Thursday, November 21, 2024

2024 A&E Practice Test - Elementary Level - Learning Strand 1 - Communication Skills - Filipino

             Ang pagsasanay na pagsusulit na ito ay hango sa Bureau of Alternative Education (BAE) para sa 2024 Accreditation and Equivalency (A&E) Test na itinakda pansamantala sa ika-25 ng Enero 2025 para sa Luzon at sa ika-2 ng Pebrero 2025 para sa Visayas at Mindanao.

Source: Bureau of Alternative Education (BAE)


Pasensya na sa mga maling tipa at gramatika na nawaglit na itama. Ikomento ang anumang maling sagot.

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.

1.      Ang pagputok ng Bulkang Taal ay nagdulot ng pighati sa marami dahil sa pagkamatay ng mga hayop at halamang pinagkukunan nila ng pangkabuhayan. Alin sa sumusunod na larawan ang nagpapakita ng damdaming angkop sa salitang may salungguhit?


        A. 





B. 

C. 

D. 


                            Para sa bilang 2

Laging pinapaalalahanan si Impeng Negro ng kanyang ina na huwag makipag-away. Subalit palaging tinutukso siya ni Ogor, na pinagtatawanan ang kanyang maitim na balat, kulot na kulot na buhok, at sarat na ilong. Karaniwang ito ang nagiging sanhi ng kanilang pag-aaway. Minsan, nagdilim ang kanyang paningin sa galit at nauwi ito sa matinding away, kung saan napabagsak niya si Ogor.

2.      Batay sa binasa, alin sa sumusunod ang pinakaangkop na gagawin ni Impen?

 

(A)         Isumbong si Ogor sa ina nito.

(B)         Pagtaguan na lamang si Ogor.

(C)         Huminahon at makipagbati na kay Igor.

(D)        Isumbong si Ogor sa kapitan ng barangay.


Para sa Bilang 3



I

II

III

balibol piko basketbol sipa

sepak takraw palo sebo sungka

siyatong

patintero luksong tinik tumbang preso taguan


3.      Alin sa mga kahon sa itaas ang nagpapakita ng purong laro ng Lahing Pilipino?

 

(A)         I lang

(B)         II lang

(C)         III lang

(D)        I at III lang



Para sa Bilang 4



4.      Batay sa pictograph na makikita sa itaas, anong mga taon ang may magkaparehong dami ng nabentang sasakyan?

 

(A)         2015 at 2017

(B)         2016 at 2018

(C)         2017 at 2018

(D)         2018 at 2019


Para sa Bilang 5



5.      Alin sa sumusunod ang tamang karugtong ng pahayag na ito upang maipakita ang iyong pag-unawa at pagpapakita ng saloobin ng tauhan batay sa pangyayari?

 

(A)         Inamo siya ni Leo.

(B)         Pinalayas niya si Leo.

(C)         Ipinakulong siya ni Leo.

(D)        Pinalipat niya ng tirahan si Leo.



6.      Alin sa sumusunod na bahagi ng isang ulat ang katanggap-tanggap?

 

(A)         Ayon sa mga awtoridad ……………

(B)         Usap-usapan sa may kanto ……………

(C)         May hinala ang kinauukulan ……………

(D)         Ipinalalagay ng mga imbestigador ……………


Para sa Bilang 7


Si Brenda ay tinulungan ng kanyang tiya upang makapag-aral, ngunit hindi ito sapat para sa kanyang mga pangangailangan. Nagtinda siya ng mga pagkain sa kanilang klase at tumutulong din sa tindahan ng kanyang tiya. Pursigido siyang makapagtapos ng pag-aaral.


8.      Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Brenda?

 

(A)         Magsisikap sa pag-aaral.

(B)         Kusang-loob na tutulong sa tiya.

(C)         Magsisipag magtinda ng pagkain.

(D)        Aayusin ang iskedyul ng mga gawain.


Para sa Bilang 8


Ang Matsing at ang Pagong

A Philippine Folk Tale by Jose Rizal

 

Noong una, magkaibigan sina Matsing at Pagong. Isang araw, may nakita silang puno ng saging na lumulutang sa tubig. Nagpasiya silang hatiin ito sa dalawa upang itanim. Kinuha ni Matsing ang itaas na bahagi, habang napunta kay Pagong ang ibabang bahagi. Nabuhay ang saging ni Pagong, ngunit namatay ang kay Matsing.


8.     Kung hindi naging tuso si Matsing, ano kaya ang magiging wakas ng kuwento?

 

(A)         Hindi na sila magbabati.

(B)         Mananatili silang magkaibigan.

(C)         Iisipin ni Pagong na dayain si Matsing.

(D)        Hindi na nila hahatiin ang puno ng saging.


Para sa Bilang 9


Araw ng Linggo. Ang sabi ng nanay sa mga anak niyang sina Aubrey at Lauren, “Maghanda na kayo at may lakad tayo.” __________ nilang pinuntahan ang hair salon at nagpagupit. __________ kumain sila sa isang restawran. Nasiyahan sila sa dami ng pagkain. __________, nanood sila ng sine. Ang __________ nilang ginawa ay namili ng kani-kanilang pangangailangan. Umuwi silang masayang-masaya.


9.      Alin sa sumusunod na salitang naghuhudyat ang angkop na gamitin upang maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?

 

(A)         Pagkatapos, una, sumunod, huli

(B)         Sumunod, una, pagkatapos, huli

(C)         Una, pagkatapos, sumunod, huli

(D)        Una, sumunod, pagkatapos, huli


Para sa Bilang 10


Bata pa si Marcelito Pomoy nang iniwan siya ng kanyang ina at makulong ang kanyang ama. Inampon siya ng isang pulis, ngunit nagdanas siya ng hirap sa kanyang paglaki at natuto ng iba't ibang trabaho. Nang matuklasan niya ang kanyang talento sa pag-awit, dito nagsimula ang pagbabago ng kanyang buhay. Hindi man siya nagwagi sa Talentadong Pinoy, nagwagi naman siya sa Pilipinas Got Talent, na nagbigay katuparan sa kanyang pangarap na makilala sa larangan ng pag-awit.



10. Alin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ni Marcelito?

 

(A)         Nang ampunin sila ng isang pulis.

(B)         Nang iwanan sila ng kanilang ina.

(C)         Nang sumali siya sa Talentadong Pinoy.

(D)         Nang maging kampeon siya sa Pilipinas Got Talent.



11.       Tuwing umaga, dahan-dahang dinidilig ni Kyle ang mga tanim na orchids ng kaniyang ina. Tuwang-tuwa ang mag-anak na nagkukuwentuhan sa hardin habang pinagmamasdan ang pamumulaklak ng mga ito.


Alin sa sumusunod na pangkat ng mga salita ang nagsasabi ng paraan,panahon at lugar?

 

(A)         dahan-dahang dinilig ang orchids

tuwing umaga

sa hardin

 

(B)         habang pinagmamasdan

dahan-dahang dinidilig

tuwing umaga

 

(C)         orchids

habang pinagmamasdan

tuwang-tuwa ang mga mag-anak

 

(D)        tuwang-tuwa ang mag-anak

dahan-dahang dinidilig 

habang pinagmamasdan


Para sa Bilang 12


“Di ako kumakain ng bigas, Major.

Sinasaing ko muna para maging kanin.”

                                                     (Hango sa pelikulang “Batas sa Aking Kamay (1987))


12.     Batay sa pahayag sa itaas, anong estilo ng diyalogo ang ginamit?

 

(A)         Eupemistiko - katotohanan

(B)         Matalinghaga - may lalim ang kahulugan

(C)         Pormal - angkop sa mga bata, gamit ng guro

(D)         Bulgar - usapang kalye, balbal, di-katanggap-tanggap



13.      Unang lumabas ang sikat na music video na “Tala” ni Sarah Geronimo noong 2016. Subalit di ito napansin ng marami. Makalipas ang tatlong taon, nagbalik at lumikha ito ng ingay sa social media matapos gawan ito ng “dance challenge”.

 

Alin sa sumusunod ang mensahe ng binasa sa itaas?

 

(A)         Ilan lamang ang pumansin dito.

(B)         Gumawa si Sarah ng bagong music video.

(C)         Matabang ang pagtanggap dito ng mga tao.

(D)         Sumikat din ang music video ni Sarah na “Tala”.


Para Bilang 14


Masigasig si Vicky sa pag-aaral dahil pangarap niyang maging guro. Nang magkasakit ang kaniyang tatay, napilitan siyang huminto sa pag-aaral. Isang araw, may nagkuwento sa kaniya tungkol sa libreng edukasyon, kaya siya ay nagkaroon ng interes dito. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral habang siya ay naghahanapbuhay.


14.      Batay sa binasa, alin sa sumusunod ang pinakamagandang mangyayari kay Vicky?

 

(A)         Maghahanapbuhay siya upang ipagamot ang tatay.

(B)         Magpapatuloy siya sa pag-aaral at paghahanapbuhay.

(C)         Makapagtatapos siya ng pag-aaral at magiging isang guro.

(D)        Mapaglalaanan niya ng panahon ang pag-aalaga sa kaniyang tatay.


15.      Alin sa sumusunod ang higit na magandang estilo sa pagsulat ng kuwento?

 

(A)         Gawing detalyado ang kuwento.

(B)         Magsimula sa magandang bahagi.

(C)         Simulan sa paglalaban at tunggalian.

(D)         Magbalik-tanaw para mapag-ugnay ang mga pangyayari


Para sa Bilang 16


Si Maria ay nabansagang 'Mariang Mapangarapin' dahil lagi siyang nakatingin sa malayo na wari’y nangangarap. Isang araw, binigyan siya ng kanyang manliligaw ng isang dosenang manok. Inalagaan niya ang mga ito hanggang sa mangitlog. Nagpasya siyang ipagbili ang mga itlog sa bayan upang makabili ng magarang kasuotan. Habang lumalakad siya nang pakendeng-kendeng at hindi tumitingin sa daan, nahulog ang lahat ng itlog na kanyang sunong.


16.      Kung siya’y hindi naging mapangarapin, ano ang mangyayari sa kuwento?

 

(A)         Magiging malungkot ang buhay niya.

(B)         Tataas ang ambisyon niya sa buhay.

(C)         Maibebenta niya ang mga itlog at mabibili ang mga pangangailangan.

(D)         Bibigyan muli siya ng isang dosenang manok ng kaniyang manliligaw.


17.      Alin sa sumusunod ang mga salitang magkasalungat?

 

(A)         malaki - masikip

(B)         mabagal - mabilis

(C)         masarap maasim

(D)         marikit - masungit


Para sa Bilang 18


Pagmasdan ninyo ang munting papel na umalipin sa ating lahat sa mahabang panahon. Kailangan na nating wakasan ang ilang daang taong pananakop ng mga Kastila. Punitin nating lahat ang ating mga sedula!

                                                Andres Bonifacio



18.        Ang pahayag na ito ay naganap sa isang malaking pagtitipon ng mga Katipuneros sa Pugad Lawin noon 1896. Sa kasalukuyan, alin sa sumusunod ang mabilis na paraan upang maipahayag ng mamamayan ang pagnanais na ipaglaban ang mga karapatan?

 

(A)         Paglahok sa mga rally.

(B)         Paggamit ng social media.

(C)         Pagpapadala ng sulat sa kinauukulan.

(D)        Pakikipagdebate ukol sa mga patakarang tinututulan.


Para sa Bilang 19


Ang dengue ay isang delikadong sakit na dulot ng lamok na tinatawag na Aedes Aegypti. Lahat ng tao ay maaaring mabiktima ng sakit na ito. Upang maiwasan ito, siguraduhing walang naimbak na tubig sa mga kanal at mga lalagyan na walang takip.


19.      Alin sa sumusunod ang sumusuporta sa talata?

 

(A)         Huwag gumamit ng mga bagay na ginamit ng biktima nito.

(B)         Gumamit ng face mask upang hindi mahawa sa may dengue.

(C)         Uminom ng mga halamang herbal upang labanan ang dengue.

(D)         Iwasang magkaroon ng imbak na tubig sa mga kanal at mga basyong lalagyan.



20.      Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan?

 

(A)         Ang bato ay matigas.

(B)         Bubuhatin ko ang buwan.

(C)         Nais kong magkaroon ng anghel sa tahanan.

(D)         Mas ligtas kang sumakay sa jeep kaysa sa motor.


21.      Naglalaro ng mga online game sina Ferdie at Ernie sa computer shop at inaabot sila ng hatinggabi. Sa oras ng klase, napapansin ng guro na hikab nang hikab si Ernie. Ayon sa kuwento, bakit kaya siya inaantok?

 

(A)         Nanonood pa siya ng TV matapos mag-aral.

(B)         Naglalaro pa rin siya sa pagdating ng bahay.

(C)         Nagawa niya ang lahat ng mga takdang-aralin.

        (D)     Nagpupuyat siya sa paglalaro ng mga online game


Para sa Bilang 22


Nilustay ni Edward ang perang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Dahil sa labis na sama ng loob, inatake sa puso ang kanyang ama at namatay. Itinakwil siya ng kanyang galit na mga kapatid, habang labis itong ikinalungkot ng kanyang ina.


22.      Kung hihingi ng tawad si Edward, ano ang malamang na mangyayari?

 

(A)         Kamumuhian pa rin siya ng mga kapatid.

(B)         Patatawarin agad siya ng kaniyang mga kapatid.

(C)         Makikiusap ang nanay niya na tanggapin siya ng mga kapatid.

(D)        Patatawarin siya ngunit hindi siya patitirahin sa kanilang bahay.


23.      Alin sa sumusunod na pangungusap ang may mga salitang magkasingkahulugan?

 

(A)         Mataas ang puno sa tabi ng matayog na gusali.

(B)         Hawakan mo ang lubid at bibitiwan ko ang pinto.

(C)         Nasa kanan ang kusina, nasa gitna ang hagdanan.

(D)        Ang mga batang lalaki at babae ay nakapila sa tapat ng paaralan.


Para sa Bilang 24


Isa sa mga sikat na anekdota ay ang isinulat ni Dr. Jose Rizal tungkol sa kanyang tsinelas. Habang sakay siya ng bangka, nahulog sa ilog ang isa niyang tsinelas. Itinapon din niya ang isa pang tsinelas sa ilog.


24.      Ano ang dahilan kung bakit naisipan ni Dr. Jose Rizal na itapon na rin ang kapares ng tsinelas na nahulog?

 

(A)         Upang bilhan siya ng bago

(B)         Dahil magagalit ang nanay niya

(C)         Dahil hindi na niya magagamit ang naiwang kapares

(D)         Upang magamit ito ng kung sino mang makapupulot nito


Para sa Bilang 25


Naging Sultan si Pilandok

Naghimagsik siya laban sa kanyang Sultan kaya ipinakulong siya at ipinatapon sa gitna ng dagat. Nagulat ang Sultan nang makitang muli si Pilandok na magara ang kasuotan at hawak ang makinang na espada. Hindi siya namatay; tinulungan siya ng kanyang mga ninuno at binigyan siya ng mga kayamanan mula sa ilalim ng dagat. Humiling ang Sultan kay Pilandok na isama siya roon. Nagkasundo sila na walang makaaalam ng kanilang plano. Bilang kapalit, ipinagkaloob ng Sultan kay Pilandok ang korona, singsing, at espada. Nagpatapon ang Sultan sa gitna ng dagat at namatay. Mula noon, si Pilandok na ang naging Sultan.




25. Batay sa kuwento, ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa ibaba?

 

6

Nagpatapon ang Sultan sa dagat.

5

Ipinakulong at ipinatapon si Pilandok.

4

Namatay ang Sultan.

3

Naging Sultan si Pilandok.

2

Naghimagsik si Pilandok sa Sultan.

1

Nagkasundo si Pilandok at ang Sultan.

 

(A)         1, 4, 3, 2, 6, 5

(B)         2, 5, 1, 6, 4, 3

(C)         2, 5, 6, 4, 1, 3

(D)         3, 5, 1, 4, 6, 2


        Para sa Bilang 26


Bagama't may naidudulot na kaginhawahan ang makabagong teknolohiya, maaari rin itong magdulot ng mga negatibong epekto. Nakaaapekto ito sa kalusugan kung labis ang paggamit, ngunit nagiging posible ang ugnayan kahit gaano man kalayo ang mga tao sa isa't isa.


26.      Ano ang maaaring pamagat sa talatang ito?

 

(A)         Teknolohiya: Kaibigan Ka Ba?

(B)         Teknolohiya: Ikaw ang May Sala

(C)         Teknolohiya: Pampaginhawa ng Buhay

(D)         Teknolohiya: Positibo at Negatibong Dulot Nito


27.      Namiyesta si Grace. Naikuwento sa kaniya ang ginawang paghahanda bago magpiyesta. Kung si Grace naman ang magsasalaysay, alin sa sumusunod na pahayag ang may tamang gamit ng pandiwa?

 

(A)         Magpapasalamat sa lahat noong piyesta.

(B)         Nagkabit ng mga palamuti bago magdiwang.

(C)         Maghahanda ng pagkain pagkaraan ng piyesta.

(D)         Nagwawalis ng kalsada nang nakaraang pagdiriwang.


ANSWERS:


==================================