This ALS A&E practice test for Learning Strand 1 - Communication Skills - Filipino is taken from the booklet of the Bureau of Alternative Learning as a reviewer for the 2025-2026 A&E Test - Elementary Level, tentatively scheduled on March 1, 2026 (now rescheduled on March 29, 2026.)
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.
1.
Ang pagputok ng Bulkang Taal ay nagdulot ng pighati sa marami dahil sa
pagkamatay ng mga hayop at halamang pinagkukunan nila ng pangkabuhayan. Alin sa sumusunod na
larawan ang nagpapakita ng damdaming angkop sa salitang may salungguhit?
2.
Naglalaro ng mga online game sina Ferdie at Ernie sa computer shop at inaabot sila ng hatinggabi. Sa oras ng klase, napapansin ng guro na hikab nang hikab si Ernie. Ayon sa kuwento,
bakit kaya siya inaantok?
(A)
Nanonood pa siya ng TV matapos mag-aral.
(B)
Naglalaro
pa rin siya sa pagdating
ng bahay.
(C)
Nagawa niya ang lahat ng mga takdang-aralin.
(D)
Nagpupuyat
siya sa paglalaro ng mga online game.
Para sa bilang 3
Masigasig
si Vicky sa pag-aaral dahil pangarap niyang maging guro. Nang magkasakit
ang kaniyang tatay, napilitan siyang huminto sa pag-aaral. Isang araw, may
nagkuwento sa kaniya tungkol sa libreng edukasyon, kaya siya ay nagkaroon
ng interes dito. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral habang siya ay
naghahanapbuhay.
3.
Batay sa
binasa, alin sa sumusunod ang pinakamagandang mangyayari kay Vicky?
(A)
Maghahanapbuhay siya upang ipagamot
ang tatay.
(B)
Magpapatuloy
siya sa pag-aaral at paghahanapbuhay.
(C)
Makapagtatapos siya ng pag-aaral at magiging isang guro.
(D)
Mapaglalaanan niya ng panahon
ang pag-aalaga sa kaniyang
tatay.
Si
Brenda ay tinulungan ng kanyang tiya upang makapag-aral, ngunit hindi ito
sapat para sa kanyang mga pangangailangan. Nagtinda siya ng mga pagkain sa
kanilang klase at tumutulong din sa tindahan ng kanyang tiya. Pursigido
siyang makapagtapos ng pag-aaral.
4.
Alin sa sumusunod
ang dapat gawin ni
Brenda?
(A)
Magsisikap
sa pag-aaral.
(B)
Kusang-loob na tutulong sa tiya.
(C)
Magsisipag
magtinda ng pagkain.
(D)
Aayusin ang iskedyul
ng mga gawain.
Para sa bilang 5
|
Laging
pinapaalalahanan si Impeng Negro ng kanyang ina na huwag makipag-away.
Subalit palaging tinutukso siya ni Ogor, na pinagtatawanan ang kanyang
maitim na balat, kulot na kulot na buhok, at sarat na ilong. Karaniwang
ito ang nagiging sanhi ng kanilang pag-aaway. Minsan, nagdilim ang kanyang
paningin sa galit at nauwi ito sa matinding away, kung saan napabagsak
niya si Ogor. |
5.
Batay sa binasa,
alin sa sumusunod ang
pinakaangkop na gagawin
ni Impen?
(A)
Isumbong si Ogor sa ina nito.
(B)
Pagtaguan na lamang
si Ogor.
(C)
Huminahon
at makipagbati na kay Igor.
(D)
Isumbong si Ogor sa
kapitan ng barangay.
6. Alin sa sumusunod
ang higit na magandang estilo
sa pagsulat ng kuwento?
(A)
Gawing detalyado ang kuwento.
(B)
Magsimula sa magandang bahagi.
(C)
Simulan sa paglalaban at tunggalian.
(D)
Magbalik-tanaw para mapag-ugnay ang mga pangyayari
Para sa bilang 7
|
Nilustay ni Edward ang perang pinaghirapan ng
kanyang mga magulang. Dahil sa labis na sama ng loob, inatake sa puso ang
kanyang ama at namatay. Itinakwil siya ng kanyang galit na mga kapatid,
habang labis itong ikinalungkot ng kanyang ina. |
7. Kung hihingi ng tawad si Edward, ano ang malamang
na mangyayari?
(A)
Kamumuhian
pa rin siya ng mga kapatid.
(B)
Patatawarin
agad siya ng kaniyang mga kapatid.
(C)
Makikiusap
ang nanay niya na tanggapin siya ng mga kapatid.
(D)
Patatawarin
siya ngunit hindi siya patitirahin sa kanilang bahay.
Para sa bilang 8
|
Ang Matsing at ang
Pagong A Philippine Folk Tale by
Jose Rizal Noong
una, magkaibigan sina Matsing at Pagong. Isang araw, may nakita silang
puno ng saging na lumulutang sa tubig. Nagpasiya silang hatiin ito sa
dalawa upang itanim. Kinuha ni Matsing ang itaas na bahagi, habang napunta
kay Pagong ang ibabang bahagi. Nabuhay ang saging ni Pagong, ngunit
namatay ang kay Matsing. |
8.
Kung hindi naging tuso si Matsing, ano kaya
ang magiging wakas ng kuwento?
(A)
Hindi na sila magbabati.
(B)
Mananatili
silang magkaibigan.
(C)
Iisipin ni Pagong na dayain si Matsing.
(D)
Hindi na nila hahatiin ang puno ng saging.
Para sa bilang 9
|
Si
Maria ay nabansagang 'Mariang Mapangarapin' dahil lagi siyang nakatingin sa
malayo na wari’y nangangarap. Isang araw, binigyan siya ng kanyang
manliligaw ng isang dosenang manok. Inalagaan niya ang mga ito hanggang sa
mangitlog. Nagpasya siyang ipagbili ang mga itlog sa bayan upang makabili
ng magarang kasuotan. Habang lumalakad siya nang pakendeng-kendeng at hindi
tumitingin sa daan, nahulog ang lahat ng itlog na kanyang sunong. |
9.
Kung siya’y hindi naging
mapangarapin, ano ang mangyayari sa kuwento?
(A)
Magiging malungkot ang buhay niya.
(B)
Tataas ang ambisyon
niya sa buhay.
(C)
Maibebenta
niya ang mga itlog at mabibili ang mga
pangangailangan.
(D) Bibigyan muli siya ng isang dosenang manok ng kanyang manliligaw
Para sa bilang 10
|
I |
II |
III |
|
balibol piko basketbol sipa |
sepak takraw
palo sebo sungka siyatong |
patintero luksong
tinik tumbang preso taguan |
10. Alin sa mga kahon sa itaas ang nagpapakita ng purong laro ng Lahing
Pilipino?
(A)
I lang
(B)
II lang
(C)
III lang
(D)
I at III lang
11.
Alin sa sumusunod
na pangungusap ang may mga salitang
magkasingkahulugan?
(A)
Mataas ang puno sa tabi ng matayog
na gusali.
(B)
Hawakan mo ang lubid at bibitiwan ko ang pinto.
(C)
Nasa kanan ang kusina, nasa gitna ang hagdanan.
(D)
Ang mga batang lalaki at babae ay nakapila sa tapat ng paaralan.
Para sa bilang 12
|
Araw ng Linggo. Ang
sabi ng nanay
sa mga anak
niyang sina Aubrey at
Lauren, “Maghanda na kayo at may lakad tayo.” __________ nilang pinuntahan ang hair salon
at nagpagupit. __________ kumain
sila sa isang restawran. Nasiyahan sila sa dami ng pagkain. __________,
nanood sila ng sine. Ang
__________ nilang ginawa ay namili ng kani-kanilang pangangailangan. Umuwi
silang masayang-masaya. |
12.
Alin sa sumusunod na salitang naghuhudyat ang angkop na gamitin upang maging maayos ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?
(A)
Pagkatapos,
una, sumunod, huli
(B)
Sumunod, una, pagkatapos, huli
(C)
Una, pagkatapos, sumunod,
huli
(D)
Una, sumunod, pagkatapos, huli
13.
Alin sa sumusunod
ang mga salitang magkasalungat?
(A)
malaki - masikip
(B)
mabagal - mabilis
(C) masarap – maasim
(D) marikit - masungit
Para sa bilang 14
Isa
sa mga sikat na anekdota ay ang isinulat ni Dr. Jose Rizal tungkol sa kanyang
tsinelas. Habang sakay siya ng bangka, nahulog sa ilog ang isa niyang tsinelas.
Itinapon din niya ang isa pang tsinelas sa ilog.
14.
Ano ang dahilan
kung bakit naisipan ni Dr.
Jose Rizal na itapon na rin ang kapares ng tsinelas na nahulog?
(A)
Upang bilhan siya ng bago
(B)
Dahil magagalit ang nanay niya
(C)
Dahil hindi na niya magagamit
ang naiwang kapares
(D)
Upang magamit ito ng kung sino mang makapupulot nito
Para sa bilang 15
15.
Batay sa pictograph na
makikita sa itaas, anong mga taon ang may
magkaparehong dami ng nabentang sasakyan?
(A)
2015 at 2017
(B)
2016 at 2018
(C)
2017 at 2018
(D)
2018 at 2019
Para sa bilang 16
Bata
pa si Marcelito Pomoy nang iniwan siya ng kanyang ina at makulong ang kanyang
ama. Inampon siya ng isang pulis, ngunit nagdanas siya ng hirap sa kanyang
paglaki at natuto ng iba't ibang trabaho. Nang matuklasan niya ang kanyang
talento sa pag-awit, dito nagsimula ang pagbabago ng kanyang buhay. Hindi man
siya nagwagi sa Talentadong Pinoy, nagwagi naman siya sa Pilipinas Got Talent,
na nagbigay katuparan sa kanyang pangarap na makilala sa larangan ng pag-awit.
16. Alin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ni Marcelito?
(A)
Nang ampunin sila ng isang
pulis.
(B)
Nang iwanan sila ng kanilang
ina.
(C)
Nang sumali siya sa Talentadong Pinoy.
(D)
Nang maging kampeon
siya sa Pilipinas
Got Talent.
Para sa bilang 17
Pagmasdan
ninyo ang munting papel na umalipin sa ating lahat sa mahabang panahon.
Kailangan na nating wakasan ang ilang daang taong pananakop ng mga Kastila.
Punitin nating lahat ang ating mga sedula!
17.
Ang pahayag na ito ay naganap sa isang
malaking pagtitipon ng mga Katipuneros sa Pugad
Lawin noon 1896.
Sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang mabilis na paraan upang maipahayag ng mamamayan ang pagnanais na ipaglaban ang mga karapatan?
(A)
Paglahok sa mga rally.
(B)
Paggamit ng social media.
(C)
Pagpapadala
ng sulat sa kinauukulan.
(D)
Pakikipagdebate ukol sa mga patakarang tinututulan.
Para sa bilang 18
Naging
Sultan si Pilandok
Naghimagsik
siya laban sa kanyang Sultan kaya ipinakulong siya at ipinatapon sa gitna ng
dagat. Nagulat ang Sultan nang makitang muli si Pilandok na magara ang kasuotan
at hawak ang makinang na espada. Hindi siya namatay; tinulungan siya ng kanyang
mga ninuno at binigyan siya ng mga kayamanan mula sa ilalim ng dagat. Humiling
ang Sultan kay Pilandok na isama siya roon. Nagkasundo sila na walang makaaalam
ng kanilang plano. Bilang kapalit, ipinagkaloob ng Sultan kay Pilandok ang
korona, singsing, at espada. Nagpatapon ang Sultan sa gitna ng dagat at
namatay. Mula noon, si Pilandok na ang naging Sultan.
18. Batay sa kuwento, ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa ibaba?
|
6 |
Nagpatapon ang Sultan sa dagat. |
|
5 |
Ipinakulong at ipinatapon si Pilandok. |
|
4 |
Namatay ang Sultan. |
|
3 |
Naging Sultan
si Pilandok. |
|
2 |
Naghimagsik si Pilandok sa Sultan. |
|
1 |
Nagkasundo si Pilandok at ang Sultan. |
(A)
1, 4, 3, 2, 6, 5
(B)
2, 5, 1, 6, 4, 3
(C)
2, 5, 6, 4, 1, 3
(D)
3, 5, 1, 4, 6, 2
Para sa bilang 19
|
Ang
dengue ay isang delikadong sakit na dulot ng lamok na tinatawag na Aedes
Aegypti. Lahat ng tao ay maaaring mabiktima ng sakit na ito. Upang maiwasan
ito, siguraduhing walang naimbak na tubig sa mga kanal at mga lalagyan na
walang takip |
19.
Alin sa sumusunod ang sumusuporta sa talata?
(A)
Huwag gumamit ng mga bagay
na ginamit ng biktima nito.
(B)
Gumamit ng face mask upang hindi
mahawa sa may dengue.
(C)
Uminom ng mga halamang herbal
upang labanan ang dengue.
(D)
Iwasang magkaroon
ng imbak na tubig sa mga kanal at mga basyong lalagyan.
Para sa bilang 20
"Wala
kang utang na loob, Leo! Ibinigay ko sa iyo ang lahat. Kinupkop kita sa aking
pamamahay at itinuring kitang tunay na kapatid. Tapos, ganito pa ang gagawin
mo! Kung alam ko lang, hindi na sana kita tinulungan!”
20.
Alin sa
sumusunod ang tamang karugtong ng pahayag na ito upang maipakita ang iyong
pag-unawa at pagpapakita ng saloobin ng tauhan batay sa pangyayari?
(A)
Inamo siya ni Leo.
(B)
Pinalayas niya si Leo.
(C)
Ipinakulong
siya ni Leo.
(D)
Pinalipat niya ng tirahan si Leo.
Para sa bilang 21
Bagama't
may naidudulot na kaginhawahan ang makabagong teknolohiya, maaari rin itong
magdulot ng mga negatibong epekto. Nakaaapekto ito sa kalusugan kung labis ang
paggamit, ngunit nagiging posible ang ugnayan kahit gaano man kalayo ang mga
tao sa isa't isa.
21.
Ano ang maaaring
pamagat sa talatang
ito?
(A)
Teknolohiya:
Kaibigan Ka Ba?
(B)
Teknolohiya:
Ikaw ang May Sala
(C)
Teknolohiya:
Pampaginhawa ng Buhay
(D)
Teknolohiya:
Positibo at Negatibong Dulot Nito
22.
Tuwing umaga, dahan-dahang dinidilig ni Kyle
ang mga tanim na orchids ng kaniyang
ina. Tuwang-tuwa ang mag-anak na nagkukuwentuhan sa hardin habang pinagmamasdan ang
pamumulaklak ng mga ito.
Alin sa sumusunod
na pangkat ng mga salita
ang nagsasabi ng paraan,
panahon at lugar?
(A)
dahan-dahang
dinilig ang orchids
tuwing umaga
sa hardin
(B)
habang pinagmamasdan
dahan-dahang dinidilig
tuwing umaga
(C)
orchids
habang pinagmamasdan
tuwang-tuwa
ang mga mag-anak
(D)
tuwang-tuwa
ang mag-anak
dahan-dahang dinidilig
habang pinagmamasdan
23.
Alin sa sumusunod
ang nagpapahayag ng katotohanan?
(A)
Ang bato ay matigas.
(B)
Bubuhatin
ko ang buwan.
(C)
Nais kong magkaroon
ng anghel sa tahanan.
(D)
Mas ligtas kang sumakay sa jeep kaysa sa motor.
Para sa bilang 24
|
“Di ako kumakain ng bigas, Major. Sinasaing ko
muna para maging kanin.” (Hango sa pelikulang “Batas sa Aking Kamay (1987)) |
24.
Batay sa
pahayag sa itaas, anong
estilo ng diyalogo
ang ginamit?
(A)
Eupemistiko
- katotohanan
(B)
Matalinghaga
- may lalim ang kahulugan
(C)
Pormal - angkop sa mga bata, gamit
ng guro
(D)
Bulgar - usapang
kalye, balbal, di-katanggap-tanggap
25.
Namiyesta si Grace. Naikuwento sa kaniya ang ginawang paghahanda
bago magpiyesta. Kung si
Grace naman ang magsasalaysay, alin sa sumusunod na pahayag ang may tamang gamit ng pandiwa?
(A)
Magpapasalamat sa lahat noong piyesta.
(B)
Nagkabit ng
mga palamuti bago magdiwang.
(C)
Maghahanda
ng pagkain pagkaraan ng piyesta.
(D)
Nagwawalis
ng kalsada nang nakaraang pagdiriwang.
26.
Alin sa sumusunod na bahagi ng isang ulat ang katanggap-tanggap?
(A)
Ayon sa mga awtoridad ……………
(B)
Usap-usapan
sa may kanto ……………
(C)
May hinala ang kinauukulan ……………
(D)
Ipinalalagay
ng mga imbestigador ……………
27.
Unang lumabas ang sikat na music video na
“Tala”
ni Sarah Geronimo
noong 2016. Subalit di ito napansin ng marami. Makalipas ang tatlong
taon, nagbalik at lumikha ito ng ingay sa social media matapos gawan ito ng “dance challenge”.
Alin sa sumusunod ang mensahe ng binasa sa itaas?
(A)
Ilan lamang ang pumansin dito.
(B)
Gumawa si Sarah ng bagong music video.
(C)
Matabang ang pagtanggap dito ng mga tao.
(D)
Sumikat din ang music video ni
Sarah na “Tala”.
=========
MGA SAGOT
