Wednesday, March 17, 2021

Guides on #ALS MyDev Life Skill Module 7 - Financial Fitness

Module 7: Financial Fitness

Maging matalino sa paggamit ng iyong pera upang magkaroon ng sapat na ipon”

                     Be wise in using your money to have enough savings.

SESSION 1: NEED FOR FINANCE

Activity 1: Needing and Accessing Money

What three things did you learn from the previous module on Rights & Responsibilities of Workers and Employers?

(Anong tatlong bagay ang natutunan mo sa nakaraang modyul tungkol sa Mga Karapatan at Responsibilidad ng Mga Manggagawa at Mga Pinapasukan o Employer?)

Ang aking mga natutunan sa nakaraang modyul ay ang mga sumusunod:

1. May kaakibat na responsibilidad ang bawa’t karapatang ipinagaloob sa atin.

2. Kaalaman tungkol sa mga karapatan at tungkulin ng mga manggagawa at employers ayon sa Philippine Labor Code.

3. Pagtukoy sa mga pang-unibersal na karapatang pantao.

Let’s now turn to this new module on Financial Fitness. Read the proverb at the beginning of the module. What does it mean? How is it related to financial fitness?

Bumaling tayo ngayon sa bagong module na ito ukol sa Kalakasan sa Pinansyal o Pananalapi. Basahin ang salawikain sa simula ng modyul. Ano ang ibig sabihin nito? Paano ito nauugnay sa kalakasan sa pananalapi?

         Nangangahulugan ang salawikaing: “Maging matalino sa paggamit ng iyong pera upang magkaroon ng sapat na ipon” na ang pinakalayunin ng pagiging matalino sa paggamit ng salapi ay ang pagkakaroon ng ipon. Ibig sabihin, kung tayo ay hindi bulagsa sa paggastos, magkakaroon tayo ng impok o naitabi upang magastos natin sa hindi inaasahang sitwasyon.

        Maiuugnay ang salawikain sa kalakasan sa pananalapi dahil ang pagkakaroon ng ipon at  tamang paraan ng paggastos ng salaping pinaghirapan ay mga indikasyon na malusog ang kanyang pinansyal na katayuan.

This module will focus on Financial Fitness. What do you think this term “financial fitness” means?

Magtutuon ang modyul na ito sa Kalakasang Pinansyal o Pananalapi. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng terminong "Kalakasang Pananalapi"?

        Ang Kalakasang Pinansyal o Pananalapi ay nangangahulugang mabuti o mainam ang iyong pakiramdam at tiwala tungkol sa iyong sitwasyong pampinansyal. Nangangahulugan din ito na kaya mong pamahalaan ang iyong pera upang matugunan ang iyong kasalukuyan at pangmatagalang pangangailangan. Sakop din dito ang pag-alam ng pamamaraan upang maiwasan ang sobrang paggastos upang makapg-ipon. Bukod dito, ang Kalakasang Pinansyal ay nauukol din sa sapat na kaalaman kung ano ang pangungutang at kung paano ito maiiwasan.

7.1: Reasons I Need Money

We may handle or think about money so often that we lose sight of its actual purpose. Why do you need money? What function does money serve in a society? List those reasons in the space below.

         Maaaring  madalas tayong humawak o mag-isip tungkol sa pera kaya nakakaligtaan natin ang aktwal na layunin nito. Bakit mo kailangan ng pera? Ano ang tungkulin ng pera sa isang lipunan? Ilista ang mga dahilang iyon sa puwang sa ibaba.

        Ang salapi o pera ang daluyan ng palitan o “medium of exchange” ng isang lipunan. Kailangan ko ang pera upang ipambili ng pagkain at mga pangangailangan sa pang-araw-araw. Kailangan ito upang ipambayad ng renta ng bahay, ilaw at tubig. Kailangan din ito upang makapag-aral , makapamasyal, at makapaglibang ang isang tao. Bukod dito, kailangan ang pera upang tugunan ang hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang tao.

7.2: Financial Needs Over the Course of a Lifetime

Life Stage

Reasons I May Need Money

Childhood (primary school age)

 1. Pambaon sa eskwela

 2. Pambili ng kagamitan sa paaralan at proyekto.

 3. Pambili ng sitsirya at laruan.

Teenager (high school age)

 1. Pambaon sa eskwela 

 2. Pambili ng kagamitan sa paaralan, proyekto, at bayad sa excursion.

 3. Pambili ng cell phone, makabagong gadget, at damit na pamporma.

 4. Pang-date.

 5. Pamamasyal at libangan

 6. Pang-load

  

College

 1. Pambayad ng tuition.

 2. Allowance sa pag-aaral.

 3. Pambili ng kagamitan sa paaralan at proyekto.

 4. Pambili ng laptop o desktop computer.

 5. Pambili ng bagong cell phone at pang-load.

 6. Pang-date o bayad sa lakarin ng barkada.

Working

 1. Pambili ng pagkain at pamasahe.

 2. Pambayad sa renta ng bahay, kuryente, at tubig.

 3. Pambili mga damit-pamasok, alahas, pabango, at pampapogi/pampaganda.

 4. Pambayad sa mga libangan at pamamasyal.

 5. Pambayad ng buwis.

 

Running a business

 1. Pambili ng mga materyales.

 2. Pampasweldo.

 3. Pambayad sa renta, kuryente, at tubig.

 4. Pambili ng sasakyang gamit sa negosyo.

 5. Pambayad ng buwis.

Marriage (looking after family and

children)

 1. Pambayad at handa sa kasal.

 2. Pambayad ng renta, kuryente, at tubig.

 3. Pang-tuition ng mga anak at gamit sa eskwela.

 4. Panghulog sa lupa, bahay, o sasakyan.

 5. Pambayad sa iba’t ibang seguro (insurance).

 6. Pag-iimpok

 7. Panggastos sa mga libangan at pamamasyal.

 8. Pambigay/Pantulong sa mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan.

 9. Pambayad sa doktor, dentista, at ospital.

Retirement/old age

 1. Pambili ng gamot

 2. Pambili ng pagkain at gastos sa araw-araw.

 3. Pambayad sa kuryente at tubig.

 4. Para sa libangan at pamamasyal.

 5. Pampa-ospital

Look at the list of things you may need money for. Pick the top 5 things you need now and mark them with a circle.

Tingnan ang listahan ng mga bagay na kakailanganin mo ang salapi. Pumili ng 5 bagay na kailangan mo na ngayon at bilugan ang mga ito. (Kinulayan ko na lang ng pula ang 5 aking pinili sa itaas.)

7.3: How Adults I Know and Trust Have Accessed Money

Talk to your parents or older adults (such as neighbors, friends, or other relatives) about whether they have faced a situation where they did not have enough money to pay for something. If so, what were their options? Ask for real life examples of how they have gotten money before to pay for something that they could not afford immediately. Try to speak at least four different people.

        Kausapin ang iyong mga magulang o mas nakatatanda (tulad ng mga kapitbahay, kaibigan, o iba pang mga kamag-anak) tungkol sa kung naharap nila ang isang sitwasyon kung saan wala silang sapat na pera upang magbayad para sa isang bagay. Kung gayon, ano ang kanilang mga pagpipilian? Hingan ng mga halimbawa sa totoong buhay kung paano sila nakakuha ng pera dati upang magbayad para sa isang bagay na hindi nila nakaya agad. Subukang kumausap sa hindi bababa sa apat na magkakaibang tao.

 

Person

(name and relation to

me)

Situation they were in that required money

Their options to access money

Choice they ultimately made to access money

 

Almario Agustin - pinsan

 

Pambayad ng kuryente

1. Mangutang

2. Bumawas sa naitabi

3. Bumawas sa pambil ng pagkain

 

Bumawas sa naitabi

 

Rosa Cruz - kapitbahay

 

Pambayad sa ospital

1. Mangutang sa 5-6

2. Bawasan ang impok sa kooperatiba

3. Mangutang sa amo

 

Bawasan ang impok sa kooperatiba

 

Adelaida Santonil - pamangkin

 

Pambayad ng tuition

1. Mangutang sa kamag-anak

2. Magsanla ng alahas

3. Manghiram sa mga kaklase

 

 

Mangutang sa kamag-anak

 

Nora Sanchez - kaibigan

 

Pambayad sa konsulta

1. Mangutang

2. Bawasan ang naitabi na pambili ng cell phone

3. Magsanla ng alahas

 

Bawasan ang naitabi sa banko na pambili ng cell phone

 

Diosdado Ramirez - kumpare

 

Pamasahe patungong probinsya

1. Mangutang

2. Magbenta ng kasangkapan

3. Bumale sa kompanya

 

Bumale sa kompanya


7.4: Comparing Different Ways of Accessing Money

Now, take a moment to analyze the findings of your interviews. Based on your interviews with trusted adults or friends, fill out the chart below. 

        Ngayon, maglaan ng sandali upang pag-aralan ang mga natuklasan sa iyong mga panayam. Batay sa iyong mga panayam sa mga pinagkakatiwalaang matatanda o kaibigan, punan ang tsart sa ibaba.

Ways of accessing money

How many people interviewed chose this option?

Circle the action(s) that they took

(Nilagyan ko na lang ng pula)

Saving

3

·        Saving in a bank

 

 

·        Saving under your bed

·        Saving in a community savings group (cooperatives)

Working

1

·        Working in a job that pays a salary or wage

·        Earning money from part-time work

·        Starting a business

Borrowing

1

·        Borrowing from family members

·        Borrowing from the bank

·        Borrowing from a community savings group

Finding other means

 

·        Buying on credit

·        Applying for a grant or scholarship

·        Receiving gifts of money

·        Other:

 

In your opinion, which is the best way to access money? Why? Rank these options from 1 (being to the best) to 4. List the advantages to each option below.

        Sa iyong palagay, alin ang pinakamahusay na paraan upang ma-access ang pera? Bakit? I-ranggo ang mga pagpipiliang ito mula sa 1 (pagiging sa pinakamahusay) hanggang 4. Ilista ang mga pakinabang sa bawat pagpipilian sa ibaba.

Ranking

Way of accessing money

Advantages

Disadvantages

1.

 Saving/ Pag-iimpok

Mabilis at walang mapeperwisyo

Mababawasan ang ipon at interes

2.

 Working/ Pagtatrabaho

Sariling sikap

Baka hindi agad makakuha ng trabaho

Baka magkulang o masira ang budget

3.

 Borrowing/ Pangungutang

Walang ibang taong apektado

Posibleng magbayad ng interes sa inutangan

4.

 Finding other means/Paghahanap sa mga ibang paraan – Paghingi sa mga kamag-anak

Walang interes na babayaran

Nakahihiya

Magkakaroon ng utang na loob


Learners’ Reflection: Module 7 Financial Fitness

This is not a test but is a way for us to see what you already know or do not know about the topics. You will read a skill that is listed in the left column. Think about yourself and your experience. Then read the statements across the top. Check the column that best represents your situation. The results will help you and the instructor know which topics may require more time, effort and guidance.


        Ang mga katanungan dito ay hindi test. Ito ay isang paraan upang malaman mo ang iyong kaalaman, kasanayan o kakayahan tungkol sa paksang ito. Basahin mo ang mga kaalaman, kasanayan o kakayahan na nakalista sa kaliwang kolum. Magbalik-tanaw sa iyong sarili at mga karanasan, basahin ang lahat ng mga pangungusap at i-tsek ang sagot na naaangkop sa iyong sitwasyon. Ang iyong kasagutan ay magiging gabay mo at ng iyong guro sa pagpapalawak ng iyong kaalaman tungkol sa paksang ito.

 

 

My experience

 

Knowledge, skills and abilities

 

Kaalaman, kasanayanat kakayahan

1

I don’t have any experience doing this.

 

Wala akong karanasan sa paggawa nito

2

I have very little experience doing this

 

Kaunting- kaunti lamang ang aking nalalaman sa paggawa nito

3

I have some experience doing this.

 

Mayroon akong karanasan sa paggawa nito

4

I have a lot of experience doing this.

 

Marami akong karanasan sa paggawa nito

Identifying ways to access money / Pagtukoy ng mga paraan para makalikom ngpera

 

 

 

ü

 

Understanding habits of good money management / Maintindihan ang mga mabubuting paraan sapaghawak ng pera

 

 

ü

 

 

Using ways to decrease one’s spending / Pagsasagawa ng mga paraan para mabawasanang mga gastusin

 


ü


 

 

Identifying and planning for savings / Pagtukoy ng mga paraan at pagplano para makapag-ipon.

 

   

ü

 

 

Understanding debt and ways to avoid getting into debt / Pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa pangungutang at mga

 


 Ã¼

 

 

 

 

 

My experience

 

Knowledge, skills and abilities

 

Kaalaman, kasanayanat kakayahan

1

I don’t have any experience doing this.

 

Wala akong karanasan sa paggawa nito

2

I have very little experience doing this

 

Kaunting- kaunti lamang ang aking nalalaman sa paggawa nito

3

I have some experience doing this.

 

Mayroon akong karanasan sa paggawa nito

4

I have a lot of experience doing this.

 

Marami akong karanasan sa paggawa nito

paraan para makaiwas sa pangungutang

 

 

 

 

Keeping a record of one’s money and knowing which things to keep a record of / Pagtatala ng aking pera at kaalaman sa mga bagay na dapat itinatala

 

 



 Ã¼

 

Preparing a current budget for one’s self and knowing what things to list in one’s budget / Pagba-badyet para sa aking sariling pangangailangan, at pagtukoy ng mga bagay na aking dapat ilista sa aking badyet

 

 


ü

 

 

Knowing which organizations one could go to get savings and loans services in the Philippines / Alamin ang mga organisasyon sa inyong lugar na maaring paglagyan ng perang naipon

 

 


ü

 

 


 

Sunday, March 14, 2021

Paano Sagutan ang mga ALS Forms Para sa Presentation Portfolio

         Isa sa pangunahing kailangan upang pansamantalang maka-enroll sa formal school at makakuha ng Accreditation & Equivalency (A&E) Readiness Test (AERT) na inianunsyo ng Deparment of Education (DepED) noong taong 2020 ay ang presentation portfolio. Subali't dahil sa pandemya dulot ng Covid-19, hindi natuloy ang AERT na dapat sana ay noong December 2020 isinagawa. Ang taunan o regular na pagsusulit sa A&E na itinakda ngayong Abril 2021 ay hindi rin matutuloy dahil sa lumalabas na mga bagong variant ng Covid-19 at pagtaas ng mga kaso ng sakit sa bansa. Dahil dito, ipinasya ng DepED sa pamamagitan ng Bureau of Educational Assessment na gamitin ang presentation portfolio bilang 50% ng final grade at 50% naman ang average grade ng First & Second Quarter sa mga ALS learners na provionary enrolled sa formal schools. Sa kabilang dako, ang presentation portfolio ang tanging basehan ng mga mag-aaral ng ALS na hindi naka-enroll. Ang pahayag na ito ay para lamang sa ALS Batch 2019-2020 at pababa. Upang makakuha ng patunayan o diploma, ang isang ALS learner at dapat makakuha ng 28 puntos pataas sa kabuuang 38 puntos.

Presentation Portfolio of Haniebal Daolong
(Image from https://www.facebook.com)

        Isang magandang balita sa mga mag-aaral ang memo na inilabas ng DepED. Gayunman, naging mahirap sa kanila ang pagpe-prepara ng presentation portfolio lalo na ang mga porma. Tunghayan ang mga forms na ito sa pamamagitan ng ag-klik sa mga link:

A. ASSESSMENT

1. ALS Assessment Form 1 - Individual Learning Agreement

Form 1 https://drive.google.com/file/d/0Bz3KEWOFTDb9dUNNS01qY1ZqY0U/view

2. ALS Assessment Form 2 - Weekly Learning Log

https://drive.google.com/file/d/0Bz3KEWOFTDb9LTZKMldneTEzaE0/view

3. ALS Assessment Form 3 - Review of Learning Goal

https://drive.google.com/file/d/0Bz3KEWOFTDb9aDlmeEpKMGt5aTQ/view

4. ALS Assessment Form 4 - Learner's Record of Module Use

https://drive.google.com/file/d/0Bz3KEWOFTDb9TXo3RkVuOU1WSGs/view

5. New Assessment Form 4 as ALS Assessment Form 2 - Record of Module Use and Monitoring of Learner's Progress

https://www.deped.gov.ph/als-est/PDF/ALS%20Assessment%20Form%202.pdf


B. RECOGNITION OF PRIOR LEARNING  (RPL)

1. RPL Form 1 - Documentation of Life Experiences

https://drive.google.com/file/d/0Bz3KEWOFTDb9TXo3RkVuOU1WSGs/view

2. RPL Form 2 - Record of Training/Skills

https://drive.google.com/file/d/0Bz3KEWOFTDb9LWN1M2V2TURmWmc/view

3. RPL Form 3 - Summary of Work History

https://drive.google.com/file/d/0Bz3KEWOFTDb9Rmxqd2d6dHRsclU/view

4. RPL Form 4 - Learner's Checklist of Skills

https://drive.google.com/file/d/0Bz3KEWOFTDb9LU1wUzN5bGNkeXc/view

        Kung papaano sagutan ang form o sagutin ang mga tanong sa form, mangyaring panoorin ang mga gabay na ito sa YouTube channel ng ALS Reviews:

https://www.youtube.com/watch?v=2WesbtvmbR0

https://www.youtube.com/watch?v=WCUYuh7GdiU

        Kailangan ang gabay ng ALS teachers o implementers upang makumpleto ninyo nang maayos ang Presentation Portfolio. Makipag-ugnayan kayo sa kanila bago ipasa ang inyong mga gawa.

        Please SUBSCRIBE to my YouTube channel.

        Good luck everyone!

Tuesday, March 9, 2021

Ang Magandang Naidulot ng ALS sa Akin


Akala ko ay wala ng ilaw na masusuungan ang madilim kong bukas, subali't ako ay labis na nagkamali. Sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS, unti-unti kong nababanaagan ang kislap ng pag-asa na minsan nang nawala sa aking isip. Bakit ko nasabi ito? Ano nga ba ang magandang naidulot ng ALS sa akin?

Maraming magagandang bagay ang naidulot ng ALS sa aking buhay. Tulad ng aking nabanggit sa itaas, pag-asa ang unang hatid nito sa akin. Dahil sa maaaring idulot ng libreng pag-aaral na ito sa katulad kong nahinto sa pag-aaral, nagkaroon ako ng pag-asang makatatawid ako sa aking kinasasadlakang hirap sanhi ng pagrerebelde, pagbabarkada, at kalaunan ay nabuntis ng wala sa panahon, noong ako ay nasa murang gulang pa lamang. Pag-asa itong tila isang sandali na maaari ko nang maabot ang aking mga pangarap kapiling ang aking anak sa pagkadalaga. Ito ang nagpapagising sa akin sa umaga at nagpapatulog sa akin sa gabi.

Ang ikalawang buti na dulot ng ALS sa akin ay ang pagkakaroon ko ng maraming tunay na kaibigan na handang tumulong sa akin sa panahon ng kagipitan at suliranin. Dahil sa ALS, nakaroon ako ng pagkakataong makisalamuha, makiisa, at makipagtulungan sa mga kagaya kong hindi nakatapos ng pag-aaral. Tulong-tulong kami sa pag-aaral, sa paggawa ng mga proyekto at takdang aralin, sa pagbibigay tulong sa ibang nahuhuli sa aralin. Nagkaroon ako ng mga taingang makikinig ng aking mga hinaing, suliranin, at agam-agam. Nakasasandig ako sa kanilang mga balikat kapag ako ay naiiyak, pinanghihinaan ng loob, at nauubusan ng lakas at pasensya.

Dahil sa ALS, nanumbalik ang kumpiyansa ko sa sarili. Akala ko ay hindi na ako maaaring makaagabay sa mga kaklase kong hamak na mas bata sa akin. Akala ko ay tuluyan nang pumurol ang aking isip; hindi na maaaring bumasa nang malinaw, may pang-unawa, at pagsusuri. Akala ko ay hindi na akong matututong magkuwenta muli, mag-multiply o mag-divide, at kunin ang lawak, volume at buong gilid ng isang hugis. Sa aking napag-aralan sa ALS, hindi na ako nakikiming magsalita sa harap ng maraming tao, makapanayam ng isang  manedyer o politiko, at makipagtagisan ng talino ukol sa isang isyu.

Ang pinakamagandang naidulot ng ALS sa akin ay ang pagiging ehemplo ko o modelo sa mga kabataan at matatandang hindi nakapag-aral o nahinto sa pag-aaral. Naipakita ko sa kanila na may pagkakataon pa upang makamit ang mga naudlot na pangarap. Hindi hadlang ang idad o katayuan sa buhay. Ang kailangan lang ay determinasyon, sipag, at tiyaga. Nariyan ang libreng pag-aaral sa ALS. Naghihintay at kumakatok sa mga mamamayang nawalan ng landas ang buhay. Pagkakataon itong idinudulot ng pamahalaan upang sa huli ay masambit din natin na "Sa ALS, may pag-asa!"  Totoo ito dahil ako ay isang halimbawa.








Tuesday, March 2, 2021

ALS Crossword Puzzle on Module: Appropriate Expressions in Meetings and Interviews

Instructions

Solving a crossword online:

  • Click a cell on the crossword grid, or click a clue
  • Click twice on a cell to toggle between across and down
  • The active cell is highlighted in blue
  • Start typing in the word
  • Hit enter when you are done typing in the word
  • The word will turn green or red if you got it right or wrong
  • You can use the tab and shift-tab keys to move around the crossword and the arrow keys
Panuto

Paglutas ng isang krosword sa online:

  • Mag-click sa isang cell sa crossword grid, o mag-click sa isang pahiwatig (clue)
  • Mag-click ng dalawang beses sa isang cell upang magpalipat-lipat sa pagitan ng pahalang at pababa
  • Ang aktibong cell ay naka-highlight sa asul
  • Simulang mag-type sa salita
  • Pindutin ang enter kapag tapos ka nang mag-type ng salita
  • Ang salita ay magiging berde o pula kung nakuha mo ito nang tama o mali
  • Maaari mong gamitin ang mga key ng tab at shift-tab upang lumipat sa krosword at mga arrow key




Crossword Puzzle Maker

Sunday, February 28, 2021

How ALS Portfolio is Graded & Sample Works per Learning Strand





















Saturday, February 27, 2021

Paano Makakukuha ng 28 Puntos Pataas sa ALS Portfolio?

Isang magandang balita ang natanggap ng mga ALS learners ng Batch 2019-2020 at naunang mga batach dahil napagkasunduan na 50% ng final grade ang ibabase sa Presentation Portfolio para sa mga mag-aaral na pansamantalang naka-enroll sa mga formal na paaralan, samantalang ang Presentation Portfolio lamang ang pagbabasehan ng mga hindi pumasok sa mga paaralan nitong School Year 2020-2021.

Ano nga ba ang ALS Presentation Portfolio?

Ang Presentation Portfolio ay kalipunan ng mga nagawa ng isang mag-aaral na tinipon partikular para sa isang pagtatasa (assessment). Kinapapalooban ito ng mga pormal na talaan kung saan nakadokumento ang background at mga karanasan ng isang mag-aaral, ang proseso ng pagkatuto na kanyang sinusunod, ang mga samples o halimbawa na kanyang pinili upang ipamalas ang kanyang kayang gawin o natutunan.Nilalaman din ang Presentation Portfolio ang mga tala ng kanyang nalalaman bago pumasok ng ALS at ang kanyang pag-unlad habang nag-aaral base sa itinakdang layunin ng pagkatuto.

Ang mga formal records, tulad ng mga work samples, na dapat nilalaman ng Presentation Portfolio ay kinukumpleto ng ALS learner sa tulong ng kanyang guro. Tungkulin ng guro na patunayan na ang Presentation Portfolio ay gawa talaga ng mag-aaral. Ang mga work samples ay maaaring kapalooban ng isang proyekto na isinagawa ng mag-aaral o ng pangkat ng mga mag-aaral, at samples ng mga gawain (Halimbawa - Module's written activities) na ginawa ng mag-aaral na nagpapakita ng mga nagawa o accomplishments sa pag-aaral.

Anu-ano ang mga formal records na dapat isama sa Presentation Portfolio?

Ang mga sumusunod ang dapat isama sa isang Presentation Portfolio:

1. Functional Literacy Test (FLT) ==> Pre-test at Post-Test

2. Individual Learning Agreement 

3. Record of Learning Module Use

4. Documentation of Life Experiences (ALS A&E RPL Form 1)

5. Record of Training/Skills (if this applies) (ALS A&E RPL Form 2)

6. Summary of Work History (if completed) (ALS A&E RPL Form 3)

7. Learner's Checklist of Skills (ALS A&E RPL Form 4)

8. Compilation of certificates on activities/seminars/trainings/ short-term courses attended (if any)

Ano ang work samples at ang mga halimbawa nito?

Ang mga sample ng gawain ay mga nakumpletong mga aktibidad na isinagawa ng mag-aaral,  sa tulong ng guro ng ALS, upang maipakita ang pagkatuto ng mga nagawa. Kasama dito ang mga nakumpletong module ng pag-aaral, mga aktibidad sa self assessment, pre-test at post-test, mga takdang-aralin ng module, mga journal entries ng mag-aaral, atbp.

Ang mga sample ng gawain ay dapat ipakita ang mga nagawa sa pag-aaral sa kabuuan sa lahat ng anim na hibla ng pag-aaral sa ALS K to 12 Batayang Kurikulum sa Edukasyon (BEC).

Sa pagpili ng mga sample ng gawain para sa pagsasama sa portfolio ng pagtatanghal, ang ang mag-aaral ay pipili ng mga sample na nagbibigay ng pinakamahusay o pinakamatibay na katibayan ng kanyang kahusayan sa mga kakayahan sa ALS K - 12 BEC.

Ang mga napiling sample ng gawain para sa bawat strand sa pag-aaral ay dapat magbigay ng katibayan ng kahusayan ng iba't ibang mga kakayahan  at hindi maraming sample ng pareho kakayanan.

Ang kalidad ng mga sample ng pag-aaral ay napakahalaga. Ito ay dapat malinaw ang pagkakasulat at ipinakita sa isang paraan na maa-access ng tagasuri bilang katibayan ng pag-aaral.

Paano ang Pagmamarka sa isang Presentation Portfolio?

Ang pangwakas na pagsusuri ng portfolio ng pagtatanghal ay dapat gawin ng Education Program Specialist II para sa ALS  gamit ang mga sumusunod na pamantayan:



Dahil batid na natin ang pamantayan sa pagmamarka ng ating Presentation Portfolio, nararapat lamang na kumpletuhin lahat ng isang ALS learner ang mga kailangang gawain at proyektong nakaatang upang makakuha ng 28 puntos pataas. Alalahanin na ang Portfolio ang nagsisilbing batayan upang makakuha ng pagsusulit sa A&E ang isang mag-aaral (kung magkakaroon sa mga susunod na buwan). Sa mga Batch 2019-2020 pababa, 50% ng Portfolio at 50% ng First at Second Grading Period ang batayan upang makakuha ng katunayan ang ALS learner na provisionary enrolled sa mga formal schools.   Kailangan lamang na 75% pataas ang kanilang Final Grade (Portfolio + Scholl Grade) upang makapagpatuloy ng pag-aaral bilang officially enrolled.. Samantala, sa mga hindi naka-enroll sa formal school, tanging ang Presentation Portfolio ang  batayan upang sila ay bigyan ng katunayan kung 28 puntos ang kanilang marka.