Monday, October 10, 2011

Sample Test: EXPANDING ONE’S WORLD VISION - Part 2

1.      Alin ang pinakamalaking simbahan na itinayo noong 1758 at may pagkakatulad sa Basilika ni San Pedro sa Roma?
a.          Simbahan ng Imus
b.         Simbahan ng Taal
c.          Simbahan ng Sariaya
d.         Simbahan ng Antipolo
St Peter's Basilica in Rome

2.      Bakit ang mga tao sa Pilipinas ay dumaranas ng tag-init at tag-ulan sa loob ng isang taon?
a.          Ang mga tao ay hindi handa sa La NiƱa
b.         Ang Pilipinas ay malayo sa polong timog
c.          Maraming dayuhan ang naninirahan sa Pilipinas
d.         Ito ay nasa sonang tropiko, malapit sa ekwador


Antipolo Church

3.      Maraming mga dakilang simulain ang natutuhan natin sa mga Pilipino tulad ni Dr. Jose Rizal. Paano nakipaglaban ang bayaning ito?
a.          sa pamamagitan ng panulat
b.         sa pamamagitan ng armas
c.          sa pamamagitan ng rally
d.         sa pamamagitan ng pagsesermon

4.      Ang ating bansa ay pinamumunuan ng magigiting na lider o pinuno. Sino ang unang nahalal na pangulo ng Pilipinas?
a.          Emilio Aguinaldo                       c. Emilio Jacinto
b.         Andres Bonifacio                      d. Apolinario Mabini

Sariaya Church

5.      Alin ang wikang ginagamit noong panahon ng Rebolusyon na naging daan upang mapag-isa at mapaunlad ang bansang Pilipinas?
a.          Wikang Kastila             c. Wikang Pilipino
b.          Wikang Malayo           d. Wikang Ingles

6.      Ano ang tawag sa sapilitang pang-aagaw sa kapangyarihan ng pamahalaan sa pamamagitan ng dahas military?
a.           referendum                              c. plebisito
b.          snap election                            d. Coup de’etat

7.      Ano ang ipinahihiwatig ng talata tungkol sa kalagayan ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila?
a.          Tinanggap ng mga Pilipino ang uri ng pamamalakad ng mga Kastila
b.         Nahirapan ang mga Pilipino sa pamamalakad ng mga Kastila
c.          Namayani ang takot sa mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila
d.         Hangad ng mga Pilipinong makawala sa pamamahala ng mga Kastila

Imus Cathedral

8.      Ano ang pangunahing kahinaan ng pag-aalsa?
a.          Pagiging kalat-kalat ng mga ito
b.         Pagkakaiba-iba ng mga layunin
c.          Pagpapalit ng mga pinuno
d.         Kakulangan ng mga sundalo

9.      Anong aral ang naiwan ng mga pag-aalsa?
a.          Kailangan ang makabagong istratehiya sa pakikipaglaban
b.         Kailangan ang malaking pondo
c.          Kailangan ang pagkakaisa sa pagtatagumpay ng anumang layunin
d.         Kailangan ang matatag na hukbo sa pakikipaglaban

10.  Nang magkaroon ng himagsikan noong 1896, kinalimutan ng mga Pilipino ang pagiging Tagalog, Bisaya, Ilokano o Kapangpangan at sama-samang ipagtanggol ang kalayaan. Sa kabila ng pagkabigo, alin sa mga sumusunod  ang maituturing na pinakamahalagang nagawa ng himagsikan?
a.          Nagbuklod-buklod ang mga Pilipino
b.         Napahina ang kapangyarihan ng mga Kastila
c.          Naipakita ng mga Pilipino ang kanilang kabayanihan
d.         Nakilala kung sino ang maaaring maging lider ng bansa
Basilica de San Martin de Tours (Taal)