Friday, August 24, 2018

ALS A&E REVIEWER 2018 - FILIPINO A


Panuto: Piliin ang tamang letrang sagot at ilagay ito sa inyong ¼ laki ng papel.

1.  “Ayaw kong palupig sa hinalang ang mga dahilang tinubos ng luha at dugo ay mga anino lamang ng mga dantaon ay tumatawag at walang nakaririnig”. Ang sanaysay na ito ay nagpapahiwatig ng _________________.

A. kabiguan                  B. may pag-asa        C. may kasiyahan        D. may paglupig

2.  Ito ang katawagan sa awiting bayan sa mga kasalan ng katutubo.

A. Ihiman                       B. oyayi                      C. diona                        D. soliranin

3.  Mula sa “Kung anong bukambibig siyang laman ng dibdib”. Ito ay isang uri ng ________________.

A. tugmaan                  B. bugtong                  C. tula                            D. salawikain

4.  Siya ang sumulat ng “Hulyo 4, 1954 A.D.” na nagkamit ng unang gantimpala sa Palanca noong 1953-1954.

A. Rogelio Sicat           B. Dionisio Salazar    C. Edgardo Reyes      D. Amado V. Hernandez

5.  Ang pinakamahaba at pinakamatandang epiko ng Panay na may 18 salaysay at sinakop ang tatlong henerasyon.

A. Alim                           B. Maragtas                C. Haraya                     D. Hinilawod

6. Alin ang kasintunog ng salitang may salungguhit?  Pag-ibig ang kailangan ng daigdig.

A. Pagsuyo                    B. Mundo                       C. Tahanan                      D. Paligid

7. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?   May mga taong bukas  ang palad sa mga mahihirap.

      A. Matulungin                B. Mayaman                  C. Matapat                      D. Maawain

8. Ano ang kahulugan nito? Puwit man ng baso’t suot ng mayaman, ang tingin ng tao’y brilyanteng makinang.

      A. Mapang-api               
      B. Pagtingala sa mayaman        
      C. Mapagbalatkayo                  
      D. Tulong sa kabuhayan

9. Alin sa mga pangungusap ang higit na epektibong pagpapahayag?

       A. Nang nailikas ang mga tao ay bumaha sa aming bayan.

       B. Nang bumaha sa aming bayan ay nailikas na ang mga tao.

       C. Pagkalikas sa mga tao ay bumaha sa aming bayan.

       D. Nang lumikas ang mga tao ay bumaha sa aming bayan

10.Kuha ito sa Ang Bayan Ko’y Ito, Ito ang Bayan Ko ni Jose Villa Panganiban:

       Sa iisang lahi at iisang wika’y magkasamang lahat

       Mutya ng Silangan ay tunay ngang mutyang

       Marangal ang sukat.

                                    Alin ang  ipinahihiwatig nito?

A. Matinding poot                                                            C. Dakilang damdamin

B. Mababang uri ng kaisipan                                         D. Marahas na damdamin

11. Alin ang kahulugan ng AMPALAYANG-AMPALAYA?

      A. Takot                   B. Kuripot            C. Makulit            D. Lokohin

12. Alin kaisipan ang inilalarawan ng bugtong?  Ako’y nagpunla ng sangkabang mais

                                                                                 Pagka- umaga’y biglang napaalis.

        A. Buwan                          
        B. Bituin                                                    
        C. Bulalakaw                            
        D. Bawang

13. Ang sumusunod ay isang kantahing bayan.

      Ayokong, ayokong mag-alaga ng manok.

      Pag ako’y umalis pag ako’y umalis,

      Iba ang hahaplos

      Sa aking pagdating, sa aking pagdating

      Balahibo’y gusot, Ito ang simula, ito ang simula

      Ng sama ng loob.

                                        Ano ang isinasaad ng awitin?

A. Ang hindi niya pagkagusto sa babaeng nagtataksil sa asawa.

B. Di niya ibig na mag-alaga ng manok na iba naman ang kakain.

C. Umiiwas siyang sumama ang loob.

D. Mahirap mag-alaga ng manok pangsabong

14. Alin Kaisipan ang inilalarawan ng bugtong na ito? Bahay ni Kiko, walang bintana, walang pinto.

       A. Langka                          
       B. Saranggola                                          
       C. Itlog                                      
       D. Kabaong

15. Alin sa mga pangungusap ang may tamang gamit ng pantukoy na pananda?

      A. Mag-aaral ang UST ang nagwagi sa timpalak.    
      B. Mag-aara ang UST ang nagwagi ng timpalak
      C. Mag-aaral ng UST ang nagwagi sa timpalak
      D. Mag-aaral ng UST ang nagwagi ng timpalak

16. Alin ang kasintunog ng salitang may salungguhit?  Tinamaan ng palaso ni Kupido ang kanyang puso. 
      A. Mabigo                           
      B. Palalo                                                   
      C. Katoto                                  
      D. Magaso

17. Kuha ito sa Pagsisi ng Isang Bilanggo ni Cirio H. Panganiban:

Mga magulang kong labis magpalayaw          Tingnan ninyo akong labis na minahal

Kaluluwa ninyo ngayon ay nasaan?                 At ngayo’y lugami sa hirap ng buhay.

Alin di-berbal na komunikasyon ang maaaring gamitin para makapagpapatingkad sa diwa nito? 

A.Kumpas na pasubaybay                  C. Kumpas na paturo

B.Kumpas na pahawi                           D. Kumpas na pauyan na may kibit ng balikat

18.Ano ang kahulugan ng talatang ito? Batong tuntungan mo sa pagkadakila, batong tuntungan nang sa pamamayapa.           

          A. Talino                         
          B. Kalan                                                    
          C. Balatkayo                             
          D. Monumento

19.Ang kantahing bayan na inaawit ng mga ilokano at Igorot sa mga naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa.

          A. Dandansoy                 
          B. Pamulinawen                                       
          C. Dung-aw                              
          D. Dalit

20. Ang panahong ito ay itinuring na gintong panahon  sa panitikan.

         A. Amerikano                   
         B. Aktibismo                                              
         C. Kastila                                  
         D. Hapon


ALS A&E REVIEWER 2018 - FILIPINO

ALS  A&E REVIEWER 2018 - FILIPINO

Piliin ang titik ng tamang sagot:

1. Naniniktik ang mga Pilipino sa mga posisyon ng mga Amerikano.
               A. Sumusugod
               B. Nanghihimasok
               C. Umaatake
               D. Nag-eespiya
2. Hindi napukaw ang atensyon ng mga tagapakinig ng kanyang tula.
               A. Naantala
               B. Nagulat
               C. Nakuha
               D. Nag-alab
3. Bumubulaslas si Aling Maria habang binabasa ni Anita ang balita.
               A. Tumatawa
               B. Nagdarasal
               C. Umiiyak
               D. Nagwawala
4. Maselan si Facunda sa pagpili ng mapapangasawa.
               A. Mapili
               B. Maingat
               C. Mapagmata
               D. Mabagal
5. Galit si Amanda kay Kurdapya dahil sinulot ng huli ang kanyang nobyo.
               A. Inakit
               B. Inangkin
               C. Inagaw
               D. Binayaran

Wednesday, June 13, 2018

ALS A&E MARCH 2018 RESULTS

The Department of Education (DepEd) is expected to release this week - June 13 to 15, 2018 - the list of passers for the March 2018 Alternative Learning System (ALS) Equivalency & Accreditation (A&E) test given nationwide on June 2018.

Because of technical problems, the DepEd is having difficulty in uploading more than 100,000 learners in both Elementary and High School levels. According to one insider, the department may publish the names of passers on the Google site temporarily.

The full list of passers or links shall be posted here once the result is already posted by Deped on the internet.


Below are the passers for Secondary and Elementary Levels:

Click here for the Secondary Level passers:

Click here for the Elementary Level passers:


Saturday, June 9, 2018

Nov 2017 & Mar 2018 ALS A&E Test Passers are Eligible to Enrol in Higher Education Institutions

Secretary Leonor M. Briones of the Department of Education (DepEd) has issued DepEd Order No. 027 s. 2018 on June 8, 2018, entitled "Amendment to DepEd Order No. 42, s. 2015 (High School Graduates Who are Eligible to Enrol in Higher Education Institutions in School Year 2016-2017) in relation to the Alternative Learning Systems (ALS)". In the said DO, learners who passed the ALS A&E test given in November 2017 & March 2018, and the upcoming 2019 A&E tests HS level, who are High School Graduates of the old basic education curriculum for ALS, are eligible to:

a. Enroll in College/University as First Year Students subject to admission policies and requirements of higher education institutions (HEIs).

To ensure college readiness of the students enrolling under the new higher eductaion curricula, the admitting HEIs may require bridging programs for the general education component.

b. Take skills development training programs

Passers may enroll in skills development training program/s offered by Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)and/or other accredited government and private skills training institutions.

Said passers may nonetheless opt to take Senior High School (SHS) Education and enroll in public SHS. They may also enroll in recognized private schools offering SHS subject to their admission requirements.

Below is the DepEd Order No. 027:


Tuesday, June 5, 2018

INIS at GALIT na ang mga ALS A&E March 2018 test takers


Hindi lang inip kundi magkahalong inis at galit na ang nararamdaman ng maraming mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) na kumuha ng pagsusulit sa Accreditation & Equivalency (A&E) ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) noong nakaraang Marso 2018. Ito ay sa kadahilanang hindi sila makapagpatala sa papasukang paaralan dahil wala silang maipakitang Certificate of Rating (COR). Dagdag pa rito ang kalituhang kung papasok ba sila sa Senior High School o sa pamantasan o kolehiyo dahil sa wala pang malinaw ng Memorandum ang DepEd.



Kahapon, Lunes, ika-4 ng Hunyo, 2018, nagsimula nang magsipasok ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan samantalang naghihintay pa rin ng resulta ang mga ALS A&E takers. Nararapat lamang na bigyan ng penalty ang grupong nag-tsek ng pagsusulit dahil hindi nila naibigay sa tamang oras ang resulta, maliban na lamang kung ito ay kagagawan ng DepEd. Sa susunod sana ay gawin ang pagsusulit sa petsang hindi gagahulin ang mga mag-aaral sa pag-eenrol at magbigay agad ng abiso tungkol sa mga katanungan ng mga ALS A&E takers.

Sa ngayon ay nganga pa rin ang mga mag-aaral at mga kumuha ng ALS A&E test dahil hindi nila alam kung tatanggapin pa sila sa mga paaralang nais nilang pasukan. Nawa’y lumabas na ang resulta ng A&E ngayong linggong ito nang makahabol pa rin sa palistahan ang mga mag-aaral ng ALS.

Sunday, April 29, 2018

ALS A&E MARCH 2018 TEST RESULTS

Marami na ang eksayted at kinakabahan dahil sa nalalapit na mga araw ay ilalabas na ng Department of Education (DepEd) ang resulta ng Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency Test (A&E) na ginanap noong ika-4 ng Marso, 2018 para sa mga mag-aaral ng Luzon at noong ika-11 ng Marso 2018 para sa mga taga-Visayas at Mindanao.



Inaasahan ng mga kumuha ng pagsusulit na lalabas ang resulta bago pa sila maubusan ng mga slots sa paaralang nais nilang pasukan. Marami rin ang umaasang maglabas na ng Memo ang Kalihim ng Edukasyon Briones hinggil sa usaping maaaring magtuloy na sa kolehiyo ang mga pumasa noong Nobyembre 2017 at mga papasa sa nakaraang A&E Test nitong Marso 2018. Ito ay sa kadahilanang lumang curriculum pa ang kanilang pinag-aralan at hindi K-12 curriculum.

Matutunghayan sa pahinang ito ng mga pumasa sa March 2018 A&E kapag lumabas na ang resulta.

Good luck sa lahat!

Wednesday, March 7, 2018

Updated Nov 2017 ALS A&E Test - Elementary & Junior High School


The Department of Education (DepEd) has updated on 06 March 2018 the list of passers for the November 2017 ALS A&E Test to include the names of those test-takers who got 60% to 74.99% after Secretary Briones lower the passing rate from 75% to 60%.
Some of the passers are posted below:

JUNIOR HIGH SCHOOL

IV-A Quezon AALA GABRIEL V 008880 
IV-A Quezon ABAD MARY JOY T 008881 
IV-A Quezon ABAJA JESSICA C 008882 
IV-A Quezon ABAÑO DOLORES V 009686
 IV-A Quezon ABANTE JIMMY M 008885 
IV-A Quezon ABAS EDGAR M 010917
IV-A Quezon ABETRIA MARK ARRON P 010618 
IV-A Quezon ABIQUIBIL RENZ MARION A 010619 
IV-A Quezon ABRATIQUE JOAN P 010201
 IV-A Quezon ACAS ULLYSSES M 009693 
IV-A Quezon ADARNA ANDREA C 008894 
IV-A Quezon AGANAN LYNELLIE P 010205
 IV-A Quezon AGNO REYNALD C 008896 
IV-A Quezon AGUILA ERICKSON E 008900 
IV-A Quezon AGUILA MILDRED B 008902 
IV-A Quezon AGUILAR JEFFREY 008906 
IV-A Quezon AGUILAR MAY KHRISTINE P 008907 
IV-A Quezon ALBENDIA JACKIEL N A 008912 
IV-A Quezon ALBOS ERWIN A 008914 


See the complete lists HERE



Monday, March 5, 2018

REVIEWER :Learning Strand IV & V – Development of Self and Sense of Community/ Expanding One’s World Vision


Learning Strand IV & V – Development of  Self and Sense of  Community/ Expanding One’s World Vision

(Image from http://www.wowparadisephilippines.com/kadayawan-festival-davao-city.html)

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang isang huwarang ama ay hindi nagpapakita ng ganitong katangian:
A. Pagbibigay ng oras at panahon tuwing Sabado at Linggo
B. Pagsusugal at pag-inom ng alak kasama ang barkada
C. Pagtulong sa pag-aalaga ng mga anak
D. Paghahanapbuhay para sa pamilya

2. Ang mga deboto ay dumarayo sa Quiapo tuwing Enero sa pagdiriwang ng ______.
A. Pista ng Itim na Nazareno
B. Pista ng Sto. Nino
C. Pista ng Birhen Sto. Rosario
D. Pista ni San Juan de Bautista

3. Ang “Unity in Diversity” ng mga bansa at kultura sa mundo ay makakamtan sa pamamagitan ng _____.
A. pagtataguyod ng interes ng sariling bansa
B. pagbuo ng samahang internasyunal laban sa malalaking bansa
C. pagkilala at pag-unawa sa pagkakaiba ng kultura ng bawa’t bansa
D. pagtanggap ng pamumuno ng mga malalaki at mayayamang bansa

4. Nakatapos si Clara ng Junior High School subali’t dahil sa kahirapan ay hindi na siya nakapagpatuloy pa ng pag-aaral. Nagtrabaho siya sa umaga at kumuha ng kurso sa Tesda hanggang makatapos siya ng kursong Commercial Cookery.  Siya ngayon ay nagmamay-ari ng pamosong restaurant sa bayan. Anong katangian mayroon si Clara?
A. matapat at mapagkumbaba
B. masayahin at magiliw
C. matiyaga at determinado
D. ambisyosa at mayabang

5. Isa sa mga bansang nasa ibaba ay hindi nabibilang sa pinakamayayamang bansa sa mundo?
A. China      
B. Japan
C. Amerika
D. Malaysia

6. Mainam ang kampanyang “Laban Kontra Droga” ng Pangulong Duterte dahil ______.
A. maiiwasan ang pang-aabuso sa kababaihan at kabataan
B. maiiwasan ang pagkalat ng krimen
C. maisasalba ang mga taong gumagamit ng droga
D. lahat nang nabanggit

7. Bagong lipat ang iyong kapitbahay na si Monica. Maigsi siyang magdamit, naninigarilyo, at laging mamula-mula ang mga labi at pisngi. Paano mo maipakikita ang magandang pakikitungo sa kanya?
A. Tumingin sa kanyang negatibong katangian
B. Umayon kung ano ang iyong unang pagkakilala sa kanya
C. Kilalanin muna siya bago humusga
D. Lahat nang nabanggit

8. Maipapatupad nang maayos ang anumang proyekto sa barangay kung susundin lamang ang mga panukala sa ibaba maliban sa ______.
A. Mag-isang gagawin ng lider ang mga proyekto upang hindi makaabala sa mga kabarangay
B. May partisipasyon sa pagpaplano ang mga naninirahan sa barangay
C. Hinihingi ang opinyon ng bawa’t naninirahan sa barangay
D. Pinapayagang magbigay ng mungkahi ang sino mang naninirahan sa barangay

9. Ang mga batang Pilipino ay may mga karapatan. Hindi kabilang dito ang ____.
A. makapaglaro
B. makapagtrabaho
C. mahubog ang potensyal
D. ipanganak at magkaroon ng pangalan

10. Isa sa mga indikayon ng maunlad na ekonomiya ay ang ______.
A. pagdagsa ng mga produkto mula sa labas ng bansa
B. mataas na unemployment rate
C. laki ng populasyon kumpara sa laki ng bansa
D. maayos na sistema ng transportasyon

11. Bilang tagapagitan sa isang sigalot na kinasasangkutan ng dalawang pangkat, ano ang nararapat mong gawin?
A. panigan kung sino ang nabugbog o naagrabiyado nang husto
B. sisihin ang naunang nanakit
C. pakinggan ang bawa’t panig bago magbigay ng payo at desisyon
D. pagbawalang magkita pa ang dalawang panig
12. Ang banyagang institusyong ito ay nagpapautang ng pantustos para sa mga proyektong pagpapaunlad ng isang bansa. Ano ito?
A. United Nations
B. World Bank
C. Development Bank of the Philippines
D. Land Bank of the Philippines

13. Ang kahulugan ng pagtingin sa sarili ay _____.
A. pananaw ng iyong pamilya sa iyo
B. pananaw ng mga kaibigan mo sa iyo
C. pananaw mo sa iyong pamilya
D. pananaw mo sa iyong sarili

14. Nakikilala ang pangkat etnolingguistikong Pilipino ng mga pangkat dahil sa kanyang wikang ginagamit. Ano sa mga sumusunod ang ginagamit ng mga Bisaya?
A. Ilonggo
B. Waray
C. Hiligaynon
D. lahat nang nabanggit

15. Nakita mong sinira ng iyong kapitbahay ang bakod ng kabila mong kapitbahay na walang tao. Ano ang dapat mong gawin?
A. Kausapin siya nang maayos na mali ang kanyang ginawa
B. Huwag siyang pansinin
C. Pagsalitaan siya ng masama
D. Gamitan siya ng dahas

16. Ano ang pangunahing gawain ng mga Muslim sa buwan ng ramadan?
A. Nagkakawanggawa
B. Nag-aayuno
C. Nagsasayaw
D. Nakikipagkaibigan

17. Anong isyung pagkapaligiran ang kasalukuyang hinahanapan at patuloy na hinahanapan ng solusyon sa buong mundo?
A. Polusyon
B. Terorismo
C. Erosyon
D. Droga

18. Ang karapatang pansarili ( right to privacy) ay mahalagang karapatan ng bawa’t isa. Ito ay maaaring maipamalas sa pamamagitan ng ______.
A. Pagsasabi sa iba ng mga sekreto ng iyong kaibigan
B. Pagbasa sa mga mensahe sa cell phone ng iyong kaibigan
C. Hindi pagbukas ng liham na hindi nakapangalan sa iyo
D, Pagbukas at pagbasa ng sulat na hindi sa iyo

19. Sina Kiko at Kikay ay kapwa labing-anim na gulang pa lamang. Masyado silang mapusok kaya nais na nilang magpakasal. Bilang kaibigan, ano ang maipapayo mo sa dalawa?
A. Huwag magpadala sa payo ng iba bagkus sundin ang bugso ng damdamin
B. Mag-asawa nang maaga at saka magtapos n pag-aaral
C. Tapusin muna ang pag-aaral, maghanap ng trabaho at saka magpakasal
D. Ituloy ang balak dahil hindi hadlang ang idad sa pag-iibigan

20. Huminto na sa pag-aaral si Monico dahil nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot. Kasalukuyan siyang nasa isang rehabilitation center at iniwan na ng ibang mga kaibigan. Tanging ang ina ang kanyang karamay. Paano mo matutulungan si Monico upang mabigyan siya ng bagong pag-asa?
A. Makipagtulungan sa mga ahensiya ng pamahalaan na makatutulong sa kaso ni Monico
B. Alukin at akitin siyang bumalik sa dating bisyo upang makalimutan ang problema
C. Ikalat at ipamalita ang kalagayan ng kaibigan
D. Isuplong siya sa kapulisan upang mabigyan ng karampatang parusa

21. Ang isang taong nagtataglay ng mga katangian sa ibaba ay makaiiwas sa mga personal na away.
A. pagiging masipag at determinado
B. pagiging mapagkumbaba at mahabang pasensya
C. pagiging masikap at matipid
D. pagiging mainitin ang ulo at mahusay sa pakikipagtalo

22. Ano ang maaaring maging epekto ng masigasig na pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang Russia, China, at Malaysia?
A. Maaaring pag-interesan ng mga nasabing bansa ang ating teritoryo
B. Maraming pagawaan ang magsasara at lililipat sa nasabing mga bansa
C. Magiging masigla ang pakikipagkalakalan natin sa nasabing mga bansa
D. Magkakaroon ng hidwaan ang mga nasabing bansa

23. Ang stress ay hindi maaaring bumaba sa pamamagitan ng _______.
A. pagmumuni-muni
B. sapat na tulog
C. pag-eehersisyo
D. pag-inom ng alak

24. Inaalala natin ang ating mga namayapang mahal sa buhay sa pamamagitan ng paglilinis ng kanilang mga nitso, pag-aalay ng mga bulaklak, at pagitirik ng mga kandila. Sa anong petsa natin ipinagdiriwang ang Araw ng mga Yumao?
A. April 9
B. January 1
C. November 2
D. August 21

25. Nagtatrabaho si Marissa sa Hongkong. Nagsusuot siya ng damit Maria Clara tuwing may okasyon doon upang ipakita na siya ay ______.
A. Amerikano
B. Pilipina
C. Tsino
D. Haponesa

26. Ano sa mga sumusunod ang hindi tungkulin ng isang Pilipino?
A. Pumili ng sagisag o simbolo ng bansa na nais ikarangal at isantabi ang iba
B. Igalang, ikarangal, at bigyan ng pagkakaisa ang mga pamana, pagpapahalaga at tradisyon
C. Sumali sa makabuluhang gawain para sa kanyang sarili at pamilya nang karapat-dapat sa karangalan ng isang tao
D. Tumulong sa pag-unlad, kapakanan, at pagkakaisa ng buong bansa

27. Nakita ni Manuel na nagtatapon ng basura malapit sa kanilang bakod si Igme. Agad niya itong sinita at sinabing huwag doon itapon ang basura nito at hintayin ang trak na humahakot ng basura. Sinagot siya ni Igme at sinabing huwag siyang pakialamanan at utusan.
Kung ikaw si Igme, ano ang dapat mong iginawi ng pagkakataong iyon?
A. I-report si Manuel sa mga pulis upang matuto at hindi tularan ng iba
B. Manghingi ng paumanhin at iwanan ang basura pagkaalis ni Manuel
C. Sagutin ng may mataas na tono upang mapagtanto ni Manuel ang kanyang pagkakamali
D. Manghingi ng paumanhin kay Manuel at hintayin ang trak  na basura

28. Nararapat na makialam ang United Nations sa mga bansang kasapi nito upang _____.
A. patunayan ang karapatan at lawak ng kapangyarihan nito
B. pagsilbihan ang sarili nitong interes
C. mapangalagaan ang pananatili ng kapayapaan sa buong mundo
D. pangalagaan ang karapatan ng mga maliliit na bansa

29. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na salik sa integrasyon ng mga bansa sa daigdig ngayon?
A. ang paglaganap ng teknolohiya sa internet
B. ang pagbagsak ng mga rehimeng awtoritaryan sa Gitnang Silangan
C. ang pagtukoy sa mga bansang terorista
D. ang pangrelihiyong isyu sa Afghanistan

30. Kung ginagampanan ng bawa’t miyembro ng pamilya ang kani-kanilang tungkulin, magreresulta ito sa ______.
A. hindi pagkakasundo sa  bawa’t tungkulin
B. pagkakasundo at may payapang pamumuhay
C. aasa sa masipag na kasapi ng pamilya
D. pagkilala sa maling nagawa ng bawa’t isa

31. “Huwag kang bibitiw! Subukan mo lang hanggang makamit ang tagumpay.” Anong mabuting katangian ang ipinahihiwatig ng mga pangungusap na ito?
A. makatarungan
B. matipid
C. matiyaga
D. maagap

32. Kalilipat mo lamang at ang iyong pamilya sa Barangay Loob. Nais mong makibahagi sa mga gawaing pampaunlad sa inyong barangay. Ano ang dapat mong gawin?
A. pumunta sa istasyon ng pulis upang magtanong
B. humingi ng tulong sa iyong kapitbahay
C. gumawa ng sarili mong proyekto
D. pumunta sa baangay hall at magtanong kung ano ang mga proyekto nito

33. Ano ang nabanggit sa ibaba ang itinuturing na karapatang sibil?
A. bumuto
B. makaroon ng ari-arian
C. maging malaya
D. pumili ng relihiyon
34. Ang pagluluwas ng ating mga produkto sa ibang bansa ay nagdudulot ng kabutihan para sa atin. Isa na rito ang ______.
A. pagtaas ng presyo ng mga bilihin
B. pagdami ng turista
C. paglabas ng dolyar sa bansa
D. pagpasok ng dolyar sa bansa

35. Makakamtan ang “Unity in Diversity” sa pagitan ng mga bansa kung ________.
A. Magsasama ang malalaki at mayayamang mga bansa
B. Kikilalanin at uunawain ng ang bawa’t bansa ay may iba’t ibang kultura
C. Sasapi ang maliliit na bansa sa mga samahang internasyunal
D. Itataguyod ng bawa’t bansa ang sarili nitong interes

36. Paano maisusulong ang proyektong Gender and Development (GAD) at gender equality?
A. Pagkilala na magaling sa Mathematics ang mga lalaki at sa English naman ang mga babae
B. Mga batang lalaki lamang ang maaaring maglaro ng baril-barilan
C. Maaaring maghugas ng plato ang mga anak na lalaki at babae
D. Kulay pink ang dapat isuot ng babae at blue naman sa lalaki

37. Bilang bahagi ng poamayanan, paano mo maipakikita ang iyong aktibong pakikilahok sa proyektong “Harap Mo, Linis Mo”?
A. Hindi ako makikinig sa mga pahayag ng mga nakilahok
B. Magmumungkahi ako ng mga makabuluhang paraan upang hindi kumalat ang basura
C. Makikipagkuwentuhan ako sa aking mga kaibigan habang nagsasalita ang iba
D. Uuwi ako kahit hindi pa tapos ang pulong

38. Ang pagiging matapatg ay masasalamin sa pangungusap na ito:
A. Nagsasabi ako ng totoo anuman ang kahihinatnan
B. Iniipon ko sa alkansiya ang bahagi ng aking baon
C. Iniingatan ko ang aking mga gamit para di agad masira
D. Tinatapos ko agad ang aking takdang aralin bago manood ng TV

39. Napapabayaan ng iyong kaibigan ang kanyang pag-aaral dahil mas maraming oras niya ang iginugugol sa mga gawain ng kaniyang relihiyon. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
A. Tumigil na lamang sa pag-aaral at magpakarelihiyoso
B. Ipagpatuloy ang ginagawa dahil pupunta siya sa langit kahit hindi nag-aaral
C. Pagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa tuwing araw ng may pasok at ang paglilingkod naman sa araw ng pagsamba
D. Huwag siyang pansinin at gayahin

40. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pang-aabuso sa mga kababaihan?
A. Patigilin siya ng kanyang asawa sa pagtatrabaho
B. Pilitin siya ng kanyang asawa na ibigay ang buong sahod sa kanya
C. Iwanan siya ng kanyang asawa na may maraming utang na babayaran
D. Lahat nang nabanggit

41. Ano ang maaaring mangyari sa isang tgao na hindi marunong magdala ng stress na kanhyang nararanasan sa matagal na panahon?
A. Magiging desperado/desperada
B. Mabilis magalit
C. Magiging sakitin
D. Lahat nang nabanggit

42. Alin sa mga sumussunod na pagpapahalaga ang naglalarawan sa mga Pilipino ano man ang pangkat etnolingguistikong kinabibilangan?
A. matatag na paniniwala sa Diyos
B. pagsasabi ng po at opo
C. matatag na relasyon sa pamilya
D. pagiging mapagmuni

43. Ano ang makatarungang solusyon na dapat gawin ng mga bansang may hindi pagkakaunawaan sa kanilang teritoryo?
A. paghahati ng teitoryo sa lahat ng umaangkin nito
B. paggamit ng ahas
C. dayalogo upang bumuo ng mutual agreement sa pagitan ng mga bansang sangkot
D. pagbibigay ng teritoryo sa maliit na bansang umaangkin dito

44. Kung ang Sinulog Festival ay ipinagdiriwang sa Cebu, ano naman ang ipinagdiriwang sa Davao?
A. MassKara Festival
B. Ati-atihan Festival
C. Kadayawan Festival
D. Dinagyang Festival

45. Ano ang iyong mararamdaman kapag nabalitaan mong nasunugan ang isa mong kamag-anak?
A. malungkot
B. magagalak
C. masaya
D. magagalit

46. Kapag humingi ng tulong ang iyong kapatid sa paggawa ng kanyang proyekto sa susunod na araw, ano ang iyong gagawin?
A. sasabihin sa kanya na sa iba na humingi ng tulong
B. sisigawan siya at sasabihing huwag kang gambalain
C. hindi siya papansinin
D. tutulungan siya sa paggawa ng kanyang proyekto

47. Ang mga sumusunod ay matututunan sa pag-aaral ng Heograpiya maliban sa ___.
A. klima ng isang lugar
B. lokasyon ng lugar
C. kalagayang politikal ng isang lugar
D. populasyon ng lugar

Para sa bilang 48 – 50. Basahin ang talata sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

          Nagtatrabaho sa isang pabrika si Upeng na may pitong anak. Malayo ang kanyang pinapasukan kung kayat maaga siyang umaalis sa umaga at gabi na kapag umuuwi. Bihira na niyang nakukumusta at nakakausap ang mga anak. Ang mga anak ay sa ama kumukunsulta hinggil sa mga gawain at asignatura sa paaralan.

48. Ano ang tungkulin ni Upeng sa kanyang mga anak?
A. tagapag-alaga ng asawa at mga anak
B. tagalaba ng mga damit ng pamilya
C. naghahanap-buhay para sa pamilya
D. tagaluto ng pagkain para sa mga anak at asawa

49. Bakit hindi na nagagampanan ni Upeng ang kanyang tungkulin sa asawa at mga anak?
A. hindi niya mahal ang asawa at mga anak
B. mas nais niyang pagtuunan ng oras ang pagtatrabaho kaysa pamilya
C. nagtatrabaho siya, umaalis ng maaga at gabi na kapag nakauuwi ng bahay
D. hindi niya pinahahalagahan ang pamilya

50. Sa iyon palagay, ano ang mabuting maidudulot nito sa kanyang mga anak habang sila ay lumalaki?
A. lalaki na may takot sa Diyos
B. lalaking maunawain at responsible
C. mawawalan ng pagmamahal sa magulang
D. hindi makapagtatapos ng pag-aaral