Showing posts with label 2024 ALS Reviewer Understanding The Self Elementary. Show all posts
Showing posts with label 2024 ALS Reviewer Understanding The Self Elementary. Show all posts

Monday, December 16, 2024

2024 A&E Practice Test –Elementary Level - LS 5 - Understanding The Self and Society

 This A&E Practice Test for the 2024 Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) Test is taken from the Bureau of Alternative Education (BAE). The test is tentatively scheduled on January 26, 2025 for Luzon cluster and on February 2, 2025 for Visayas and Mindanao clusters. No copyright infringement intended.




Direction: Choose the letter of the correct answer.

1.      Iba-iba ang ikinabubuhay ng mga Pilipino. Kadalasan, iniaangkop nila ito sa kung saan sila nakatira. Kung sa mga lugar na malapit sa dagat, pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay, ano naman sa kapatagan?

 

(A)         pananahi at paghahabi

(B)         pagtotroso at pagmimina

(C)         pagtatanim at paghahayupan

(D)         pag-uukit at pagmumuwebles


2.      Anong uri ng klima ang naaangkop sa pagpaparami ng kalabaw at palay?

 

(A)         Unang uri - kalahating taon ang tag-araw at kalahating taon ang tag-ulan

(B)         Ikalawang uri - umuulan sa buong taon

(C)         Ikatlong uri - maulan at may maikling panahon ng tag-araw

(D)         Ikaapat na uri - pantay-pantay ang paghahati ng ulan at tag-araw sa buong taon


3.      Madalas higit na tinatangkilik ng mga Pilipino, lalo na ng mga maykaya, ang mga gawa sa ibang bansa. Ito ay isang halimbawa ng colonial mentality. Sa kabila nito, marami pa rin namang Pilipino ang nagpapahalaga sa mga produktong lokal.

 

Ano ang maaaring maging epekto ng colonial mentality sa ekonomiya ng bansa? Isang sitwasyon na nagpapakita ng sanhi at epekto.

 

(A)         May bibili pa rin ng mga produktong lokal.

(B)         Magbabawas ng mga tauhan ang mga pabrika.

(C)         Mawawalan na ng mamumuhunan para sa mga produktong lokal.

(D)         Madaragdagan ang dami ng produktong angkat mula sa ibang bansa.


4.      Alin sa mga imprastraktura ang kabilang sa “Build Build Project” ng gobyerno?

 

(A)         city hall, plaza, mall, casino

(B)         paliparan, kalye, tulay, parke

(C)         city hall, katedral, parke, casino

(D)         paliparan, simbahan, kalye, mall


5.      Nagbigay ng libreng konsultasyon sa mata para sa mga taga-Barangay Maligaya ang gobernador ng lalawigan, bilang bahagi ng kanilang Oplan Paglilingkod.

 

Alin sa sumusunod na dahilan ang nagsasabing maaaring magpatala si Joma para sa nasabing proyekto?

 

(A)         May diperensiya siya sa mata.

(B)         Sa Barangay Maligaya siya nakatira.

(C)         Ang trabaho niya ay nasa Barangay Maligaya.

(D)         Hindi niya kayang magbayad ng konsultasyon.


6.      Bukod sa pagsusulat at pagpipinta, alin sa sumusunod ang maaaring magpakita ng pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng Pilipino?

 

(A)         Pagtatanghal ng makabagong sayaw

(B)         Pagpapakita ng katutubong sayaw at awiting bayan

(C)         Pagdaraos ng konsiyerto na mga dayuhan ang mga mang-aawit

(D)         Pagdaraos ng fashion show ng mga makabagong moda ng damit


7.      Nasa wastong gulang na si Ana at nais niyang magkaroon ng sariling bahay at lupa. Bilang miyembro, lumapit siya sa Pag-IBIG upang kumonsulta tungkol sa mga pabahay na malapit sa kanilang lugar. Makalipas ang isang taon ay hawak na niya ang susi ng kaniyang nabiling bahay.

 

Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng karapatan ni Ana?

 

(A)         Magkaroon ng maraming pera.

(B)         Maging miyembro ng Pag-IBIG.

(C)         Magkaroon ng susi ng kaniyang bahay.

(D)         Magkaroon ng ari-arian tulad ng bahay at lupa.


8.      Sa Republic Act 8491 nakasaad ang tamang pangangalaga at pag-iingat sa ating pambansang watawat. Si Mark ay isang Boy Scout at naatasan siyang alisin at palitan na ang luma at sirang watawat. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagliligpit ng lumang watawat?

 

1.      Kolektahin ang abo at ilagay sa kahon.

2.      Tiklupin ang watawat at ilagay sa kawang may apoy.

3.      Ilagak ang abo sa burial plot.

4.      Awitin ang pambansang awit habang nasusunog ang watawat.


(A)         2, 3, 4, 1

(B)         2, 4, 1, 3

(C)         4, 1, 2, 3

(D)         4, 3, 1, 2


9.      Alin sa sumusunod ang tamang solusyon sa problema ng sobrang pag-uukol ng oras sa online game?

 

(A)         Huwag nang bigyan ng gadyet ang mga anak.

(B)         Pagbawalan ang mga anak na maglaro ng online game.

(C)         Dagdagan ang panahong ginugugol ng anak sa paglalaro ng online game.

        (D)     Magkaroon ng alituntunin ang bawat magulang sa paglalaro ng online game ng kanilang mga anak.


10.      Si Malou, isang taga Bohol, ay naatasang maging tourist guide sa isang pamilyang banyaga. Nais nilang pasyalan at makita ang mga likas at magagandang tanawin sa kaniyang probinsya.

 

Saan ipapasyal ni Malou ang mga turista?

 

(A)         Mt. Mayon

(B)         Chocolote Hills

(C)         Hundred Islands

(D)         Banawe Rice Terraces


11.      Dahil sa pakikipaglaban ng mga bayaning Pilipino sa mga Espanyol ay natutunan na nilang ipahayag ang kanilang mga sariling karapatan. Natuto na rin sila na pagyamanin ang kanilang mga kakayahan sa sariling paraan.

 

      Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na natutuhan ng mga Pilipino ang pagpapahayag ng kanilang mga karapatan?

 

(A)         Pagsunod sa lahat ng iniuutos ng batas.

(B)         Pagbuo ng unyon upang makapag-aklas.

(C)         Pagsama sa rally kahit hindi alam ang layunin.

(D)         Pakikipag-diyalogo ng mga manggagawa sa pamunuan.


Para sa bilang 12


1.      Naganap ang unang pagtaas nito sa Kawit, Cavite.

2.      Dinala ang iginuhit na disenyo kay Felipe Agoncillo.

3.      Ipinakita kay Aguinaldo ang bagong watawat.

4.      Dinisenyo ni Aguinaldo ang watawat.

5.      Tinahi ang watawat sa Hongkong.

 

12.      Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na kaugnay ng kasaysayan ng Pambansang Watawat ng Pilipinas?

 

(A)         1, 4, 2, 5, 3

(B)         1, 4, 5, 2, 3

(C)         4, 2, 5, 3, 1

(D)         4, 5, 3, 2, 1


13.      Isa sa mga karapatan ng mga Pilipino ay ang pagpili ng kandidatong nais ihalal sa posisyon sa pamahalaan. Si Rosa, isang 18 anyos na mag-aaral sa senior high school, ay nais magpatala sa COMELEC upang magamit ang kaniyang karapatan. Anong katibayan ang kaniyang dapat ipakita?

 

(A)         school ID at health ID

(B)         school ID at report card

(C)         school ID at birth certificate

(D)    school ID at social organization



 14.      Sa pamahalaang demokratiko, alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paraan ng pagtatalaga sa mamumuno ng bansa?

 

(A)         Idinadaan sa rally ang pagpili.

(B)         Pinipili at ibinoboto ng mamamayan.

(C)         Pinagpapasiyahan at itinatalaga ng kongreso.

(D)         Minamana ang panunungkulan mula sa magulang.


15.      Nagmamadali si Charles patungo sa botika, nang napadaan siya sa isang paaralan. Nakita niyang itinataas ang watawat habang tinutugtog ang pambansang awit.

 

Ano ang dapat gawin ni Charles para maipakita ang paggalang sa watawat?

 

(A)         Tatakbo siya para di maabala.

(B)         Hihinto at uupo siya sa gilid ng daan.

(C)         Hindi niya papansinin ang kaganapan.

(D)         Hihinto siya at hihintaying matapos ang pambansang awit.


16.      Ang “kariton klasrum” ay enobasyong ginawa ni Efren Peñaflorida upang maturuan ang mga batang lansangan. Dahil dito, nakilala siya at binigyan ng parangal ng CNN bilang “2009 CNN Hero of the Year”. Nagbigay rin ito ng karangalan sa Pilipinas.

 

Ang parangal na ito ay nagpapatunay na

 

(A)         sikat ang Pilipinas sa buong mundo

(B)         mahalaga sa Pilipinas ang edukasyon

(C)         ang mga Pilipino ay likas na mapamaraan

(D)         hindi hadlang ang kahirapan sa pagtatagumpay


17.      Napansin ni Mang Luis na nababawasan na ang pag-uusap nilang mag-anak. Mas madalas na sila’y nakatutok sa kani-kanilang gadget.

 

Alin sa sumusunod ang magiging palagay ni Mang Luis tungo sa paglutas ng problema?

 

(A)         Kung luma na ang gadyet, papalitan ito ng bago.

(B)         Kung tanggalin ang mga gadyet, dadalas ang pag-uusap ng pamilya.

(C)         Kung madalas nag-uusap ang pamilya, wala nang gagamit ng gadyet.

(D)         Kung may iskedyul ang paggamit ng gadget, magiging mas malimit ang pag-uusap ng pamilya.


18.      Si Art, bilang panganay na anak ng OFW ay naatasang magbantay sa kapatid na si Mar. Napansin ni Art ang sobrang pagkahilig ni Mar sa online game, dahilan kung bakit bumagsak ito sa unang markahan.

 

Bilang kuya, ano ang mabuting gawin ni Art upang matulungan si Mar?

 

(A)         Isumbong si Mar sa kanilang ina.

(B)         Pagalitan at huwag nang pansinin ang kapatid.

(C)         Payuhan ang kapatid at makipag-ugnayan sa guro.

(D)         Kumpiskahin ang gadget at bawasan ang ibinibigay na pera.


19.      Si Fatima ay pumasok sa klase na nakasuot ng hijab dahil iba ang kaniyang relihiyon. Alin sa sumusunod ang tamang reaksyon ng kaniyang mga kaklase sa kanya?

 

(A)         Huwag siyang pansinin.

(B)         Usisain tungkol sa suot niya.

(C)         Pagtawanan ang kasuotan niya.

(D)         Igalang ang kaniyang kakanyahan.


20.      Masinop at matipid na bata si Luisa. Pinahahalagahan at iniingatan niya ang mga gamit na bigay ng kaniyang mga magulang. Isang araw, hiniram ng mga kaklase ang mga bagong krayola niya. Nainis si Luisa nang makitang putol-putol na nang ibalik ito, ngunit kinausap pa rin niya ang mga ito at sinabi nang mahinahon na sana’y iningatan nila ang mga gamit.

 

      Alin sa mga ito ang nagpapakita na kaya ni Luisa na pigilin ang kaniyang emosyon?

 

(A)         Masinop at matipid siya.

(B)         Maingat siya sa kaniyang gamit.

(C)         Pinahalagahan niya ang kaniyang mga magulang.

(D)         Mahinahon niyang kinausap ang kaniyang mga kaklase.


21.      Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, nakipaglaban ang kilusang propaganda hindi sa pamamagitan ng dahas o armas kundi sa pamamagitan ng panulat. Dito namulat ang mga Pilipino na magkaisa upang matamo ang kalayaan.

 

Alin sa sumusunod ang nagpapakita na ang kilusang propaganda ay nakatulong sa mga Pilipino tungo sa kanilang kalayaan?

 

(A)         Nanindigan sila sa pamamagitan ng marahas na paraan.

(B)  Nagsawalang kibo sila sa mga pang-aabuso ng mga ilang namumuno.

(C)    Nabuksan ang kamalayan nila upang makilahok at manindigan laban sa katiwalian.

(D)    Pikit-mata silang sumang-ayon sa mga patakarang iilan lamang ang nakikinabang.


22.      Alin sa sumusunod na mga rehiyon sa Pilipinas ang may pinakamalawak na kapatagan?

 

(A)         Rehiyon I Ilocos Region

(B)         Rehiyon II Cagayan Valley

(C)         Rehiyon III Central Luzon

(D)    Rehiyon IVA CALABARZON


23.      Si Norie ay isang Pilipino dahil kapwa Pilipino ang kaniyang mga magulang. Si Joy ay hindi Pilipino kahit ipinanganak sa Pilipinas, dahil dayuhan ang parehong magulang. Si Frank ay isang dayuhan at sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas. Sa anong paraan magiging ganap na Pilipino si Frank?

 

(A)         naturalization

(B)         citizenship by blood

(C)         born within a country

(D)         citizenship by marriage


24.      Mula Hunyo hanggang Setyembre, tayo ay nakararanas ng maraming ulan na nagdudulot ng mga pagbaha sa maraming lugar ng ating bansa.

 

Ano ang dahilan nito?

 

(A)         Amihan

(B)         El NIño

(C)         Habagat

(D)         La Niña


25.      Nakipag-ugnayan si Kapitan Hulyo sa TESDA Training Center upang magsagawa sa kanilang barangay ng libreng pagsasanay sa welding at pagmamasahe. Pinagawa niya ng posters ang kaniyang mga kagawad at ipinalagay ang mga ito sa labas ng barangay.

 

      Maliban sa poster, ano pa ang maaaring gawin upang matiyak na ang impormasyon ay makararating sa bawat tahanan na pinakamaliit ang gagastusin?

 

(A)         Ipaanunsyo sa radyo.

(B)         Ipalabas sa telebisyon.

(C)         Magbahay-bahay ng pag-anunsyo.

(D)         Mag-ikot at mamigay ng mga flyer.


Para sa item 26


Barangay

Bilang ng Kabahayan

Layo ng Barangay sa Tapunan

Dalas ng Pangongolekta

Malamig

2,300

2.5 km

Lunes at Martes - Umaga at hapon

Ibaba

1,000

3 km

Martes at Huwebes - Umaga lamang

Barangka

735

5 km

Biyernes - Umaga at hapon

 




26.      Aling pahayag ang may kaugnayan sa mga datos na ipinakita sa itaas?

 

(A)         Ang layo ng barangay sa tapunan ang nagsasabi sa dalas ng pangongolekta ng basura.

(B)         Ang dalas ng pangongolekta ng basura ay nakaayon lamang sa dami ng kabahayan.

(C)         Ang dalas ng pangongolekta ng basura ay nakaayon sa bilang ng kabahayan at layo nito sa tapunan.

(D)         Ang malayong barangay na may kaunting kabahayan ay dapat mauna sa pangongolekta ng basura.


27.      Marami nang paraan ang isinagawa para mapataas ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa, ngunit waring kulang pa rin upang malutas ang problema.

 

Alin sa sumusunod ang dapat na unang gawin ng Kagawaran ng Edukasyon?

 

(A)         Pahabain pa ang oras ng pagtuturo.

(B)         Magpadala ng mga iskolar sa ibang bansa.

(C)         Mag-imbita ng mga eksperto mula sa ibang bansa.

(D)         Pag-aralan kung ano pa ang pagkukulang sa kalidad.



ANSWERS: