Monday, July 13, 2020

ALS REVIEWER for AERT - Understanding the Self & Society


PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Upang makapagbigay ng pagmamahal o pag-ibig sa kapuwa, kailangan muna nating _______.
A. maging makasarili
B. mahalin ang ating Panginoon
C. mahalin ang sarili
D. mahalin ang pamilya

2. Kung hindi maaagapan, ang depresyon ay maaaring humantong sa pagpapatiwakal. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sintomas ng depresyon?
A. laging balisa
B. malulungkutin
C. maaalahanin
D. labis na pagbaba o pagtaas ng timbang

3. Alin sa mga sumusunod ang may pinakamalaking kadahilanan sa ating katauhan o pag-uugali?
A. Relihiyon
B. Mga kaibigan
C. Pisikal na kapaligiran
D. Pamilya

4. Matatanya ang halaga ng ating pagkatao o self-worth  sa ___________.
A. dami ng ating mga kaibigan
B. halaga ng ating mga ari-arian
C. pagkilala ng ating lakas at kahinaan
D. taas ng ating sahod

5. Ito ay grupo ng mga tao na nagtipon sa isang lugar at takdang oras para talakayin ang isang bagay at makagawa ng desisyon tungkol dito.
A. pakikipagpanayam
B. talumpati o SONA
C. pagpupulong
D. demonstrasyon

6. Nasa loob ng simbahan si Aling Tekla kasama ang kanyang anak na si Tiklo na magdadalawang taon gulang pa lamang. Sa kalagitnaan ng sermon ng pari ay nag-iingay si Tiklo. Ano ang dapat gawin ni Aling Tekla?
A. Pandilatan ng mga mata ang anak
B. Ambaan ng pagpalo ang anak
C. Ilabas muna ang anak sa simbahan
D. Paluin ang anak nang tumahimik

7. Kasalukuyang nagtuturo si Ma'am Boba nang makitang naghaharutan sina Brutus at Papay. Ano ang dapat niyang gawin para masawata ang gawaing ito?
A. Banggitin nang malakas ang pangalan ng dalawa sa kanyang itinuturo
B. Batuhin ng tsok ang dalawa
C. Ipatawag ang kanilang mga magulang
D. Dalhin sa Principal's office ang dalawa

8. Sa pulong ng kooperatiba, nagtaas ng kamay si Mang Gusting at nagsabing: “ Sinisigundahan ko ang mosyon!” Ano ang kanyang ibig sabihin?
A. Nagbibigay si Mang Gusting ng bagong mungkahi.
B. Sinusuportahan niya ang mungkahing nabanggit.
C. Tinatanggihan niya ang iminungkahi.
D. Tinatapos na niya ang pulong.

9. Ano ang ibig sabihin ng AIDS?
A. isang sakit na nakakamatay
B. uri ng tulong para sa mahihirap
C. istratehiya sa paglaban sa mga kriminal
D. pandaigdigang pulisya


10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI isang paraan ng ilegal na pangingisda?
A. pangingisda na gumagamit ng dinamita
B. pangingisdang muro-ami
C. ang paggamit ng lambat na may malalaking butas
D. pangingisda na gumagamit ng cyanide

11. Itinuro ni Hesukristo sa mga tao na…
A. dapat nilang mahalin ang kanilang sarili lamang.
B. dapat nilang mahalin ang iba tulad ng pagmamahal nila sa sarili.
C. dapat nilang mahalin ang sarili higit sa iba.
D. wala sa mga ibinigay na sagot

12. Saang parte ng kontinenteng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
A. Timog-Silangan
B. Hilagang Kanluran
C. Gitnang Silangan
D. Timog-Kanluran

13. May kautusan pang barangay tungkol sa pagtatapon ng basura na pinagtibay ng konseho ng Barangay Loob. Ayon sa kautusan, dapat itapon ng mga naninirahan sa barangay ang kanilang mga basura sa mga lugar na itinalaga lamang ng kapitan ng barangay. Pero hindi alam ni Mang Juan ang kautusan na ito. Nasanay siyang magtapon ng kanyang basura sa malapit na poste ng Meralco na nasa tabi ng bahay ni Aling Maria. Ano ang dapat gawin ni Mang Juan?
A. Magsawalang bahala
B. Alamin ang mga batas at kautusan ng pamayanan at sumunod sa mga ito
C. Ipagpatuloy ang dating nakagawian kahit napagalaman na ang kautusan
D. Lahat ng nabanggit

14. Ang UN o United Nations na itinatag noong ika-24 ng Oktubre, 1945 ay nilikha sa pangunahing tungkulin ng
 A. Pagpapanatili ng kapayapaan ng mga bansang kasapi
 B. Pagpapahiram ng kapital sa mahihirap na bansang kasapi
 C. Gumitna sa usaping pananalapi ng mga bansang kasapi
 D. Kumampi sa bansang mahina sa oras ng digmaan

15. Ang “sitwasyong panalo-panalo” ay isa sa mga proseso sa paglutas ng alitan na nakukuha dito ng dalawang panig ang kanilang gusto. Karaniwa’y humahantong sila sa isang kasunduan na pareho nilang sinang-ayunang kung saan magsalubong o magbigayan sila sa gusto nilang mangyari.
A. sang-ayon
B. di sang-ayon
C. hindi sigurado
D. wala sa nabanggit

MGA SAGOT