Kilalanin natin ang ilan sa mga ALS passers na unti-unti nang natutupad ang kanilang naudlot na mga pangarap. Tandaan natin na ang isa sa mga pamosong personalidad na naging matagumpay ay "Ang Pambansang Kamao" na si Senator Manny Pacquiao. Siya ay kumuha ng A&E test at pumasa sanhi upang maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral.
Sa ngayon, itampok naman natin sina:
"Isa akong dating nagtatrabaho lang sa isang piggery pero noong nalaman ko na may ALS ay agad akong pumasok at nag aral. Sa tulong ng mga teachers at co-teachers nila ay pumasa ako sa exam. Ngayon ay nag-aaral ako sa college sa kursong BEED. Second year na ako ngayon. Salamat sa ALS. Sobrang laki ang nabago at naitulong sa akin lalo na sa trabaho."
Khora Salvedia Sape
"I was a Fourth Year High School drop-out. Nagka-asawa at nagkaanak. But through ALS, nagkaroon ako ng chance to continue and finish my high school. Nag-aral ng college at grumaduate ng HRM. After I graduated, kumuha ng units ng BS in Secondary Education. Now I am on my way to finish my Masteral Degree in Hospitality Industry. Kaya guys, hindi hadlang ang pagiging nanay or ama para hindi na matupad ang ating mga pangarap. Andiyan si ALS na handa tayong tulungan para maabot ang ating minsang naudlot na pangarap. Keep on dreaming mga ka-ALS."
Soreรฑo Papasin Iris
"Sobra thankful ako dahil 3rd year high school lang po ako noon. Ngayon, gradaute na ako sa ALS. Kahit buntis ako noon, nagpursige akong mag aral sa ALS . Sa araw ng graduation, i yon din ang araw na nanganak ako. Napakabless ko po dahil kahit hindi nakarampa, at least pasado ako sa exam. Ngayon, p’wede ko nang magamit ang diploma ko. ๐๐ Thanks po, Solid ALS!"
Christine Lapore
Ako po si Christine Lapore. I'm proud ALSian. Sa rami ng aking pinagdaanan sa buhay, hindi ako bumitaw sa aking pangako na tatapusin ko ang aking pag-aaral para maisakatuparan ko ang aking mga pangarap para sa mga taong mahalaga at parte ng buhay ko. Year 2015 nang my isang pangyayari sa buhay ko na hindi ko inaasahan. Thirteen years old ako nang unang sumabak sa ALS pero sa hindi inaasahang pangyayari, biglang dumilim ang mundo ko. Sinira ang aking dangal, pagkatao at kaluluha pero lahat ng iyon ay nilabanan ko sa tulong ng mga guro ng ALS. Sa dami ng nangyari sa akin ay patuloy pa rin akong nangagarap hanggang nahinto ako sa pag-aaral noong 2016 dahil sa nangyari sa akin. Noong 2017, bumalik ako para mag-aral ulit. Sumabak ako sa exam noong 2019 at sa awa ng Diyos ako ay napabilang sa mga nakapasa sa EDMUND RICE MINISTRIES, Kabankalan City, Negros Occidental. Maraming salamat po!
Meriam R. Mayor
"Ako ay isang OFW since 2009. Ang inabot ko lang ay 2nd year high school. Dahil sa kagustuhan ko rin na makapag-aral ulit, nang malaman ko sa lugar namin sa Daet, Camarines Norte na may ALS ay agad akong pumunta sa barangay hall namin upang mg tanong at agad naman akong inasikaso. Noong panahon na nag-aaral ako ay kapapanganak ko lang ng tatlong buwan at cesarian pa. Pero kahit ganoon ang kalagayan ko na may baby na, nagsikap pa rin ako na mag-aral. Salamat sa partner ko na super supportive sa akin dahil kahit may work siya at kailangan kong pumasok ay uuwi siya para siya naman ang mag-alaga ng anak namin. Nakatutuwa lang na kahit 36 na ako at that time ay napapasali pa rin ako sa mga contest at nagwawagi rin naman kahitg paano. Noong nalaman ko na pumasa ako ay sobrang saya ko kaya lang ay hindi na ako nakapag- attend ng graduation dahil nandito na ulit ako sa abroad. Hindi ko naranasan ang magsuot ng toga. Siguro sa picture na lang ako nakasuot ng toga pag-uwi ko ng Pilipinas. Balak ko pag-uwi ay mag-aral ng Caregiving dahil in demand siya sa abroad."
JM Nazareth Alinsunorin
"Hi! Ako po si John Mark Alinsunorin. Elementary lang ang naabot ko, maagang nagtrabaho at namulat sa reyalidad ng buhay . Pumasok sa ALS CLC Antipolo ngunit’ muling huminto dahil namatay ang aking ina. Dahil dito ay nawalan na ako noon ng gana na magpatuloy sa ALS sapagka’t wala nakong inspiration Napabarkada, gala roon, gala rito. Sama kung saan may inuman at napariwara . Nalipat ako rito sa Pinugay,Baras, Rizal at naisip ko kung ganito nal ang ba talaga ako. Hanggang sa niyaya ako ng Ate ko na mag-ALS muli at napasok nga ako. Noong una ay nahihiya ako kasi Grade 5 lang ang inabot ko at laro-laro lang sa akin ang pag-aaral. Nawala ang hiya ko nang maging guro ko si Ma'am Rosario Ajoc Taro. Ang galing niya magturo, lahat ng detalye ay matutunan mo . Pinasulat kami ng essay na may pamagat na “Ang Kahalintulad Ko”. Sa aking sanaysay ay inihalintulad ko ang aking sarili sa “Kandila” sapagkat ito ay nagbibigay liwanag sa dilim ngunit paunti-unting nauubos at naglalaho na parang buhay ng tao. Sa gabi ako nagre-review at sa umaga ay ako ang nag aasikaso sa bahay . Marami akong naririnig sa iba na hindi ako makakatapos ngunit hindi iyon naging hadlang bagkus ay nagpursige ako sa pag-aaral para makapasa . Hayun na nga at nakapasa ako at sumabak sa sekondarya at muling nakapasa sa gradong 68.80 percent. Sa ALS ko naranasan ang makapagsuot ng toga ๐ Kaya salamat sa Ate ko na nagyaya sa aking bumalik sa pag aaral kahit non-formal school lang . Marami ring salamat sa aming butihing guro na hindi nagsawa at nagtiyaga sa aming magturo. Higit sa lahat, maraming salamat sa ALS (Alternative Learning System) sa pagbibigay ng pakakataon sa lahat na muling makapag aral at makatapos.
Evaniza Denum Calzada
"Hi! I'm Evaniza Denum Calzada, proud ALSian. Second year high school lang ang natapos ko. Nagkapamilya nang maaga ngunit hindi naalis sa isip ko ang makapagtapos ng pag aaral. Graduating ang anak ko sa college nang malaman ko ang tungkol sa ALS. Nag aral ako at hindi ko akalain na mararanasan ko ang makapag-aral muli. Napasali rin ako sa mga quiz contest from district to region at nakakuha rin ng place in the help of God. As of now, I'm taking up BEED . Thanks sa ALS for giving me an opportunity to continue my studies despite of hard life as a working mother and discrimination from other people who said na “Wala na ako maabot dahil sa idad ko.” Hindi ako nagalit sa kanila bagkus sila ang ginawa kong inspiration. Now I'm proud ALSIAN and 2nd year college student of BEED."
Jupre Virtudazo
"Hay! Mahirap ang buhay namin noon kaya hindi na ako nakapagtapos ng sekondarya. Pumunta ako ng Maynila upang magbakasakali. Pumasok ako sa ALS at nagtapos noong 2018. Sa ngayon, second year college na ako taking up Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English. Salamat po Lord, hindi mo ako pinabayaan!"
Melanie M. Aguilar
"Hi! I’m Melanie M. Aguilar from Nueva Ecija. I'm 35 years old, married and I have 3 children. Graduating ako ng 4th year high school noong 2002 pero napilitang magdrop-out dahil sa kahirapan.. Nagtrabaho sa abroad pero hindi pinalad kaya nag-work dito sa Pilipinas hanggang nagkaasawa at nagkaanak. After 16 years, may nabasa akong post about sa ALS para sa mga hindi nakapagtapos ng elementary at high school. Nag-inquire ako at nag aral sa ALS. Mahirap pagsabayin ang pag aaral, pagtatrabaho, at pag-aasikaso sa asawa at mga anak ko. Ang daming struggles pero kinaya ko hanggang makapasa sa exam at maka-graduate ako sa ALS with honors. Nag-try ako mag-exam sa isang kilalang university dito and luckily, pinalad ako. 2nd year college na ako this semester taking up Bachelor of Science in Industrial Education (BSIE). Konting tiyaga pa at masusuot ko rin ang itim na toga. Trust the process talaga.. "All good things are worth to wait". Proud ALSian batch 2018-2019, Nueva Ecija."
Rachel Sevinc
"Thank you po sa ALS. Second year high school lang po ako noong nagkababy ako. So nag-stop po ako at nag-work pero dahil sa ALS , 3rd year college na po ako ngayon."
Christian Bantilan
"Ako rin binigyan ng pag asa ng ALS. Salamat po, Lord!"
=====
(Ipagbigay-alam kung mayroon man pong pagkakamali."