MODULE 3 - Leadership & Teamwork
SESSION 3: PROBLEM SOLVING AND
DECISION MAKING
Activity 5: The Human Knot – Group
Problem Solving
The last session talked about cooperation in a team and how
to lead teamwork. State some important aspects of cooperating in a group and
strategies to lead teamwork that you learned. Remember, we saw communication as
an important tool for group cooperation and leadership.
Pinag-usapan sa nakaraan sesyon ang tungkol
sa pagkakaisa sa grupo at kung paano pamunuan ang pagtutulungan. Magbigay ng
ilang mahahalagang aspeto ng pagkakaisa sa isang pangkat at mga estratehiya
para pamuno na iyong natutunan. Tandaan, nasaksihan natin na ang
pakikipagtalastasan ay importanteng gamit para sa pagkakaisa at pamumuno sa
isang grupo.
Mahahalagang Aspeto ng
Pagkakaisa at Pamumuno sa Isang Grupo:
1. Ang bawa’t kasapi
ng grupo ay dapat maunawaan at tanggapin ang layunin ng grupo.
2. Dapat maunawaan ng
isang miyembro ang kanyang tungkulin o inaasahang kontribusyon mula sa kanya
upang makamit ang mithiin. Maaaring bumalangkas ng isang plano kung saan
makikita ang gawain ng bawa’t isa at kung kailan ito dapat gawin.
3. Dapat na alam ng
bawa’t miyembro ng grupo kung paano ginagawa ang pagdedesisyon at kung paano
lulutasin ang isang problema. Ang mainam na grupo ay may malinaw na tuntunin
para sa napagkasunduang desisyon upang maisagawa ang dapat gawin.
4. Lahat ng kasapi sa
grupo ay dapat na nagsasanay sa paggamit ng epektibong pakikinig, pagsasalita,
at malinaw na pakikipagtalastasan.
5. Dapat maramdaman ng
bawa’t kasapi na siya ay ligtas at suportado ng grupo.
Think about it!
Reflect on the questions below and write your answers on the
space provided. Share your thoughts to your family on how the game went and on
your thoughts about what happened.
(Matapos
gawin ang larong inilarawan – Human Knot Activity - sa modyul), magbalik-tanaw/alalahanin ang mga
katanungan sa ibaba at isulat ang iyong mga sagot sa espasyong nakalaan.
Ibahagi ang iyong mga kaisipan/kaalaman sa iyong pamilya kung ano ang nangyari
sa laro at ang iyong pananaw sa nangyari.
1. What
approach did you use to solve this problem? (Anong
diskarte ang iyong ginamit upang maresolba ang problemang ito?)
Ipinaliwanag ng tumayong lider sa grupo kung
ano ang layunin ng laro at kung ano ang dapat gawin ng bawa’t isa upang ito ay
mairesolba.
2. Did you
have a plan? How did you arrive to that plan? (Mayroon ba kayong plano? Paano
ninyo nagawa/naisip/narating sa planong iyon?)
a. Isang plano ang
aming naisip upang madali naming makalas ang aming pagkakabuhol-buhol ng aming
mga kamay at bisig.
b. Para magawa ang
planong iyon, inulit ng lider sa bawa’t miyembro ang layunin ng laro at
tanungin kung nauunawaan nila iyon at ang mga dapat gawin ng bawa’t isa.
Nagbigay ng suhestiyon at estratehiya ang ilang kasapi upang mas madaling
makalas ang aming pagkakabuhol-buhol. Habang isa-isang nakakalas ang buhol,
isang kasapi ang nagmamanman at nagsasabi kung tama nga ang ginagawa ng isang
miyembro.
3. Did you
have a leader? Several leaders? What was his/her role? How was leadership
shared? (May lider ba kayo? Maraming
lider? Anu-ano ang kanyang naging papel? Paano ibinahagi ang pamumuno?)
Mayroon
kaming lider, hindi lang isa kundi dalawa. Ang isang lider ay nagpaliwanag kung
ano ang layunin ng laro at nagsabi ng mga dapat gawin ng bawa’t isa. Ang isa
pang lider ay naatasang manmanan ang ginagawa ng bawa’t kasapi, siguruhin na
tama iyon at sabihan kung mali, at magbigay mungkahi kapag nakitang may problema
sa estratehiyang ginamit.
4. Did
everyone play a role in solving the problem? (Lahat ba ay may ginampanang papel upang malutas ang suliranin?)
Lahat ng kasapi ay may
ginampanang papel upang malutas ang suliranin - magmula sa pag-unawa sa
layunin, pagganap sa nakaatang na gawin, hanggang sa pagsunod, pagkikiisa, at
pagtutulungan ng lahat.
5. What
behaviors made it hard/easy to do it? (Anu-anong mga pag-uugali ang
nagpahirap/nagpadali upang gawin ito?)
a. Sa una, naging balakid ang pagkakaroon ng iba’t ibang
estratehiya ng bawa’t kasapi upang mas madaling malutas ang problema. Naging
sagabal din ang pagsasalita ng ilang kasapi ng sabay-sabay.
b. Napadali na ang pagreresolba ng problema nang magkaroon
ng iisang plano ang grupo. Nagawa ito matapos talakayin ang bentahe at problema
ng mga paraan na iminungkahi ng mga kasapi. Dahil dito, nagkaroon ng iisang
direksyon ang grupo upang malutas agad ang suliranin.
6. Did you
ever feel like quitting? What kept you going? (Naramdaman mo bang nais mo nang sumuko? Bakit ka nagpatuloy pa?)
Sa una pa lang ay gusto ko nang
umayaw sa laro dahil tila lahat ng kasamahan ko ay nais na maging lider. Dagdag
pa rito ang sabay-sabay na pagsasalita ng ilang kasapi. Gayunman, nagpatuloy
ako sa paglalaro dahil mayroon akong papel na dapat gampanan sa grupo. Nais ko
rin kasing ipakita sa kanila na marunong akong makisama, makiisa, at
makatulong.
7. As a
leader, what actions might you use when a problem becomes hard to solve? (Bilang pinuno, anu-anong mga pagkilos ang
maaari mong ginawa kapag humihirap ang paglutas ng problema?)
a. Dapat na maging
kalmado ang isang lider upang makapag-isip nang mabuti at ng bagong
estratehiya.
b. Himayin ang
problema sa maliliit na parte upang madaling malutas.
c. Pakinggan at hikayatin
ang bawa’t kasapi na ibigay ang kanyang sariling saloobin sa problema at
mungkahi kung paano ito malulutas.
d. Dapat ipaunawa sa
mga kasapi na ang kanilang mga opinyon at ideya ay mahalaga at
mapapakinabangan.
e. Bigyan ng
kanya-kanyang gawain ang bawa’t kasapi matapos malaman ang kanilang lakas at
kahinaan.
f. Magpakita ng
katatagan ng loob, optimismo, at pag-asa sa mga kasapi.
8. If you
were going to re-do the activity or a similar one, what would you do
differently? (Kung gagawin mong muli ang
gawain o katulad nito, ano ang iyong babaguhin?)
Kung uulitin ko ang gawaing ito,
sasabihin ko agad kung anu-ano ang mga tuntunin ng grupo upang maiwasan ang
pagsasalita nang sabay-sabay.
Activity 6:
Problem-Solving Steps
Based on the human knot activity as
well as your previous experiences, what do you think are the basic steps in
problem solving? Jot down your thoughts in the space below. (Base sa larong “human knot activity” at sa iyong mga naging
karanasan, ano sa iyong palagay ang mga hakbang sa paglutas ng isang suliranin?
Isulat ang iyong mga naisip sa espasyong nakalaan.)
Ang
mga pangunahing hakbang sa paglutas ng isang suliranin ay ang mga sumusunod:
1.
Ipaliwanag ang problema. Ihiwalay ang pansariling nararamdaman at isaad ang
suliranin.
2.
Mangalap ng dagdag kaalaman o impormasyon na may kaugnayan sa problema.
3.
Mag-isip ng iba’t ibang pamamaraan upang maresolba ang problema.
4.
Pumili ng isang solusyon na tanggap ng mga kasapi.
5.
Isakatuparan ang napiling solusyon.
6.
Kilatisin o suriin ang solusyon kung nalutas nga nito ang suliranin.
Select at least one scenario from Scenarios for Problem
Solving and use the 6 problem solving steps to help solve the problem in the
scenario. (Pumili ng isa o higit pang
senaryo sa mga senaryong nakatgala sa 3.5 sa ibaba at gamitin ang anim (6) na
mga hakbang sa paglutas ng problema. Pag-aralan ang Senaryo 0 para malaman kung
paano ito gagawin.)
Scenario 2:
You work at El Manuel Construction site.You notice that tools are disappearing from
the worksite on a regular basis. What will you do?
1. Define the problem. Summarize the problem here. What is the issue?
What needs fixing?
Bakit palaging nawawala ang mga kagamitan sa El
Manuel Construction worksite?
2. Get
more information about the problem. What else do I know or need to know
about the problem?
1. Anu-anong
mga kagamitan ang nawawala?
2. Sa anong mga
araw o oras nawawala ang mga kagamitan?
3. Sino ang
nangangalaga ng mga kagamitan?
4. Sino ang
guwardiya sa worksite kung kailan laging nawawala ang mga kagamitan?
5. Ito ba ay
isang kaso ng nakawan o kapabayaan lamang?
6. Kailan
nagsimulang mawala ang mga kagamitan?
3. Generate many ideas on how to solve the problem. Write down as many
ideas as you can that you think may solve the problem or help with the
situation.
1. Maglagay ng CCTV sa
pinaglalagyan ng mga kagamitan.
2. Palitan ang
guwardiyang nagbabantay sa lugar.
3. Palitan ang taong
nangangalaga ng mga kagamitan.
4. Magpatawag ng
pulong, ipayahag sa mga trabahador ang problema, bigyang babala na tatanggalin
sa trabaho at/o ipahuhuli sa kapulisan ang sinumang mahuling nagnanakaw, at
bigyang gantimpala ang sinumang makapagtuturo sa magnanakaw.
5. Dapat magpalista
ang mga manggagawang gagamit ng mga kagamitan at pagbabayarin kung ang mga ito
ay hindi maisasauli.
6. Isangguni ang nagtuklasan sa nakatataas sa lugar ng trabaho.
4. Choose a solution. Which of the solutions that you listed out above is the most REAL (Realistic, Effective, Acceptable and Logical? Explain the reasons for choosing this solution.
Ang REAL na solusyon sa problemang ito ay ang pagpapatawag ng pulong upang malaman ng mga trabahador ang nangyayaring pagkawala ng mga kagamitan. Ito ay mahalaga upang may kamalayan sila sa posibleng nakawang nangyayari sa lugar na pinagtatrabahuhan. Sa miting na gaganapin, makatwirang bigyan ng babala ang mga trabahador sa posibleng pagkatanggal sa trabaho at/o pagkakakulong. Sa aking palagay ay tatanggapin ng mga trabahador ang kanilang kaparusahan sapagka’t ito ay naihayag na sa kanila sa simula pa lang.
5. Implement
the solution. You do not get to implement the solution for the scenario. In
the space below, describe what can
happen in this scenario if you implement the solution.
a. Hindi na mawawala
ang mga kagamitan sa worksite.
b. Magdadalawang isip
ang sinumang kumukuha ng mga kagamitan dahil alam na niya ang mangyayari sa
kaniya.
c. Magiging
mapagmatyag ang bawa’t trabahador sa kaniyang kasamahan sa trabaho dahil sa
gantimpalang nakalaan.
d. Posibleng may
magsumbong sa pangasiwaan kung sino o sinu-sino ang gumagawa ng kabalastugan.
6. Evaluate the solution. How would you know if the problem is solved or if your solution works?
Hindi na mawawala
ang mga kagamitan sa lugar ng trabaho.
Sharing is caring
Share your solution to the scenario you picked to a family member or a
friend. It’s always great to share your thoughts and hear feedback from
people who care.
Explain to your family or friend how the person in that scenario can use the 6 problem solving steps to solve the problem. Record ideas and feedback from the discussion in the space below
Ibahagi ang napili mong solusyon sa senaryong iyong napili sa isang kapamilya o kaibigan. Magandang ibahagi ang iyong kaisipan at marinig ang puna ng mga taong pinahahalagahan ka.
Ipaliwanag sa iyong kapamilya o kaibigan kung paano magagamit ng tao sa senaryo ang 6 na hakbang upang malutas ang problema. Itala ang mga ideya at puna mula sa talakayan sa espasyo sa ibaba.
Ilan sa mga ideya at puna sa
ginawang talakayan ay ang mga sumusunod:
a. Magiging madali ang paglutas
ng problema kung gagamit ng siyentipikong pamamaraan sa paglutas nito.
b. Dapat talakayin nang husto ang
mga posibleng solusyon sa problema upang makapili ng pinakatamang solusyon.
c. Tama ang napiling solusyon
kung ito ay REAL (Realistic (Makatotohanan), Effective (Mabisa), Acceptable(Katangap-tangap),
and Logical (Lohikal/Makatwiran).
d. Kailangan ang pakikiisa at
pagtutulungan ng bawa’t isa sa paglutas ng isang suliranin.