Sunday, October 8, 2017

2016-2017 ALS A&E Test Registration, Oct 2-25, 2017

Nasa ibaba ang anunsyo ng Department of Education (DepEd) para sa pagpaparehistro ng mga kukuha ng Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency (A&E) Test sa taong 2016 ( na-postpone noong Enero 22 at 29, 2017):



October 3, 2017
PASIG CITY, Oktubre 3, 2017 – Bilang paghahanda sa nalalapit na Accreditation and Equivalency (A&E) Test para sa taong 2016, binuksan ng Department of Education (DepEd) ang pagpapa-rehistro para sa mga nagnanais kumuha ng naturang pagsusulit.

Simula Oktubre 2 hanggang 25, bukas na sa mga kwalipikadong aplikante ang registration centers kung saan sila ay dapat magpatala bago payagang makakuha ng A&E Test. Ang mga registration center ay mga Schools Division Office o District Office na itinalaga ng mga Schools Division Superintendent (SDS). Dito ay may Registration Committee na tutulong sa mga aplikante na kumpletihun ang kanilang mga registration form at susuri sa mga kailangang dokumento.

Maaaring magpa-rehistro para sa A&E Test Elementary Level ang mga aplikanteng hindi bababa ang edad sa 12-taong gulang, samantalang ang mga nais kumuha ng A&E Test Junior High School Level ay dapat hindi bababa ang edad sa 16-taong gulang.

Para mag-rehistro, humingi ng registration form sa registration center at magdala ng mga sumusunod na dokumento:
  1. Orihinal AT kopya ng Certification of ALS Program Completion na ibinigay ng Learning Facilitator (para lang sa mga mag-aaral ng ALS)
  2. Orihinal AT kopya ng birth certificate (makukuha sa Philippine Statistics Authority [PSA] na dating National Statistics Office)
  3. Kung walang birth certificate mula sa PSA, maaaring ipasa ang isa sa mga sumusunod:
  1. Baptismal certificate
  2. Voter’s ID (may larawan at lagda)
  3. Valid passport
  4. Valid driver’s license
  5. Anumang legal na dokumentong nagsasaad ng pangalan, larawan, at pirma ng magpapa-rehistro (halimbawa: NBI clearance, barangay certificatecertification na mula sa barangay chairman o learning facilitator)
  1. Dalawang (2) kopya ng magkaparehong 1x1 ID picture (puting background at may name tag)

Siguraduhing kumpleto ang form at ang mga ipinasang dokumento para iwas aberya. Dapat ay ang mismong aplikante ang magkukumpleto ng form at magpapasa nito sa Registration Committee.

Pinapaalala rin ng DepEd na walang anumang dapat bayaran sa pagpapa-rehistro man o sa pagkuha ng eksam at certificate of rating. Bukas din ang mga registration center kahit Sabado at Linggo upang tumanggap ng mga aplikante. Para sa karagadagang tanong o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa inyong mga SDO o DO, o kaya’y tumawag sa DepEd-Bureau of Education Assessment (BEA) sa mga numerong (02) 631-2588, (02) 631-2589 at (02) 631-2571.