Monday, January 5, 2026
Sample 2025 ALS A&E Test for March 1, 2026
ALS A&E Test on March 1, 2026
Ready na ba ang lahat sa nalalapit na Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency (A&E) Test na gaganapin sa March 1, 2026?
Kung hindi pa, ipagpatuloy lamang ang pagre-review gamit ang mga review materials na nasa site na ito o kaya ay sa aking YouTube channel na SOLID Ka-ALS. Tiyak na magiging madali ang inyong pagrerepaso kapag inaaral ang aking mga reviewer dahil magiging pamilyar kayo sa istilo at anyo ng mga tanong sa aktwal na A&E Test.
Ipapaalala ko lang na hindi mismo eksaktong tanong ang nasa aking reviewer kundi ito ay mga gabay o halimbawa lamang subalit katulad nito ang mga topics o aralin na maaaring lumabas sa eksamin. Alamin at pag-aralan ang mga basic operations at rules sa Mathematics at English at mga general facts and knowledge sa Science upang maging mas malaki ang tsansa na makapasa sa pagsusulit na ito.
Good luck sa pag-aaral at pagre-review mga Ka-ALS!
