Friday, March 18, 2022

ALS A&E Test Reviewer: Learning Strand 1 - Communication Skills - FILIPINO - Bahagi ng Pananalita

 Nasa ibaba ang isang balik-aral na pagsusulit ukol sa mga Bahagi ng Pananalita bilang bahagi ng ALS A&E Test: Learning Strand 1 - Communication Skills - FILIPINO:

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tambalang salita?

A. paruparo
B. araw-araw
C. bahaghari
D. haluhalo


2. Nagpunta si Anna sa palengke upang bumili ng repolyo.
Ilan ang panggalan sa pangungusap?

A. isa
B. dalawa
C. tatlo
D. apat


3. Dadalaw _______ Maria at Mario kay Thelma at _______ ay mangunguha ng mangga.

A. sila / sila
B. sina / siya
C. sila / sina
D. sina / sila


4. Sa kambal, si Norman ang __________ gumuhit ng larawan.

A. magaling
B. mas magaling
C. pinakamagaling
D. galing


5. Tatlong bibe ang inaalagaan nang husto ni Empoy sa kanilang bahay-bakasyunan.
Alin ang pang-uri sa pangungusap?

A. Tatlong
B. inaalagaan
C. nang husto
D. bahay-bakasyunan


6. Ang pagtatayo ng ospital ay pinasinayaan ng maybahay ng punong-lungsod.
Nasa anong aspekto ang pandiwa sa  pangungusap?

A. Pangkasalukuyan
B. Panghinaharap
C. Balintiyak
D. Tahasan


7. Mananagot siya sa madla dahil sa kanyang kabuktutan.
Ano-ano ang panghalip sa  pangungusap?

A. siya 
B. siya at kanyang
C. siya, madla, at kanyang
D. dahil sa


8. Dito ka na kumain dahil tanghali na.
Anong uri ng panghalip ang may salungguhit sa itaas?

A. Panao 
B. Patulad
C. Panaklaw
D. Pamatlig


9. Ang mga taong tamad ay talagang mabagal umunlad.
Ano-ano ang mga pang-abay sa pangungusap?

A. tamad
B. talagang
C. tamad at mabagal
D. talagang at mabagal


10. Ang itinitindang mangga ni Rosalie ay masyadong maasim.
Ano ang gamit ng pang-abay sa pangungusap?

A. Panturing sa pang-uri
B. Panturing sa pandiwa
C. Panturing sa kapwa pang-abay
D. Panturing sa pangngalan


11. Tila mababawasan na ang korapsyon dahil sa bagong halal na presidente.
Anong uri ng pang-abay ang nasa pangungusap?

A. Panang-ayon
B. Pang-agam
C. Pananggi
D. Pangkaukulan


12. Masyadong mapusyaw ang kulay ng balat ni Adela.
Nasa anong kaantasan ang pang-uri sa pangungusap?

A. Lantay
B. Pahambing
C. Pasukdol
D. Panlarawan


13. Laban sa pamahalaan ang kanilang isinusulat.
  Anong bahagi ng pangungusap ang may salungguhit? 

A. Pantukoy
B. Pang-ukol
C. Pangatnig
D. Pang-angkop


14. Nakatapos ng abogasya si Mario ________ karpintero lang ang kanyang ama.
  Anong pangatnig ang wasto sa pangungusap? 

A. subalit
B. sapagkat
C. bagaman
D. kaya


15. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi wasto ang panggamit ng pang-ukol?
 
A. Si Lito ay naghukay ng balon na malalim. 
B. Nagtungo sila sa aliwang pambata.
C. Ang kanyang pisngi ay may malalim na biloy.
D. Tinabasan ni Merto ang madamong hardin.

--o0o--
MGA SAGOT: