This A&E Practice Test for the 2024 Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) Test is taken from the Bureau of Alternative Education (BAE). The test is tentatively scheduled on January 26, 2025 for Luzon cluster and on February 2, 2025 for Visayas and Mindanao clusters. No copyright infringement intended.
1.
Iba-iba ang ikinabubuhay ng mga Pilipino. Kadalasan, iniaangkop nila ito sa kung
saan sila nakatira. Kung sa mga lugar na malapit sa dagat, pangingisda ang
pangunahing ikinabubuhay, ano naman sa kapatagan?
(A)
pananahi at paghahabi
(B)
pagtotroso
at pagmimina
(C)
pagtatanim
at paghahayupan
(D)
pag-uukit at pagmumuwebles
2.
Anong uri ng klima ang naaangkop sa pagpaparami ng kalabaw at palay?
(A)
Unang uri - kalahating taon ang tag-araw
at kalahating taon ang
tag-ulan
(B)
Ikalawang
uri - umuulan sa buong
taon
(C)
Ikatlong uri
- maulan at may maikling
panahon ng tag-araw
(D)
Ikaapat na uri - pantay-pantay ang paghahati ng ulan at tag-araw sa buong taon
3.
Madalas higit
na tinatangkilik ng mga Pilipino, lalo na ng mga maykaya, ang mga gawa sa ibang
bansa. Ito ay isang halimbawa ng colonial mentality. Sa kabila nito, marami pa
rin namang Pilipino ang nagpapahalaga sa mga produktong lokal.
Ano ang maaaring maging epekto ng colonial
mentality sa ekonomiya ng bansa? Isang sitwasyon na nagpapakita ng sanhi at
epekto.
(A)
May bibili pa rin ng mga produktong lokal.
(B)
Magbabawas
ng mga tauhan ang mga pabrika.
(C)
Mawawalan na ng mamumuhunan para sa mga produktong lokal.
(D)
Madaragdagan
ang dami ng produktong angkat mula sa ibang bansa.
4.
Alin sa mga imprastraktura ang kabilang sa “Build Build Project” ng gobyerno?
(A)
city hall, plaza, mall, casino
(B)
paliparan,
kalye, tulay, parke
(C)
city hall, katedral, parke, casino
(D)
paliparan,
simbahan, kalye, mall
5.
Nagbigay ng libreng
konsultasyon sa mata para sa mga taga-Barangay Maligaya ang gobernador ng lalawigan, bilang bahagi ng kanilang
Oplan Paglilingkod.
Alin sa sumusunod
na dahilan ang nagsasabing maaaring magpatala si Joma para sa nasabing proyekto?
(A)
May diperensiya siya sa mata.
(B)
Sa Barangay Maligaya
siya nakatira.
(C)
Ang trabaho niya ay nasa Barangay Maligaya.
(D)
Hindi niya kayang
magbayad ng konsultasyon.
6.
Bukod sa pagsusulat at pagpipinta, alin sa
sumusunod ang maaaring magpakita ng pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng
Pilipino?
(A)
Pagtatanghal
ng makabagong sayaw
(B)
Pagpapakita
ng katutubong sayaw at awiting
bayan
(C)
Pagdaraos ng konsiyerto na mga dayuhan
ang mga mang-aawit
(D)
Pagdaraos
ng fashion show ng mga makabagong moda ng damit
7.
Nasa wastong gulang na si Ana at nais niyang
magkaroon ng sariling bahay at lupa. Bilang miyembro, lumapit siya sa Pag-IBIG
upang kumonsulta tungkol sa mga pabahay na malapit sa kanilang lugar. Makalipas
ang isang taon ay hawak na niya ang susi ng kaniyang nabiling bahay.
Alin sa sumusunod
na pahayag ang nagpapakita ng karapatan ni Ana?
(A)
Magkaroon
ng maraming pera.
(B)
Maging miyembro ng Pag-IBIG.
(C)
Magkaroon
ng susi ng kaniyang bahay.
(D)
Magkaroon
ng ari-arian tulad ng bahay at lupa.
8.
Sa Republic Act 8491 nakasaad
ang tamang pangangalaga at pag-iingat sa ating
pambansang watawat. Si Mark ay isang Boy
Scout at naatasan siyang alisin at palitan
na ang luma at sirang watawat. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagliligpit ng lumang
watawat?
1. Kolektahin ang abo at ilagay sa
kahon.
2. Tiklupin ang watawat
at ilagay sa kawang may apoy.
3. Ilagak ang abo sa burial
plot.
4. Awitin ang pambansang awit habang nasusunog
ang watawat.
(A)
2, 3, 4, 1
(B)
2, 4, 1, 3
(C)
4, 1, 2, 3
(D)
4, 3, 1, 2
9.
Alin sa
sumusunod ang tamang solusyon sa problema ng sobrang pag-uukol ng oras sa online game?
(A)
Huwag nang bigyan
ng gadyet ang mga anak.
(B)
Pagbawalan
ang mga anak na maglaro
ng online game.
(C)
Dagdagan ang panahong
ginugugol ng anak sa paglalaro
ng online game.
(D) Magkaroon ng alituntunin ang bawat magulang sa paglalaro ng online game ng kanilang mga anak.
10.
Si Malou, isang taga Bohol, ay naatasang
maging tourist guide sa isang
pamilyang banyaga. Nais nilang pasyalan at makita ang mga likas at magagandang
tanawin sa kaniyang probinsya.
Saan ipapasyal ni Malou ang mga turista?
(A)
Mt. Mayon
(B)
Chocolote Hills
(C)
Hundred Islands
(D)
Banawe Rice Terraces
11.
Dahil sa pakikipaglaban ng mga bayaning
Pilipino sa mga Espanyol ay natutunan
na nilang ipahayag ang kanilang mga sariling karapatan. Natuto na rin sila na
pagyamanin ang kanilang mga kakayahan sa sariling paraan.
Alin sa sumusunod
ang nagpapatunay na natutuhan ng mga Pilipino
ang pagpapahayag ng kanilang mga karapatan?
(A)
Pagsunod sa lahat
ng iniuutos ng batas.
(B)
Pagbuo ng unyon
upang makapag-aklas.
(C)
Pagsama sa rally kahit hindi alam ang layunin.
(D)
Pakikipag-diyalogo ng mga manggagawa sa pamunuan.
Para sa bilang 12
1. Naganap ang
unang pagtaas nito
sa Kawit, Cavite. 2. Dinala ang
iginuhit na disenyo kay Felipe Agoncillo. 3. Ipinakita kay
Aguinaldo ang bagong watawat. 4. Dinisenyo ni
Aguinaldo ang watawat. 5. Tinahi ang watawat sa Hongkong. |
12.
Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na kaugnay ng kasaysayan
ng Pambansang Watawat ng Pilipinas?
(A)
1, 4, 2, 5, 3
(B)
1, 4, 5, 2, 3
(C)
4, 2, 5, 3, 1
(D)
4, 5, 3, 2, 1
13.
Isa sa mga karapatan ng mga Pilipino ay ang
pagpili ng kandidatong nais ihalal sa posisyon sa pamahalaan. Si Rosa, isang 18 anyos na mag-aaral sa senior high school, ay nais magpatala sa COMELEC
upang magamit ang kaniyang karapatan. Anong katibayan ang kaniyang dapat
ipakita?
(A)
school ID at health ID
(B)
school ID at report card
(C)
school ID at birth certificate
(D) school ID at social organization
14. Sa pamahalaang demokratiko, alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paraan ng pagtatalaga sa mamumuno ng bansa?
(A)
Idinadaan
sa rally ang pagpili.
(B)
Pinipili at ibinoboto ng mamamayan.
(C)
Pinagpapasiyahan at itinatalaga ng kongreso.
(D)
Minamana ang panunungkulan mula sa magulang.
15.
Nagmamadali si Charles patungo sa botika,
nang napadaan siya sa isang paaralan. Nakita niyang itinataas ang watawat
habang tinutugtog ang pambansang awit.
Ano ang dapat
gawin ni Charles
para maipakita ang paggalang sa watawat?
(A)
Tatakbo siya para di maabala.
(B)
Hihinto at uupo siya sa gilid ng
daan.
(C)
Hindi niya papansinin ang kaganapan.
(D)
Hihinto siya at hihintaying matapos
ang pambansang awit.
16.
Ang “kariton klasrum” ay enobasyong ginawa ni
Efren Peñaflorida upang maturuan ang mga batang lansangan. Dahil dito, nakilala
siya at binigyan ng parangal ng CNN bilang “2009 CNN Hero of the Year”.
Nagbigay rin ito ng karangalan sa Pilipinas.
Ang parangal na ito ay nagpapatunay na
(A)
sikat ang Pilipinas
sa buong mundo
(B)
mahalaga sa Pilipinas ang edukasyon
(C)
ang mga Pilipino
ay likas na mapamaraan
(D)
hindi hadlang ang kahirapan sa pagtatagumpay
17.
Napansin ni Mang Luis na nababawasan na ang
pag-uusap nilang mag-anak. Mas madalas na sila’y nakatutok sa kani-kanilang gadget.
Alin sa sumusunod ang magiging palagay
ni Mang Luis tungo sa paglutas ng problema?
(A)
Kung luma na ang gadyet,
papalitan ito ng bago.
(B)
Kung tanggalin ang mga gadyet,
dadalas ang pag-uusap ng pamilya.
(C)
Kung madalas nag-uusap
ang pamilya, wala nang gagamit
ng gadyet.
(D)
Kung may iskedyul
ang paggamit ng gadget,
magiging mas malimit ang
pag-uusap ng pamilya.
18.
Si Art, bilang
panganay na anak ng OFW ay
naatasang magbantay sa kapatid na si Mar. Napansin ni Art ang sobrang
pagkahilig ni Mar sa online game,
dahilan kung bakit bumagsak ito sa unang markahan.
Bilang kuya, ano ang mabuting
gawin ni Art upang matulungan si Mar?
(A)
Isumbong si Mar sa kanilang
ina.
(B)
Pagalitan
at huwag nang pansinin ang kapatid.
(C)
Payuhan ang kapatid
at makipag-ugnayan sa guro.
(D)
Kumpiskahin
ang gadget at bawasan
ang ibinibigay na pera.
19.
Si Fatima ay pumasok sa klase na nakasuot ng
hijab dahil iba ang kaniyang relihiyon. Alin sa sumusunod ang tamang reaksyon
ng kaniyang mga kaklase sa kanya?
(A)
Huwag siyang pansinin.
(B)
Usisain tungkol sa suot niya.
(C)
Pagtawanan
ang kasuotan niya.
(D)
Igalang ang kaniyang
kakanyahan.
20.
Masinop at matipid
na bata si Luisa. Pinahahalagahan at iniingatan niya ang mga gamit
na bigay ng kaniyang
mga magulang. Isang araw,
hiniram ng mga kaklase ang mga bagong krayola niya. Nainis si Luisa nang makitang putol-putol na nang ibalik ito,
ngunit kinausap pa rin niya ang mga ito at sinabi nang mahinahon na sana’y
iningatan nila ang mga gamit.
Alin sa mga ito ang nagpapakita na kaya ni Luisa na pigilin ang kaniyang
emosyon?
(A)
Masinop at matipid
siya.
(B)
Maingat siya sa kaniyang gamit.
(C)
Pinahalagahan niya ang kaniyang
mga magulang.
(D)
Mahinahon niyang kinausap
ang kaniyang mga kaklase.
21.
Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila,
nakipaglaban ang kilusang propaganda hindi sa pamamagitan ng dahas o armas kundi
sa pamamagitan ng panulat. Dito namulat ang mga Pilipino na magkaisa upang
matamo ang kalayaan.
Alin sa sumusunod
ang nagpapakita na ang kilusang
propaganda ay nakatulong sa mga Pilipino tungo sa
kanilang kalayaan?
(A)
Nanindigan
sila sa pamamagitan ng marahas na paraan.
(B) Nagsawalang
kibo sila sa mga pang-aabuso ng mga ilang namumuno.
(C) Nabuksan ang kamalayan nila upang makilahok at manindigan laban
sa katiwalian.
(D) Pikit-mata silang sumang-ayon sa mga patakarang iilan lamang ang nakikinabang.
22.
Alin sa sumusunod
na mga rehiyon sa Pilipinas
ang may pinakamalawak na kapatagan?
(A)
Rehiyon I Ilocos
Region
(B)
Rehiyon II Cagayan
Valley
(C)
Rehiyon III Central
Luzon
(D) Rehiyon IVA CALABARZON
23.
Si Norie ay isang Pilipino dahil kapwa
Pilipino ang kaniyang mga magulang. Si Joy ay hindi Pilipino kahit ipinanganak
sa Pilipinas, dahil dayuhan ang parehong magulang. Si Frank ay isang dayuhan at
sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas. Sa anong paraan magiging ganap na
Pilipino si Frank?
(A)
naturalization
(B)
citizenship
by blood
(C)
born within a country
(D)
citizenship
by marriage
24.
Mula Hunyo hanggang Setyembre, tayo ay
nakararanas ng maraming ulan na nagdudulot ng mga pagbaha sa maraming lugar ng
ating bansa.
Ano ang dahilan
nito?
(A)
Amihan
(B)
El NIño
(C)
Habagat
(D)
La Niña
25.
Nakipag-ugnayan si Kapitan Hulyo
sa TESDA Training
Center upang magsagawa sa kanilang barangay ng libreng
pagsasanay sa welding at pagmamasahe.
Pinagawa niya ng posters ang kaniyang mga kagawad at ipinalagay ang mga
ito sa labas ng barangay.
Maliban
sa poster, ano pa ang maaaring gawin upang matiyak
na ang impormasyon ay makararating sa bawat tahanan
na pinakamaliit ang gagastusin?
(A)
Ipaanunsyo
sa radyo.
(B)
Ipalabas sa telebisyon.
(C)
Magbahay-bahay ng pag-anunsyo.
(D)
Mag-ikot at mamigay
ng mga flyer.
Para sa item 26
Barangay |
Bilang
ng Kabahayan |
Layo ng Barangay sa
Tapunan |
Dalas ng Pangongolekta |
Malamig |
2,300 |
2.5 km |
Lunes at Martes - Umaga at hapon |
Ibaba |
1,000 |
3 km |
Martes at Huwebes - Umaga lamang |
Barangka |
735 |
5 km |
Biyernes - Umaga at
hapon |
26.
Aling pahayag ang may kaugnayan sa mga datos na ipinakita
sa itaas?
(A)
Ang layo ng barangay sa tapunan ang nagsasabi sa dalas ng pangongolekta ng basura.
(B)
Ang dalas ng pangongolekta ng basura ay nakaayon lamang
sa dami ng kabahayan.
(C)
Ang dalas ng pangongolekta ng basura ay nakaayon sa bilang ng kabahayan at layo nito sa tapunan.
(D)
Ang malayong barangay
na may kaunting kabahayan ay dapat
mauna sa pangongolekta ng basura.
27.
Marami nang paraan
ang isinagawa para mapataas ang kalidad ng edukasyon
sa ating bansa, ngunit waring kulang pa rin upang malutas ang problema.
Alin sa sumusunod ang dapat na unang gawin ng Kagawaran ng Edukasyon?
(A)
Pahabain pa ang oras ng pagtuturo.
(B)
Magpadala
ng mga iskolar sa ibang bansa.
(C)
Mag-imbita
ng mga eksperto mula sa ibang bansa.
(D)
Pag-aralan
kung ano pa ang pagkukulang sa kalidad.
ANSWERS:
1C 2D 3A 4B 5B 6B 7D 8B 9D 10B
11D 12C 13C 14B 15D 16D 17D 18C 19D 20D
21C 22C 23A 24C 25C 26B 27D
No comments:
Post a Comment