Friday, February 12, 2021

Mga Mag-aaral at Guro ng ALS, Yamot na sa DepED dahil sa pagpapaliban ng ALS A&E Test

Yamot na ang karamihan sa mga mag-aaral at guro ng Alternative Learning System o ALS dahil sa patuloy na pagpapaliban ng Department of Education (DepED) sa nakatakdang Accreditation & Equivalency (A&E) na ibinibigay taun-taon ng kagawaran sa pamamagitan ng Bureau of Education Assessment (BEA). Matatandaan na dapat ay noon pang November 2019 ang pagsusulit sa A&E para sa Batch 2019 at mga mag-aaral na hindi nakapasa sa naunang mga pagsusulit.

(Image from http://www.visayans.org/project-focus-alternative-learning-system-als)

Dahil sa pandemya ay inabisuhan ng DepED ang mga mag-aaral ng Batch 2019 na pansamantalang mag-enrol sa Grade 7 o Grade 11, matapos makumpleto ang kanilang portfolio. Ang mga nagpatala ay sasalang sa A&E Readiness Test. Ang papasa rito ay maaari nang magpatuloy ng kanilang pag-aaral sa gradong kanilang pinasukan. Ang mga hindi papasa ay muling tatanggapin sa ALS upang hasain pa ang kanilang kaalaman. Ang AERT ay nakatakda sanang ganapin noong December 202 subali't ito ay nagpapalit-palit din ng takdang petsa hanggang ianunsyo na ng kagawaran na wala nang magaganap pang AERT at sa halip ay ang regular ng A&E test ang gagawin. Inaasahan ng mga mag-aaral at guro ng ALS na gaganapin ito sa April 2021. Sa kasamaang palad, ang nakatakdang A&E test ay tuluyan nang isinantabi ng DepEd at wala nang itinakdang petsa para rito.

Sa ngayon ay naguguluhan ang mga mag-aaral at guro ng ALS dahil walang kasiguruhan ang kanilang pag-aaral at pagtuturo. Higit ang pangamba ng mga mag-aaral na nag-enrol sa Grade 7 at Grade 11 dahil hindi nila alam kung ipagpapatuloy pa ba nila ang kanilang pag-aaral dahil hindi nila alam kung anong assessment ang gagawin ng DepED para sa kanila. Tuluyan bang masasayang ang kanilang oras at salaping iginugol?

Hindi sana mangyayari ito kung may tamang plano ang DepED para sa ALS learners. Batid nila na regular ang pagbibigay ng A&E test, bakit hindi ito naibigay noong 2019 ganoong marami naman ang nag-enrol at nakatakdang kumuha ng pagsusulit? Hindi naman masasabing walang budget ang ahensiya dahil lagi naman nilang isinasali sa kanilang budget ang programa. Bakit kung kailan gagawin na ang test ay saka sila magpapa-bidding kung sino ang mangangasiwa at magtse-chek ng mga papel? Hindi ba ito magagawa ng mas maaga gayong normal at regular naman ang implementasyon ng ALS at A&E?

Ligtas sa batikos ang DepED para sa 2020 dahil nga sa pandemya dulot ng Covid-19 pero dapat ay may ginawa na silang polisiya para sa mag-aaral ng ALS kung paano sila i-a-assess tulad ng ginawa nila para sa mga mag-aaral ng formal school. Lumalabas tuloy na second-class learners lang ang mga nag-a-ALS.

Sa pagsasabatas ng Republic Act No. 11510 o ang Alternative Learning System Act, inaasahan na lubos na mabibigyang pansin ang mga kabataan at may idad na nahinto sa pag-aaral sa iba't ibang dahilan. Sa pagbuo ng Bureau of Alternative Education (BAE), sana ay wala ngang Pilipino ang maiiwan. Ngayon pa lang ay hinihiling na ng mga mag-aaral ng ALS na nasa formal school na sila ay ipasa katulad ng mga regular students kung nakukumpleto naman nila ang mga kailangan sa pag-aaral. At yaong mga Batch 2020 learners, siguro ay sapat na ring batayan ang pagkukumpleto ng kani-kanilang portfolio upang makakuha ng diploma o katunayan ng pagtatapos sa elementarya o sekundarya man. Nawa ay makarating ito sa DepED.

Saturday, February 6, 2021

ALS Elementary A&E Practice Test – SCIENCE

 Choose the letter of the correct answer.


1. Science is the study of _________.

A. living things

B. the universe

C. humans

D. nature

 

2. Does snail has a backbone?

A. Yes, because it is a vertebrate.

B. Yes, because it is an invertebrate.

C. No, because it is a vertebrate.

D. No, because it is an invertebrate.

 

3. What is mass?

A. It represents the amount of matter in a particle or object.

B. It is an object that shows how much weight it has.

C. It is the same as weight.

D. It represents how much space it occupies.

 

4. Muscles work _______.

A. on their own

B. in pairs

C. in threes

D. in fours

 

5. Merlyn puts a piece of ice on a glass of water. The ice floats. Why?

A. Because of buoyancy

B. Because of surface tension

C. Because ice is less dense than the water

D. Because ice is denser than the water

 

6. Which of the following is an example of a producer in an ecosystem?

A. grass

B. mushroom

C. earthworm

D. air

 

7. Dinosaurs are commonly grouped under __________.

A. mammals

B. amphibians

C. reptiles

D. primates

 

8. What is the darkest part of the shadow?

A. umbra

B. penumbra

C. antumbra

D. hyperumbra

 

9. Jenny put some mothballs in her closet. After few months, they disappear? What process is involved?

A. Evaporation

B. Condensation

C. Sublimation

D. Liquefaction

 

10. Jeremy lacks Vitamin E. What condition will he get later on?

A. Rickett

B. Scurvy

C. Pellagra

D. Anemia

 

11. What simple machine is used in a flagpole?

A. wheel and axle

B. pulley

C. inclined plain

D. screw

 

12. Plants use the energy in sunlight to convert CO2 and water to sugar and oxygen. This process is called ______.

A. cellular respiration

B. food cycle

C. photosynthesis

D. osmosis

 

13. A blue litmus paper is dipped in a glass of liquid. The paper turned red. The liquid in the glass is _____.

A. acidic

B. basic

C. neutral

D. alkaline

 

14. Which of the following is NOT a fungus?

A. yeast

B. mushroom

C. algae

D. mold

 

15. It is a relationship in which two organisms benefit from each other.

A. Parasitism

B. Mutualism

C. Commensalism

D. Commercialism

 

16. Which of the following is an abiotic component in an ecosystem?

A. fish

B. fungi

C. air

D. grass

 

17. Which of the following materials is a good thermal conductor?

A. styrofoam

B. glass

C. leather

D. metal

 

18. What happens when the Earth is between the sun and the moon?

A. solar eclipse

B. lunar eclipse

C. full moon

D. blue moon

 

19. A glass is filled with water, lemon juice, sugar, and ice. What is the solute in this concoction?

I. water

II. lemon juice

III. sugar

IV. ice

A. I only

B. III only

C. II and III

D. IV only

 

20. A bottle of perfume is opened in a room, the smell of its vapor spreads in the entire room due to _______.

A. diffusion

B. osmosis

C. evaporation

D. condensation

 ANSWERS

-------------