Showing posts with label ALS Reviewer Life and Career Skills. Show all posts
Showing posts with label ALS Reviewer Life and Career Skills. Show all posts
Monday, December 16, 2024
Sunday, July 12, 2020
2020 AERT REVIEWER - Life and Career Skills
Learning Strand 4 – Life and Career Skills
PANUTOI: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.
Pangarap ni Mandy ang maging arkitekto sa kanilang lugar. Sa susunod na pasukan
ay mag-aaral na siya ng Senior High School. Anong track ang dapat niyang kunin?
A.
Academic
B.
Sports
C.
Technical-Vocational-Livelihood
D. Arts
& Design
2. Mag-aaral
ng Senior High School si Maricar at kasalukuyang nakatala sa Academic Track ng
kanilang paaralan. Dahil hindi pa niya alam ang kursong kukunin sa kolehiyo ay
kinuha niya ang ABM strand. Tama ba ang kaniyang naging desisyon?
A. Oo,
dahil mataas ang sahod ng isang CPA.
B. Oo,
dahil baka magustuhan niya ang maging CPA, magtrabaho sa banko o mahilig sa
pagnenegosyo.
C.
Mali, dahil dapat ay General Academic ang kinuha niyang strand.
D. Mali,
dahil hindi ito kaya ng kanyang utak.
3. Ano
ang hindi mo dapat isaalang-alang kung papasok ka bilang isang empleyado o
trabahador sa unang pagkakataon?
A. kakayahan
at kasanayan
B.
limitasyon, kahinaan, at kapansanan
C.
sahod at layo ng papasukan
D. hirap
ng trabaho
4. Nagtapos
ng inhenyeriya si Reycar at nagbabalak na pumasok ng trabaho. Ano ang una
niyang dapat gawin?
A.
Gumawa ng liham sa pag-aaplay
B.
Bumili ng pahayagan at tumingin ng bakanteng trabaho sa anunsyo-klasikipikado
C.
Gumawa ng bio-data o resume’
D. Maghanda
sa interbyu
5. Upang
makapagpatayo ng isang negosyo, anong dokumento ang unang dapat kunin?
A.
barangay clearance
B.
cedula
C.
pangalan ng negosyo (business name) mula sa DTI
D. permiso
mula sa munisiplyo o mayor’s permit
6.
Hinihikayat ka ng iyong kasamahan sa trabaho na sumapi sa isang unyon. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Agad
itong tanggihan upang hindi ka mapag-initan ng may-ari.
B.
Sumapi ng may pag-aalinlangan upang hindi layuan ng mga katrabaho.
C.
Alamin ang mga adhikain, responsibilidad at benepisyo ng unyon bago sumapi o
tumanggi.
D.
Huwag sumapi dahil labag ito sa batas sa paggawa.
7.
Napansin mong nilalayuan ka ng mga dati mong kasamahan magmula ng itaas ka ng
posisyon sa kumpanya. Paano mo ito bibigyan ng solusyon?
A.
Huwag silang pansinin.
B.
Dapat lamang na iba na ang turing nila sa iyo.
C.
Lumipat ng trabaho.
D.
Kausapin sila at alamin ang dahilan.
8. Mula
sa paisa-isang bilao ng puto at kutsinta ay naragdagan ang bilang ng order ni
Aling Lucy mula sa isang pamosong kainan. Ano ang maimumungkahi mo sa kanya?
A.
Dagdagan ang pampaalsa upang lumaki ang nilulutong produkto.
B.
Magdagdag ng tauhan upang matugunan ang order.
C.
Bawasan ang mga sangkap upang lumaki ang tubo.
D.
Humango ng puto at kutsinta sa mga kakumpetensiya upang matugunan ang order.
9. Sa
pagtatayo ng negosyo sa isang pamayanan, ano ang unang dapat isaalang-alang?
A. Ang produkto
at ang pangangailangan nito ng komunidad
B. Ang
suplay ng mga materyales na gagamitin
C. Ang puhunan
at ang tagal ng pagbalik nito
D. Ang
tutubuin sa pagnenegosyo
10.
Isang uri ng pangangalakal kung saan hindi alintana ang pagbabayad ng buwis sa
pamahalaan.
A.
nag-iisang pagmamay-ari
B.
sosyohan
C.
korporasyon
D.
kooperatiba
11.
Natuklasan mo sa pinapasukang kumpanya na hindi ito sumusunod sa tamang timpla
ng produkto na itinalaga ng batas. Ano ang una mong dapat gawin?
A.
Ipaalam sa iyong asawa ang iyong natuklasan.
B.
Ipaalam sa DTI ang iyong natuklasan.
C.
Hingan ng paliwanag ang iyong superbisor bago gumawa ng susunod na aksyon.
D.
Magsawalang-kibo nang hindi mawalan ng trabaho.
12.
Bilang isang may-ari ng negosyo, ano ang iyong gagawin kay Marciano na masipag
subali’t malimit na magkamali sa paggawa ng produkto?
A.
Bigyan ng huling abiso at sisantihan kapag umulit.
B.
Sanayin siyang muli.
C. Huwag
nang pansinin dahil sa kanyang kasipagan.
D.
Ibawas sa kanyang sahod ang bawat maling produkto.
13.
Bagong lipat ka sa pamayanan at napansin mong maraming puno ng sasa o nipa ang
tumutubo sa gilid ng ilog. Anong negosyo ang HINDI angkop sa lugar na iyon?
Paggawa ng _____.
A. kulambo
B. suka
C. tuba
D.
pawid
14.
Ipinaalam ni Mang Damian sa pinapasukang kumpanya na siya ay may malubhang
karamdaman. Binigyan ng karampatang benebisyo si Mang Damian at saka tinanggal
sa trabaho. Tama ba ang naging desisyon ng kumpanya?
A. Oo,
kung papayag si Mang Damian.
B. Oo,
kung ang kanyang karamdaman ay lalampas ng anim na buwan na gamutan at/o wala
ng lunas.
C.
Hindi, dahil labag ito sa batas sa paggawa.
D.
Hindi, dahil maraming umaasa kay Mang Damian.
15.
Tumaas ang palitan ng piso sa dolyar. Ano ang HINDI magandang magiging epekto
nito?
A.
Madaragdagan ang ipinadadalang pera ng mga OFW.
B. Tataas
ang ating importasyon ng mga produkto mula sa ibang bansa.
C. Tataas
ang eksportasyon ng ating mga produkto sa ibang bansa.
D. Tataas
ang halaga ng ating utang-panlabas.
SAGOT
Posted by
Ponciano Santos
at
5:12 PM
Subscribe to:
Posts (Atom)