Sunday, February 21, 2021

Basic Mathematical Competencies to Pass the ALS A&E Test


Nais mo bang makapasa sa ibibigay na Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency  (A&E) Test sa Learning Strand 2 - Mathematical and Problem Solving Skills o Mathematics?

Kung "OO" ang sagot mo sa aking tanong, ngayon pa lamang ay dapat mo nang alamin ang mga kaalaman na dapat mong pag-aralan at unawain. Magbasa tungkol sa mga araling ito at mag-praktis nang mag-praktis kung paano sagutan ang mga tanong tungkol dito. Batay sa mga naunang pagsusulit sa A&E, 25 items lang ang nakaatang sa Math. Kakaunti lang ang bilang subali't malaki ang porsyento nito sa kabuuang pagsusulit kaya dapat ay marami kang tamang sagot.

Kung nahihirapan kang umuwa ng mga aralin o tanong sa wikang English, makatutulong ang aking website na Mathematics Tutorial in Filipino upang maunawaan mo ang ilang leksyon sa Taglish. Pindutin lamang ang larawan sa ibaba upang makapunta sa website na ito.


Narito ang mga leksyon o aralin na dapat pag-aralan at unawain upang pumasa sa ALS A&E Math:

1) Solve problems involving multiple steps using 4 fundamental operations.

2) Demonstrate understanding of the order of operations of the 4 fundamental operations to solve 3 or 4 steps problem applying the principle of MDAS.

3) Give sample formulas or equations in words; express them in whole numbers, and use mathematical symbols to solve simple problems in real life.

4) Multiply and divide fractions including mixed numbers in real-life problems.

5) Solve problems in daily life involving decimals that are money-related.

6) Apply knowledge of addition and subtraction of integers to solve daily problems.

7) Solve problems using the Pythagorean Theorem.

8) Compute the diameter, radius, and circumference of a circle using the value of pi.

9) Use appropriate formulas in solving daily life problems involving area of plane figures, square, rectangle, triangle, parallelogram, e.g.

10) Use appropriate formulas to find the volume of various solid in solving everyday problems.

11) Solve daily life problems involving rate.

12) Read and interpret data presented in a circle graph (pie chart).

13) Construct a pie graph (pie chart) to organize, present, and analyze data from everyday life situations.

14) Read and interpret the scale on the map.


How to Verify Result of A&E and PEPT and Request Copy of COR

Nawala ba ang iyong Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency (A&E)  Certificate of Rating or COR? Nabasa? Inanod ng baha? Natabunan ng lupa? Nasunog? Naiwala ng iyong guro o paaralang pinasukan? Kung isa sa mga nabanggit ang iyong dahilan upang makakuha muli ng kopya ng iyong COR, hindi ka namali nang bisitahin ang blog ko.

Maliban sa pagpunta sa Department of Education (DepED) headquarter sa Taguig City o mag-request mismo sa iyong School Division Office (SDO), maaari nang makakuha ng kopya ng iyong COR sa pamamagitan ng online. Mangyaring sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:

1. I-download ang COR Request form dito - COR Request Form 

2. Sagutan at kumpletuhin ang dokumento.

    Para mapabilis ang pagpapatunay ng resulta, dapat ay kumpleto ang mga impormasyong hinihingi.

3. I-upload ang COR Request Form at iba pang kinakailangang dokumento (kung meron) dito - BEACORVerify, o kaya ay muling sagutan ang mga tanong. Kailangan ay may email address ka dahil kailangan ito.

4. Hintayin ang email ng Bureau of Education Assessment (BEA) dalawang linggo (o higit pa) matapos makapag-file.

5. Kapag masyadong naantala ang resulta ng iyong hinihingi COR, mag-email muli sa verification.bea@deped.gov.ph. Maaari rin silang tawagan sa mga teleponong:

(02) 8687 - 4146

(02) 8633 - 7202

(02) 8631 - 5057

(02) 8638 - 4879

Ang Verification/COR Request Form ay maaari ring gamitin sa mga sumusunod na pagsusulit:

1. Philippine Educational Placement Test (PEPT)

2. National Career Assessment Examination (NCAE)

3. Qualifying Examination in Arabic Language and Islamic Studies (QEALIS)

4. Educational Management Test (EMT)