Friday, March 18, 2011

Answers: Problem Solving & Critical Thinking - Part 1

Ang tamang sagot ay yaong may highlight.
Tunghayan din ang maikling paliwanag at aralin kung paano ito nakuha.

1. Si Aling Ising ay nagtitinda ng damit para kay Mr. Sy. Sa buong linggo , siya ay nakapagbili ng kabuuang halagang P25,000. Bilang komisyon, siya ay binigyan ni Mr. Sy ng 8% sa kanyang kabuuang naipagbili. Magkano ang kaniyang naging komisyon?
a. P2,500
b. P3,000
c. P2,000
d. P3,500
========================================
Paano makakalkula ang komisyon?
1) Kunin lamang ang total ng pinagbentahan. Sa problema sa itaas, ito ay P25,000.00
2) Pagkatapos ay I-MULTIPLY ito sa porsyento ng maaaring tubuin. Sa problema sa itaas, ito ay 8%.
Paano naman mag-multiply ng whole number (25,000) at porsyento (percentage) (8%)?
1) I-convert o gawing decimal ( mga numerong pinangungunahan ng period o tuldok) ang porsyento. Paano ito gagawin?
Sa problema sa itaas, ang ating porsyento ay 8%.
1) Isaisip na ang simbolo ng porsyento (%) ay period o tuldok. Kung gayon, ang 8% ay magiging 8.



2) Mula sa kanan, ilipat ang tuldok ng 2 puwesto (places).



Kung gayon, ang 8% ay magiging .08 tulad nang makikita sa ibaba:


3) Matapos makuha kung ano ang katumbas ng porsyento sa decimal, i-multiply ang kabuuang halaga sa nakuhang decimal,








4) Tulad nang nabanggit na, ang mga whole number (buong bilang) ay may original na tuldok (period) sa kanan nito. Kaya ang 200000 ay katumbas din ng 200000. , tulad nang makikita sa ibaba. Pagkatapos, ilipat ang period ng 2 puwesto mula sa kanan pakaliwa.



TANDAAN: Kung ilang beses ililipat ang period pakaliwa ay naka-depende kung ILAN ang decimal places ng ating nakuhang decimal number.
Sa ating halimbawa, ang  .08 ay may dalawang (2) decimal places kaya 2 beses nating ililipat ang period.
Kung ang ating decimal ay .024, tatlong beses ang paglipat ng period.
Kung ang decimal ay .8, isang beses lamang ang paglipat.

2. Sa pagkakaroon ng malubhang sakit ng anak ni Mang Fred, kinailangan nito ang halagang P30,000 sa pagpapagamot. Nagpag-isip ni Mang Fred na umutang ng 5-6 na dapat bayaran sa loob ng isang taon. Magkano ang dapat bayaran ni Mang Fred?
a. P38,000
b. P36,000
c. P37,000
d. P39,000
=====================================
Ano ba ang ibig sabihin ng 5-6?
Ibig sabihin nito, sa bawat limang pisong inutang, ito ay babayaran mo ng anim na piso. Kung gayon, piso ang tubo sa bawat  limang pisong inutang. Kung kukunin kung ilang porsyento ang piso sa limang piso,
i-DIVIDE ang PISO (1) sa LIMA (5) ==>
1/5 = .2
Paano i-convert o gawing percentage (porsyento) ang isang decimal?
Sa sagot na .2, ilipat lamang ng 2 beses ang puwesto ng tuldok(period) pakanan. Kung gayon ang decimal na .2 ay magiging 20. Pagkatapos, ilagay ang simbolo ng porsyento (%).
Kung ganoon ang katumbas ng decimal na .2 ay 20%


May 2 paraan kung paano kukunin ang sagot sa problema sa itaas.
1) Bilangin kung ilang 5 piso sa 30000 piso. Magagawa ito kung i-diDIVIDE ang 30000 sa 5. Kung gayon,
30000 / 5 = 6000. Dahil may tubong piso sa bawat limang piso, ang nakuhang sagot na 6000 ay siya ring tubo ng 30,000. Kung gayon ang kabuuang halagang ibabayad ay 30000 + 6000 = P36,000.
2) I-multiply ang porsyentong tubo (20%) sa inutang na pera.
30000 x 20% ===> 30000 x .2 = 6000. Ang makukuhang sagot ay idagdag sa perang inutang.
30000 + 6000 = P36,000 ==> kabuuang halagang ibabayad

3. Nakautang si Pablo sa bangko ng P20,000 na may rate ng interest  (tubo) na 10% kada taon. Kung makokompleto niya ang bayad sa loob ng tatlong taon, magkano ang halagang dapat niyang ibayad sa bangko?
a. P26,000
b. P25,000
c. P27,000
d. P28,000
============================
Kung walang binabanggit, ipagpalagay na ito ay isang kaso ng simple interest, kung saan ang tubo ay hindi na tutubo pa. Salungat ito sa compound interest kung saan ang tubo ay tutubuan muli.
Para sa pag-cocompute ng simple interest, tingnan ang aralin tungkol DITO.
Paano sasagutin ang problema sa itaas?
May 2 paraan para makuha ang tamang sagot.
1) Sa unang taon, ang tubo ng utang ay 20000 x 10% ==> 20000 x .10 = 2000
Sa loob ng tatlong taon, ito ay 2000 x 3 = 6000
Idagdag ang tubo sa 3 taon na 6000 sa halaga ng inutang na 20000. Kung gayon, ang kabuuang ibabayad ay 20000 + 6000 = P26,000
2) Kung 10% sa isang taon, ibig sabihin sa loob ng tatlong taon, ito ay 30%  ( 10% x 3 = 30% ==> .30)
Ang tubo sa 3 taon ay 20000 x .30 = 6000. Idagdag ito sa inutang na 20000. Ang halagang dapat bayaran ay 20000 + 6000 = P 26,000

4. Nagdeposito si Ruth sa bangko ng halagang P48,000 na may simple interest na 5% bawat taon. Magkano ang magiging ipon ni Ruth makaraan ng 3 taon?
a. P55,200
b. P55,566
c. P40,800
d. P40,434
====================================
Formula ng kabuuang tubo:  Orihinal na halagang dineposito  times (multiply by) interest rate times (multiply) bilang ng taon;
Kung ganoon, ang total na tubo ay 48000 x 5% ==> 48000 x .05 = 2400 x 3 = P7,200
Idagdag ito sa orihinal na deposito 48000 para makuha ang kabuuang pera pagkalipas ng 3 taon.
48000 + 7200 = P55,200

5. Si Annie ay Nars sa Canada. Buwan-buwan ay nagpapadala siya sa kanyang Nanay ng US$2,000. Ang palitan ng isang US$ sa piso ay P43.75. Magkano sa piso ang buwanang ipinadadala ni Annie sa kanyang Nanay?
a. P85,500
b. P86,000
c. P86,500
d. P87,500
=======================
I-multiply ang buong halaga sa palitan nito.
2000 x 43.75 = P87,500
(Tunghayan ang leksyon kung paanong mag-multiply ng decimal at whole number sa itaas)

6. Si Rene ay isang manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa Canada. Nagpadala siya ng 510 Canadian dolyar sa kanyang pamilya. Kung ang palitan ng 1 Canadian dolyar ay P33.36 , magkano ang natanggap ng kanyang pamilya sa piso?
a. P17,013.60
b. P17,015.50
c. P18,013.60
d. P18,020.50
=================
Tulad din ito sa naunang problema.
I-multiply ang kabuuang pera sa palitan nito.
510 x 33.36 = P17,013.60

7. Ang isang istatwa na may taas na 8 talampakan ay nakalikha ng anino na may habang 3 talampakan. Sa magkasabay na oras, ang isang tangke ng tubig ay nakalikha ng anino na may habang 12 talampakan. Gaano kataas ang tangke ng tubig?
a. 35 talampakan
b. 22 talampakan
c. 33 talampakan
d. 32 talampakan
==================================
Ito ay isang kaso ng ratio at proportion.
Paglalarawan:
Kung ang 8 talampakan ay makagagawa ng 3 talampakang anino.    8  = 3
     Gawing numerator ang 8 at ang 3 naman bilang denominator.
     Kung ganoon, 8 = 3 ===>  8/3
Gaano ang taas ng tanke ng tubig na makagagawa ng 12 talampakang anino.  x = 12
     Gawing numerator ang x at ang 12 naman bilang denominator.
     Kung ganoon, x = 12 ===> x/12
Gawing magkatumbas ang dalawang termino:
     8/3 = x/12
Gawin ang CROSS MULTIPLICATION, kung saan imumultiply ang numerator (8) ng unang termino ( 8/3) sa denominator (12) ng pangalawang termino (x/12) at ang denominator (3) ng unang termino (8/3) sa numerator (x) ng pangalawang termino (x/3).
Kung gayon,
8 X 12 = 96
x  X 3 = 3x
======
Gawin ang algebra.
96 = 3x
x = 96/3
x = 32 talampakan

8.  Ang mga puntos na A at B ay nasa parehong bahagi ng ilog, samantalang ang puntos C ay nasa kabilang pampang ng ilog. Sa pamamagitan ng pag-uugnay ng tatlong puntos, makakagawa ka sa kathang-isip ng right na tatsulok (right triangle). Kung ang pagitan ng puntos A sa puntos B ay 5 metro at ang pagitan ng puntos A sa puntos C ay 12 metro, gaano kalayo ang puntos B sa puntos C?

a.  17m        b. 7m     c. 13m      d. 34m
=======================================
Ito ay kaso ng right triangle o ng pythagorean theorem na a^2 + b^2 = c^2, kung saan ang 
a  ==> ang habang AC ( mula A hanggang C) = 12
b ==> ang habang  AB (mula A hanggang B) = 5
c ==> ang hypotenuse BC (mula B hanggang C) = ?
Ang ibig sabihin ng a^ 2 ay  a times a, b^2 ay b times b, at c^2 ay c times c.

Ilagay ang mga numerong ito sa formula ng pythagorean theorem
a^2 + b^2 = c^2
12^2 +  5^5 = c^2
(12 x 12) + (5 x 5) = c^2
144 + 25 =  c^2
169 = c^2
Kunin ang square root ng 169. Ito ay 13 ==> 13 x 13 = 169
Ang c o ang layo ng B sa C ay 13m

9. Ang kanyang Lola ay nagbigay ng isang buong cake. Hinati niya ito sa 8 parte. Ibinigay niya ang dalawang parte ng cake sa kanyang kapatid at dalawa pang parte sa kanyang pinsan. Anong parte ng cake ang natira sa kanya?
a. 3/8
b. 1/2
c. 1/8
d. 2/3
====================================
Ito ay kaso ng Addition at Subtraction ng Fraction (Hating-bilang).
Ang buong cake ay hinati sa 8 piraso. Ibig sabihin ang bawat piraso ay tinatawag na 1/8 dahil ang
1/8 + 1/8 + 1/8 + 1/8 + 1/8 + 1/8 + 1/8 + 1/8 = 8/8 = 1
Ang dalawang parteng ibinigay sa kanyang kapatid ay 1/8 + 1/8 = 2/8.
Ang dalawang parteng ibinigay sa kanyang pinsan ay 1/8 + 1/8 = 2/8.
Anong parte ang natira sa kanya?
Dahil apat na parte na ang naibigay, ibig sabihin apat na parte rin ang natira sa kanya.
Ang apat na parte ay 2/8 + 2/8 = 4/8 = 1/2, ibig sabihin ang natira sa kanya ay 4/8  o 1/2 (kalahati) rin.
(Tunghayan ang aralin para sa Fractions DITO).

10. Ang salas ni Gng. Santos ay may sukat na 5 metro ang lapad at 6 na metro ang haba. Kung palalagyan niya ito ng linoleum, gaano kalapad ang kakailanganin niya?
a. 30 metro kuwadrado
b. 25 metro kuwadrado
c. 20 metro kuwadrado
d. 12 metro kuwadrado
===============================
Madali lamang ang pagcocompute ng metro kuwadro.
I-mulitply lamang ang haba (length/long) sa lapad (width/wide).
5 x 6 = 30 metro kuwadro.

Wednesday, March 9, 2011

Answers: Sustainable Use of Resources/Productivity

Ang mga tamang sagot ay naka-highlight.


Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.      Alin sa mga sumusunod ang pamamaraang ginagamit  ng pamahalaan sa pagsisikap nitong mapabuti ang kabuhayan ng bansa?
a.  Pagpapatayo ng gusali at bahay             
b. Pag-utang sa IMF 
c. Pagbibigay ng pabahay sa mamamayan
d. Pagkakaloob ng kasanayan sa mamamayan

2.      Ang tatlong sangay ng ating pamahalaan ay pantay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay rito?
a.  Ang mga ito ay itinatag upang bantayan ang bawat isa.
b.   Ang mga ito ay pantay-pantay sa badyet.
c.    Ang bawat isa ay may kani-kaniyang gawain.
d.    Sila ay nagtutulungan sa mga gawain.

3. Ang pagkakautang natin sa mga banyagang bangko ay madaling mabayaran kung ____________. 
      a. makipagkaibigan sa Amerika            
      b. lalakihan ang badyet sa gobyerno 
c. tatangkilikin ang sariling produkto at negosyo
d. magtatrabaho tayong lahat sa ibayong-dagat

4. Alin sa mga sumusunod ang pangangalaga sa likas na yaman?
a.   Pagkakaingin    
b. Pagtatanim ng maraming punongkahoy              
c. Madalas na pagtotroso
d. Pagpuputol at pagpudpod ng mga tanim

5. Alin sa mga sumusunod ang pinakamatinding epekto  ng langis?
a.   pagtaas  ng presyo ng produkto at serbisyo     
b. pagtaas ng dolyar     
c. pagtaas ng halaga ng piso
d. pagyaman ng mga bansang nagbibili ng langis

6. Ito ay isang kilusan na nagpoprotesta sa mga mamimili laban sa di-tapat na gawain ng mga prodyuser.
a. intrepeneurismo                           c. konsumerismo
b. komunismo                                 d. Produksyon

7. Ang mga sumusunod, maliban sa isa, ay mga karapatan ng mga mamimili o konsyumer.
a.       mabigyan ng mataas na uri ng produkto.
b.      makapili ng produktong may makatarungang presyo
c.       maging ligtas sa mga produktong mapanganib sa kalusugan o buhay
d.      makautang ng mga produkto sa pamilihan

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kaanib ng “European Community” o "European Union"?
       a. Pransya        b. Belgium        c. Portugal        d. Estados Unidos

9. Ang ASEAN ay samahan ng mga bansang sakop ng _____________.
a.       Europa                                     c. Timog Amerika
b.      Timog-Silangang Asya              d. Hilagang Amerika

10. Ano ang mga karaniwang kailangan sa paghahanap ng trabaho?
a.       bio-data, resume, application form                   
b.      bio-data, application form, NBI Clearance
c.       bio-data, NBI Clearance, record sa eskwelahan
d.      application form, record sa ekswelahan, resume


(Mag-iwan ng komento kung may mga maling sagot.)

Answers: Communication Arts - Part 1

Ang mga tamang sagot ay yaong may highlight.

Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Nalungkot ako sa paghahamok ng dalawang pangkat. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
a. Pag-aaway  
b. Pagtutulungan
c. Pagbabatian
d. Pagbibigayan

2. Alin ang babasahing piksyon?
a. Talambuhay ni Teodoro Agoncillo
b. Jose Rizal: Isang Bayani
c. Ang Unggoy at Matsing                
d. Ang Aking Talaarawan

3. Alin ang isang opinion?
a. Ang mundo ay hugis bilog.            
b. Mabubuhay ang tao sa isla.
c. Baka magaling siyang umawit          
d. Mailulubog ng malakas na hangin, ulan at bagyo ang isang barko.

4. Basahing mabuti ang talata at hanapin ang pangunahing diwa.
       Harapin mo ang iyong gawain nang buong sigla, puspusan at maayon. Huwag mong ipagpabukas ang gawain mo ngayon.
a. Gawin ang gawain ngayon              
b. Ipagawa ang gawain sa iba
c. Ipagpabukas ang mga gawain        
d. Humingi ng tulong sa ibang tao

5. Namuti na ang mga mata ng barkada sa kahihintay sa ibang kasamahan. Ang mga salitang may salungguhit ay _______________.
a. Bugtong
b. Pabula
c. Idyoma
d. Salawikain

6. Basahin ang talata at sagutin ang tanong.
    Malaki ang kaibahan ng bahay sa tahanan. Ang bahay ay kahit anong binubuo ng haligi at palarindigan, iyong masisilungan kung umuulan, makalilim sa init ng araw. Dahilan dito ay ibang-iba ito sa tinatawag na tahanan. Ang tahanan ay pinaghaharian ng pagmamahalan ng isang angkan. Ang mga bumubuo ng isang mag-anak na nag-iiwi ng pag-ibig sa kanyang kaanak at nagsisikap na maging maligaya itong masasabing naninirahan sa tahanan.

Ang talata ay nagbibigay paliwanag ng _________________.
a. Kahalagahan ng tahanan
b. Kailangan ng isang tahanan
c. Mga sangkap ng masayang tahanan
d. Kaibahan ng bahay at tahanan

7. Isang uri ito ng salitang ginagamit na pantawag sa tao, hayop, bagay, pook o kalidad.
a. Panghalip
b. Pangngalan
c. Pandiwa
d. Pang-uri

8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng hugnayang pangungusap?
a. May kapayapaan ako sa aking sarili.
b. Ayaw ko ng digmaan.
c. Magastos ang mga digmaan sapagkat lubha itong nakasisira ng mga buhay at ari-arian.
d. Pagkatapos ng digmaan, maraming ari-arian ang nasira.

9. Nakasaad sa reseta ng dentista na dalawang beses ka iinom ng antibiotic na gamot sa maghapon. Kung ikaw ay uminom ng unang gamot ganap na ika-7 ng umaga, anong oras ka dapat uminom sa hapon?
a. 5 pm
b. 7 pm
c. 6 pm
d. 8 pm

10. Naghahanap ng trabaho ang iyong Kuya na katatapos ng pag-aaaral sa kolehiyo. Bumili siya ng peryodiko. Saang pahina makikita ang tungkol sa mga mapapasukang trabaho?
a. Anunsyo klasipikado
b. Editorial
c. Natatanging lathalain
d. Pangunahing balita

Mag-iwan lang po ng komento kung sa palagay ninyo ay may maling sagot.

Tuesday, March 8, 2011

Sample Test: EXPANDING ONE’S WORLD VISION - Part 1

Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1.      Ang mga bata ay kumakain ng masusustansiyang pagkain araw-araw upang lalong maging malusog. Sino ang nangangalaga sa kanilang kalusugan?
a.       Bumbero                                  c. Manggagamot
b.      Guro                                         d. Negosyante
2.      Ang mga kasaping bumubuo sa isang pamilya ay iginagalang. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa pinakamatandang kapatid na babae?
a. Ate                                             c. Bunso
b. Kuya                                          d. Ninong

3.      Ang mga papel, lata at karton ay maaaring magamit sa ibang bagay. Paano ito magagawa?
a.       sunugin                                     c. I-recycle
b.      ikalat                                         d. Ibaon

4.      Alin ang pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan ang heograpiya at kapaligiran?
a.       Malaman ang pakinabang at makatulong sa pag-unlad ng bansa
b.      Matutuhan ang paglalakbay ng tao
c.       Makamit ang tiwala ng nasasakupan sa paglalakbay
d.      Makapagturo ng proyektong pangkabuhayan

5.      Ang Pilipinas ay bata ang populasyon. Ano ang ibig sabihin nito?
a.       Ang kapal ng populasyon ay mataas
b.      Patuloy ang pagtaas ng populasyon
c.       Ang bilang ng lalaki at babae ay pantay
d.      Ang nakatatanda ay nagtatrabaho para matustusan ang kabataan

6.      Ano ang dahilan at iniangkop ng mga unang Pilipino ang kanilang bahay sa kapaligiran?
a.       Pagandahin ang bahay
b.      Para mamuhay ng tahimik
c.       Para magkasama-sama palagi
d.      Pangalagaan ang sariling katawan laban sa lamig

7.      Ang sistemang solar sy sinasabing nagsisimula sa isa sa mga sumusunod?
a.       Pagsabog sa masa
b.      Pagsalpok ng mga tubig
c.       Pagsanib ng malaking bituin
d.      Patuloy na pag-ikot ng alikabok at gas

8.      Kailangan ang salaping panustos ng pamahalaan para sa pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayan nito. Saan ito nanggagaling?
a.       sa mga samahang sibiko
b.      sa buwis ng mga mamamayan
c.       sa mga abuloy ng pondo ng bayan
d.      sa mga mamamayan ng ibang bansa

9.      Ang mag-anak na Pilipino ay may mga altar o sulok-dalanginan sa kanilang pook sambahan. Ano ang inilalarawan nito?
a.          Masipag magdasal ang mga Pilipino
b.         Naniniwala ang mga Pilipino sa Panginoon
c.          May kani-kanilang Panginoong Diyos ang mga Pilipino
d.         May mga gawaing panrelihiyon ang mga Pilipino

10.  Bakit makasaysayan sa mga Pilipino ang Pebrero 23-25, 1986.
a.          Inilagay ang bansa sa state of calamity
b.         Pinairal ang Batas-Militar sa buong bansa
c.          Nagdeklara ng welgang bayan ang mga manggagawa
d.         Naganap ang People’s Power sa Edsa

Sunday, February 27, 2011

Sample Test: Development of Self and Sense of Community - Part 1

Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang sagot. 


1.                Ang  mga lugar  piknikan, parke, kalye at iba pa ay dapat ___________.
a.       Pinanatiling malinis
b.      Pinababayaang marumi
c.       Hinahayaang ang mga manggagawang binabayaran ng pamahalaan lamang ang maglinis

2.               Iwasan ang ____________.
a.       Pagsusulat sa mga pader o dingding
b.      Pag-iistambay sa kalye
c.       Paglalakad sa kalye

3.               Paano mabisang maisagawa ang mga gawaing pangkaangkupang pisikal?
a.       Pagsasagawa ng iskedyul ng mga gawaing pangkaangkupang pisikal
b.      Pagsasagawa ng mga gawaing pangkaangkupang pisikal kapag may panahon lamang
c.       Pagsasawalang-bahala sa kahalagahan ng kalusugan

4.               Bakit mahalaga ang mapanatili ang kaangkupang pisikal?
a.       Upang hindi mabagot
b.      Upang malibang
c.       Upang mapanatili ang malusog o maayos na pangangatawan

5.               Nakita mong labis kung gumamit ng insecticide si Mang Kanor. Bilang may alam sa masamang epekto nito sa kalusugan, ano ang dapat mong gawin?
a.       Magsawalang-kibo na lamang 
b.   Kusang tumutulong na magbigay ng impormasyon tungkol sa masamang epekto ng insecticide sa kalusugan
c.       Huwag pansinin ito

6.      Hindi alam ng kaibigang mo si Toti kung softdrinks o fresh lemon juice ang bibilhin sa kantina. Ano ang dapat mong gawin?
a.       Sabihing softdrinks na lamng ang kanyang bilhin
b.      Sabihing fresh lemon juice ang bilhin at ang masamang epekto ng pag-inom ng softdrinks
c.       Huwag na lang uminom

7.      Mayroong itinatayong pabrika o pagawaan ng sigarilyo sa inyong lugar. Dahil sa masamang epekto ng paninigarilyo sa katawan ng tao ay may mga taong nagtatag ng kilusan laban dito.  Ano ang dapat mong gawin?
a.       Masigasig at lumahok sa kilusang ito
b.      Tumangging sumapi sa kilusang ito
c.       Huwag pansinin ito

8.      Sa paggamit ng mga produktong nakapipinsala o may masamang epekto sa tao, ano ang dapat mong gawin?
a.       Gamitin ito nang wasto at nang may ibayong pag-iingat
b.      Gamitin ito nang walang pag-iingat
c.       Huwag pansinin ang mga babala sa paggamit dito.

9.   Nagiging madalas ang pag-aaway ng mga kabataan sa inyong lugar na ikinababahala ng mga tao. Ano ang nararapat gawin?
a.       Tumawag ng pulong ang mga opisyales na namamahala sa kaayusan at kapayapaan ng lugar.
b.      Tawagin ang lahat ng mga kabataang sinususpetsahang kasangkot sa nasabing away.
c.       Maglagay ng “curfew hours” para sa mga kabataan

10.  Ang mga magulang ng mga mag-aaral na kabataan ay may nabalitaan tungkol sa pagtatayo ng bilyaran sa may malapit sa eskwelahan. Ano ang nararapat gawin?
a.       Kausapin ang may-ari ng nasabing itatayong bilyaran at tiyakin sa kanya kung totoo nga ang natanggap na impormasyon
b.      Papagharapin ang may-ari ng nasabing bilyaran at ang mga magulang
c.       Paalalahanan ang mga magulang na maging mas istrikto sa kanilang mga anak