Sunday, July 12, 2020

2020 AERT REVIEWER - Life and Career Skills


Learning Strand 4 – Life and Career Skills

PANUTOI: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Pangarap ni Mandy ang maging arkitekto sa kanilang lugar. Sa susunod na pasukan ay mag-aaral na siya ng Senior High School. Anong track ang dapat niyang kunin?
A. Academic
B. Sports
C. Technical-Vocational-Livelihood
D. Arts & Design

2. Mag-aaral ng Senior High School si Maricar at kasalukuyang nakatala sa Academic Track ng kanilang paaralan. Dahil hindi pa niya alam ang kursong kukunin sa kolehiyo ay kinuha niya ang ABM strand. Tama ba ang kaniyang naging desisyon?
A. Oo, dahil mataas ang sahod ng isang CPA.
B. Oo, dahil baka magustuhan niya ang maging CPA, magtrabaho sa banko o mahilig sa pagnenegosyo.
C. Mali, dahil dapat ay General Academic ang kinuha niyang strand.
D. Mali, dahil hindi ito kaya ng kanyang utak.

3. Ano ang hindi mo dapat isaalang-alang kung papasok ka bilang isang empleyado o trabahador sa unang pagkakataon?
A. kakayahan at kasanayan
B. limitasyon, kahinaan, at kapansanan
C. sahod at layo ng papasukan
D. hirap ng trabaho

4. Nagtapos ng inhenyeriya si Reycar at nagbabalak na pumasok ng trabaho. Ano ang una niyang dapat gawin?
A. Gumawa ng liham sa pag-aaplay
B. Bumili ng pahayagan at tumingin ng bakanteng trabaho sa anunsyo-klasikipikado
C. Gumawa ng bio-data o resume’
D. Maghanda sa interbyu

5. Upang makapagpatayo ng isang negosyo, anong dokumento ang unang dapat kunin?
A. barangay clearance
B. cedula
C. pangalan ng negosyo (business name) mula sa DTI
D. permiso mula sa munisiplyo o mayor’s permit

6. Hinihikayat ka ng iyong kasamahan sa trabaho na sumapi sa isang unyon. Ano ang dapat mong gawin?
A. Agad itong tanggihan upang hindi ka mapag-initan ng may-ari.
B. Sumapi ng may pag-aalinlangan upang hindi layuan ng mga katrabaho.
C. Alamin ang mga adhikain, responsibilidad at benepisyo ng unyon bago sumapi o tumanggi.
D. Huwag sumapi dahil labag ito sa batas sa paggawa.

7. Napansin mong nilalayuan ka ng mga dati mong kasamahan magmula ng itaas ka ng posisyon sa kumpanya. Paano mo ito bibigyan ng solusyon?
A. Huwag silang pansinin.
B. Dapat lamang na iba na ang turing nila sa iyo.
C. Lumipat ng trabaho.
D. Kausapin sila at alamin ang dahilan.

8. Mula sa paisa-isang bilao ng puto at kutsinta ay naragdagan ang bilang ng order ni Aling Lucy mula sa isang pamosong kainan. Ano ang maimumungkahi mo sa kanya?
A. Dagdagan ang pampaalsa upang lumaki ang nilulutong produkto.
B. Magdagdag ng tauhan upang matugunan ang order.
C. Bawasan ang mga sangkap upang lumaki ang tubo.
D. Humango ng puto at kutsinta sa mga kakumpetensiya upang matugunan ang order.

9. Sa pagtatayo ng negosyo sa isang pamayanan, ano ang unang dapat isaalang-alang?
A. Ang produkto at ang pangangailangan nito ng komunidad
B. Ang suplay ng mga materyales na gagamitin
C. Ang puhunan at ang tagal ng pagbalik nito
D. Ang tutubuin sa pagnenegosyo

10. Isang uri ng pangangalakal kung saan hindi alintana ang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
A. nag-iisang pagmamay-ari
B. sosyohan
C. korporasyon
D. kooperatiba

11. Natuklasan mo sa pinapasukang kumpanya na hindi ito sumusunod sa tamang timpla ng produkto na itinalaga ng batas. Ano ang una mong dapat gawin?
A. Ipaalam sa iyong asawa ang iyong natuklasan.
B. Ipaalam sa DTI ang iyong natuklasan.
C. Hingan ng paliwanag ang iyong superbisor bago gumawa ng susunod na aksyon.
D. Magsawalang-kibo nang hindi mawalan ng trabaho.

12. Bilang isang may-ari ng negosyo, ano ang iyong gagawin kay Marciano na masipag subali’t malimit na magkamali sa paggawa ng produkto?
A. Bigyan ng huling abiso at sisantihan kapag umulit.
B. Sanayin siyang muli.
C. Huwag nang pansinin dahil sa kanyang kasipagan.
D. Ibawas sa kanyang sahod ang bawat maling produkto.

13. Bagong lipat ka sa pamayanan at napansin mong maraming puno ng sasa o nipa ang tumutubo sa gilid ng ilog. Anong negosyo ang HINDI angkop sa lugar na iyon? Paggawa ng _____.
A. kulambo
B. suka
C. tuba
D. pawid

14. Ipinaalam ni Mang Damian sa pinapasukang kumpanya na siya ay may malubhang karamdaman. Binigyan ng karampatang benebisyo si Mang Damian at saka tinanggal sa trabaho. Tama ba ang naging desisyon ng kumpanya?
A. Oo, kung papayag si Mang Damian.
B. Oo, kung ang kanyang karamdaman ay lalampas ng anim na buwan na gamutan at/o wala ng lunas.
C. Hindi, dahil labag ito sa batas sa paggawa.
D. Hindi, dahil maraming umaasa kay Mang Damian.

15. Tumaas ang palitan ng piso sa dolyar. Ano ang HINDI magandang magiging epekto nito?
A. Madaragdagan ang ipinadadalang pera ng mga OFW.
B. Tataas ang ating importasyon ng mga produkto mula sa ibang bansa.
C. Tataas ang eksportasyon ng ating mga produkto sa ibang bansa.
D. Tataas ang halaga ng ating utang-panlabas.


SAGOT