Showing posts with label 2024-2025 A&E Test Passers. Show all posts
Showing posts with label 2024-2025 A&E Test Passers. Show all posts

Tuesday, February 25, 2025

2024-2025 A&E Test Passers

Matapos ang 2024 A&E Test noong January 26, 2025 para sa Luzon cluster at noong February 2, 2025 para sa Visayas at Mindanao clusters, hinihintay ngayon ng mga ALS learners na kumuha ng pagsusulit kung kailan ilalabas ang mga pangalan ng mga pumasa.





Kung pagbabasehan ang mga nakaraang karanasan sa paglabas ng mga A&E test results, hindi kukulangan sa tatlong buwan bago ito lumabas. Kung gayon, maaaring lumabas ang resulta ng pagsusulit sa  Mayo 2025 o maaari pang abutin ng Hunyo 2025. Ito ay sa dahilan, na matapos ma-check ang mga papel ay gagawa pa ng A&E Certificate of Rating upang ipamigay sa mga pumasa o hindi pumasa. Nakalagay sa katunayang ito ang anim na Learning Strands at ang marka sa mga ito.

Hintayin lamang sa pahinang ito ang listahan ng 2025 A&E Test Results kapag ito ay lumabas na mula sa Department of Education.