SESSION 1: LOOKING FOR JOB OPPORTUNITIES
Activity 4: Informational Interview
How
can Mel start to build her own professional relationships? (Paano sisimulan ni
Mel ang bumuo ng kanyang mga sariling ugnayang propesyonal?
Makapagsisimula si Mel na buuin ang kanyang sariling professional relationship hinggil sa kanyang hilig sa pagluluto sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanyang naging guro sa culinary program upang humingi ng isang mentor na makatutulong sa kanya. Kung walang maibigay na mungkahi ang guro, maaaring maglibot-libot si Mel sa kanilang barangay o bayan at tukuyin ang isang sikat na restaurant kung saan maaari niyang kausapin ang may-ari nito o ang mismong chef upang kapanayamin ng mga bagay-bagay hinggil sa kanyang propesyon. Maaari rin siyang humiling sa may-ari na bigyan siya ng pagkakataon na magmasid-masid o pagsanay sa restaurant kahit walang bayad upang makakalap ng dagdag kaalaman at/o mapatunayan sa kanyang sarili na ito nga ang bagay na trabaho para sa kanya.
Read the description of an informational interview below and respond to the questions that follow. (Basahin ang kahulugan at paliwanag tungkol sa isang informational interview sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.)
a. Who is the interviewer in an
informational interview? (Sino ang tagapanayam/nagtatanong sa isang panayam na
nangangalap ng impormasyon?)
Ang tagapanayam sa isang informational interview ay ang naghahanap ng trabaho.
b. What does the interviewer get from it?
(Ano ang makukuha ng interviewer dito?)
Nakatutulong sa isang naghahanap ng trabaho ang isang informational interview upang makakalap pa ng dagdag kaalaman hinggil sa papasuking trabaho o sa kumpanyang nais niyang pasukan. Nakatutulong din ito upang matantya niya sa sarili kung nababagay ba siya o ito talaga ang trabahong nais niyang gawin. Sa pamamagitan ng informational interview, nagkakaroon ng pagkakataong malaman ng isang job seeker kung mayroong bakante sa isang kumpanya at malaman ang mga katangiang hinahanap nito sa isang empleyado. Sa pamamagitan ng informational interview, nabibigyan din ng interviewee ng mga payo tungkol sa napili niyang career ang isang naghahanap ng trabaho. Bukod pa rito, nalalaman din ng jobseeker kung anong mga katangian ang nababagay sa trabahong napili at kung anu-ano ang mga responsibilidad nito.
c. Who is the interviewee in an
informational interview? (Sino ang kinakapanayam sa isang informational
interview?)
Ang kinakapanayam sa isang informational interview ay maaaring ang may-ari mismo ng isang kumpanya, isang supervisor, at/o isang karaniwang empleyado na makapagbibigay sa isang naghananap ng trabaho ng mga sagot sa nais niyang itanong. Isang ring mainam na interviewee ang isang propesyonal o taong matagal na sa industriyang nais tahakin ng isang jobseeker.
d. What does the interviewee get from it?
(Ano ang makukuha ng kinakapanayam dito?)
Bukod sa pagbabahagi ng kanyang
kaalaman at kasanayan tungkol sa kanyang trabaho, naitataguyod din ng isang
kinakapanayam ang kanyang kumpanyang pinagtatrabahuhan upang ito ay lubusan
pang makilala. Nasasanay at nalilinang din ang mabuting pakikipag-usap o
pakikipagtalastasan ng interviewee
habang isinasagawa ang informational interview. Bukod dito, may pagkakataong nakahahanap ng isang
potensyal na trabahador ang isang kinakapanayam sa katauhan ng kumakapanayam sa
kanya.
Make
a list of people or companies in your community that you want to do an
informational interview with. (Gumawa ng isang listahan ng mga tao o kumpanya
sa inyong komunidad na nais mong gawan ng isang informational interview.)
Ang mga sumusunod na personahe at
bahay-kalakal na nais kong isagawa ang isang panayam upang makakalap ng mga
impormasyon ay ang mga sumusunod:
1. G. Florante Laura – inspirational
speaker and influencer
2. Synergy Business Solutions, Inc.
3. Gng. Madelyn Geronimo – Customer
Service Manager, Silver Star Wholesale Marketing
You
will do a practice mock informational interview with a family member or a
friend. How are you going to describe an informational interview to your
interviewee? Prepare your description in the space below.
Magsasagawa ka ng isang kunwaring informational interview kasama ang isang miyembro ng pamilya o isang kaibigan. Paano mo ipapaliwanag ang panayam na ito sa iyong kapapanayamin? Ihanda/Isulat sa ibaba ang iyong paliwanag.
What is an informational interview? Why are we practicing it? (Ano ang isang informational interview? Bakit natin pinapraktis ito?)
Ang informational interview ay isang
uri ng panayam kung saan ang naghahanap ng trabaho ang siyang nagtatanong sa
isang may-ari ng negosyo, manedger, o isang ordinaryong kawani upang makakalap
ng mga impormasyon ukol sa kaalaman, karanasan, at kasanayan ng isang namamahala
o nagtatrabaho sa trabahong nais mong pasukin.
Ang pagsasagawa ng isang panayam upang makakalap ng mga impormasyon hinggil sa isang kumpanya at partikular na trabaho ay mahalaga upang maiayon ng isang jobseeker ang kanyang kaalaman, kasanayan, at pag-uugali sa kultura o sistemang nananaig sa kumpanyang nais pasukin. Isang paraan din ang isang informational interview upang matanto ng isang naghahanap ng trabaho na angkop nga o talagang nais niyang pasukin ang larangang iyon base sa kanyang mga natuklasan.
Let’s Exercise!
Perform a 3-5 minute mock informational interview with a family member or a friend as your interviewee. (Magsagawa ng isang 3 – 5 minutong kunwariang informational interview sa isang miyembro ng pamilya o isang kaibigan bilang iyong kakapanayamin.)
Reflect on your mock informational interview. Did you get the information you want to learn? Why or why not? Did the interviewee have good impression about you? If not, how would you improve it next time? (Magbalik-tanaw sa isinagawang mock informational interview. Nakuha mo ba ang mga impormasyong nais mong malaman? Bakit o bakit hindi? Ang kinapanayam mo ba ay nagkaroon ng magandang paghanga sa iyo? Kung hindi, paano mo ito mapapabuti sa susunod na pagkakataon?)
Hindi lahat ng kaalaman ay nakalap
ko sa aming isinagawang mock informational interview. Ito ay sa kadahilanang
kulang pa ang kaalaman, karanasan, at kasanayan ng aking kaibigan sa trabahong
nais kong tahakin dahil na rin sa katutohanang siya ay nagsisimula pa lamang sa
trabahong iyon.
Hindi rin lubos ang naiwan kong impresyon sa aking kinapanayam dahil tulad niya, pareho kaming kabado sa papel na aming ginagampanan. Gayunman, upang maalis ang aking nerbiyos at makapagsalita nang malinaw at tuloy-tuloy, kailangan naming magsanay pa.
Let’s Apply!
You will conduct an informational interview with someone in your community at a workplace you are interested in. They do not need to be a supervisor. If you cannot do it in person, you can do it over the phone. During the interview, ask the questions and complete 4.10: Informational Interview Form.
Magsasagawa ka ng isang informational interview sa
isang tao sa inyong pamayanan sa lugar ng kanyang pinagtatrabahuhan. Hindi
kailangang siya ay isang superbisor. Kung hindi mo ito magagawa ng personal,
maaari mo tong gawin sa pamamagitan ng telepono. Habang nag-iinterview, itanong
ang mga katanungan at kumpletuhin ang 4.10:
Informational Interview Form.
Let’s Reflect
a. What was it like approaching the
employer to obtain the informational interview? Were you nervous? Confident?
What was the reaction of the employer?
Ano ang iyong pakiramdam nang
lapitan mo ang isang employer upang humiling ng isang informational interview?
Ninerbyos ka ba? May tiwala sa sarili? Ano ang naging reaksyon ng employer?
Dahil ito ang aking unang karanasan,
natural lamang na panghinaan ako ng loob at nerbyosin nang makipagkita ako at
humiling ng isang panayam sa isang propesyonal sa aming komunidad. Unti-unting
nawala ang aking kaba sa araw ng interview nang magpasama ako sa isang kaibigan
na kamag-anak pala ang taong aking kakapanayamin.
Medyo nagulat din ang aking interviewee dahil hindi niya inaasahan na siya ang aking mapipili. Gayunman, naging accommodating naman siya sa araw ng panayam.
b. What are some highlights that you learned
during your interview? (Ano ang ilan sa mga kaganapang natutunan mo habang
kumakapanayam ka?)
1. Tulad ng interviewer, ang
interviewee ay nagpapakita rin ng konting kaba sa oras ng panayam.
2. Mahalaga ang makaagapay ka agad
habang nag-iinterbyu dahil kung magkaminsan ay may mga sitwasyon at kasagutang
hindi inaasahan.
3. Kailangan ang kumpiyansa sa sarili upang maging matagumpay ang iyong pagtatanong at mangangalap ng mga impormasyon.
c. How did this person get started in
his/her career? What roles did he/she have which led to his/her current
position? (Paano nagsimula ang taong ito sa kanyang karera? Anu-anong mga
trabaho ang kanyang pinagdaanan bago narating ang kanyang kasalukuyang
posisyon?)
1. Nagkakaroon ng kasiyahan sa pagsisilbi sa pangangailangan
ng mga tao.
2. Naging saleslady sa isang pamosong mall at
nagustuhan ang pakikisalamuha sa iba't ibang klase ng mamimili.
3. Nag-aplay sa pamamagitan ng sulat
nang may mabasang anunsyo sa isang pahayagan
4. Nagtrabaho bilang salelady, call center agent, travel agency supervisor, at assistant customer service manager
d.
What do they value in an employee?
What behaviors lead to success? (Ano ang pinahahalagahan nila sa isang
empleyado? Anu-anong mga pag-uugali ang kailangan upang magtagumpay?)
Pinahahalagahan ng kumpanya ang
pagiging matapat at dedikasyon ng isang kawani sa kanyang trabaho at kumpanya,
at ang kanyang pakikisama sa mga kaopisina.
Upang maging matagumpay sa karera, dapat ay may kumpiyansa sa sarili at lakas ng loob sa pagharap sa mga hamon at problema. Kailangan din ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa ibang mga kawani. Bukas din dapat ang isip sa mga puna at feedback mula sa mga namumuno at kapwa empleyado upang mabago at/o mapaunlad ang pananaw para sa ikabubuti ng trabaho at kumpanya.
e. Based
on what you learned, are you interested in this type of career? Why or why not? (Ayon sa iyong natutunan, interesado ka ba
sa ganitong uring karera? Bakit at bakit hindi?)
Interesado pa rin ako na tahakin ang
pagiging Customer Service Manager tulad ng aking nakapanayam dahil pinagyabong
nito ang aking kaalaman at posibleng mga hamon na aking dapat lampasan.
Napaigting ng panayam ang aking pagkagiliw at kasiyahan na punan ang
pangangailangan ng iba.
No comments:
Post a Comment