Tuesday, October 20, 2020

GUIDES on ANSWERING Activity 7, 8, & 9 of ALS Life Skills Module 3 - Leadership & Teamwork

 SESSION 4: TASK LEADERSHIP

Activity 7: Leadership Challenge

Think about it!

This section encourages you to express your opinions to family and friends about this activity.

It’s always great to share your ideas and hear more points of view. (Hinihimok ng seksyong ito na isiwalat mo sa iyong pamilya at mga kaibigan ang iyong mga saloobin/opinyon ukol sa gawaing ito.)

 Sagutin lamang ang mga tanong kapag natapos nang gawin ang Task 1 (Paggawa ng Banner) at Task 2 (Pagguhit bilang isang lider at isang tagasunod.)

Sample Banner


Task 1: My Team

 

1. On a scale of 1 to 10, 1 being poor and 10 being excellent, how many points will you give for your banner? Why?


            Sa sukatang 1 hanggang 10, 1 bilang hindi magaling at 10 bilang napakahusay, ilang puntos ang ibibigay mo sa inyong banner? Bakit?

 

            Bibigyan ko ng 8 puntos ang ginawa naming banner dahil ito ay kumpleto sa hinihingi ng tuntunin. Isa pa, ang aming banner ay simple at maaliwalas pagmamasdan. Dagdag pa rito, maganda ang aming islogan bukod pa sa nakiisa ang lahat ng kasapi upang ito ay mabuo.

 

 

2. Show your banner to a family member and ask him/her to give feedback on your banner: (Ipakita ang inyong banner sa isang miyembro ng pamilya at hingin ang kanyang masasabi rito.)

 

                        a. One to two things he/she likes about your banner: (Isa o dalawang bagay na nagustuhan niya sa inyong banner.)

                        1. Ang punla na may 8 dahon kung saan nakasulat ang mga pangalan ng kasapi ay nangangahulugan na nagkakaisa ang grupo.

                        2. Maaliwalas, simple, at malinis ang pagkakagawa ng banner.

 

                        b. One to two things that you need to improve in your banner: (Isa o dalawang bagay na kailangang pagbutihin pa sa inyong banner.)

                        1. Patingkarin o buuin ang kulay ng mga dahon.

                        2. Lagyan pa ng imahe ang banner.

 

3. In this activity, you were asked to draw the banner by yourself. If you were in a real youth camp with real team members, what do you think would be the best way to accomplish the task?


            Sa gawaing ito, inutusan kayong gumawa ng sarili ninyong banner. Kung ikaw ay nasa talagang youth camp na may mga kasamahan, ano sa palagay mo ang pinakamainam na paraan upang matapos ang gawain?


            Sa aking palagay, magiging maganda ang aming banner kung gagawa muna ng kaniya-kaniyang banner ang bawa’t kasapi at pag-isahin ang mga ideyang iyon upang matanggap ng lahat.

 

4. What did you learn about being a leader in this activity? (Ano ang natutunan mo ukol sa pagiging lider ng gawaing ito?)

            Bilang lider, natutunan ko ang maging kalmado. Natutunan ko rin na mahalaga ang komunikasyon upang maunawaan ng bawa’t isa ang aming gagawin, mahingan sila ng kuro-kuro at ideya, at maiatang ang angkop na papel na gagampanan.

Task 2: Draw As I Say

 

1.               How did it feel to be the leader giving instructions? (Ano ang pakiramdam ng pagiging pinuno na tagabigay ng instruksyon/direksyon?

            Pangamba ang aking naramdaman bilang pinuno na nagbibigay ng tuntunin. Ito ay dahil natatakot ako na baka hindi ako lubusang maunawaan ng tagasunod ang aking sinasabi at maging masyadong malayo ang kanya maiguhit kumpara sa nagawa ko.

 

2.               How did it feel to follow another person? (Ano ang pakiramdam kapag sinusunod mo ang isang tao?)

            Nang maging tagasunod, kinakabahan din ako dahil baka hindi ko maiguhit ang sinasabi ng lider, lalo na at hindi maaaring magtanong.

 

3.               Do you consider yourself a good follower? Why? (Pinapalagay mo bang mabuti kang tagasunod? Bakit?)

            Sa palagay ko ay mabuti akong tagasunod dahil pinakikinggan at sinusunod ko ang sinasabi ng lider. Isa pa, nakikiisa at tumutulong ako upang makamit ang aming layunin o matapos ang isang gawain. Inuunawa at nirerespeto ko ang ideya, saloobin, at kuro-kuro ng mga kasapi sa grupo.

 

4.               What are the traits of a good follower? (Anu-ano ang mga katangian ng mabuting tagasunod?)

            a. Nakikinig sa sinasabi ng lider at mga kasapi.

            b. Nakikiisa at nakikipagtulungan pang maabot ang layunin o matapos ang gawain ng grupo.

            c. Nagbabahagi ng kaalaman, kasanayan, at katangian sa grupo.

            d. Rumerespeto sa ibang kuro-kuro at opinyon.

            e. Sinusunod ang napagkasunduan.

Activity 8: Leadership in Real Workplaces


Date:

Ika – 18 ng Oktubre, 2020

Company Name:

Santos Trading Establishment

Manager Name:

G. Policarpio Santos

Manager’s Title:

Administration Manager

Questions for the Manager

 

1.            Tell me a little bit about your role as a manager. What are your responsibilities?

1. Gumagawa, nagpapatupad, at sinisiguro na ang mga batas, tuntunin, at pamantayan ng kumpanya ay nasusunod.

2.  Nangangalap, kinakapanayam, at kumukuha ng karapatdapat na manggagawa at empleyado sa kumpanya.

2.            How did you become a manager?

Naging manager ako dahil sa aking mataas na pinag-aralan, matagal na serbisyo, at pagiging huwarang empleyado ng kumpanya. Taglay ko rin ang mga katangian ng isang mabuting lider base sa aking karanasan at pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao.

3.            How did you develop your leadership skills?

Ang mga kasanayan at kaalaman ko sa pagiging mabuting pinuno ay natutunan ko sa pamamagitan ng pagiging tagasunod din noong una. Nagbasa ako ng libro at dumalo sa mga seminar hinggil sa mabuting pamumuno, pakikipagtalastasan, at pakikinig. Ang malaking bahagi ay natutunan ko sa pang-araw-araw na karanasan sa loob at labas ng kumpanya.

4.            What skills do you use to manage your team?

Bilang manager, tumatanggap ako ng kritisimo at puna mula sa aking nasasakupan. Hinihingan ko ng mga panukala ang mga empleyado at puna sa alinmang tuntunin na aking isasagawa o naisagawa na.

5.            What is your style as a leader?

Ang apat na klase ng pagiging pinuno ay nagawa ko na. Ito ay nakadepende sa sitwasyon. Halimbawa, kung masyadong gahol na sa oras, nanghihikayat (persuading) ako upang isakatuparan na ang aking desisyon.

6.            As a leader, how do you deal with challenges?

Bilang lider, ang mga hamon at mga problemang kinakaharap ay itinuturing kong isang bahagi lang ng aking pag-aaral. Naniniwala kasi ako na ang bawa’t suliranin ay may katapat na solusyon kung uunawain lamang at bibigyan ng sapat na atensyon.

7.            How do you help your team solve task-related problems?

Upang matulungan ang aking nasasakupan sa paglutas ng mga problema na may kinalaman sa isang gawain, binibigyan ko sila ng malinaw at madaling maunawaang layunin at direksyong tatahakin. Ipinauunawa ko sa kanila ang kahalagahan ng pag-uusap, pakikiisa, at pagtutulungan.

8.            How do you help your employees improve their quality of work?

Upang matulungan ang mga empleyado na mapabuti ang kalidad ng kanilang trabaho, nagkakaroon ng regular na miting at pagsasanay ang mga trabahador. Bukod pa rito, pinadadalo sila sa mga seminar, exhibits, at pagbisita sa mga mas progresibong kumpanya. Ang ilan ay pinadadala sa ibang bansa upang magsanay at mag-aral ng makabagong teknolohiya at proseso.

9.            What is the most important thing you have learned as a leader?

Bilang lider, ang pinakamahalaga kong natutunan ay nasa mabuting pagsunod ang ikagagaling ng isang pinuno.

10.         Can I contact you in the future? If yes, get their contact information.

Oo, maaari mo akong puntahan, bisitahin, at tawagan sa hinaharap. Narito ang aking detalye: 14 Panay St., Quezon City. Tel. No. 09123456789