Sunday, February 10, 2019

2018 ALS A&E Reviewer - MATHEMATICS

Below is the Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency (A&E) Reviewer for Learning Strand II - Problem Solving & Critical Thinking - Mathematics, taken from 2016 & 2018 A&E Test. The answers are purely based on the author's understanding. You may change any answer as you may seem fit. Good Luck!

Learning Strand II – Problem Solving & Critical Thinking
A. MATHEMATICS

1. Mang Tony needs 124 plants in a row. If there are 15 rows and each plant costs Php85.00, how much will he spend in all for the plants?

A. Php 18,600.00
B. Php 85,000.00
C. Php 136,000.00
D. Php 158,100.00

Answer: D. Php 158,100.00

124 x 15 x 85 = 158,100.00

For item 2. Below is the list of the menu in a school canteen:

Rice              Php8.00
Pancit           Php15.00
Spaghetti      Php20.00
Menudo        Php40.00
Sinigang       Php40.00
Pakbet          Php30.00
Softdrinks     Php10.00
Water           Php15.00

2. Ana and her friend Lucy went to the canteen and ordered 2 cups of rice, one serving each of menudo and pakbet and 2 bottles of water. If Lucy gave Php150.00 to the cashier, how much change did he receive?

A. Php16.00
B. Php20.00
C. Php34.00
D. Php40.00

Answer: C. Php34.00

Total order:
Rice:  2x8 = Php16.00
Menudo: 1 x 40.00 = Php40.00
Pakbet: 1 x 30.00 = Php30.00
Water: 2 x 15 = Php30.00
Total: 16+40+30+30 = 116
Change: 150 – 116 = Php34.00

3. Mang Andy has a poultry in his backyard. He bought 10 ducklings at Php8.00 each. He spends Php200.00 each week for the feeds. In 6 weeks, the ducks can be sold already. How much is his total expenses before the ducks can be sold?
A. Php800.00
B. Php820.00
C. Php1,200.00
D. Php1,280.00

Answer: D. Php1,280.00

Total Expenses:
Ducklings: 10 x 8 = Php80.00
Feeds: 200 x 6 = Php1,200.00
Total: 80 + 1,200 = Php1,280.00

4. Alvin ordered two hamburgers and a soda for lunch. A hamburger costs Php25.00 while a soda costs Php20.00. How much did he pay for lunch?

A. Php45.00
B.Php50.00
C. Php65.00
D. Php70.00

Answer: D. Php70.00

Total cost:
Hamburger: 2 x 25.00 = Php 50.00
Soda: 1 x 20.00 = Php20.00
Total: 50 + 20 = Php70.00

5. There were 6,452 enrollees at Buhay High School last year and 4,956 this year. Of these data, 3,600 are first year students. Which of the following can tell us the number n of students who are NOT in first year?

A. (6,452 + 4,956) – 3,600 = n
B. (6,452 – 4,956) + 3,600 = n
C. (6,452 + 4,956) + 3,600 = n
D. (6,452 – 4,956) – 3,600 = n

Answer: A. (6,452 + 4,956) – 3,600 = n

Kahit medyo malabo ang problema at tanong, letter A is the best choice.

6. Last weekend, Dan earned Php75.00 for selling newspaper on Saturday and Php60.00 for selling Sampaguita on Sunday. He spent Php80.00 for his school needs. To find the amount left from his earnings (E), which of the following equations is correct?

A. E = (75 + 60) – 80
B. E = (75 – 60) – 80
C. E = 80 + (75 – 60)
D. E = 80 – (75 + 60)

Answer: A. E = (75 + 60) – 80

7. Ella weighs 2 ¼ times more than his son. If her son weighs 30 ½ kg, about how many kilograms does Ella weigh?

A. 32 ½ kg
B. 32 ¾ kg
C. 60 1/8 kg
D. 68 5/8 kg

Answer: D. 68 5/8 kg

Son’s weight: 30 ½ kg
Ella’s weight: 2 ¼ times more than his son

 x = 2 ¼ (30 ½) = 9/4(61/2) = 549/8 = 68 5/8 kg

Medyo may mali sa problem pero letter D ang pinaka-best sa lahat.

Ang dapat na sagot ay: 68 5/8 + 30 1/2 = 99 1/8
dahil ang tamang equation ay:
y = 2 1/4x + x , where y = Ella's age, x = her son's age

8. Janice answered 100 questions in Mathematics and Science. If 2/5 of the questions involve Mathematics, how many are Science questions?

A. 20
B. 35
C. 40
D. 60

Answer: D. 60

Mathematics: 2/5 x 100 = 200/5 = 40
Science: 3/5 x 100 = 300/5 = 60

9. Gina bought the following items from the mini store:

pad paper               Php16.50
notebook                Php8.75
folder                      Php7.25
bond paper             Php36.25
colored paper          Php105.50

How much change did she get if she gave a Php200.00 bill to the store owner?

A. Php15.50
B. Php20.75
C. Php25.75
D. Php32.25

Answer: C. Php25.75

Total expenses:
16.50 + 8.75 + 7.25 + 36.25 + 105.50 = Php 174.25
Change: 200 – 174.25 = Php25.75

10. Aling Ester bought 4,125 bananas and distributed it equally to 5 different stores. If each banana cost Php7.50, how much did each store pay?

A. Php5,830.45
B. Php6,187.50
C. Php9,625.00
D. Php30,937.50

Answer: B. Php6,187.50

How many bananas each store got: 4125/5 = 825 bananas
Payment by each store: 825 x 7.50 = Php6,187.50

11. Cloe brought 40 cookies to school for her birthday. Five students wanted two cookies each. A new student came and wanted three cookies. Then, two of the kids gave their two cookies back. How many cookies did Cloe had left to pass out?

A. 20
B. 23
C. 30
D. 32

Answer: C. 30

Malabo ang tanong na ito at wala rin ang tamang sagot sa pagpipilian. MDAS example problem ang nais ipahiwatig ng tanong subalit may mali yata sa sagot.
Heto ang equation na magagawa kung uunawain ang tanong:
Five students wanted 2 cookies each: - (5 x 2)
New student wanted 3 cookies: -3
Two kids returned their 2 cookies: + (2 x 2)

Solution :
 40 – (5x2) – 3 + 2 x 2 = 40 – 10 – 3 + 4 = 30 – 3 + 4 = 27 + 4 = 31

Since 30 is the nearest to 31, I chose C. 30 because 32 is doubtful.

12. Ana is saving money to buy a new bag. On Monday, she saved Php60.00 and doubled that amount on Tuesday and Wednesday. Her teacher gave a project which costs her Php30.00. On Friday she saved Php40.00. But unfortunately, she lost her wallet on Saturday with Php25.00 in it. How much is her total savings?

A. Php145.00
B. Php165.00
C. Php215.00
D. Php250.00

Answer: B. Php165.00

Savings:
Monday: Php60.00
Tuesday: 2 x 60 = Php120.00
Wednesday: 2 x 60 = Php120.00
Friday: Php40.00
Total Savings: Php340.00

Loss/Deduction:
Project: Php30.00
Lost wallet: Php25.00
Total loss: 55

Assuming that all the amounts are related, the equation should be:
340 – 55 = Php285.00===> not in the choices

Probably the maker of the test forgot the amount on Wednesday. If this was the case, the equation should be:
340 – 120 – 55 = Php165.00

I chose C. Php165.00 as answer although it is not the correct answer.

13. Irish had Php7 500.00 in her savings account. Last Monday, she deposited Php2 500.00. On Tuesday, she withdrew Php1 200.00 to pay for her bills. How much is her current balance?

A. Php6,200.00
B. Php8,800.00
C. Php 11,200.00
D. Php 10,000.00

Answer: B. Php8,800.00

Beginning balance:  Php 7 500.00
Monday deposit: Php 2 500.00
Balance on Monday: 7 500 + 2 500 =  Php10 000
Tuesday withdrawal: P 1 200.00
Balance on Tuesday: 10 000 – 1 200 = Php8 800.00

14. From their house, Rona walked 3 km east while Ben walked 4 km south. How many kilometers are they apart?

A. 5
B. 7
C. 12
D. 19

Answer: A. 5

This is a case of Pythagorean theorem when the figure form is a right triangle. The formula for the Pythagorean theorem is c^2 = a^2 + b^2, where c is the hypotenuse, a and b is the opposite side and adjacent side respectively.


c^2 = a^2 + b^2
c^2 = 3^2 + 4^2
c^2 = 9 + 16
c^2 = 25
c = sqrt 25
c = 5 km

15. Daisy is interested in finding the circumference of the given circle below. How will she compute for its value?



A. C = 2 x 27.1 cm
B. C = 2 x 54.2 cm
C. C= 3.14 x 54.2 cm
D. C = 3.14 x 27.1 cm
  
Answer: C. C= 3.14 x 54.2 cm

The circumference is the perimeter of the circle. The circumference of a circle is found using this formula:

C=πd ==> where π is the pi which is approximately equal to 3.14; d is the diameter which is 2r, where r is the radius.

C=2Ï€r

Finding the circumference using
A. C=Ï€d
  C = 3.14 x 54.2 cm

B. C=2Ï€r
  C = 2 x 3.14 x 27.10 cm = 3.14 x 54.2 cm

16. A rectangular table with length 250 dm and width 150 dm needs to be painted. What is the area of the table to be painted?

A. 400 dm^2
B. 800 dm^2
C. 28 500 dm^2
D. 37 500 dm^2

Answer:


The formula for finding the area of a rectangular is length times width of l x w:
length: l = 250 dm
width: w: = 150 dm
Area:  l x w = 250 x 150 = 37 500 dm^2

Reminder: Make sure that the units of the length and the width are the SAME before multiplying.

17. What is the area of the triangular figure below?


A. 6 square units
B. 7 square units
C. 12 square units
D. 15 square units

Answer: A. 6 square units

The formula for finding the area of a rectangle is:
1/2bh ===> where b is the measure of the base, and h is the measure of the height.

b = 4 units
h = 3 units

½ b h = ½ x 4 x 3 = ½ x 12 = 12/2 = 6 square units

18. A rectangular box is 5 cm long, 3 cm wide, and 4 cm high. Find its surface area.

A. 12 cm^2
B. 60 cm^2
C. 94 cm^2
D. 180 cm^2

Answer: C. 94 cm^2

To find the surface area of a rectangular box, just add ALL the area of the 6 faces of the box. Use the formula below:

S = 2[(lw + wh + lh)] ==> where l = length; w = width; h = height
l = 5 cm
w = 3 cm
h = 4 cm

S = 2[( 5 x 3) + (3 x 4) + (5 x 4)]
S = 2(15 + 12 + 20)
S = 2(47)
S = 94 cm^2

Reminder: The length, width, and height must have the SAME UNITS before multiplying.

19. A swimming pool whose dimensions are 10 m by 3 m by 6 m needs to be filled with water for the pool party. How many cubic meters of water will it need?

A. 19
B. 116
C. 180
D. 200

Answer: C. 180

This is a volume problem. In finding the volume of a rectangular shaped figure with length, width, and height, use the formula below:

V = length times width times height
V = l x w x h
V = lwh

l = 10 m
w = 3 m
h = 6 m

V = 10 x 3 x 6
V = 180 m^3 or 180 cubic meters

Reminder: Make sure the units of measure of the length, width, and height are the SAME before multiplying.

20. Cindy plans to buy a new cellphone. She already saved Php 1 040.00. If the cellphone costs Php8 000.00, what percent of the total price was her savings?

A. 13%
B. 15%
C. 25%
D. 30%

Answer: A. 13%

To express one number as a percentage of another, form a fraction using these two numbers and multiply it by 100. Note that the number that is being expressed as a percentage is placed in the numerator of the fraction.

Normally in finding the percentage, just divide the lesser value by the bigger value and then multiply by 100%.

Use this formula in finding percentages:

P = the number that is being expressed as a percentage  DIVIDED BY the other number TIMES 100%

Savings: the number that is being expressed as a percentage
Cost of cellphone: the other number
P = 1 040/8 000 = 0.13 x 100% = 13%

========

What is a percentage?

Percent means “for every 100” or "out of 100." The (%) symbol as a quick way to write a fraction with a denominator of 100. As an example, instead of saying "it rained 14 days out of every 100," we say "it rained 14% of the time."

Percentages can be written as decimals by moving the decimal point two places to the left:
24% = 24/100 =  0.24

Decimals can be written as a percentage by moving the decimal point two places to the right:

0.32 x 100 = 32%

21. The Health Center in Frisco listed down 1 524 patients in a month. Based on the data from the City Hall, this is 30% of the total patients in the whole district. How many patients were there in the district within the month?

A. 1 554
B. 5 080
C. 26 430
D. 45 720

Answer: B. 5 080

Given: 1 524 is only 30% of the total patients in the whole district.
As a formula, this can be written as:
1 524 = 30% of x
1 524 = 0.30x
x = 1 524/ 0.30
x = 5 080

This can also be computed as follows:

Since 1 524 is 30%; then 1524 x 3 = 4 572 is 90%.
Then we only need 10%.
Since 1 524 is 30%, its 10% is 1 524/ 3 = 508
The 100% is 4 572 + 508 = 5 080

For items 22 – 24. The budget allotted by the government to Barangay Laging Handa is Php2 000 000.00 for one year as presented in the graph below:


22. Which item in the budget is allotted the least?

A. Salary
B. Projects
C. Expenses
D. Contingency

Answer: D. Contingency

The LEAST budget = the SMALLEST budget or allocation : Contingency = only 5%

23. What percent of the budget is allotted for projects?

A. 5%
B. 20%
C. 25%
D. 50%

Answer: 25%
See the illustration: Projects = 25%

24. How much is allotted for salary?

A. Php1 000 000.00
B. Php500 000.00
C. Php400 000.00
D. Php100 000.00

Answer: A. Php1 000 000.00

The total budget = Php2 000 000.00
Budget for salary = 50%
2 000 000 x 50% = 2 000 000 x 0.50 = Php1 000 000.00

25. In a map that used a scale of 1 cm : 20 km, what is the distance in centimeter between Manila and Cavite if Manila is 180 km away from Cavite?

A. 6 cm
B. 9 cm
C. 200 cm
D. 360 cm

Answer: B. 9 cm

The scale is 1 cm : 20 km. This means that 20 km is equivalent to 1 cm in the map.
The distance of Manila to Cavite = 180 km

This is equivalent to: 180/20 = 9 cm in the map 
===============================================

2018 ALS A&E Reviewer - FILIPINO

Below is the Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency (A&E) Reviewer for Learning Strand I - Communication Arts - Filipino, taken from 2016 & 2018 A&E Test. The answers are purely based on the author's understanding. You may change any answer as you may seem fit. Good Luck!

Learning Strand I – FILIPINO – HIGH SCHOOL

1. Pangaral ng aking lola na hindi lahat ng tao ay maganda ang pakikitungo sa iyo. Ang ilan ay BUWAYANG LUBOG lamang. Ang mga ito ay _______.
a. manloloko
b. mapagkunwari
C. TAKSIL SA KAPWA
d. Mapanlamang sa kapwa

2. Nakangiting pinagmamasdan ni Lucila ang kanyang KAPILAS NG BUHAY habang ito ay nagpapakain ng mga alagang manok. Ang tinutukoy ni Lucila ay ang kanyang ______.
a. kaibigan
b. kapatid
c. kakambal
D. ASAWA

3. Iyak nang iyak si Anna nang umuwi sa kanyang mga magulang. Idinaing niyang hirap na hirap na siya dahil sa maagang pag-aasawa. Anong salawikain ang angkop dito?
a. Ang pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat.
B. ANG PAG-AASAWA'Y DI BIRO, KANIN BAGANG ISUSUBO'T ILULUWA KUNG MAPASO.
c. Minsan, kailangang maghintay upang makamit ang tagumpay
d. Kung isang malaking mali ang pagdating ng isang tao sa buhay mo, matuto kang pakawalan ito.

4. Pinagmamasdan ko ang aking titser sa elementarya habang kami ay kumakain sa isang restoran. Napansin kong ALOG NA ANG KANYANG BABA. Siya ay _______.
A. MATANDA NA
b. Hulas na ang ganda
c. Bumabata siya
d. Nakabibighani ang ganda.

5. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan sa ibaba?
a. Natatakot dahil gabi na
b. Mabilis magtrabaho kaya natapos agad ang mga gawain
C. NATATARANTA DAHIL HINDI PA TAPOS ANG MGA GAWAIN AY MALAPIT NA ANG UWIAN
d. Malungkot dahil siya ay pagod na



6. Maraming kaibigan si Maymay (1) DAHIL lagi (2)mong maasahan (3)ang tulong (4)niya.
Alin sa may bilang sa unahan ng salita ang tumutukoy sa pangatnig?
A. 1
b. 2
c. 3
d. 4

7. Karamihan sa mga mag-aaral ay nangangamba tuwing sila ay pinasusulat ng tula ng kanilang guro.

Alin sa mga salita sa ibaba ang panghalip?
a. karamihan
b. mga
c. tuwing
D. KANILANG

Para sa Bilang 8, basahin ang pahayag at sagutin ang kasunod na tanong.

Si Angelo ay masunuring bata. Si Mark ay masipag. Sila ay pinalaking maayos ng kanilang magulang gaya ng kaibigan mong sina Bryan at Art.

8. Ang panghalip na SILA sa pangalawang pangungusap ay tumutukoy kina____.
a. Angelo at Bryan
b. Mark at Art
C. ANGELO at MARK
d. Mark at Bryan

9. Kung ang kawikaang di-mahulugang karayom ay maraming tao o matao, ang di-maliparang uwak ay _____.
a. maraming uwak
b. maraming panauhin
C. MALAWAK
d. malapad

10. Kung ang naniningalang pugad ay nanagngahulugang nanliligaw, ang nagbibilang ng poste ay______.
A. walang magawa
b. Naghahanap ng trabaho
c. maraming pera
d. hindi makabuluhan

11. Masdan mo si Maria. Di madapuang langaw ang kanyang suot na kimona.
Ang kahulugan ng “di madapuang langaw” ay _____.
a. mamahalin
B. MALINIS
c. mahaba
d. maikli

12. Ang pusong mamon ay nangngahulugan ng maawain, ang bakal na puso ay nangangahulugang ______.
a. mabait
b. masama
c. matapang
d. matigas ang kalooban

13. Kung ang kabungguang balikat ay nangangahulugang kaibigan, ang kasaulian ng kandila ay nangngahulugan ng _____.
a. karamay
b. kasangga
C. KAAWAY
d. kakampi

14. Araw-araw ay nagdarasal si Juana na siya ay mgakaroon ng trabaho nguni’t hindi naman siya naghahanap.

Anong salawikain ang nababagay sa sitwasyong ito?
a. Daig ng maagap ang masipag
b. Kapag may tiyaga, may nilaga
c. Matalino man ang matsing, napaglalamangan din
D. NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA.

Para sa Bilang 15 – 19, basahin ang tula sa ibaba at sagutin ang kasunod na mga tanong.

“Ang Guryon”
ni Ildefonso Santos


Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.

Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas
at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.

At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

15. Saan inihambing ang guryon?
a. pagsubok
b. pag-big
C. BUHAY
d. kabataan

16. Sa tula, ang pisi ay ginamit upang magbigay pakahulugan sa_______.
A. KATATAGAN
b. kalooban
c. pasensya
d. desisyon

17. Anong damdamin ng tagpagsalita ang ibinabatid ng tula?
a. pag-unawa
b. pagmamalasakit
c. pagkakaisa
D. PAGMAMAHAL

18. Ano ang layunin ng may-akda?

a. Magbigay ng impormasyon sa may pinagdadaanang pagsubok sa buhay.
B. MAGBIGAY ARAL AT KATATAGAN TUNGKOL SA BUHAY NA PUNO NG PAGSUBOK.
c.Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga pagsubok sa buhay.
d. Hikayatin ang mga tao na maging mapamaraan sa buhay.

19. Ano ang angkop na larawan na namumuo sa inyong diwa na nagbibigay kahulugan sa guryon?
a. eroplano
B. SARANGGOLA
c. payong
d. lobo

Para sa Bilang 20 – 21, pag-aralan ang health advisory at sagutin ang kasunod na mga tanong.
(imahe mula sa


20. Tungkol saan ang health advisory?
A. pag-iwas sa dengue
b. Paalala sa sanhi ng dengue
C. PAGSUGPO SA DENGUE
d. Pag-iingat sa dengue

21. Ano ang layuning nais ilahad ng health advisory?
A. MANGHIKAYAT
b. maglahad ng opinyon
c. magdagdag ng impormasyon
d. magpaliwanag

Para sa Bilang 22 – 24, basahin ang talata at sagutin ang mga tanong ukol dito.

[1] Ang saging ang pinakamasustansyang prutas na malaki ang maitutulong sa pagpapalaki ng katawan. [2] Marami ang nagsasabi na ang saging ay hindi prutas kundi isang uri ng berry. [3] Ang puno nito ay maituturing isang uri ng “herb”. [4] Nagtataglay din ito ng sustansyang tumutulong sa pagpapabilis ng pagbuo ng nasirang tisyu sa katawan.

22. Ano ang pangunahing kaisipan ng artikulo?
a. Ang saging ay hindi prutas kundi isang uri ng berry.
b. Ang punong sanging ay maituturing na isang uri ng herb.
C. ANG SAGING ANG PINAKAMASUSTANSYANG PRUTAS.
d. Tumutulong ang saging upang mapabilis ang pagbuo ng mga nasirang tisyu sa katawan.

23. Anong bilang ng pangungusap ang nagpapatnubay na ang saging ang “pinakamasustansyang” prutas?
a. 2
B. 4
c. 1
d. 3

24. Ano ang layunin ng binasang artikulo?
a. maglahad ng opinyon
b. magpaliwanag
C. MAGBIGAY NG IMPORMASYON
d. manghikayat

25. “Ang buhay ko ay isang bukas na aklat”, naiinis na sambit ni Monica sa mga kapit-bahay na nagkakalat ng tsismis sa kanya

Ano ang ibig sabihin ng talinhagang ginamit?
a. Nais niyang ikuwento ang kanyang buhay.
B. WALANG SEKRETONG TINATAGO SI MONICA.
c. Bukas ang buhay niya para sa lahat
d. Wala siyang pakialam sa mga kapit-bahay

26. Si Bb. Reyes ay maagang pumapasok upang maghanda para sa kanyang klase. Matiyaga niyang tinuturuan ang kanyang mga mag-aaral. Si Gng. Basilio na kanyang guro noong siya ay nasa high school ang kanyang iniidolo. Siya ay isang huwarang guro para sa kanya.

Ang salitang SIYA sa huling pangungusap ay patungkol kay ______.
a. sa mga mag-aaral
b. kay Bb. Reyes
c. kina Bb. Reyes at Gng. Basilio
D. KAY GNG. BASILIO

27. Nanood ng sine si Edna. Kasama niya si Fely. Kinabukasan, nakita nila si Jerry at ikinuwento rito ang pelikulang napanood. Ang salitang NILA ay tumutukoy kina ______.
A. EDNA AT FELY
b. Fely at Jerry
c. Edna at Jerry
d. Edna, Fely, at Jerry

Punan ang mga patlang sa Bilang 28 at 29.

28. Ang programang ito ay bahagi ng kampanya ________ paggamit _____ bawal na gamot.
a. ukol sa, ito
B. LABAN SA, NG MGA
c. labag sa, para sa
d. para sa, ng

29. Ang kalusugan at edukasyon ______ kabataan ay ang prayoridad _____ pamahalaan.
a. nang, na
b. sa, ng mga
C. NG, NG
d. ukol sa, ng

 Para sa Bilang 30 – 33, basahin ang aritkulo at sagutin ang mga tanong.

Si Efren Geronimo Peñaflorida ay ipinanganak noong Marso 5, 1981. Ang kanyang ama ay isang traysikel drayber at ang ina naman ay isang simpleng maybahay. Siya ay lumaki sa isang iskwater na malapit sa tambakan ng basura. Nagtapos si Efren ng elementarya at sekondarya sa tulong ng iskolarship at nagkamit ng mga parangal at gawad sa klase. taong 2000, nagtapos si Efren ng Teknolohiyang Pangkompyuter na may mataas ng karangalan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang kurso kung saan siya ay nakapagtapos bilang Cum Laude noong 2006 sa Kursong Mataas na Edukasyon.

Siya ang nagtatag at tagapamuno ng Dynamix Teen Company, na naghahandog sa mga kabataang Pilipino ng alternatibong edukasyon sa mga palaboy sa kalye sa pamamagitan ng paglalapit ng paaralan sa mga hindi karaniwang lugar tulad ng sementeryo at mga tambakan ng basura. Tinawag itong Klasrum Kariton. Noong Nobyembre 22, 2009, itinampok si Peñaflorida bilang Bayani ng Taon ng CNN dahil sa kanyang kahanga-hangang kontribusyon sa pagtulong sa iba sa pamamagitan ng Klasrum Kariton. (mula sa tlwikipedia.org)

30. Ano sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa payak na pamumuhay ni Efren?
a. Siya ay isang iskolar.
B. Siya ay lumaki sa iskwater na malapit sa tambakan ng mga basura.
c. Siya ay anak ng isang traysikel drayber at ng simpeng maybahay.
d. Siya ay tumutulong sa mga kabataan sa lansangan.

31. Sa paanong paraan siya nakapagtapos ng pag-aaral?
a. Sa pamamagitan ng Klasrum Kariton
b. Sa pagtatrabao sa maliit na pansitan ng pamilya
C. Sa pamamagitan ng iskolarship at tulong pinansyal
d. Sa kinita ng kanyang ama bilang traysikel drayber

32. Anu-ano ang mga katangiang taglay ni Efren?
a. Simple, matapang, at matalino
b. Matapang, matiisin, at matalino
c. mabait, matapang, at matalino
D. mabait, matalino, at matulungin

33. Anong sawikain ang angkop para sa buhay ni Efren?
a. Kapag may tiyaga, may nilaga.
B. Hindi hadlang ang kahirapan sa karunungan.
c. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
d. Minsan kailangan maghintay upang makamit ang tagumpay.

Para sa Bilang 34 – 38, basahin ang buod ng maikling kuwento at sagutin ang kaukulang tanong ukol dito.

Sandaang Damit
ni Fanny A. Gracia

          May isang batang mahirap na tahimik lagi sa kanyang klase. Ang kanyang damit ay luma na at tinapay lamang ang kanyang baon palagi. Ang mga bagay na ito ang dahilan kung bakit siya inaasar ng kanyang mga kaklase. Naintindihan din naman ng bata ang sitwasyon ng kanyang pamilya.

          Isang araw, biglang nagkatinig ang bata at ikinuwento niya na siya ay may isang daang damit. Ikinuwento niya ang tungkol sa kaliit-liitang detalye ng kanyang mga damit. Simula noon ay malapit na siya sa kanyang mga kaklase.

          Ngunit nang simulang lumiban ang bata sa klase, nagtaka ang kanyang guro at kaeskwela kaya pinuntahan nila ang bata sa kanilang tahanan. Nakita nila ang sira-sirang bahay ng bata, ngunit hindi siya gad ang kanilang hinanap kundi ang sandaang damit ng bata. Nakita nila itong nakadikit sa dingding, isandaang damit na pawang drowing lamang pala.

34. Anong pag-uugali ang ipinakita ng bata sa unang bahagi ng kuwento?
A. MAUNAWAIN
b. masayahin
c. mapagkunwari
d. matapat

35. “Ang kanyang damit ay luma at tinapay lamang ang kanyang baon.”

Ang pahayag ay sumusuporta sa kaisipan na ang bata ay ______.
a. mailap
B. MAHIRAP
c. matipid
d. mahiyain

36. Sinabi niyang mayroon siyang isandaang damit sa kanilang bahay.

Sa anong bahagi ng kuwento ito makikita?
a. Wakas
b. Kasukdulan
c. Kakalasan
d. KASIGLAHAN

37. Anong mensahe ang nais iparating ng may-akda sa kanyang mambabasa?

Ang kahirapan ay ______.
A. karaniwang estado o kalagayan sa buhay
b. dapat ikarangal
C. HINDI DAPAT IKAHIYA
d. sagabal sa tagumpay

38. “Naging kaibigan ng batang babae ang kanyang mga kaklase dahil sa paniniwalang siya ay may sandaang damit.”

Saang bahagi ng kuwento ito naaakma?
a. Panimula
b. Kakalasan
c. Kasukdulan
d. Katapusan

Para sa Bilang 39-40, basahin ang patalastas
=============================================
 PATALASTAS
ANO             :         UGNAYAN SA BARANGAY
KAILAN        :         Nobyembre 28, 2016
SAAN           :         DEL PILAR COVERED COURT
SINO            :         Barangay Officials, ALS Learners,
                              Magulang
PARA ANO   :         Makalikha ng mga gawaing susuporta
                              Programang ALS
 ============================================

39. Ang layunin ng patalastas ay:
 
a. Ipakilala ang mga programang pangkabuhayan
B. MAKALIKHA NG MGA GAWAIN PARA SA KOMUNIDAD NG ALS
c. Magkaroon ng patimpalak para sa ALS Learners
d. Magplano para sa isang pasinaya pang-Pasko

40. Sinu-sino ang mga dapat dumalo ayon sa patalastas?
a. Barangay officials, ALS learners, magulang at mga punong-guro
b. Barangay officials at magulang
C. Barangay officials, ALS learners, at magulang
d. Magulang at ALS learners

Sa Bilang 41 – 44, basahin ang seleksyon at sagutin ang kasunod nitong mga tanong.

Walang makapipigil kay mang Arman upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang haligi ng tahanan. Hindi pa bukang-liwayway ay pumapalaot na ang kanyang munting bangka. Isang mangingisda si Mang Arman. Nagsisikap siya upang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang kanyang pamilya. kahit masama ang panahon, ito ay hindi niya pinapansin dahil sa wala na siyang ibang maaasahan. Isang araw, pumalaot siya kahit masama ang panahon.

41. Anong angkop na pamagat para sa talata?
A. Pagiging Ulirang Ama ni Mang Arman
b. Pagiging Mapangahas ni Mang Arman
c. Ang Karanasan ni Mang Arman
d. Ang Pangingisda ni Mang Arman

42. Anong kahanga-hangang katangian ang ipinamalas ni Mang Arman?
a. Matiyaga
b. Matapang
c. Masikap
d. Mapagmahal

43. Anong pangungusap sa talata ang naglalarawan kay Mang Arman bilang “haligi ng tahanan”?
a. Wala siyang ibang maaasahan.
b. Walang makapipigil kay Mang Arman.
c. Hindi pa bukang-liwayway ay pumapalaot na ang kanyang bangka.
D. Nagsisikap siya na mabigyan niya ng maayos na pamumuhay ang kanyang pamilya.

44. Ano ang maaaring maging wakas ng binasang seleksyon?
a. Magkakasakit si Mang Arman
B. Maaaring malagay sa panganib ang buhay ni Mang Arman
c. Makahuhuli ng maraming isda si Mang Arman
d. Masisiraan ng bangka si Mang Arman

Para sa Bilang 45 – 46, basahin ang lathalain.

          Ang edukasyon ay nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanilang inaasam na mga mithiin.

45. Bakit nasabing ang edukasyon ang daan tungo sa matagumpay na bansa?
A. NAPAPAUNLAD ANG BANSA
b. May malalim na pang-unawa sa kapwa
c. Ikinararangal ng sambayan
d. May matatag na kinabukasan

46. Ano ang pinakaangkop na pangwakas ng binasang seleksyon?
a. Magiging palaasa
b. Makakakuha ng trabaho ang mga Pilipino
C. Umunlad ang ating bansa
d. Magamit ang kasanayan sa pagtatrabaho

Para sa Bilang 47
         
          Muwebles na yari sa ginto’t pilak,
          pagkaing ngayon ko lang natikman,
          lupang halos di ko na matanaw ang
          hangganan sa lawak nitong taglay,
          at idagdag mo pa ang mga baro niya
          na sa tela pa lamang ay batid mong ito’y may kamahalan.
          Hay! Sana ako ang nasa iyong kalagayan
          at di na maghihirap magkuskos ng hagdanan.
47. Anong larawang diwa ang ipinapakita ng pahayag?
a. Mayaman na inapi ng mahirap
B. Mahirap na nangangarap
c. Mayaman at mahirap
d. Mayroong magkaibigan

Para sa Bilang 48 – 50, basahin ang diyalogo at sagutin ang mga tanong.

Ben    :         Inay, ito po ang resulta ng aking pagsusulit. Ipagpaumanhin po ninyo na
                    bumagsak ako sa Matematika dahil napakahirap po. At saka, maikli ang
                    oras na ibinigay.

Ina     :         Huwag ka nang mag-alala. Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagsusunog
                    ng kilay sa pag-aaral at sa kalaunan eh siguradong makakapasa ka na.

48. Batay sa diyalogo, si Ben ay isang ______ bata.
a. masipag na
b. mahinang
c. matiyagang
d. matapat

49. Anong katangian ng ina ang inilarawan sa binasang teksto?
A. Maunawain at magaling magpayo
b. mabait at malambing
c. Maalalahanin at marunong umunawa
d. Masipag at matiyaga

50. Ano ang ibig ipakahulugan ng “pagsusunog ng kilay”?
a. Makasagot sa tanong ng guro
B. MAG-ARAL NANG MABUTI
c. Makapasa sa pagsusulit
d. Makapagsulat ng sanaysay


Disclaimer/Pagtatatuwa:

Ang mga tanong na nasa itaas ay hinango at hinalaw ng may-akda sa mga nababasang posts sa internet. Ang mga sagot ay base lamang sa kanyang sariling pang-unawa.