Thursday, February 22, 2018

REVIEWER - Learning Strand I – Communication Skills: FILIPINO - SECONDARY

Learning Strand I – Communication Skills: FILIPINO

Para sa bilang 1 – 3, piliin ang wastong kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Madalas na magkasama sina Adela at Adelfa. Sila ay malimit mamasyal, kumain sa labas at maghuntahan. Dahil dito, sila ay itinuturing na magkaututang-dila.
A. magkakambal     B. mga tsismosa     C. matalik na magkaibigan     D. mga sinungaling

2. Si Manolo ay tampulan ng tukso. Hindi siya pumapatol sa anumang away. Nagpapasensya siya kahit mapagsabihang bahag ang buntot dahil naranasan na niyang maging isang bilanggo dahil lamang sa isang pambubuska.
A. sintu-sinto           B. duwag                C. asal-aso             D. marungis

3. Si Tekla ay sikat sa Barangay Bagong-Ligo dahil siya ay masayahing tao. Gayunpaman, may ilan din ang naiinis sa kanya dahil mahilig siyang maglubid ng buhangin.
A. sinungaling         B. hindi-mapagkakatiwalaan         C. doble-kara          D. mainggitin

4.  Nang dumating  si Anna,  malugod  siyang sinalubong ng nakangiting si Phoebe. Ano ang pang-abay sa pangungusap?
A. malugod             B. siya          C. nakangiti             D. sinalubong

5. Si Gat Jose Rizal ang itinuturing na pambansang bayani ng Pilipinas. Ayon sa kanya, ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Anong bahagi ng pangungusap ang “pambansa”?
A. pang-uri              B. pangatnig C. pang-ukol           D. pang-abay

6. Si Antonio ay masipag na mag-aaral. Masunuring bata naman si Arman. Sila ay mga anak nina Aling Anita at Mang Kardo. Ano ang pangtukoy sa pangungusap?
A. naman                B. nina          C. at                       D. sila

7. Masayang nagkukuwentuhan sina Rebecca at Clara nang biglang dumating si Marissa at nakipagkuwentuhan na rin. Maya-maya pa ay sumulpot si Ricardo at matamang nakinig sa kanilang pag-uusap. Kanino patungkol ang salitang “kanila”?
A. Rebecca at Clara                    B. Rebecca at Marissa      C. Rebecca, Clara at Marissa       
D. Rebecca, Clara, Marissa, at Ricardo.

8. Kung ang ningas-kugon ay panandalian lamang, ang bulang-gugo naman ay ____.
A. mainipin    B. galante     C. kuripot      D. pakitang-tao

9. Kung ang simboryo ay kalimitang nakikita sa isang simbahan o kampanaryo, saan naman nakikita ang isang palupo?
A. gusali       B. bahay       C. parola       D. monumento

10. Ang ngiting-aso ay nangangahulugan ng nakakaloko, ano naman ang kahulugan ng luhang-buwaya?
A. pakunwari           B. matiim                C. matapat              D. masagana

Para sa bilang 11 – 15. Basahin ang paskel na nasa ibaba at sagutin ang mga tanong ukol dito.




11.  Ang nakapaskel sa itaas ay isang halimbawa ng ______.
A. babala      B. propaganda                  C. anunsyo             D. balita

12. Ang impormasyong nakapaloob sa itaas ay nauukol sa mga _______.
A. guro                   B. mag-aaral           C. magulang           D. tagalinis ng paaralan

13. Dahil sa pagpupulong, ang klase ay magtatapos ng __________ kaysa sa dati.
A. mas huli              B. pareho lamang    C. mas maaga                  D. mas matagal

14. Ang nakapaskel na kalatas ay nagmula sa ____________.
A. mga guro            B. mga         magulang      C. konseho ng mag-aaral   D. pamunuan ng paaralan

15. Ang layunin ng paskel ay magbigay ng _________.
A. babala                B. kaalaman            C. kasiyahan           D. paalala

Para sa bilang 16 – 17, pag-aralan ang paskel sa ibaba at sagutin ang mga tanong.


16. Ano ang gagawin nang makakabasa ng paskel sa itaas?
A. Magmumulta ng sampung libo.
B. Maninigarilyo sa lugar.
C. Pagbabawalan ang iba na huwag manigarilyo.
D. Hindi maninigarilyo sa lugar.

17. Ano ang layunin ng paskel?
A. Magbigay ng impormasyon.
B. Magbigay ng babala.
C. Magbigay ng direksyon.
D. Magbigay ng kasiyahan.

Para sa bilang 18 – 19, basahin ang unang dalawang saknong ng tula ni Kiko Manalo at sagutin ang mga tanong.

PASASALAMAT
ni: Kiko Manalo

Salamat, Ama ko, sa mga nagdaan!
Pinagtibay akong tila sa kawayan,
Alin mang unos at bagyong nakalaan,
Ako’y lumiwanag, walang kadiliman!

Patawad naman po, O, Dakilang Bathala,
Sa imbay ng aking pagiging masama,
Aking karupukan, sa tukso’y mahina,
Pinagsisisihan aking naging sala!

18. Anong linya ng tula ang isang halimbawa ng simili o pagtutulad?
A. Patawad naman po, O, Dakilang Bathala,
B. Ako’y lumiwanag, walang kadiliman!
C. Pinagtibay akong tila sa kawayan,
D. Sa imbay ng aking pagiging masama,

19. Ano ang unang layunin ng tumula?
A. Humingi ng tawad sa Bathala.
B. Magpasalamat sa Ama.
C. Magputol ng kawayan.
D. Pagsisihan ang kasalanan.

20. Ang bungang-araw ay sakit sa balat. Ano naman ang bungang-tulog?
A. bangungot      B. puyat        C. panaginip      D. antok

21. Laging bida si Cris sa mga umpukan kahit mahilig siyang magbuhat ng bangko. Ano ang kahulugan ng pangungusap?
A. Si Cris ay nagtatrabaho bilang tagabuhat ng bangko.
B. Si Cris ay matulungin dahil lagi siyang nagbubuhat ng bangko.
C. Si Cris ay laging pinupuri ang kanyang sarili at kapamilya.
D. Si Cris ay napagbibintangang nangunguha ng bangko.

Para sa bilang 21 – 23, basahin ang talata at sagutin ang mga tanong

Ang mga guro ay tulad din ng mga karaniwang tao na nakagagawa ng mga kamalian gustuhin man nila o hindi. Pinapasa nila ang ibang mag-aaral dahil sa pakiusap ng mga magulang kapalit ng sariwang gulay o dumalagang manok. Hindi nila mahindian ang mga kamag-anakan dahil nangingibabaw ang lapot ng dugo kaysa tubig. Sinusunod nila ang mga namumuno sa kanila kahit taliwas ito sa kagandahang-asal huwag lamang mawalan ng trabaho. Ito ay pananaw ko lamang at hindi nilalahat ang mga guro.

21. Ano ang bagay na pamagat para sa tekstong ito?
A. Mas Malapot ang Dugo kaysa Tubig
B. Hindi Perpekto ang mga Guro
C. Masarap ang Dumalagang Manok
D. Para Huwag Mawalan ng Trabaho

22. Ano ang ibig sabihin ng “nangingibabaw ang lapot ng dugo kaysa tubig”?
A. Mas mahalaga ang pamilya kaysa iba pang relasyon
B. Mas matimbang ang dugo kaysa tubig
C. Posibleng tumaas ang presyon ng dugo
D. Mas mahalaga ang dugo kaysa tubig

23. Ano ang layunin ng talata?
A. Magbigay ng opinyon.
B. Magbigay ng kaalaman.
C. Manghikayat.
D. Manira.

Para sa tanong 24 – 26, basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang mga tanong

Si Ferdinand Edralin Marcos ay ang ika-10 Pangulo ng Republika ng Pilipinas mula 30 ng Disyembre 1965 hanggang ika-25 ng Pebrero 1986. Siya ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Si Marcos ay nag-aral sa Maynila at nag-aral ng abugasya noong mga huling taon ng 1930 sa Unibersidad ng Pilipinas. Nilitis siya para sa pagpatay sa kalaban sa pulitika ng kanyang ama noong 1933 at napatunayang nagkasala noong Nobyembre 1939. Umapela siya sa Korte Suprema ng Pilipinas at napawalang-sala pagkalipas ng isang taon.

24. Ang teksto sa itaas ay naglalarawan ng ___________.
A. kathang-isip
B. katutohanan
C. kababalaghan
D. alamat

25. Ilang taon naging pangulo si Ferdinand E. Marcos?
A. 21            B. 20            C. 19            D. 22

26. Ang kahulugan ng salitang “umapela” ay______?
A. naghain ng kontra-demanda
B. humiling na ipawalang-bisa ang kaso
C. lumagda sa isang kasunduan
D. humiling na babaan ang sentensya

27. Ang “Tabi, tabi po nuno!” ay isang uri ng _________.
A. orasyon    B. dasal        C. bulong      D. paggalang

28. Ang “Biag ni Lam-ang” ay isang halimbawa ng _______.
A. epiko        B. kuwentong-bayan          C. talambuhay         D. alamat

29. Tinatampok dito ang mga hayop at kinapapalooban ng mga aral sa buhay. Ano ito?
A. alamat      B. pabula                C. parabula             D. karton

30. Nagtataglay ito ng isang opinyon, pananaliksik, kuro-kuro, obserbasyon o pagmumuni-muni ng isang may-akda na nasusulat sa isang malinaw at lohikal na komposisyon.
A. sariling talambuhay       B. karanasan          C. sanaysay            D. tula