-aaral at sa isinagawang sa oral and written test at panayam o interview. Ngayong maaari na ang face-to-face schooling, malaking porsyento na magkakaroon ng A&E test para sa Batch 2023-2024. Dahil dito, nararapat na paghandaang mabuti ng isang ALS learner ang pagsusulit na ito na maaaring isagawa sa ikalawang bahagi ng susunod na taon (2024). Kaya ngayon pa lang, hinihikayat na ang mga mag-aaral na pagbutihin ang pag-aaral at paghahanda sa nalalapit na 2024 A&E test.



Maraming reviewer ang makikita sa blog na ito. Ang mga tanong ay hinango sa mga naunang pagsusulit. May mga post din na natutungkol sa mga pinag-aaralan ng mga ALS learner. Maaari ring bisitahin ang channel ko sa Youtube para sa marami pang reviewer, tips, at guides para maging madali ang inyong pag-aaral sa ALS.

Heto ang link ng aking Youtube channel: SOLIDKaALS