Friday, February 2, 2018

Resulta ng 2016 A&E Test , Wala Pa Rin

Nadismaya ang mga kumuha ng pagsusulit sa 2016 Accreditation & Equivalency (A&E) noong Nobyembre 2017 dahil hindi natupad ang ipinalabas na Memo ni Pangalawang Kalihim Mateo ng Department of Education (DepEd). Ayon sa kanyang abiso ilalabas ang resulta bago o sa ika-31 ng Enero 2018. Sa hindi malamang dahilan, walang lumabas na resulta na ikinayamot ng mga nagsulit.



Tunay na nakakagalit talaga ang pagkaunsyami ng resulta dahil karamihan sa mga kumuha ng 2016 A&E test ay pang-data lamang ang load ng kanilang mga cell phone. Naubos ang kanilang salapi sa maghapong pag-aantabay ng resulta.

Para maiwasan ito, dapat sana ay hindi na lamang nagbibigay ng takdang petsa ang Department of Education upang hindi sila mapulaan. Dapat ay sinisigurado nila ang takdang araw na ibinigay upang hindi magalit at mayamot ang mga naabala. Isa pa, dapat ay sinabi nila nang maaga pa na hindi matutupad ang kanilang naunang anunsyo upang mapaghandaan ng mga nag-aabang.

No comments: