Saturday, November 7, 2020

GUIDES & SAMPLE ANSWERS of Activity 1 & 2 of ALS Life Skills Module 2 - Interpersonal Communication

Module 2: Interpersonal Communication

“Sa komunikasyon mahalaga ang unang impresyon”

The first impression you give is important in communication.



SESSION 1: LISTENING AND SPEAKING EFFECTIVELY

 Activity 1: Introductory Activity & Learner’s Reflection

Welcome to Module 2, which is about Interpersonal Communications. Before we proceed to this module, let us have a review of the previous module. Write five ideas that you can recall about the types of important values and skills, how to set and reach goals, and different ways people learn. (Magsulat ng 5 ideya na iyong natatandaan ukol sa uri ng mahahalagang paniniwala/pag-uugali at kasanayan, paano ihanda at makamit ang mga nais, at ang iba’t ibang pamamaraan kung paano natututo ang mga tao.) 

Halimbawa:

1. Ang ating paniniwala ay nasasalamin sa ating mga hilig, pasya, at pinagtutuunan ng panahon.

2. Kahit mayroon tayong kaparehong paniniwala sa ibang tao, ang bawa’t isa ay natatangi 

3. Ang pagkilala sa mga paniniwala, kakayahan, hamon, oportunidad, at interes ay bahagi ng pansariling pag-unlad.

4. May 5 hakbang upang maihanda at makamit ang mga nais: 1) ihayag ang nais 2) bumalangkas ng plano 3) isagawa ang mga dapat gawin 4) manatili sa landas na tinatahak, at 5) makamit ang mga nais

5. Natututo ang mga tao sa pamamagitan ng pagsusulat, pagbabasa, panonood, pakikinig, paggawa at kumbinasyon ng mga ito.

 

Read the proverb at the beginning of the module and answer the questions. “The first impression you give is important in communication” (Sa komunikasyon mahalaga ang unang impresyon). (Basahin ang salawikain sa simula ng modyul at sagutan ang mga tanong.)

What does it mean? (Ano ang ibig sabihin nito ?)

          Ang ibig sabihin ng salawikain ay hindi dapat balewalainang unang impresyon o pagkakilala mo sa iyong kausap o sa isang nagsasalita. Dahil dito, dapat natin pagtuunan ang ating sarili o ibang tao bilang tagapagsalita o tagapakinig man upang malaman natin kung ang mensaheng nais iparating ng bawa’t isa ay malinaw at nauunawaan. 

In your own words, how do you relate this proverb to yourself? Can you recall your first impression situation with someone else? Do you think the way you talk with your listener is important? Why? (Sa iyong sariling pananalita, paano mo maiuugnay ang salawikaing ito sa iyong sarili? Matatandaan mo ba ang iyong unang impresyon sa isang tao? Sa palagay mo ba ay mahalaga sa iyong mga tagapakinig ang paraan ng iyong pagsasalita? Bakit?)

          May kaugnayan sa aking sarili ang salawikain dahil ang komunikasyon ay pbahagi na ng aking buhay. Naranasan ko rin ang makinig at makipag-usap sa ibang tao at pinahalagahan ko ang impresyon nila sa akin o impresyon ko sa kanila upang mapagbuti ko pang lalo ang aking pakikipag-usap at pakikinig.

          Mahalaga kung paano ko kausapin ang ibang tao dahil nasasalamin nila kung anong klase akong tao. Halimbawa, kung magalang ang tono ng aking pagsasalita o gumagamit ako ng mga magagalang na salita tulad ng ”po” at “opo”  kapag kausap ko ang isang matanda o nakatataas sa akin, maiinganyo silang pakinggan akong mabuti at unawain ang aking sinasabi. Nagpapakita rin ito na may respeto ako sa kanila dahilan upang respetuhin din nila ako habang ako ay nagsasalita.

This module will focus on communication skills at work. What do you think is the relevance between the proverb and the importance of communication skills at work. How does it relate to your real life situation? (Ang modyul ay nakatuon sa kasanayan sa pakikipagtalastasan sa trabaho. Ano sa palagay mo ang kaugnayan ng salawikain at ang kahalagahan ng mga kasanayan sa pakikipagtalastasan sa trabaho? Paano ito maiuugnay sa iyong tunay na buhay?)

          Ang salawikain ay isang kaalaman na dapat isaisip ng isang manggagawa sa lugar ng kanyang pinagtatrabahuhan. Kung batid ng isang nag-aaplay sa trabaho o nagtatatrabaho na sa isang pagawaan ang ibig sabihin ng salawikain, maiaayon niya ang kanyang pakikipagpanayam sa may-ari o namumuno na kumakapanayam sa kanya upang matanggap siya sa trabaho. Ibig sabihin, pag-aaralan niya ang mga istratehiya o paraan ng tamang pakikinig at pakikipag-usap upang maging maganda ang unang impresyon/pagkilatis sa kanya. Gayundin naman kung isa ng empleyado ang nakikipag-usap at nakikibig sa kanyang boss. Nararapat din na batid niya kung paano maging mabisang tagapagsalita at/o tagapakinig upang maihatid niya ang mensaheng nais niyang maihatid nang malinaw o impormasyong nais niyang malaman.

          Kahit hindi sa lugar ng trabaho, mahalaga pa ring malaman ang ibig sabihin ng salawikain dahil na rin sa katutohanang ang komunikasyon ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng isang nilalang. Makatutulong ang salawikain upang maging maingat siya sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda sa kanya. Bilang isang miyembro ng komunidad, ako ay nakikipag-usap sa iba o nakikinig sa sinasabi ng ibang tao. Dahil alam kong mahalaga ang unang impresyon sa komunikasyon, pinagbubuti ko ang aking pakikipag-usap sa aking mga kapitbahay, mga guro, o namumuno ng aming barangay. Pinagbubuti ko rin ang aking pakikinig sa mga pulong o talakayan upang makuha ko ng malinaw ang impormasyon at mensahe na nais ibahagi ng nagsasalita.

 

I hear you, but I’m not listening”. Ask your mother, father, sister, brother or your friend if they have experienced a situation where they are talking to someone who seemed to be listening to them but when they ask if they understood what they are saying it turns out that they are not listening. How did they feel about it? Is this a good or bad thing to do? Why? (“Naririnig kita, pero hindi ako nakikinig”. Tanungin ang iyong nanay, tatay, ate, kuya o iyong kaibigan kung naranasan nilang makipag-usap sa ibang tao na animo ay pinakikinggan sila pero nang kanilang tanungin kung nauunawaan ang kanilang sinasabi ay natuklasan hindi naman pala ito nakikinig sa kanila. Ano ang naging pakiramdam nila ukol dito? Ito ba ay mabuti o masamang gawin? Bakit?)

          Masama ang pakiramdam ng miyembro ng aking pamilya kapag hindi pinakikinggan ang kanilang sinasabi. Ito ay madalas mangyari sa pagitan ng aking ina at mga kapatid. Panay ang salita ang aking ina subali’t hindi naman pala iniintidi ng iba kong mga kapatid ang pinag-uutos niya. Madalas tuloy ay nauuwi sa pagtatalo ang lahat at kung magkaminsan ay nagkakaroon pa ng sakitan.

          Masamang gawain ang hindi pakikinig sa sinasabi ng kausap dahil nagmumukha siyang tanga. Nauubos ang kanyang laway sa pagsasalita gayong nagtataingang-kawali pala ang kanyang kausap. Ito ay pagpapakita rin na hindi nirerespeto ng nakikinig ang nagsasalita.

Now it is your time to write your thoughts on the following questions in the space below. (Ngayon na ang oras upang isulat sa espasyo sa ibaba ang iyong mga saloobin/kaisipan hinggil sa mga tanong.)

Questions (Mga tanong)

Your Thoughts (Mga Saloobin)

What does it mean to listen/speak effectively? (Ano ang kahulugan ng makinig/magsalita nang mabisa?)

Ang mabisang pakikinig/pagsasalita ay nangangahulugan ng paggamit na mga kasanayan sa komunikasyon tulad ng tamang tono, malinaw na mga salita, paggamit ng mga body languages, atbp. upang maihatid ang mensahe mula sa pinagmulan hanggang patutunguhan o vice versa. Ito ay nangangahulugan din ng tumpak na pag-uugali/pagkilos ng isang nagsasalita at nakikinig.

How do you know when you are/are not being listened to or ignored? (Paano mo malalaman kung ikaw ay/ikaw ay hindi pinakikinggan o binabalewala?)

Malalaman mo kung ikaw ay hindi pinakikinggan o binabalewala ng isang tagapakinig kung hindi niya masabi o naisakatuparan ang iyong mensahe. Naipapakita rin ito sa pamamagitan ng mga kilos ng iyong kausap habang ikaw ay nagsasalita. Halimbawa, maaaring ang isang kausap o tagapakinig ay nakatingin sa malayo, natutulog sa upuan, naghihikab, o palakad-lakad habang ikaw ay nagsasalita.

What do you do when speaking to get your point across? (Ano ang iyong ginagawa habang nagsasalita para maihatid ang iyong mensahe?)

Para maihatid nang malinaw ang aking mensahe, nilalakasan ko ang aking pagsasalita upang marinig ng lahat. Gumagamit din ako ng mga salitang akma sa okasyon at sa mga nakikinig. Iniiba-iba ko rin ang tono ng aking pagsasalita upang hindi mabagot ang mga nakikinig. Higit sa lahat, binubuod ko ang aking mga sinabi at tinatanong sila kung naunawaan nila ang aking sinabi o kailangan pa nila ang dagdag na paliwanag.

How do you speak to an elder? Supervisor? Friend? Group of people? (Paano ka makipag-usap sa isang matanda? Superbisor? Kaibigan? grupo ng tao?)

Iniaayon ko ang aking pagsasalita sa mga nakatatanda o nakatataas ng posisyon sa akin sa pamamagitan ng paggamit ng magalang na salita tulad ng “po”,”opo, at/o “sir”. Ibig sabihin, nakikipag-usap ako sa kanila ng may respeto at paggalang.

Why is good (or effective) communication important in your personal and work lives? (Bakit mahalaga ang mabuting (mabisang) pakikipagtalastasan/pakikipag-usap sa iyong personal at buhay-trabaho?)

Mahalaga ang mabisang komunikasyon sa aking personal at buhay-trabaho dahil sumasalamin ito kung anong klaseng tao ako. Mahalaga ito upang magamit ko sa aking pang-araw-araw na buhay at sa lugar ng pinagtatrabahuhan upang maiparating ko nang malinaw ang mga impormasyong nais kong ibahagi. Importante rin ito upang makilatis ko nang mas mabuti ang mga taong nakikinig sa akin at upang maging kaiga-igaya akong tagapakinig.


Activity 2: Non-Verbal Communication
 

Think about it!

This section encourages you to express your opinions to family and friends about non-verbal communication. Start a discussion with them face to face, via text, chat, or whatever means available and comfortable to you. It’s always great to share your ideas and hear more points of view. (Ang seksyon na ito ay humihikayat sa iyo upang isiwalat ang iyong mga kuro-kuro sa pamilya at mga kaibigan ukol sa mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipag-usap. Simulan ang talakayan sa kanila ng harapan, sa pamamagitan ng text, chat, o anumang paraan na magagamit at komportable sa iyo. Palaging maganda ang ibahagi ang iyong mga ideya at makarinig ng mas maraming pananaw ng iba.)

 

1.       Why do you think non-verbal communication is important when giving information or when listening to someone? (Bakit sa palagay mo ay mahalaga ang mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipag-usap kapag nagbibigay ng impormasyon o kapag nakikinig sa iba?)

          Mahalaga ang mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipag-usap kapag nagbibigay ng impormasyon o kapag nakikinig sa iba sapagka’t ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan gamit ang iyong katawan. Mahalaga ito upang makilatis mo ang kahulugan ng mga ikinikilos ng mga tagapakinig at maiayon ang iyong pagsasalita nang sa gayon ay maipahatid nang kalugod-lugod ang iyong mensahe at maibigay nang malinaw ang mga impormasyong nais mong ibahagi. Mahalaga rin ito sa mga tagapakinig upang maihatid o maipabatid niya sa tagapagsalita ang kanyang reaksyon nang hindi nagsasalita.

2.       Why is knowing and recognizing non-verbal communication important in the workplace? (Bakit mahalagang malaman at makilala ang mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipag-usap sa pinagtatrabahuhan?)

          Mahalagang malaman at makilala ang mga kilos na nagpapahiwatig ng pakikipag-usap sa pinagtatrabahuhan upang makilatis mo ang pag-uugali ng iyong mga kasamahan sa trabaho at maiayon ang iyong pakikitungo sa kanila. Nakatutulong din ito upang mapabuti mo ang iyong pakikipag-usap sa kanila kahit hindi sila nagsasalita o maihayag mo ang iyong damdamin/saloobin/nais kahit hindi kayo nagsasalita o nag-uusap.