Friday, October 16, 2020

GUIDES on ANSWERING Activity 3 & 4 of ALS Life Skills Module 3 - Leadership & Teamwork

Module 3 – Leadership and Teamwork

NOTES:

1 – The activity featured in this video comes from Module 3 – Leadership & Teamwork produced by the Education Development Center.

2 – The purpose of this video is to give guidelines to ALS learners who are not well-versed in the English language by translating the questions into Taglish.

3 – The sample answer is written in Taglish so that it will not be copied by the learners as their own since the answer should be written in English in their module.

4 – This is for learning and teaching purposes only.

5 – If anyone wants to remove anything from this video, please email me first at poncianosantos1959@gmail.com or leave a comment.

SESSION 2: LEADING TEAMWORK / GROUP COOPERATION

Activity 3: Introductory Activity

This session is going to focus on leading teamwork and group cooperation. On the space provided below, write at least two experiences, knowledge, skills or abilities that you have about leading teams and practicing teamwork.

Ang sesyon na ito ay nakatuon tungkol sa pamumuno sa pagtutulungan at pagkakaisa sa grupo. Sa espasyong inilaan sa ibaba, sumulat ng dalawa o higit pang karanasan, kaalaman, kasanayan o kakayahan na taglay mo tungkol sa pamumuno ng isang grupo at pagsanay sa pagtutulugan.

1. Napili ako upang pamunuan ang aming Science Proyect noong ako ay nasa unang taon sa mataas na paaralan. Mahirap ang aking naging responsibilidad subali’t dahil sa pakikiisa ng aking mga kasapi, nagtagumpay kami sa aming layunin.

2. Kailangan ang mabisang pakikipagtalastasan sa mga gawaing-pangkatan (group work) upang malaman ng bawa’t isa ang kani-kaniyang tungkulin at layunin ng pangkat.

3. Magaling na lider ang isang nilalang kung kaya niyang pagbuklurin o pagkaisahin ang mga kasaping may iba’t ibang ugali at kasanayan tungo sa iisang layunin.

 Look at this image: Masdan ang imaheng ito:

Write your answers on the space provided. Share your answers with one of your family members or friends and solicit their thoughts on the same questions relating to the photo.

Isulat ang iyong mga sagot sa nakalaang espasyo. Ibahagi ang iyong mga kasagutan sa isang miyembro ng pamilya o mga kaibigan at hinggan siya ng mga saloobin tungkol sa parehong mga katanungan na may kaugnayan sa larawan.

1.            What does the illustration tell us? (Ano ang nais ipahayag ng larawan?)

               Ipinakikita sa larawan na ang isang malaking gawain ay nangangailangan ng maraming manggagawa. Ipinamamalas din nito na kailangan ang kooperasyon o pagkakaisa ng lahat upang matapos kaagad ang isang proyekto.

2.            What do you think is the purpose or goal of the people in the illustration? (Ano sa iyong palagay ang layunin o adhikain ng mga tao sa ilustrasyon/larawan.)

               Ang layunin ng mga tao sa larawan ay matapos ang ginagawang bahay sa lalong madaling panahon sa pagtutulungan at pagkakaisa ng bawa’t isa.

3.            If you see yourself as a leader in this illustration, what would you do to help achieve the goal? (Kung nakikita mo na ikaw ang pinuno sa larawang ito, ano ang iyong gagawin upang makatulong sa katuparan ng layunin?)

               Bilang pinuno sa larawan, pupulungin ko ang lahat ng kasapi, ipapahayag ko nang malinaw ang aming layunin, at ibibigay ang kani-kanilang gawain ayon sa kanilang kakayahan at kasanayan habang kinukuha at pinag-aaralan ang kanilang mga mungkahi upang mapabilis ang aming pagtatrabaho.

4.            If you see yourself as one of the contributors in this illustration, how can you contribute to their goal? (Kung nakikita mo na ikaw ay isang taga-ambag sa larawang ito, paano ka makakatulong sa kanilang layunin?)

               Bilang kasapi, gagampanan ko ang responsibilidad na nakaatang sa akin; tutulungan ang ibang nangangailangan ng aking tulong, at makikiisa sa anumang gawaing-pangkatan.

 Think about it!

Take turns sharing and discussing your experience in the imagination activity you have done with your partner. Use these questions as your guide in your sharing. Jot down your answers.

 Salitan na ibahagi at talakayin ang inyong karanasan sa imagination activity  (ikaw bilang pinuno ng isang gawain) na iyong ginawa katuwang ang iyong kapareha.  Gamitin ang mga tanong bilang gabay sa inyong pagbabahagi. Isulat ang iyong mga sagot.)

1.            Which is more difficult? Being a leader of the team or just being a member of the team? ( Alin ang higit na mahirap? Maging isang lider o bilang isang kasapi ng pangkat?)

               Sa aking palagay, mas mahirap ang maging lider dahil mas marami at mas mabigat ang iyong responsibilidad.

2.            How do you describe a good leader? A good team work? (Paano mo ilalarawan ang isang mabuting pinuno? Isang mainam na pagtutulungan na gawain?)

               Taglay ng mabuting lider ang sapat na kaalaman at kasanayan sa pakikipag-usap sa kanyang mga kasapi upang maihatid nang malinaw ang layunin ng samahan at ang gawain ng bawa’t miyembro. Dapat ding marunong makisama ang isang lider, kumilatis at kilalanin ang kaibahan ng pag-uugali at kasanayan ng bawa’t kasapi, at lumikha ng estratehiya upang manatili ang pagtutulungan at pagkakaisa sa kabila ng mga kaibahang ito.

               Ang isang mainam na pagtutulungan na gawain ay nagtataglay ng pagkakaisa ng mga kasapi magkakaiba man ang kanilang mga ugali at talento. Ang gawaing pagtutulungan ay mabuti kung may iisang direksyong tinatahak ang buong grupo at ang bawa’t isa ay tumutugon sa layuning iyon upang matapos ang isang gawain sa lalong madaling panahon.

 Activity 4: Working Together

Think about it!

With your family and friends who joined the game, discuss the questions below. Be honest in your answers!

        Kabilang ang iyong pamilya at mga kaibigan na sumali sa laro – pagdudugtong ng mga plastic straw at unti-unti itong ilalapag sa sahig -, talakayin ang mga katanungan sa ibaba. Maging tapat sa inyong mga sagot!

1.            What did the group do first? (Ano ang unang ginawa ng grupo?)

               Ang unang ginawa ng grupo ay alamin ang layunin ng laro at kung paano ito gagawin.

2.            What type of cooperation skills did you need to be successful as a group? (Anong kasanayan/kaalaman sa pakikiisa ang kailangan mo upang maging matagumpay bilang isang grupo?)

               Upang maging matagumpay bilang isang grupo, dapat ay may mabisang pakikipagtalastasan ang grupo, bubuo ng estratehiya kung paano pagtatagumpayan ang layunin ng laro, at ang responsibilidad ng bawa’t kasapi kung paano ito gagawin.

3.            What creative ideas were suggested and how were they received? (Anu-anong mga malikhaing ideya ang ipinanukala at paano tinanggap ang mga ito?)

               Ipinanukala na dapat ay nakapokus ang bawa’t isa sa plastic straw na kanyang hawak samantalang pinagmamasdan din niya ang kabuuang stick upang maiayon niya ang kanyang pagkilos nang manatiling sabay-sabay ang grupo. Ang mga malikhaing ideya ay tinalakay ng grupo bago tuluyang tinanggap.

4.            What roles did different people play in the group? Did some people take on a leadership role? (Anu-anong mga papel ang ginampanan ng iba’t ibang tao sa grupo? May mga tao bang pinili ang maging pinuno?)

               Ang ilang kasapi ay kumuha ng mga materyales na ginamit. Ang iba ay nagbigay mungkahi kung ano ang dapat gawin. Ang higit na nakaaalam o nakagawa na ng kaparehong larong ito ay ang tumayong lider namin.

5.            As a leader, how can you encourage group cooperation? (Bilang isang lider, paano mo mahihikayat ang pagkakaisa ng grupo?)

               Bilang isang lider, kailangang maging isang mabuting tagasunod ka muna. Alamin ang lakas at kahinaan ng mga kasapi. Matutong makinig sa mungkahi ng iba. Ipahayag nang malinaw ang layunin ng laro at ng grupo. Hikayating makiisa ang bawa’t miyembro. Kailangan ding maging malikhain ang isang lider sa pagsasagawa ng mga estratehiya  at pagbibigay solsyon sa isang problema. Bigyan ng kahalagahan at pagtanaw ang ambag ng bawa’t kasapi. Ipaliwanag na nasa pagtutulungan at pagkakaisa upang mapagtagumpayan ang isang gawaing-pangkatan.

6.            What situations in life/work/home could you compare to the stick? (Anu-anong mga sitwasyon sa buhay/trabaho/tahanan maikukumpara mo ang patpat?)

               Ang patpat ay maaaring kumatawan sa isang suliranin o gawain sa buhay/trabaho/tahanan. Halimbawa sa tahanan, maaaring ang patpat ay ang pag-aani ng palay sa bukid. Upang matapos ang gawaing ito, kailangan ang pagtutulungan at pakikiisa ng lahat ng miyembro ng pamilya. Mag-aatang ang ama kung sinu-sino sa kanyang mga anak ang gagapas, magbubuhat, at magsasalansan ng mga palay. Ang ina naman bilang katuwang ng ama ay mag-aatang din sa ibang anak kung sino ang makatutulong niya sa magluluto ng meryenda at tanghalian. Dahil dito, ang “patpat” ay gagaan at matatapos sa lalong madaling panahon.

Let’s Apply!

You were tasked by your Barangay Captain to lead a Clean-up Project in your neighborhood. Your task is to gather all the youth (14-24 years old) in your community to ensure all public spaces are clean. You also need to make sure there are labelled trash bins in key areas to encourage everyone to dispose of their trash properly.

        Naatasan ka ng inyong Kapitan ng Barangay na mamuno sa isang Clean-up Project sa inyong pamayanan. Ang iyong gagawin ay tipunin ang lahat ng kabataan (14-24) sa inyong komunidad upang masiguro na malinis ang mga pampublikong lugar. Kailangan mo ring siguraduhin na may mga basurahan na tama ang mga etiketa sa pangunahing mga lugar upang mahikayat ang lahat na itapon ang kanilang mga basura nang maayos.

1.            What will you do to develop cooperation among your team members? (Ano ang iyong gagawin upang mabuo ang pagkakaisa sa bawa’t kasapi ng grupo?)

               Upang mabuo ang pagkakaisa ng bawa’t kasapi ng grupo, dapat ipaalam sa kanila ang layunin ng pangkat. Kilalanin ang lakas at kahinaan ng bawa’t kasapi at iatang ang angkop na gawain base rito. Ihayag din sa mga kasapi kung paano ginagawa ang pagdedesisyon at kung paano makikisa ang bawat isa upang mabuo ito. Mahalaga rin na ipahayag ang kahalagahan ng pakikipagtalastasan ng bawat kasapi sa pamamagitan ng mabisang pakikipag-usap at aktibong pakikinig, gayundin ang pagpapahayag ng saloobin sa isang paksa. Kailangan ding kunin ang pagtitiwala ng bawa’t kasapi sa pamamagitan ng pagpapakita na pinahahalagahan ng lider ang saloobin, opinyon, at mungkahi ng bawa’t isa maliban pa sa pagtukoy na ang bawa’t isa ay may mahalagang ambag na kailangan upang matapos ang isang gawain.

2.            What would you do to help members complete the necessary tasks that you decide to do as a team? (Ano ang iyong gagawin upang matulungan ang mga kasapi na makumpleto ang mga kailangang gawain na iniatang mo bilang gawaing panlahat?)

               Upang magawa ito, dapat mong ipaliwanag ang kahalagahan at kaugnayan ng ginagawa ng bawa’t isa sa pangkalahatang gawin. Ihayag na kung hindi matatapos ng isang kasapi ang trabahong nakaatang sa kanya, mabibitin ang susunod pang gawaing na may kaugnay nito.  Halimbawa, kung hind matatapos ang pagpipintura at paglalagay ng etiketa sa mga basurahan, walang paglalagyan ang mga basurang natipon ng ibang kabataan.

3.            If you are not the leader but just a member, how will you work to support teamwork? (Kung hindi ikaw ang lider at isang kasapi lamang, paano ka magtatrabaho upang suportahan ang pagtutulungan?)

               Bilang kasapi, dapat na sundin ko ang mga resposibilidad na nakaatang sa aking balikat. Alamin kung kaya kong gawin ang lahat ng ito at humingi ng tulong kung kinakailangan. Tutulungan ko rin ang ibang kabataan na nangangailangan ng aking tulong, kasanayan , at kaalaman.