Alternative Learning System: May 2026

Friday, May 22, 2026

2025 A&E Test Results, Inaabangan Na

Inaabangan na ng maraming mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) na kumuha ng 2025 A&E test noong March 29,2026 ang resulta ng pagsusulit. Sa ngayon ay wala pang inilalabas na Department Memo (DM) ang Department of Education (DepEd) tungkol dito. Eksayted at kinakabahan na ang marami sa mga A&E test takers dahil mahirap daw ang nakaraang pagsusulit. 

(Image from Mystic Arts, LLC)

Tulad nang sa nakaraang taon, ang passing rate sa A&E test ay  60%. Tinatayang sa huling linggo ng Mayo 2026 o sa unang linggo ng June 2026, ilalabas ang resulta. Noong nakaraang taon, ang opisyal na talaan ng mga A&E passers ay inilabas ng DepEd noong June 6, 2025. Sana ay mas maaga pa rito nang makapa-enrol na sa Senior High School o sa high school ang mga pumasa. Hintay lang tayo ALS learners, sana ay pumasa kayong lahat dahil deserve nyo yan. Follow this page dahil ipo-post ko rito ang list ng passers kapag lumabas na. Good luck to all!