Sunday, October 29, 2017

ALS A&E Reviewer - Filipino

Piliin ang titik ng tamang sagot. Kung walang tamang sagot, isulat ang titik E.


1. Dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa at kawalan ng hanapbuhay, naging masalimuot ang buhay ni Rosa. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?

A. mahirap
B. problemado
C. napakahirap maintindihan
D. maalwan

2. Agad na tumulo ang mga luha ni Fatima nang buskahin ng mga kaibigan. Siya ay may pusong-talusaling. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

A. iyakin
B. mapanukso
C. sensitibo
D. maawain

3. Ang taong may himutok ay nagsasabi ng mga sumusunod maliban sa isa.

A. pangarap
B. sama ng loob
C. hinagpis
D. hinaing

4. Mahirap na ngayong makakita ng mga mayayamang may busilak na puso. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?

A. malinis ang kalooban
B. mabait
C. matapobre
D. garapal

5. Ang pangarap na maging kabiyak ni Armando ay isang dalagang mabini.  Nais niya ang babaing may mga sumusunod na katangian maliban sa isa.

A. masinop
B. mahinhin
C. maingat
D. mabait

6. Kinatutuwaan ng mga kaibigan si Pedro dahil siya ay adelantado. Siya ay dumarating

A.  sa itinakdang oras ng tipanan
B.  sa oras na lampas na ang tipanan
C.  nang masyadong maaga sa oras ng tipanan
D.  matapos sabihing siya ay mahuhuli sa tipanan

7. Maraming nagsasabing ang ilang pulitiko ay sagwil sa pag-unlad ng bansa. Ang salitang may salungguhit ay maaaring palitan ng salitang

A. hadlang
B. katulong
C. kaagapay
D. susi

8. Kailangan ng Nanay ng isang kampit. Siya ay binigyan ni Ate ng

A. maliit na palakol
B. maliit na asarol
C. maliit na kutsilyo
D. maliit na gunting

9. Nahihirapan si Mang Donato na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya dahil kakarampot ang kanyang suweldo. Ano ang hindi mo masasabi sa kanyang kinikita?

A. hindi sapat
B. kakaunti
C. kaysa lamang
D. kulang

10. Kahit ano ang gawin ng Mamay ay hindi niya maapuhap ang kanyang sambalilo.  Ano ang dapat mong gawin sa sambalilo?

A. itago
B. hanapin
C. linisin
D. iabot

11. Laging ipinaaalala ng kapulisan na mag-ingat sa naglipanang kawatan sa mga lansangan ng Maynila. Ano ang estado ng lungsod?

A. Nagkalat ang mga magnanakaw
B. Laganap ang mga gumagamit ng droga
C. Nagsisikip ang mga lansangan sa mga tao
D. Kaalyado ng mga pulis ang mga masasamang-loob

12. Masyadong pihikan si Maria sa mga manliligaw. Nais niyang maging kabiyak ang isang binatang-taring. Ang hinahanap niya ay isang

A. responsableng lalaki
B. lalaking may hanapbuhay
C. lalaking-lalaki
D. lalaking kaya niyang manduhan

13. Isa palang alibugha ang napakasalan ni Manolo. Lubos sana ang kanyang kaligayahan kung ito ay isang babaeng

A. taksil
B. masipag
C. maganda
D. tapat

14. Hindi na nakikinig ang mga tao sa talumpati ng kanilang punong-lungsod dahil ito ay palasak na. Ang laman ng talumpati ay

A. puro kasinungalingan
B. karaniwan na lamang
C. pambobola lamang
D. patutsada sa kalabang pulitiko

15. Pangaralan habang maaga ang mga anak upang hindi lumaking mga tampalasan. Anong salita ang hindi maaaring ipalit sa salitang may salungguhit?

A. suwail
B. walang-pakundagan
C. mabait
D. imbi

Isulat sa komento ang inyong mga sagot para itama.

Saturday, October 28, 2017

Paalala para ALS A&E Test 2016 - 2017

Dahil nalalapit na ang pagsusulit sa Accreditation and Equivalency (A&E) na itinakda ng Department of Education (DepEd) sa ika-19 ng Nobyembre, 2019 para sa Luzon at sa ika-26 ng Nobyembre, 2019 naman para sa Visayas at Mindanao, nararapat lamang na paghandaan natin itong mabuti. Maaaring bistahin ang aking blogs na Filipino Tutorial at Mathematics Tutorial para makakuha ng
dagdag na kaalaman.



Dapat din tayong mag-ensayo sa pagsusulat ng ating sanaysay (essay) dahil kapag bagsak tayo rito at kahit pasado tayo sa multiple choice, ay BAGSAK pa rin tayo sa pagsusulit. Ngayon pa lang ay humabi na tayo ng ating isusulat sa ating sanaysay. Nasa ibaba ang mga topic o paksa na maaaring ibigay sa pagsusulit. Gumawa tayo ng 4 hanggang 5 talata (paragraph) sa loob lamang ng 30 minuto. Kapag hindi kayo nakasulat ng sanaysay sa loob ng kalahating oras, maaaring bumagsak kayo kaya mag-praktis na ngayon pa lang. Subukang gumawa ng sanaysay ayon sa mga paksa sa ibaba:

1. Ano ang epekto ng cellphone sa buhay mo?
2. Tama bang nagdeklara si Pangulong Duterte ng Martial Law (Batas Militar) sa Marawi?
3. Paano ka makakatulong sa pagsugpo ng droga sa inyong lugar?
4. Naniniwala ka bang may extra-judicial killing (walang habas na pagpatay o hindi makatarungang pagpatay) sa Pilipinas?
5. Kailangan pa bang magpadala ng mga kasambahay sa ibang bansa?
6. Paano mo mapapaunlad ang iyong sarili sa inyong pamayanan?
7. Ano ang silbi ng ALS sa aking pag-unlad?
8. Paano ako makakatulong para maiwasan ang global warming?

Dapat lang na ang gagawing sanaysay ay may angkop na titulo o pamagat. Meron itong paunang talata o introduction, 2 o 3 talatang tumatalakay sa iyong argumento, at isang talata sa pagtatapos. Huwag halu-halo ang mga binabanggit sa isang talata. Isang punto, isang talata. Huwag pabalik-balik nang sinasabi.

Kadalasan ay nasa wikang Filipino ang pagsusulit na may pailan-ilang tanong sa English. Unawain ang sagutan nang mabilis ang mga tanong. Balikan ang mga tanong kapag may oras pa. Huwag magtagal sa isang tanong. Hulaan ang sagot kung hindi alam at balikan kapag may oras pa.

Kapag nakapasa sa pagsusulat para sa high school, bale junior high school diploma lamang ang ibibigay sa inyo. Kailangan ninyo pa rin kumuha ng Senior high school kung nais ninyong magpatuloy sa kolehiyo. Ito ay dahil sa K-12 program ng pamahalaan. Suwerte yong mga nakapasa noong nakaraang pagsusulit dahil diretso na agad sila sa college.

Practice pa more para pumasa! Good luck sa lahat!

Wednesday, October 18, 2017

2016-2017 ALS A&E TEST - 19 and 26 November 2017

Through DepEd Memoradum No. 164, s. 2017, The Department of Education (DepEd) has announced on 18 October 2017 that the Accreditation and Equivalency (A&E) Test shall be administered on November 19, 2017 for Luzon and November 26, 2017 for Visayas and Mindanao.



A& E Test applicants may register from October 2 to 25, 2017 at the schools division offices (SDOS) or district offices (DOs)  identified by the schools division superintendents as registration centers.

The following may take the A&E Test:

1. Learners in the Alternative Learning System (ALS) and Nonformal Education programs;

2. Out-of-School children and youth who are prepared for assessment; and

3. Adults who are seeking Certification of Learning

The passing rate is still 75%.

For more information, visit DepEd's website and read the full text of the Memo at http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/memo/2017/DM_s2017_164.pdf

GOOD LUCK!




Sunday, October 8, 2017

2016-2017 ALS A&E Test Registration, Oct 2-25, 2017

Nasa ibaba ang anunsyo ng Department of Education (DepEd) para sa pagpaparehistro ng mga kukuha ng Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency (A&E) Test sa taong 2016 ( na-postpone noong Enero 22 at 29, 2017):



October 3, 2017
PASIG CITY, Oktubre 3, 2017 – Bilang paghahanda sa nalalapit na Accreditation and Equivalency (A&E) Test para sa taong 2016, binuksan ng Department of Education (DepEd) ang pagpapa-rehistro para sa mga nagnanais kumuha ng naturang pagsusulit.

Simula Oktubre 2 hanggang 25, bukas na sa mga kwalipikadong aplikante ang registration centers kung saan sila ay dapat magpatala bago payagang makakuha ng A&E Test. Ang mga registration center ay mga Schools Division Office o District Office na itinalaga ng mga Schools Division Superintendent (SDS). Dito ay may Registration Committee na tutulong sa mga aplikante na kumpletihun ang kanilang mga registration form at susuri sa mga kailangang dokumento.

Maaaring magpa-rehistro para sa A&E Test Elementary Level ang mga aplikanteng hindi bababa ang edad sa 12-taong gulang, samantalang ang mga nais kumuha ng A&E Test Junior High School Level ay dapat hindi bababa ang edad sa 16-taong gulang.

Para mag-rehistro, humingi ng registration form sa registration center at magdala ng mga sumusunod na dokumento:
  1. Orihinal AT kopya ng Certification of ALS Program Completion na ibinigay ng Learning Facilitator (para lang sa mga mag-aaral ng ALS)
  2. Orihinal AT kopya ng birth certificate (makukuha sa Philippine Statistics Authority [PSA] na dating National Statistics Office)
  3. Kung walang birth certificate mula sa PSA, maaaring ipasa ang isa sa mga sumusunod:
  1. Baptismal certificate
  2. Voter’s ID (may larawan at lagda)
  3. Valid passport
  4. Valid driver’s license
  5. Anumang legal na dokumentong nagsasaad ng pangalan, larawan, at pirma ng magpapa-rehistro (halimbawa: NBI clearance, barangay certificatecertification na mula sa barangay chairman o learning facilitator)
  1. Dalawang (2) kopya ng magkaparehong 1x1 ID picture (puting background at may name tag)

Siguraduhing kumpleto ang form at ang mga ipinasang dokumento para iwas aberya. Dapat ay ang mismong aplikante ang magkukumpleto ng form at magpapasa nito sa Registration Committee.

Pinapaalala rin ng DepEd na walang anumang dapat bayaran sa pagpapa-rehistro man o sa pagkuha ng eksam at certificate of rating. Bukas din ang mga registration center kahit Sabado at Linggo upang tumanggap ng mga aplikante. Para sa karagadagang tanong o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa inyong mga SDO o DO, o kaya’y tumawag sa DepEd-Bureau of Education Assessment (BEA) sa mga numerong (02) 631-2588, (02) 631-2589 at (02) 631-2571.

Thursday, September 21, 2017

ALS A&E Test Results 1999 - 2015

If you wish to know whether you passed the Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalancy (A&E) tests given by the Department of Education (DepEd) of the Philippines from 1999 to 2015, please CHECK here.



Good luck and Congratulations!

Thursday, August 3, 2017

ALS A&E Test MIGHT be Within the SECOND SEMESTER 2017- 2018

Good news to the Alternative Learning System (ALS) students who have not taken their Accreditation & Equivalency (A&E) test previously scheduled on 22 & 29 January 2017. I have received an email from the Department of Education's (DepEd) Bureau of Educational Assessment (BEA) Educational Assessment Division (EAD)  expecting the ALS A&E test will be administered within the second semester of this school year.



Below is the full text of the email:

Good day Mr. Santos!

The Bureau has everything prepared with regard to the test materials for the Accreditation & Equivalency (A&E) Test, but other intervening factors, beyond our control, are holding up its administration, particularly, its procurement. Nevertheless, we are expecting that this will be administered within the second semester of this school year.

If you have further questions complementary to this, feel free to contact us at 631-2589.
-- 
Best Regards,
BEA-EAD

The above is an anticipated news. Now, those who are taking the test should review their notes and practice some tests.

Good luck everyone! Wait for further announcement from DepEd!

Monday, June 19, 2017

Nakalimutan na ba ni Kal. Briones ang ALS?

Tila nakalimutan na ni Kalihim Leonor Biones ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang kahalagahan at pagpapalaganap ng Alternative Learning System (ALS) na kanyang pinagdiinan sa kanyang unang talumpati sa mga kawani ng DepEd noong ika-7 ng Hulyo, 2016. Nang araw na ito ay inilahad niya ang kagalingan ng ALS at ikinuwento ang naging karanasan tungkol dito.  Sinabi niyang dapat itong palaganapin. Subali't tila nalimutan na ito ng kalihim.



Matapos suspendihin ang petsa ng eksamin para sa 2016 ALS Accreditation and Equivalency (A&E) noong ika-20 ng Enero, 2017, wala nang narinig na balita tungkol dito. Limang buwan na ang lumipas nguni't hindi pa inihahayag ang bagong petsa ng pagsusulit. Hindi rin malinaw kung may pagsusulit pang magaganap. Ang mga nagrepaso at nag-aral sa ALS na nagnanais na kumuha ng kurso sa kolehiyo ay nanggagalaiti na sa inip at galit. Tila napurnada ang kanilang panahon sa pag-aaral. Ang kanilang pinag-aralan ay unti-unti nang nakakalimutan. Parang nasa balag sila ng alanganin sa paghihintay. Yaong nagnanais namang magparehistro at mag-aral sa ALS ngayong taon ay gayundin. Hindi nila malaman ang gagawin. Wala rin namang maisagot ang mga prinsipal at ALS coordinators dahil tulad nila ang naghihintay rin sila ng Memorandum galing sa DepEd.

Sa ngayon ay patuloy na umaasa ang mga mag-aaral ng ALS na makapag-eeksamin na rin sila. Nguni't habang lumalaon ay unti-unti nang naglalaho ang pag-asa nilang ito. Paano lalaganap ang inpormal na pag-aaral na tulad ng ALS kung ang mismong Kalihim ay tila nakalimutan na ito?

Saturday, June 10, 2017

2017 Alternative Learning System (ALS) Test Schedule & Registration

Sa ngayon ay tiyak na nanggagalaiti na sa inip, yamot at galit ang mga nag-aral at mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin inilalabas ang abiso tungkol sa petsa ng iksamin o ng pagpapatala para sa ALS.

Dahil sa pagbabago ng namumuno sa DepEd, nangangahulugan lang na nabago na rin ang patakaran tungkol sa pangangasiwa ng Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) examinations. Sa pagpapaliban ng pagusulit noong Enero 2017, maraming mag-aaral ng ALS ang nasa bingit ng alanganin dahil nagsimula na ang klase ay hindi pa sila nagkakapag-iksamin. Tila baga napurnada ang kanilang pagod at pagsisikap upang makakuha ng diploma,elementarya man ito o high school. Nakakalungkot lamang isipin na nakalimutan na yata ng DepEd na may mga estudyanteng naghihintay kung kailan ba ang petsa ng pagsusulit o meron pa nga bang pagsusulit na magaganap. Yaon namang naghihintay kung kailan ang pagpapatala para sa programa ay hindi rin malaman ang gagawin. Wala ring maibigay na impormasyon ang mga lokal na pamunuan ng DepEd, gayundin ang mga punong-guro ng mga paaralan at mga ALS coordinators. Ang lahat ay naghihintay ng abiso mula sa Department of Education.

Ang inyong lingkod ay nangalugad sa webpurok ng DepEd upang maghanap ng personaheng maaaring tanungin tungkol sa ALS. Tunghayan sa ibaba ang pangalan ng Assistant Secretary for Public Affairs Services and Alternative Learning System. Tawagan siya at hingan ng paliwanag.
G. H. S. Ambat
Telephone Nos. (02) 636 - 6547 at (02) 631-8495

Sa mga kukuha ng pagsusulit sa ALS at sa mga magpaparehistro, huwag pong mawalan ng pag-asa. Ngumiti pa rin. Magrepaso habang naghihintay. Sana nga ay maaari nang kumuha ng pagsusulit online sa anumang oras na handa na ang mag-aaral.

Tuesday, June 6, 2017

Make Brushing More FUN with Minions!

Brushing teeth is one of the many oral hygiene practices that growing kids must learn. With the right guidance from parents, visit to the dentist can be minimized. 

To attain that pearly white teeth and fresher breath throughout the day, moms and dads should consider the best toothpaste and toothbrush for their youngsters. With Colgate-Palmolive, the headache of choosing the right brand of toothpaste and toothbrush for 2-5 years old and 5-9 years is now eliminated.


With the new Colgate Minions Oral Care Pack for your kids, brushing is more fun for the family. The colorful Colgate Minions toothbrush with the right handle and brush together with the cooling and refreshing taste of Colgate Minions toothpaste, getting those white and cavity-free teeth is easy. Brush together as a whole family with the Colgate Minions toothpaste and toothbrush and experience how fun it will be.

My nephew Timtam and niece Bella will surely love brushing their teeth with Colgate Minions toothpaste and toothbrush!



The Colgate Minions Oral Care Pack can be purchased here:


Monday, May 29, 2017

Sample ALS Test: Development of Self & Sense of Community

Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. May ordinansa ang inyong barangay na hanggang alas-10 lamang ng gabi maaaring magkaraoke. Alas onse na ng gabi pero panay pa rin ang birit sa inyong kapitbahay. Ano ang iyong gagawin?
          a. Huwag na lamang pansinin ang ingay.
          b. Puntahan ang kapitbahay at ipaalala ang ordinansa.
          c. Tawagan ang mga pulis ang ipagbigay-alam ang paglabag.
          d. Batuhin ang bubong ng kapitbahay.

2. Kailangan mong magrepaso ng aralin ngayong gabi subali’t alam mo rin ang masamang epekto ng pagpupuyat. Ano ang mainam mong gawin?
          a. Matulog nang maaga at gumising nang maaga para magrepaso.
          b. Magrepaso hanggang antukin.
          c. Huwag nang magrepaso at mangopya na lamang sa katabi.
          d. Gumawa na lamang ng excuse letter para sa iksamin.

3. Pangarap ni Garry na maging siruhano. Anong kurso ang kanyang dapat kunin sa kolehiyo?
          a. Abogasya
          b. Komersiyo
          c. Pagtuturo
          d. Medisina

4. Nabalitaan mong nagbebenta ng droga ang iyong matalik na kaibigan.
          a. Isumbong siya sa kanyang mga magulang.
          b. Kausapin siya nang malaman ang tutoo at payuhan.
          c. Isumbong siya sa mga pulis.
          d. Huwag na siyang kaibiganin.

5. Nararamdaman mong nanghihina unti-unti ang iyong kalusugan.
          a. Kumunsulta sa isang mangagamot.
          b. Kumunsulta sa isang espesyalista sa pagkain.
          c. Kumunsulta sa isang espesyalista sa paghehersisyo.
          d. Kumunsulta sa isang albularyo.

6. Inilunsad sa inyong barangay ang pagtatanim ng gulay sa bakuran.
          a. Lumipat sa kabilang barangay para hindi mapagod magtanim.
          b. Makiisa at magtanim ng gulay.
          c. Ipangwalang-bahala ang kampanya ng kapitan ng barangay.
          d. Ireklamo ang kampanya ng kapitan ng barangay sa munisipyo.

7. Nakita mong nangunguha ng mga prutas ang kaibigang si Patring sa lupain ng inyong kaibigan na si Juana.
          a. Pagsabihan si Juana na humingi muna ng pahintulot kay Patring.
          b. Isumbong si Juana kay Patring.
          c. Makigaya kay Juana at manguha rin ng mga prutas.
          d. Imungkahi kay Juana na dalhan ng mga prutas na kinuha si Patring.

8. Napansin mong humahalo ang dumi ng alagang baboy ng inyong kabarangay sa sapang pinanggagalingan ng inuming tubig.
          a. Ireport sa munisipyo ang natuklasan.
          b. Ireport sa kapitolyo ang natuklasan.
          c. Ireport sa barangay ang natuklasan.
          d. Ireport sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman ang natuklasan.

9. Nabasa mo ang paskel na ito sa bakod: “ Huwag umihi rito. Mapanghi na po!”
          a. Huwag umihi sa lugar.
          b. Bakbakin ang paskel.
          c. Huwag pansinin ang babala.
          d. Mangiti sa paskel.

10. Punong-hurado ka sa isang paligsahan sa pagsayaw ng mga kabataan sa inyong lugar. Isa sa mga kasali ang iyong inaanak.
          a. Bigyan siya ng pinakamababang score.
          b. Bigyan siya ng pinakamataas ng score.
          c. Huwag siyang bigyan ng score.
          d. Bigyan siya ng score ayon sa kanyang kakayahan.

Tunghayan ang mga sagot dito...

Answers - Sample Test in Problem-Solving & Critical Thinking

B. Part 2
1.  Which is the smallest?
          a. 1/3
          b. 14%
          c. 0.22
               d.  square root of 4

Detalye:       1/3 = 0.33
                    14% = 0.14
                    0.22 = 0.2 x 0.2 = 0.04
                    Square root of 4 = 2


2.  From his house, Jose drove West to his mother’s house for 4 hours. Then went North to visit his girlfriend for a 3-hour drive. From there, he decided to take a short cut South East to his house. Assuming that all conditions are the same, how long will it take Jose to reach his house?
          a. 3.5 hours
          b. 4 hours
          c. 5 hours
          d. 6 hours

Detalye:       Remember Pythagorean Theorem (Right Triangle)
                     a2  + b2  = c2
                               42  + 32  = c2
                              (4x4) + (3x3) = c2
                              16 + 9 = c2
                               c2 = 25
                     c = square root of 25
                     c = 5 hours

3. John bought a car for P 500,000.00 It depreciates as follows:
          1st year = 10%
          2nd year = 15%
          3rd year = 20%
          4th year = 25%
          5th year = 30%
If John decides to sell the car for P 175,000.00 at the end of the 5th year, he will get a… (without considering taxes).
          a. loss of P14,350
          b. profit of P 14,350
          c. no profit or loss
          d. cannot determine loss or profit

Detalye:        Value of car after 1st year = 500,000 – (500,000 x 10%) = 500,000 – 50,000 = 450,000
                    Value of car after 2nd year = 450,000 – (450,000 x 15%) = 450,000 – 67,500 = 382,500
                    Value of car after 3rd year = 382,500 – (382,500 x 20%) = 382,500 – 76,500 = 306,000
                    Value of car after 4th year = 306,000 – (306,000 x 25%) = 306,000 – 76,500 = 229,500
                   
                    Value of car after 5th year = 229,500 – (229,500 x 30%) = 229,500 – 68,850 = 160,650
                    175,000 – 160,650 = 14,350 Profit                  

4. If two fair dice are rolled together, what is the probability that the outcome is 1 & 1?
          a. 1/6
          b. 1/12
          c. 1/3
          d. 1/36



Detalye:       Ang isang dice ay may 6 anim na mukha na may nakasulat na  tuldok na may bilang buhat 1 hanggang 6. Kapag inihagis ang isang dice, ang bilang ng tuldok na lalabas ay maaring 1, 2, 3, 4, 5 o 6. Kung gayon, ang probabilidad na  lalabas ang isang tuldok o 1 ay 1/6. Ang pangalawang dice ay gayon din ang probabilidad na lalabas ang 1 o 1/6.
          Kung gayon, kapag inihagis nang sabay ang 2 dice, ang probabilidad na 1 at 1 ang lalabas ay 1/6 + 1/6 = 2/6 o 1/3. MALI!
          Sa halip na i-add, dapat ay i-multiply ang dalawang probabilidad. Kaya, 1/6 x 1/6 = 1/36 ang tamang sagot. Subukang ilista ang mga combination na lalabas para makitang tama ang sagot. Halimbawa = 1,1 ; 1,2; 1,3; 1,4; atbp.

5. Nena’s grades in 5 subjects are 80, 83, 86, 81 & 88 while Josefa got 78, 82, 89 & 85 in 4 subjects. To have the same average grade, Josefa should get  ____ in her 5th subject:
          a. 82
          b. 79
          c. 83.70
          d. 84

Detalye:       Average na Grado ni Nena = 80, 83, 86, 81 & 88 = 418/5 = 83.60
                    Average na Grado ni Josefa = 78, 82, 89, 85 & X =  (334 + X)/5 = 83.60
                    334 + X = 5(83.60)
                    X = 418 – 334

                    X = 84

Answers - Sample Test in Problem-Solving & Critical Thinking

A. Part 1
1.     Binabalak ni Mario na lagyan ng bakod ang kanyang minanang lupain. Parihaba ang hugis ng ari-ariang may sukat na 100 metro ang isang gilid at 50 metro naman ang isa pang gilid. Kung babakuran ang lupain ng tatlong ulit ng alambreng-tinik, gaano kahaba ang kinakailangang bilhin ni Mario?
a.     300 metro
b.     600 metro
c.     900 metro
d.     1,200 metro
Detalye:       Ang pormula o pangkuha ng buong gilid (perimeter) ng parihabang (rectangle) hugis ng lupain ay 2 x mahabang gilid + 2 x maikling gilid. P = (2 x length) + (2 x width).
Sa ating halimbawa, P = (2x100) + (2x50) = 200 + 100 = 300 metro. Dahil paiikutan natin ng 3 beses ng alambreng-tinik ang lupain, mangangailangan tayo ng 3 x 300 metro nito. Samakatuwid, 3 x 300m = 900 metro.

2.     Mas mahal ng tatlong ulit ang isang pirasong abokado kaysa dalawang pirasong saging. Kung ang halaga ng isang dosenang saging ay P 60.00, ilan ang mabibiling abokado sa halagang P 300.00?
a.     5
b.     10
c.     15
d.     20
Detalye:       Presyo ng 2 saging = s
                    Presyo ng I abokado = a =è 3s
                    Isang dosenang saging = 12 saging è P 60.00
                    Presyo ng 1 saging =  60/12 = P 5
                    Presyo ng 2 saging = 5 x 2 = P 10
                    Presyo ng I abokado = 3s è 3 x 10 = P 30
                    Ilan ang mabibiling abokado sa halagang P 300?  300/30 = 10 piraso
                             
3.     Kayang tapusin ni Nena ang tambak na labahin sa loob ng 5 oras. Kaya namang tapusin ito ni Inday sa loob ng 3 oras. Kung magtutulong silang labhan ang mga damit, ilang oras nila itong matatapos?
a.     4 oras
b.     2 oras 5 minuto 45 segundo
c.     1 oras 52 minuto 48 segundo
d.     3 oras 25 minuto 28 segundo
Detalye:       Power = work done/time =è P = 1/t
Ang bilis (power) ni Nena sa paglalaba ay 1/5 oras = 1/5
                    Ang bilis (power) ni Inday sa paglalaba ay 1/3 oras = 1/3
                    Kapag pinagsama (power) natin ang bilis ni Nena at Inday sa paglalaba =
                    1/5 + 1/3 = 1/t
                    Kunin ang Least Common Denominator (LCD) o Least Common Multiple (LCM) ng 5 at 3.
                    Ang multiples ng 5 ay 5, 10, 15, 20, 25, atbp.
                    Ang multiples ng 3 ay 3, 6, 9, 12, 15, 18, 21, atbp.
                    Ang kanilang LCM ay 15. I-multiply ang LCM sa equation.
                    15( 1/5 + 1/3 = 1/t) = 15/5 + 15/3 = 15/t
                    3 + 5 = 15/t =è 8 = 15/t è 8t =15è t = 15/8
                    T = 1.88 hours
                    Multiply 0.88 by 60 minutes ( I hour = 60 minutes) to get the minutesè 0.88 x 60 = 52.80 minutes. To get the seconds (1 minute = 60 seconds), multiply 0.80 x 60 è 48 seconds
                    Final answer: 1.88 hours = 1 hour 52 minutes 48 seconds
                             
4.     Biniyak ni Toto ang alkansiyang-bao upang ipambili ng gamit sa eskwela. Ito ay binubuo ng singko, diyes at beinte-singko sentimos na barya. Ang singko ay dalawang beses ang dami kaysa sa diyes samantalang tatlong beses na marami ang beinte-singko kaysa singko. Kung ang kabuuan ng barya ay P 17.00, tig-iilang singko, diyes at beinte-singko ang laman ng alkansiya?
a.     20, 10 at 60
b.     40, 20 at 120
c.     10, 5 at 30
d.     30, 15 at 90
Detalye:       Singko sentimos = s = 0.05
                    Diyes sentimos =  d = 0.10
                    Beinte-singko sentimos = b = 0.25
                    Bilang ng singko = 2d
                    Bilang ng beinte-singko = 3s è 3(2d) = 6d
                    Bilang ng diyes =  d
                    2d(0.05) + d(0.10) + 6d(0.25) = 17
                    0.10d + 0.10d + 1.5d = 17
                    1.70d = 17
                    d = 17/1.70 = 10 è bilang ng diyes sentimos
                    s = 2 d = 2 (10) = 20 è bilang ng singko sentimos
                    b = 6 d = 6 (10) = 60 èbilang ng beinte-singko sentimos     
5.     Bumili ng  4cm x 8cm na tiles si Pedro upang ilagay sa kanilang sahig na may sukat na 1.5m x 2.5m. Ipagpalagay na mailalagay pa rin sa sahig ang mga napirasong tiles, ilang tiles ang binili ni Pedro upang hindi kapusin at hindi naman sumobra ng higit sa 20 piraso?
a.     1,200
b.     1,180
c.     1,150
d.     1,220
Detalye:       Sukat ng tiles = 4cm x 8cm = 32 cm2
                    Sukat ng sahig = 1.5m x 2.5m = 3.75 m2
                    I-convert ang sukat ng sahig magmula sa m2 (square meter) sa cm2 (square centimeter)
                    Kung gayon,  1.5m x 2.5m = 150cm x 250cm = 37,500 cm2 ( ang isang metro ay may 100 centimetro)
                    37500 cm2/32cm2 = 1,171.88 piraso

                    Ang 1,180 ang pinakamalapit na sagot na hindi sosobra sa 20 piraso.

Monday, May 22, 2017

2016 - 2017 Alternative Learning System Test Schedule






Image from http://img10.deviantart.net/fe08/i/2014/203/e/8/monica_angry_with_red_face_by_super_marcos_96-d7rr1u7.png

Nayayamot na sa pagkainip ang maraming mag-aaral ng Altenative Learning System (ALS) noong 2016 dahil sa hanggang sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na abiso ang Department of Education (DepEd) hinggil sa bagong schedule ng pagsusulit sa ALS A& E na kanilang ipinagpaliban noong Enero 2017. Ito ay sa kadahilang tila mapupurnada pa ang ambisyon ng mga estudyante ng ALS na pumasok sa Senior High School ngayong taong ito lalo pa at sa Hunyo 5, 2017 na ang pasukan. Tila nakalimutan na ng Kalihim ng DepEd at ng mga namumuno ng Bureau of Alternative Learning System o BALS ang kanilang obligasyon at tungkulin. Ano nga naman ang mangyayari sa kanila ngayong taong ito? Halos limot na nila ang mga pinag-aralan. Maghihintay pa ba sila ng isang taon para makapasok ng Year 11?

Sample ALS Test: Communication Skills (English & Filipino)

1. Ramon and _____ are going to the mall.
          a. me
          b. myself
          c. I
          d. mine
2. Nagpuputok ang butse ni Maria dahil sa ginawa ng kaibigan. Ano ang kanyang nararamdaman?
          a. Nagugutom
          b. Natatawa
          c. Nasisiyahan
          d. Nagagalit
3. Mathematics is one of my favorite subjects in high school. Which of the word in this sentence is wrong?
          a. no incorrect word
          b. is
          c. subjects
          d. high school
4. Which of the following is not a correct singular – plural combination?
          a. ox – oxes
          b. box – boxes
          c. fox – foxes
          d. lox – loxes
5. Tawa nang tawa si Josefa nang aming datnan. Ang may salungguhit na mga sallita ay isang uri ng….
          a. pangngalan
          b. panghalip
          c. pandiwa
          d. pang-abay
6. The children saw two deers eating grasses at the park. Which of the following word in the sentence is not correct?
          a. children
          b. saw
          c. deers
          d. grasses
7. The BRP Datu Kalantiaw (PS-76) was the first of three ex-USN Cannon-class destroyer escort that served with the Philippine Navy. ______ was also the flagship of the Philippine Navy from 1967 to 1981.
            a. It
            b. She
            c. He
            d. I
8. Sa pagsapit ng kanyang ika-25 kaarawan, naniniwala si Pedring na handa na siyang manginalang-pungad. Ang kahulugan ng may salungguhit na salita ay…
            a. mag-aasawa
            b. magtatanan
            c. magnanakaw ng itlog sa pungad
            d. manliligaw
9. Just between you and _____, I think the winner does not deserve the crown.
            a. I
            b. me
            c. he
            d. we
10. Napakabagsik ng sikmura ng Lolo ko. Kaya niyang tunawin ang singkong barya. Ang nabanggit na pangungusap ay isang uri ng tayutay na…
            a. pagtutulad
            b. pagmamalabis
            c. pagwawangis

            d. pagbibigay-katauhan

Sample ALS Test: Problem-Solving & Critical Thinking

B. Part 2
1.  Which is the smallest?
          a. 1/3
          b. 14%
          c. 0.22
               d.  square root of 4

2.  From his house, Jose drove West to his mother’s house for 4 hours. Then went North to visit his girlfriend for a 3-hour drive. From there, he decided to take a short cut South East to his house. Assuming that all conditions are the same, how long will it take Jose to reach his house?
          a. 3.5 hours
          b. 4 hours
          c. 5 hours
          d. 6 hours

3. John bought a car for P 500,000.00 It depreciates as follows:
          1st year = 10%
          2nd year = 15%
          3rd year = 20%
          4th year = 25%
          5th year = 30%
If John decides to sell the car for P 175,000.00 at the end of the 5th year, he will get a…
          a. loss of P14,350
          b. profit of P 14,350
          c. no profit or loss
          d. cannot determine loss or profit

4. If two fair dice are rolled together, what is the probability that the outcome is 1 & 1?
          a. 1/6
          b. 1/12
          c. 1/3
          d. 1/36

5. Nena’s grades in 5 subjects are 80, 83, 86, 81 & 88 while Josefa got 78, 82, 89 & 85 in 4 subjects. To have the same average grade, Josefa should get  ____ in her 5th subject:
          a. 82
          b. 79
          c. 83.70