Module 3 – Leadership and Teamwork
NOTES:
1 – The
activity featured in this video comes from Module 3 – Leadership & Teamwork
produced by the Education Development Center.
2 – The
purpose of this video is to give guidelines to ALS learners who are not well-versed
in the English language by translating the questions into Taglish.
3 – The
sample answer is written in Taglish so that it will not be copied by the
learners as their own since the answer should be written in English in their
module.
4 – This is
for learning and teaching purposes only.
5 – If
anyone wants to remove anything from this video, please email me first at
poncianosantos1959@gmail.com or leave a comment.
SESSION 2: LEADING TEAMWORK / GROUP
COOPERATION
Activity 3: Introductory Activity
This session is going to focus on leading teamwork and group
cooperation. On the space provided below, write at least two experiences,
knowledge, skills or abilities that you have about leading teams and practicing
teamwork.
Ang sesyon na ito ay
nakatuon tungkol sa pamumuno sa pagtutulungan at pagkakaisa sa grupo. Sa
espasyong inilaan sa ibaba, sumulat ng dalawa o higit pang karanasan, kaalaman,
kasanayan o kakayahan na taglay mo tungkol sa pamumuno ng isang grupo at
pagsanay sa pagtutulugan.
1. Napili ako upang pamunuan
ang aming Science Proyect noong ako ay nasa unang taon sa mataas na paaralan.
Mahirap ang aking naging responsibilidad subali’t dahil sa pakikiisa ng aking
mga kasapi, nagtagumpay kami sa aming layunin.
2. Kailangan ang
mabisang pakikipagtalastasan sa mga gawaing-pangkatan (group work) upang
malaman ng bawa’t isa ang kani-kaniyang tungkulin at layunin ng pangkat.
3. Magaling na lider ang isang nilalang kung kaya niyang pagbuklurin o pagkaisahin ang mga kasaping may iba’t ibang ugali at kasanayan tungo sa iisang layunin.
Write your answers on the space
provided. Share your answers with one of your family members or friends and
solicit their thoughts on the same questions relating to the photo.
Isulat
ang iyong mga sagot sa nakalaang espasyo. Ibahagi ang iyong mga kasagutan sa
isang miyembro ng pamilya o mga kaibigan at hinggan siya ng mga saloobin
tungkol sa parehong mga katanungan na may kaugnayan sa larawan.
1. What does
the illustration tell us? (Ano ang nais
ipahayag ng larawan?)
Ipinakikita sa larawan na ang isang malaking gawain ay nangangailangan ng maraming manggagawa. Ipinamamalas din nito na kailangan ang kooperasyon o pagkakaisa ng lahat upang matapos kaagad ang isang proyekto.
2. What do
you think is the purpose or goal of the people in the illustration? (Ano sa iyong palagay ang layunin o adhikain
ng mga tao sa ilustrasyon/larawan.)
Ang layunin ng mga tao sa larawan ay matapos ang ginagawang bahay sa lalong madaling panahon sa pagtutulungan at pagkakaisa ng bawa’t isa.
3. If you
see yourself as a leader in this illustration, what would you do to help
achieve the goal? (Kung nakikita mo na
ikaw ang pinuno sa larawang ito, ano ang iyong gagawin upang makatulong sa
katuparan ng layunin?)
Bilang pinuno sa larawan, pupulungin ko ang lahat ng kasapi, ipapahayag ko nang malinaw ang aming layunin, at ibibigay ang kani-kanilang gawain ayon sa kanilang kakayahan at kasanayan habang kinukuha at pinag-aaralan ang kanilang mga mungkahi upang mapabilis ang aming pagtatrabaho.
4. If you
see yourself as one of the contributors in this illustration, how can you
contribute to their goal? (Kung nakikita
mo na ikaw ay isang taga-ambag sa larawang ito, paano ka makakatulong sa
kanilang layunin?)
Bilang kasapi, gagampanan ko ang
responsibilidad na nakaatang sa akin; tutulungan ang ibang nangangailangan ng
aking tulong, at makikiisa sa anumang gawaing-pangkatan.
Take turns sharing and discussing your experience in the
imagination activity you have done with your partner. Use these questions as
your guide in your sharing. Jot down your answers.
Salitan na ibahagi at
talakayin ang inyong karanasan sa imagination activity (ikaw bilang pinuno ng isang gawain) na iyong ginawa
katuwang ang iyong kapareha. Gamitin ang
mga tanong bilang gabay sa inyong pagbabahagi. Isulat ang iyong mga sagot.)
1. Which is
more difficult? Being a leader of the team or just being a member of the team?
( Alin ang higit na mahirap? Maging isang lider o bilang isang kasapi ng
pangkat?)
Sa aking
palagay, mas mahirap ang maging lider dahil mas marami at mas mabigat ang iyong
responsibilidad.
2. How do
you describe a good leader? A good team work? (Paano mo ilalarawan ang isang
mabuting pinuno? Isang mainam na pagtutulungan na gawain?)
Taglay
ng mabuting lider ang sapat na kaalaman at kasanayan sa pakikipag-usap sa
kanyang mga kasapi upang maihatid nang malinaw ang layunin ng samahan at ang
gawain ng bawa’t miyembro. Dapat ding marunong makisama ang isang lider,
kumilatis at kilalanin ang kaibahan ng pag-uugali at kasanayan ng bawa’t
kasapi, at lumikha ng estratehiya upang manatili ang pagtutulungan at
pagkakaisa sa kabila ng mga kaibahang ito.
Ang
isang mainam na pagtutulungan na gawain ay nagtataglay ng pagkakaisa ng mga
kasapi magkakaiba man ang kanilang mga ugali at talento. Ang gawaing
pagtutulungan ay mabuti kung may iisang direksyong tinatahak ang buong grupo at
ang bawa’t isa ay tumutugon sa layuning iyon upang matapos ang isang gawain sa
lalong madaling panahon.
Think about it!
With your family and friends who joined the game, discuss
the questions below. Be honest in your answers!
Kabilang ang iyong pamilya at mga kaibigan na sumali sa laro
– pagdudugtong ng mga plastic straw at unti-unti itong ilalapag sa sahig -,
talakayin ang mga katanungan sa ibaba. Maging tapat sa inyong mga sagot!
1. What did
the group do first? (Ano ang unang ginawa ng grupo?)
Ang
unang ginawa ng grupo ay alamin ang layunin ng laro at kung paano ito gagawin.
2. What type
of cooperation skills did you need to be successful as a group? (Anong
kasanayan/kaalaman sa pakikiisa ang kailangan mo upang maging matagumpay bilang
isang grupo?)
Upang
maging matagumpay bilang isang grupo, dapat ay may mabisang pakikipagtalastasan
ang grupo, bubuo ng estratehiya kung paano pagtatagumpayan ang layunin ng laro,
at ang responsibilidad ng bawa’t kasapi kung paano ito gagawin.
3. What
creative ideas were suggested and how were they received? (Anu-anong mga
malikhaing ideya ang ipinanukala at paano tinanggap ang mga ito?)
Ipinanukala
na dapat ay nakapokus ang bawa’t isa sa plastic straw na kanyang hawak
samantalang pinagmamasdan din niya ang kabuuang stick upang maiayon niya ang
kanyang pagkilos nang manatiling sabay-sabay ang grupo. Ang mga malikhaing ideya
ay tinalakay ng grupo bago tuluyang tinanggap.
4. What
roles did different people play in the group? Did some people take on a
leadership role? (Anu-anong mga papel ang ginampanan ng iba’t ibang tao sa
grupo? May mga tao bang pinili ang maging pinuno?)
Ang
ilang kasapi ay kumuha ng mga materyales na ginamit. Ang iba ay nagbigay
mungkahi kung ano ang dapat gawin. Ang higit na nakaaalam o nakagawa na ng
kaparehong larong ito ay ang tumayong lider namin.
5. As a
leader, how can you encourage group cooperation? (Bilang isang lider, paano mo
mahihikayat ang pagkakaisa ng grupo?)
Bilang
isang lider, kailangang maging isang mabuting tagasunod ka muna. Alamin ang
lakas at kahinaan ng mga kasapi. Matutong makinig sa mungkahi ng iba. Ipahayag
nang malinaw ang layunin ng laro at ng grupo. Hikayating makiisa ang bawa’t
miyembro. Kailangan ding maging malikhain ang isang lider sa pagsasagawa ng mga
estratehiya at pagbibigay solsyon sa
isang problema. Bigyan ng kahalagahan at pagtanaw ang ambag ng bawa’t kasapi.
Ipaliwanag na nasa pagtutulungan at pagkakaisa upang mapagtagumpayan ang isang
gawaing-pangkatan.
6. What
situations in life/work/home could you compare to the stick? (Anu-anong mga
sitwasyon sa buhay/trabaho/tahanan maikukumpara mo ang patpat?)
Ang
patpat ay maaaring kumatawan sa isang suliranin o gawain sa
buhay/trabaho/tahanan. Halimbawa sa tahanan, maaaring ang patpat ay ang
pag-aani ng palay sa bukid. Upang matapos ang gawaing ito, kailangan ang
pagtutulungan at pakikiisa ng lahat ng miyembro ng pamilya. Mag-aatang ang ama
kung sinu-sino sa kanyang mga anak ang gagapas, magbubuhat, at magsasalansan ng
mga palay. Ang ina naman bilang katuwang ng ama ay mag-aatang din sa ibang anak
kung sino ang makatutulong niya sa magluluto ng meryenda at tanghalian. Dahil
dito, ang “patpat” ay gagaan at matatapos sa lalong madaling panahon.
Let’s Apply!
You were tasked by your Barangay Captain to lead a Clean-up
Project in your neighborhood. Your task is to gather all the youth (14-24 years
old) in your community to ensure all public spaces are clean. You also need to
make sure there are labelled trash bins in key areas to encourage everyone to
dispose of their trash properly.
Naatasan ka ng inyong Kapitan ng Barangay na mamuno sa isang
Clean-up Project sa inyong pamayanan. Ang iyong gagawin ay tipunin ang lahat ng
kabataan (14-24) sa inyong komunidad upang masiguro na malinis ang mga
pampublikong lugar. Kailangan mo ring siguraduhin na may mga basurahan na tama
ang mga etiketa sa pangunahing mga lugar upang mahikayat ang lahat na itapon
ang kanilang mga basura nang maayos.
1. What will
you do to develop cooperation among your team members? (Ano ang iyong gagawin
upang mabuo ang pagkakaisa sa bawa’t kasapi ng grupo?)
Upang mabuo ang pagkakaisa ng bawa’t kasapi ng grupo, dapat ipaalam sa kanila ang layunin ng pangkat. Kilalanin ang lakas at kahinaan ng bawa’t kasapi at iatang ang angkop na gawain base rito. Ihayag din sa mga kasapi kung paano ginagawa ang pagdedesisyon at kung paano makikisa ang bawat isa upang mabuo ito. Mahalaga rin na ipahayag ang kahalagahan ng pakikipagtalastasan ng bawat kasapi sa pamamagitan ng mabisang pakikipag-usap at aktibong pakikinig, gayundin ang pagpapahayag ng saloobin sa isang paksa. Kailangan ding kunin ang pagtitiwala ng bawa’t kasapi sa pamamagitan ng pagpapakita na pinahahalagahan ng lider ang saloobin, opinyon, at mungkahi ng bawa’t isa maliban pa sa pagtukoy na ang bawa’t isa ay may mahalagang ambag na kailangan upang matapos ang isang gawain.
2. What
would you do to help members complete the necessary tasks that you decide to do
as a team? (Ano ang iyong gagawin upang matulungan ang mga kasapi na makumpleto
ang mga kailangang gawain na iniatang mo bilang gawaing panlahat?)
Upang
magawa ito, dapat mong ipaliwanag ang kahalagahan at kaugnayan ng ginagawa ng
bawa’t isa sa pangkalahatang gawin. Ihayag na kung hindi matatapos ng isang
kasapi ang trabahong nakaatang sa kanya, mabibitin ang susunod pang gawaing na
may kaugnay nito. Halimbawa, kung hind
matatapos ang pagpipintura at paglalagay ng etiketa sa mga basurahan, walang
paglalagyan ang mga basurang natipon ng ibang kabataan.
3. If you
are not the leader but just a member, how will you work to support teamwork?
(Kung hindi ikaw ang lider at isang kasapi lamang, paano ka magtatrabaho upang
suportahan ang pagtutulungan?)
Bilang
kasapi, dapat na sundin ko ang mga resposibilidad na nakaatang sa aking
balikat. Alamin kung kaya kong gawin ang lahat ng ito at humingi ng tulong kung
kinakailangan. Tutulungan ko rin ang ibang kabataan na nangangailangan ng aking
tulong, kasanayan , at kaalaman.
No comments:
Post a Comment