Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga bata ay kumakain ng masusustansiyang pagkain araw-araw upang lalong maging malusog. Sino ang nangangalaga sa kanilang kalusugan?
a. Bumbero c. Manggagamot
b. Guro d. Negosyante
2. Ang mga kasaping bumubuo sa isang pamilya ay iginagalang. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa pinakamatandang kapatid na babae?
a. Ate c. Bunso
b. Kuya d. Ninong
3. Ang mga papel, lata at karton ay maaaring magamit sa ibang bagay. Paano ito magagawa?
a. sunugin c. I-recycle
b. ikalat d. Ibaon
4. Alin ang pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan ang heograpiya at kapaligiran?
a. Malaman ang pakinabang at makatulong sa pag-unlad ng bansa
b. Matutuhan ang paglalakbay ng tao
c. Makamit ang tiwala ng nasasakupan sa paglalakbay
d. Makapagturo ng proyektong pangkabuhayan
5. Ang Pilipinas ay bata ang populasyon. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang kapal ng populasyon ay mataas
b. Patuloy ang pagtaas ng populasyon
c. Ang bilang ng lalaki at babae ay pantay
d. Ang nakatatanda ay nagtatrabaho para matustusan ang kabataan
6. Ano ang dahilan at iniangkop ng mga unang Pilipino ang kanilang bahay sa kapaligiran?
a. Pagandahin ang bahay
b. Para mamuhay ng tahimik
c. Para magkasama-sama palagi
d. Pangalagaan ang sariling katawan laban sa lamig
7. Ang sistemang solar sy sinasabing nagsisimula sa isa sa mga sumusunod?
a. Pagsabog sa masa
b. Pagsalpok ng mga tubig
c. Pagsanib ng malaking bituin
d. Patuloy na pag-ikot ng alikabok at gas
8. Kailangan ang salaping panustos ng pamahalaan para sa pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayan nito. Saan ito nanggagaling?
a. sa mga samahang sibiko
b. sa buwis ng mga mamamayan
c. sa mga abuloy ng pondo ng bayan
d. sa mga mamamayan ng ibang bansa
9. Ang mag-anak na Pilipino ay may mga altar o sulok-dalanginan sa kanilang pook sambahan. Ano ang inilalarawan nito?
a. Masipag magdasal ang mga Pilipino
b. Naniniwala ang mga Pilipino sa Panginoon
c. May kani-kanilang Panginoong Diyos ang mga Pilipino
d. May mga gawaing panrelihiyon ang mga Pilipino
10. Bakit makasaysayan sa mga Pilipino ang Pebrero 23-25, 1986.
a. Inilagay ang bansa sa state of calamity
b. Pinairal ang Batas-Militar sa buong bansa
c. Nagdeklara ng welgang bayan ang mga manggagawa
d. Naganap ang People’s Power sa Edsa