Thursday, August 12, 2021

ALS Module 9 - Civic Engagement - Activity 7 & 8 | Guides & Sample Answers

 Module 9: Civic Engagement

“Ang makabuluhang buhay ay hindi ang pagiging mayaman at popular kundi ang pagiging tunay, mapagkumbaba at handang ibahagi ang sarili para sa iba.”

 A meaningful life is not being rich and popular. It is being sincere, humble, and able to share ourselves for others.

SESSION 2: YOUTH TAKING ACTION

Activity 7: The Power of Youth

Let’s look at what is called a “Population Pyramid” to see how significant the youth population is. (Tunghayan natin ang tinatawag na “Population Pyramid” upang makita kung paano kahalaga ang mga kabataan.)

Source: Central Intelligence Agency (2020, December 18). East Asia/South East Asia: The Philippines. The World Factbook. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/rp.html

 

What do you notice in this image? (Ano ang napansin mo sa pigurang ito?)

1. Napansin ko na nasa 19% ng populasyon ng Pilipinas ay nasa gulang na 15-24, o halos mga kabataan, tulad ko. Ito ay tinatayang nasa 20 milyon.

2. Napansin ko rin na sa mga kabataang nabanggit, halos magkapareho ang bilang ng kalalakihan at kababaihan. Ang bawat isa ay halos 10 milyon.


What does this tell you about the potential impact of youth in communities across the country? Reflect on what this means to you. (Ano ang nais ipahayag  nito sa iyo tungkol sa potensyal na epekto ng kabataan sa mga pamayanan sa buong bansa? Pagnilayan kung ano ang kahulugan nito sa iyo.)

            Dahil sa dami ng populasyon ng mga kabataan, nagpapakita ito na napakahalaga at napakalaki ng potensyal na epekto ng mga kabataan sa komunidad. Dahil sa kanilang bilang, malaki ang positibong pagbabago sa pamayanan kung magkakaisa ang mga kabataan. Gayunman, malaki rin ang negatibong epekto nito sa bayan kung hindi maganda ang landas na kanilang tatahakin. Dahil sa laki ng bilang ng mga kabataan, nararapat lamang na ihayag nila ang kanilang mga pananaw at saloobin dahil sila ang higit na maaapektuhan sa hinaharap sa anumang desisyon ng pamahalaan. Bilang isang kabataan, hinihimok ko ang iba pang kabataan na gamitin nila ang kanilang pinagsama-samang boses sa ikagagaling ng pamayanan.

 

            What might be the result if all youth in the city or municipality give up 2 hours of their time once a month to do something helpful to the community, e.g. assist in a tree-planting or a river-bank clean up drive? (Ano ang maaaring maging resulta kung ang lahat ng kabataan sa lungsod o munisipalidad ay maglalaan ng 2 oras ng kanilang oras isang beses sa isang buwan upang gumawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang sa pamayanan, hal. tumulong sa pagtatanim ng punongkahoy o paglilinis ng tabing-ilog?)

            Kung maglalaan ng kahit 2 oras kada buwan ang mga kabataan, mapapadali na  maisakatuparan ng pamahalaan ang mga proyekto nito na may kinalaman sa kapaligiran at kalikasan. Dahil sa kanilang pakikiisa sa gobyerno, maipakikita ng mga kabataan ang kanilang puwersa at kakayahan upang makamit ang isang positibong pagbabago.

 

Is civic engagement for older people only, or also for young people? Why do you think so? (Ang pakikipag-ugnayan ba sa pamayanan ay para sa mga matatandang tao lamang, o para din sa mga kabataan? Bakit, sa tingin mo?)

            Sa aking palagay, ang pakikipag-ugnayan sa pamayanan ay para sa lahat ng indibidwal na naninirahan sa iisang lugar, matanda man o kabataan. Ito ay dahil ang bawa’t isa ay apektado sa anumang proyekto o desisyong napagkasunduan ng anumang grupo. Dahil dito, natural lamang na magsalubong ang mga isip ng katandaan at kabataan sa pagbalangkas ng isang adhikain o desisyon na magpapabago sa kanilang kalagayan.

 

            What do you think would happen if youth do NOT get civically involved at all? (Ano sa palagay mo ang mangyayari kung ang kabataan ay HINDI nakikisangkot sa sibiko?)

            Kung ang mga kabataan ay hindi nakikisangkot sa mga proyekto at desisyon ng pamayanan, nangangahulugan lamang nito na sinasayang nila ang kanilang potensyal at puwersa upang makamit ang isang pagbabago na makaaapekto nang malaki sa kanilang kalagayan at pamumuhay. Kung hindi makikiisa ang mga kabataan, hindi nila magagamit ang kanilang potensyal bilang instrumento ng pagbabago lalo na at malaking bahagi ng populasyon ay kinabibilangan nila.

 

Think about it!

Have a conversation with your family at the dinner table, or with friends on Facebook. Ask them what they think about the youth becoming more active in community work. What are the advantages and disadvantages? Would they support you if you decided to become more active in the community? Remember to thank them for helping you with your schoolwork. (Makipag-usap sa iyong pamilya sa hapag kainan, o sa mga kaibigan sa Facebook. Tanungin sila kung ano ang iniisip nila tungkol sa mga kabataan na nagiging mas aktibo sa gawain sa pamayanan. Ano ang mga bentahe at hindi ? Susuportahan ka ba nila kung magpasya kang maging mas aktibo sa pamayanan?)

            Sa pakikipag-usap ko sa aking pamilya at mga kaibigan, ang mas aktibong paglahok ng mga kabataan sa pamayanan ay napakahalaga sa anumang pagbabago na nais nilang makamit. Gayunman, ang paglahok na ito ay nararapat lamang na maging positibo at sa ikagagaling ng mas nakararami. Ang paglahok ng mga kabataan sa mga gawaing labag sa batas at mapanganib para sa lahat ng sektor ng lipunan ay nararapat na kondinahin at sawatahin. Susuporta ang miyembro ng aking pamilya at mga kaibigan sa akin kung ang pagiging aktibo ko sa lipunan ay naaayon sa batas at sa ikasusulong ng aming komunidad.


Activity 8: How Can I Get Civically Engaged?

Remember - Civic engagement is a way of working together to make a positive difference in our communities. It involves applying your skills, knowledge, values, and motivation to make that difference. (Tandaan - Ang pakikipag-ugnayan sa sibiko ay isang paraan ng pagtutulungan upang makagawa ng positibong kaibahan sa ating mga pamayanan. Ito ay nagsasangkot ng paglalapat ng iyong mga kasanayan, kaalaman, values, at pagganyak na gawin ang kaibahang ito.)

Reflect on your own community and what you feel drawn you to do to improve your community. (Pagnilayan ang iyong sariling pamayanan at kung ano ang naghimok sa iyo upang mapabuti ang iyong pamayanan.)


Let’s Exercise: Drawing Volunteering Scenarios

Draw the following scenarios based on your own experience or imagination. Feel free to express yourself in the most artistic way you can. (Iguhit ang mga sumusunod na senaryo ayon sa iyong sariling karanasan o imahinasyon. Maging malaya sa pagpapahayag ng iyong sarili sa pinakamasining na paraan na makakaya mo.)

1.         Volunteering to clean the school during Brigada Eskwela week. (Magboluntaryo upang linisin ang paaralan sa linggo ng Brigada Eskwela.)

 

(Source: Procurement Service – Department of Budget and Management , https://ps-philgeps.gov.ph/home/index.php/about-ps/news/2952-ps-dbm-offers-essential-school-supplies-as-deped-reconfigures-2020-brigada-eskwela-and-oplan-balik-eskwela)

 

2.         Encouraging other young people to register and vote during an election. (Paghimok sa ibang kabataan na magparehistro at bomoto sa halalan.)

 


3.         Participating in a blood-letting activity. (Pakikiisa sa pagbibigay ng dugo.)

 

Have you been civically engaged before? Let’s see if there is a connection between the ways of getting civically engaged and what you have done before or would like to do in the future. (Nakapag-ugnayan ka ba sa pamayanan dati? Tingnan natin kung may koneksyon sa pagitan ng mga paraan ng pakikipag-ugnayan sa sibiko at kung ano ang nagawa mo dati o nais mong gawin sa hinaharap.)

 

The boxes below depict ways that you can be civically engaged in your community. Color the boxes in the following manner: (Ang mga kahon sa ibaba ay nagpapakiya kung paano ka maaaring makipag-ugnayan sa iyong pamayanan. Kulayan ang mga kahon sa mga sumusunod na paraan:)

•          Green, if you have done this activity before (Berde, kung nagawa mo na dati ang aktibidad na ito.)

•          Red, if you have not done this activity before (Pula, kung hindi mo pa nagawa dati ang aktibidad na ito.)

•          Yellow, if you have not done this activity before but would be interested in doing it in the future (Dilaw, kung hindi mo pa nagawa dati ang aktibidad na ito pero interesado kang gawin ito sa hinaharap)


Learn about the

Learn about how

Volunteer for an

services that the

the LGU works

organization (that

LGU provide

and how it

is not involved in

 

provides services

elections)

 

 

 

Vote and

Make petitions to

Encourage other

encourage others

the local

youth to

to vote

government in

represent youth

 

writing

in Municipal

 

 

forums

Persuade others

Help solve

Play an active role

to vote

community

in a community

 

problems

group or

 

 

association


How do you feel about your own involvement in your community? (Ano ang pakiramdam mo sa paglahok mo sa iyong komunidad?)

            Sa paglahok ko sa mga aktibidad ng aking komunidad, nagkaroon ako ng matinding kasiyahan at kumpiyansa sa sarili dahil naipamalas ko ang aking kabuluhan sa lipunan sa pamamagitan ng pamamahagi ko ng aking kaalaman, kakayahan, at kasanayan para sa ikabubuti ng aking mga kabarangay. Isang pagsubok sa akin ang tanggapin ang mga oportunidad na nakahatag sa akin upang maipakita ko bilang kabataan at bahagi ng populasyon na malaki ang aking magagawa upang bumuti ang aking komunidad. Hindi hadlang ang aking idad at kalagayan sa lipunan upang maging bahagi sa isang positibong pagbabago.

 

You can be involved by applying your knowledge or skills in doing community service. For example, if you are learning carpentry, you can volunteer to repair broken chairs and desks during Brigada Eskwela. If you are learning baking and pastry, you can help prepare nutritious food for a feeding program. (Maaari kang lumahok sa pamamagitan ng paglalapat ng iyong kaalaman o kasanayan sa paggawa ng paglilingkod sa pamayanan. Halimbawa, kung natututo ka ng karpinterya, maaari kang magboluntaryo upang ayusin ang mga sirang upuan at mesa sa panahon ng Brigada Eskwela. Kung natututo ka ng pagluluto ng tinapay at pastry, makakatulong kang maghanda ng masustansyang pagkain para sa isang programa sa pagpapakain.)

 

It is important and advantageous to work together with barangay leaders, teachers, parents, and other community members in a civic engagement activity. Learners of carpentry can join hands with learners of building wiring and volunteer to repair broken chairs and desks and check electrical connections during Brigada Eskwela week. Learners of baking and pastry can work with a group of mothers to help prepare nutritious food for a feeding program. (Ito ay mahalaga at kapaki-pakinabang na makipagtulungan kasama ang mga namumuno sa barangay, guro, magulang, at iba pang mga miyembro ng pamayanan sa isang aktibidad ng pakikipag-ugnayan sa sibiko. Ang mga nag-aaral ng karpinterya ay maaaring makiisa sa mga nag-aaral ng pagbuo ng mga kable at magboluntaryo upang ayusin ang mga sirang upuan at mesa at suriin ang mga koneksyon sa kuryente sa linggo ng Brigada Eskwela. Ang mga nag-aaral ng baking at pastry ay maaaring makipagtulungan sa isang pangkat ng mga ina upang makatulong na maghanda ng masustansyang pagkain para sa isang programa sa pagpapakain.)

 

Let’s go back to the reflection question at the beginning of this activity. What you feel drawn you to do to improve your own community? (Balikan natin ang pagninilay na katanungan  sa simula ng aktibidad na ito. Ano ang nagganyak sa iyo upang mapagbuti ang iyong sariling pamayanan?)

 

            Ang nagganyak sa akin upang mapagbuti ang aking sariling pamayanan ay ang hangarin kong makatulong sa abot ng aking makakaya. Napag-alaman ko na malaki ang bahaging ginagampanan ng mga kabataan, tulad ko, na mabago ang kalagayan ng ating lipunan kung magkakaisa sila at makikiisa na makilahok sa mga positibong proyekto at mga desisyong nakaaapekto sa lahat.

 

By participating in the Opportunity 2.0 Project, youth will learn more about how to be civically engaged. Opportunity 2.0 will work with Youth Development Alliances to organize opportunities for youth to practice civic engagement skills. By participating in these activities, and by planning and delivering your own activity through this module, you will have lots of opportunities to engage in your community! (Sa pamamagitan ng pakikilahok sa Oportunidad 2.0 na Proyekto, malalaman ng kabataan ang higit pa tungkol sa kung paano makipag-ugnayan sa pamanayan. Makikipagtulungan ang Opurtunidad 2.0 sa Mga Alyansa sa Pag-unlad ng Kabataan upang mag-organisa  ng mga oportunidad para sa mga kabataan na ipamalas  nila ang mga kasanayan sa pakikipag-ugnayan sa sibiko. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga aktibidad na ito, at sa pamamagitan ng pagpaplano at paghahatid ng iyong sariling aktibidad sa pamamagitan ng modyul na ito, magkakaroon ka ng maraming mga pagkakataon upang makilahok  sa iyong pamayanan!)

 

Session 2 – Writing Space

Use this space to complete any of the written assignments above or write any thoughts or ideas that have come to mind on the power of youth and how you can get civically engaged. (Gamitin ang espasyong  ito upang makumpleto ang anuman sa mga takdang-aralin na isusulat sa itaas o sumulat ng anumang mga saloobin o ideya na naisip hinggil sa lakas ng kabataan at kung paano ka makipag-ugnayan sa pamayanan.)

Tuesday, August 10, 2021

ALS Module 9 - Civic Engagement - Activity 6 | Guides & Sample Answers

 Module 9: Civic Engagement

 “Ang makabuluhang buhay ay hindi ang pagiging mayaman at popular kundi ang pagiging tunay, mapagkumbaba at handang ibahagi ang sarili para sa iba.”

A meaningful life is not being rich and popular. It is being sincere,

 humble, and able to share ourselves for others.


SESSION 1: Introduction to Civic Engagement

Activity 6: Prioritizing Needs

We usually cannot address all of the needs that we gathered from people we consulted. Community needs will most often be a very long list. We usually need to start by choosing one (or only a few) important needs to work on. (Karaniwan na hindi matutugunan ang lahat ng mga pangangailangan na nakalap natin mula sa mga taong ating kinunsulta. Ang mga pangangailangan sa pamayanan ay madalas na isang napakahabang listahan. Karaniwan na kailangan nating magsimula sa pamamagitan ng pagpili ng isa (o iilan lamang) sa mahahalagang pangangailangan na ating isasakatuparan.)

One person alone cannot decide what is the most important need from the list based on his/her personal opinion. What one thinks may be the main need in the community can be different from what others think the main need is. Thus, we need to know how to prioritize needs. (Ang iisang tao ay hindi maaaring magpasya kung ano ang pinakamahalagang pangangailangan mula sa listahan batay sa kanyang personal na opinyon. Kung ano ang iniisip ng isang tao na maaaring maging pangunahing pangangailangan sa pamayanan ay maaaring magkakaiba mula sa iniisip ng iba na pangunahing pangangailangan. Sa gayon, kailangan nating malaman kung paano ang pagpili ng uunahin sa mga pangangailangan.)

Let’s Exercise: Priorities and Criteria

Let’s do another activity with your family members! This activity is best played with 4 people.

You will be the facilitator. (Gumawa tayo ng isa pang aktibidad kasama ang mga miyembro ng iyong pamilya! Ang aktibidad na ito ay pinakamahusay na nilalaro na may 4 na katao. Ikaw ang magiging facilitator o tagapagpaganap.)

ROUND 1: Hand out pieces of paper and pencils to your family members. In the paper, ask them to write what they think is the most important need of this family – ONLY ONE. When done, ask each of them to share their answers and explain why. (ROUND 1: Ipamahagi ang mga piraso ng papel at lapis sa mga miyembro ng iyong pamilya. Sa papel, hilingin sa kanila na isulat kung ano sa palagay nila ang pinakamahalagang pangangailangan ng inyong pamilyang  - ISA LANG. Kung tapos na, hilingin sa bawat isa sa kanila na ibahagi ang kanilang mga sagot at ipaliwanag kung bakit.)

What was the same and what was different? Why do you think your family members thought the way they did? (Ano ang pareho at ano ang iba? Bakit sa palagay mo ay naisip ng mga miyembro ng iyong pamilya ang mga iyon?)

Ang pareho sa pangangailangan na ibinahagi ay ang sapat na pagkain sa hapag at kalusugan ng katawan. May mga pangangailangan ding naiiba na ipinahayag. Sabi ng Tatay ay unahin muna ang pagpapag-ayos ng bahay. Sabi ng Kuya ay unahin ang pagtatabi ng pera para sa kanyang pag-aaral sa susunod na pasukan sa pamantasan. Mga laruan at bagong sapatos ang nais ni bunso.  Iba-iba ang naging saloobin ng mga kasama ko sa bahay dahil iba-iba rin ang kanilang pangangailangan. Kadalasan, ito ay nakabase sa kanilang pansariling pangangailangan lamang.

Remember, what one thinks may be the main need in the community can be different from what others think the main need is. It is the same thing in a family! You will start to see now how prioritization is very important. (Tandaan, kung ano ang iniisip ng isang tao na maaaring maging pangunahing pangangailangan sa pamayanan ay maaaring magkaiba mula sa inakala ng iba na pangunahing pangangailangan. Ito ay  pareho rin sa isang pamilya! Magsisimula kang makita ngayon kung gaano kahalaga ang pag-prioritize.)

ROUND 2: Ask your family members to look for items with all of the following descriptions: (ROUND 2: Hilingin sa mga miyembro ng pamilya na maghanap ng mga item na may mga sumusunod na katangian:)

            Round (Bilog)

            White (Kulay Puti)

            Shiny (Makintab)

The descriptions are criteria that you used. A set of “criteria” is a set of characteristics that help you evaluate something and allows us to make comparisons. It may be easy to look for an item with one criterion, but things get more complicated when additional criteria are added to the mix. (Ang mga paglalarawan ay pamantayan na iyong ginamit. Ang isang hanay ng "pamantayan" ay isang hanay ng mga katangian na makakatulong sa iyong suriin ang isang bagay at gumawa tayo ng mga paghahambing. Maaaring madaling maghanap ng isang item na may isang pamantayan, ngunit ang mga bagay ay magiging mas kumplikado kapag idinagdag pa ang mga karagdagang pamantayan.)

Let’s Apply: Considering Your Own Criteria

Let’s talk more about criteria! Write down your answers in the space provided. (Pag-usapan natin ang tungkol sa pamantayan! Isulat ang iyong mga sagot sa inilaang espasyo.)

Question

Criteria

If you had two job offers, what

criteria would you use for choosing

one job? (Kung ikaw ay may dalawang trabaho, anong pamantayan ang iyong gagamitin para makapili ng isang trabaho?)

Laki ng sahod, lokasyon ng opisina, mga benepisyo

If you were hiring a new worker for

your own small business and 4

people want the job, what criteria

would you use for choosing one

worker? (Kung ikaw ay kukuha ng bagong trabahador sa iyong maliit na negosyo at 4 katao ang nais ang trabaho, anong pamantayan ang iyong gagamitin upang makapili ng isang manggagawa?)

Masipag, mapagkakatiwalaan, marunong sumunod sa mga utos

If you had to choose between water

or soft drinks, what criteria would

you use? (Kung ikaw ay mamimili sa pagitan ng tubig at soft drinks, anong pamantayan ang iyong gagamitin?)

Benepisyo sa katawan, presyo, brand

If you had to choose between two

apartments to live in, what criteria

would you use? (Kung ikaw ang mamimili sa dalawang apartment na titirhan mo, anong pamantayan ang iyong gagamitin?)

Upa, distansya sa pinapasukan, mga kapitbahay

Criteria may include just one or two characteristics (water costs less), or it may include a combination of characteristics that are important (experienced, trustworthy and with good communication skills). (Ang mga pamantayan ay maaaring kapalooban ng isa lamang o dalawang mga katangian (mas mababa ang gastos sa tubig), o maaari itong isang kumbinasyon ng mga katangian na mahalaga (may karanasan, mapagkakatiwalaan at may mahusay na mga kasanayan sa komunikasyon).

It is important to have a set of criteria in order to identify the community need in a fair, transparent, and unbiased way. (Mahalagang magkaroon ng isang hanay ng mga pamantayan upang matukoy ang pangangailangan ng pamayanan sa isang patas, transparent, at walang pinapanigan na paraan.)

Tips for Prioritizing Needs in the Community:

1.           Review the list of needs that you created. (Suriin ang listahan ng mga pangangailangan na iyong nilikha.)

2.           Eliminate the needs that are repeated. (Tanggalin ang mga pangangailangan na inuulit.)

3.           Work with others to choose 1 or 2 criteria to help you decide which needs are top priority and which ones are not. (Makipagtulungan sa iba upang pumili ng 1 o 2 pamantayan upang matulungan kang magpasya kung aling mga pangangailangan ang pangunahing priyoridad at alin ang hindi.)

4.           Use the criteria to order the needs from most to least important. (Gumamit ng pamantayan upang isaayos ang mga pangangailangang mula sa pinakamahalaga hanggang sa hindi masyadong mahalaga.)

5.           Select only a few needs in the top of your list to focus on. (Piliin lamang ang ilang mga pangangailangan sa tuktok ng iyong listahan upang pagtuunan ng pansin.)

6.           Do not let your own opinion or preference choose the needs that you think are most important; let the criteria help you decide. (Huwag hayaan ang iyong sariling opinyon o kagustuhan na pumili ng mga pangangailangan na sa palagay mo ay pinakamahalaga; hayaan ang mga pamantayan na tulungan kang magpasya.)

Let’s Apply: Top 2 Needs of Your Barangay

Pretend that you are the leader of a community youth group, and you are working on a project that would help address the top 2 needs of your barangay. What criteria would you use for choosing what these needs will be? Ask for help from your family or friends. (Magpanggap na pinuno ka ng isang pangkat ng kabataan sa pamayanan, at gumagawa ka ng isang proyekto na makakatulong matugunan ang nangungunang 2 mga pangangailangan ng iyong barangay. Anong pamantayan ang gagamitin mo sa pagpili kung ano ang mga kakailanganing ito? Humingi ng tulong mula sa iyong pamilya o mga kaibigan.)

Kung ako ang pinuno ng mga kabataan, ang gagamitin kong pamantayan upang makapili ng 2 pinakamahalagang pangangailangan ng aking pamayanan ay ang mga sumusunod:

1. dami ng makikinabang sa proyekto

2. pondo at pagkukunan nito

3. panahon upang matapos ang proyekto

Go back to Let’s Apply: Summary of Responses of Government Offices and Community Organizations. Using the criteria that you listed above, which 2 needs identified by the government official and the community leader will you be able to help address? Encircle these 2 needs in the worksheet. (Balikan natin ang Let’s Apply: Summary of Responses of Government Offices and Community Organizations. Gamit ang pamantayan na nakalista sa itaas, aling 2 mga pangangailangan ang tinukoy ng opisyal ng gobyerno at ng namumuno sa pamayanan na makakatulong kang tugunan? Bilugan ang 2 mga pangangailangan na ito sa worksheet.)

Ang 2 pangangailangan na aking pinili ay ang mga sumusunod:

1. Trabaho

2. Tulong sa mga nangangailangan

How do you feel about the results of this activity? Do you agree with the top 2 needs identified? Why or why not? (Ano ang palagay mo tungkol sa mga resulta ng aktibidad na ito? Sumasang-ayon ka ba sa natukoy na nangungunang 2 mga pangangailangan? Bakit o bakit hindi?)

Sa  palagay ko ay tama ang 2 napiling pinakamahalagang pangangailangan ng pamayanan dahil ang mga ito ang talagang kailangan sa panahon ng pandemya. Trabaho ang unang  kailangan ng mga mamamayan upang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at matugunan ang pangunahing pangangailangan sa pamilya. Tulong naman sa mga nangangailangan ang ikalawang pangangailangan para sa mga taong nawalan ng trabaho, nahihirapang makahanap ng trabaho, at sa mga walang inaasahang tutulong sa kanila kundi ang pamahalaan at mga mamamayang may malasakit sa kapwa.

What will be your priority need if you did it by yourself? Why and how would you choose it? (Ano ang iyong magiging priyoridad na kinakailangan kung ginawa mo ito nang mag-isa? Bakit at paano mo ito pipiliin?)

Kung ako mag-isa ang pipili, ang magiging prayoridad ko pa rin ay ang trabahong ipagkakaloob sa aking mga kabarangay. Kung sila ay may pagkukunan ng salapi upang matugunan ang kanilang pamumuhay, hindi na nila kailangan pang umasa sa tulong na manggagaling sa gobyerno o sa kanilang kabarangay. Ang trabaho talaga ang mithiin ng karaniwan sa atin. Kaya tayo nag-aaral at nagsasanay ay upang magkaroon ng pagkakakitaan.

There are so many needs in a community. Government alone cannot respond to all of them at the same time. (Maraming mga pangangailangan sa isang pamayanan. Ang gobyerno kapag nag-iisa lamang ay hindi maaaring tumugon sa kanilang lahat nang sabay.)

Community groups including young people like you can use certain criteria to see which needs they can respond to. (Ang mga grupo sa pamayanan kabilang ang mga kabataan na tulad mo ay maaaring gumamit ng ilang pamantayan upang malaman kung aling pangangailangan ang maaari nilang tugunan.)

Now that you have identified some priority needs by applying the agreed criteria, let us start to plan in the next activity how we will apply our knowledge and skills to take a positive action to respond to those needs. (Ngayon na natukoy mo ang ilang mga kinakailangang priyoridad sa pamamagitan ng paglalapat ng mga napagkasunduang pamantayan, simulan nating magplano sa susunod na aktibidad kung paano natin mailalapat ang ating kaalaman at kasanayan upang gumawa ng isang positibong aksyon upang tumugon sa mga pangangailangan.)

Session 1 – Writing Space

Use this space to complete any of the written assignments above or write any thoughts or ideas that have come to mind on connecting with your community, interacting with community leaders and prioritizing community needs. (Gamitin ang puwang na ito upang makumpleto ang anuman sa mga nakasulat na takdang-aralin sa itaas o sumulat ng anumang mga saloobin o ideya na naisip tungkol sa pagkonekta sa iyong komunidad, pakikipag-ugnay sa mga pinuno ng komunidad at pag-uuna ang mga pangangailangan sa pamayanan.)

1. Kahit hindi mayaman ay maaaring tumulong sa pamayanan.

2. Dapat isiwalat ng mga mamamayan ang kanilang mga suliranin upang matugunan ng gobyerno.

3. Dahil maraming pangangailangan ang isang komunidad, kailangan may mga pamantayan upang piliin ang uunahing proyekto.


Monday, August 9, 2021

ALS Module 9 - Civic Engagement - Activity 5 | Guides & Sample Answers

 Module 9: Civic Engagement

 “Ang makabuluhang buhay ay hindi ang pagiging mayaman at popular kundi ang pagiging tunay, mapagkumbaba at handang ibahagi ang sarili para sa iba.”

A meaningful life is not being rich and popular. It is being sincere,

 humble, and able to share ourselves for others.




SESSION 1: Introduction to Civic Engagement

Activity 5: Interview with a Community Group

Let’s Apply: Interview with Someone Who Works with the Community

Now you will repeat the process with someone else. Interview someone who works with the community (NGO worker, parish priest, small business owner, etc.) to whom you have access. (Ngayon, uulitin mo ang proseso ng panayam sa ibang tao. Kapanayamin ang isang taong nagtatrabaho sa komudidad (isang trahador sa NGO, pari ng parokya, maliit na negosyante, etc.) kung kanino ka may access.)

 This interview may be held over the phone, through email, or even through text messaging. Explain that this is part of a school project. (Ang panayam na ito ay maaaring ganapin sa telepono, sa pamamagitan ng email, o kahit sa pamamagitan ng pagmemensahe ng teksto. Ipaliwanag na ito ay bahagi ng isang proyekto sa paaralan.)

The interview questions are in the form below. Mark down their responses in the form. Be sure to thank the interviewee for his/her help. ((Ang mga katanungan sa pakikipanayam ay nasa form sa ibaba. Markahan ang kanilang mga tugon sa form. Tiyaking pasalamatan ang kinakapanayam sa kanyang tulong.)

 

Name of Interviewee:                              Isaac Ramirez

Position:                                                             Kaagapay Chairman  (NGO)

 

Questions (Mga Tanong)

Response (Kasagutan)

What is the situation in the

barangay (or city/municipality)?

Kamusta po ang sitwasyon dito

sa ating barangay (o bayan or

munisipalidad)?

Tahimik at maayos naman ang kalagayan ng aming barangay, maliban nga lamang sa banta ng Covid-19 sa buhay at kabuhayan ng mga tao.

What are the priority needs in

our barangay (or

city/municipality)?

 

Ano po ang mga pangunahing

pangangailangan dito sa ating

barangay (o bayan or

munisipalidad)?

Ang mga prayoridad na pangangailangang ng barangay:

1. Dagdag na trabaho sa mga kabarangay.

2. Tulong sa mga mahihirap at nawalan ng trabaho

3. Tuluyang mawala ang problema sa droga.

4. Magkaroon ng pampublikong pagamutan.

5. Magkaroon ng branch ang TESDA sa munisipalidad.

6. Dagdag na kolehiyo.

What are the barangay           

government programs for out-

of-school youth?         

 

Ano po ang mga programa     

para sa out-of-school youth?

1. Makapag-aral ang mga tumigil sa pag-aaral sa pamamagitan ng ALS.

2. Mabigyan ng kasanayan sa TESDA at sa bahay-kalakal.

3. Tulungan maipasok sa trabaho ang mga nakatapos sa TESDA.

4. Paglahok sa mga programang pampalakasan at kultural.

How can out-of-school youth

and other young people help in

the barangay (or the

city/municipality)?

 

Paano po makakatulong ang

mga out-of-school youth at

ibang kabataan dito sa ating

barangay (o bayan or

munisipalidad)?

Makatutulong ang mga kabataang hindi nag-aaral at iba pang kabataan sa barangay sa pamamagitan ng:

1. Pagsunod sa mga alintutunin at ordinansa ng barangay.

2. Pag-iwas sa masamang epekto ng droga.

3. Paglahok sa mga programa ng gobyerno, pampalakasan man o kultural

4. Bomoto sa araw ng halalan

5. Pangalagaan ang kalikasan at kapaligiran.

6. Ipagpatuloy ng mga hindi nakatapos ng pag-aaral ang kanilang edukasyon.

 

Let’s Apply: Summary of Responses of Government Offices and Community Organizations

In the table below, summarize the responses from the local government official and community leader. (Sa talahanayan sa ibaba, Ibuod ang mga kasagutan ng lokal na opisyal at lider ng pamayanan.)

 

Questions

Response from Local Government

Response from Community Leader

What is the situation in the

barangay (or city / municipality)?

 

Kamusta po ang sitwasyon dito sa ating barangay (o bayan or munisipalidad)?

Tahimik

Tahimik at maayos

What are the priority needs in

our barangay (or

city/municipality)?

 

Ano po ang mga pangunahing

pangangailangan dito sa ating barangay (o bayan or

munisipalidad)?

1. Pangmatagalang trabaho

2. Ayuda sa mga higit na nangangailangan.

3.  problema sa droga.

1. Dagdag na trabaho

2. Tulong sa mga mahihirap at nawalan ng trabaho

3. problema sa droga.

4. pampublikong pagamutan.

5. branch ang TESDA sa munisipalidad.

6. Dagdag na kolehiyo.

What are the barangay         

government programs for out-of-school youth?

 

Ano po ang mga programa         

para sa out-of-school youth?

1. ALS Program

2. TESDA Skills Training

3. Trabaho

4. Mga programang pampalakasan.

1. ALS program

2. TESDA Skills Training

3. Trabaho

4. Mga programang pampalakasan at kultural.

How can out-of-school youth

and other young people help in the barangay (or the

city/municipality)?

 

Paano po makakatulong ang

mga out-of-school youth at

ibang kabataan dito sa ating

barangay (o bayan or

munisipalidad)?

1. Pagsunod sa mga alintutunin at ordinansa ng barangay.

2. Paglayo sa masamang epekto ng droga.

3. Paglahok sa mga programang pangkalinisan, pampalakasan, at pangkalusugan.

4. Pagpapahayag ng kanilang mga saloobin at pananaw na may kinalaman sa pangkabuhayan, pag-aaral, politikal, at panglipunang suliranin.

1. Pagsunod sa mga alintutunin at ordinansa ng barangay.

2. Pag-iwas sa masamang epekto ng droga.

3. Paglahok sa mga programa ng gobyerno, pampalakasan man o kultural

4. Bomoto sa araw ng halalan

5. Pangalagaan ang kalikasan at kapaligiran.

6. Ipagpatuloy ng mga hindi nakatapos ng pag-aaral ang kanilang edukasyon.

 

Compare the answers in the two interviews. In what ways were they the same? In what ways were they different? (Ihambing ang mga sagot sa dalawang panayam. Sa anong mga paraan sila pareho? Sa anong mga paraan sila naiiba?)

 

Halos magkapareho ang mga sagot ng lokal na opisyal at lider ng komunidad hingil sa kalagayan at pangunahing pangangailangan ng barangay, gayundin sa mga programa para sa mga out-of-school youths (OSY) at kung paano sila makatutulong sa barangay kasama ang iba pang kabataan. Nagkaisa ang dalawang personahe na trabaho, tulong sa mga naghihirap, at pagsugpo ng droga ang ilan sa pangunahing pangangailangan ng barangay. Gayunman, mas may dagdag na pangunahing pangangailangan inihatag ang lider ng komunidad. Nais niyang magkaroon ng pampublikong pagamutan, sangay ng TESDA at dagdag na kolehiyo ang munisipalidad. Nagkaisa rin ang pananaw ang dalawang pinuno na kaya at may magagawang tulong ang mga OSY at iba pang kabataan sa barangay. Isa na rito ang pagsunod sa mga alintuntunin at ordinansa ng barangay, gayundin sa paglahok sa mga programa ng gobyerno, at pagboto sa halalan. Idinagdag naman ng lider ng komunidad na kailangang pangalagaan ng mga kabataan ang kalikasan at kapaligiran.

What was your most important learning from this interview? (Ano ang iyong pinakamahalagang natutunan mula sa panayam na ito?)

Sa panayam na ito, natutunan kong parehong may kamalayan ang lokal na opisyal at lider ng komunidad sa kalagayan at pangangailangan ng barangay. Kahit may magkaparehong naihatag na pangunahing pangangailangan, mayroon din silang pagkakaiba ng pananaw. Nagkakaisa ang dalawang lider na may papel na kinagampanan ang mga nag-aaral at hindi nag-aaral na kabataan sa barangay at makatutulong sila upang maging payapa, ligtas, at progresibo ang kanilang pamayanan.

Knowing what you know now, how can you help your own community? (Sa nalalaman mo sa ngayon, paano mo matutulungan ang iyong sariling pamayanan?

Sa aking mga natutunan sa ngayon, bilang isang kabataan, may papel akong ginagampanan sa aking pamayanan. Mura man ang isip, makatutulong ako sa aking barangay at munisipalidad sa simpleng pagsunod sa mga alintuntunin at ordinansang umiiral sa pamayanan. Ang pakikilahok sa mga programa ng gobyerno na may kinalaman sa pagsasanay, pag-aaral, pampalakasan, pangkalikasan, pangkapaligiran, at pagboto sa araw ng eleksyon ay ilan lamang sa aking magagawa upang makatulong na maging payapa, ligtas, at progresibo ang aking barangay.