Module 3 – Leadership and Teamwork
Basahin ang maikling talambuhay ni Mark Zuckerberg na nasa
modyul at sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Do you think Mark Zuckerberg has made significant contributions
to society? Why or why not?
Sa pakiwari mo ba ay nakagawa ng mga mahahalagang ambag si Mark Zuckerberg
sa lipunan? Bakit o bakit hindi?
Sa aking palagay ay nakagawa ng mga mahahalagang kontribusyon si Mark Zuckerberg sa lipunan. Dahil sa pagkatatag niya ng Facebook, nagkaroon ng plataporma ang mga tao upang ipakilala ang kanilang katangian, pananaw, saloobin, at marami pang iba sa mundo. Naging isang venue ang Facebook upang magkaroon uli ng ugnayan ang mga magkakaibigan at magkakapamilya na matagal nang hindi nagkakaroon ng komunikasyon. Isa pa, naragdagan pa ng iba pang mga kaibigan at kakilala ang isang nilalang. Bukod pa rito, naging daan din ang Facebook upang mapaunlad ang kalakalan at negosyo sa pamamagitan ng online selling at promosyon.
2. What do you think are the qualities/characteristics that
made him a leader of a big company like Facebook?
Ano sa palagay mo ang taglay niyang mga katangian kaya siya naging
pinuno ng isang malaking kumpanya tulad ng Facebook?
Isa sa nakikita kong dahilan kung bakit naging pinuno ng Facebook si
Mark Zuckerberg, maliban sa siya ang nagtatag nito, ay ang kanyang pagiging
determinado. Dahil ang Facebook ay isang social at interpersonal relationship
platform, nagtataglay rin si Mark na isang epektibo at magandang kasanayan sa
pakikipagtalastasan, sa pagsasalita man o sa pakikinig. Taglay rin niya ang
pagiging mapanuri (critical thinker), mapanlikha (creative) , at visionary o
mapangitain. Nakikita niya ang maaaring maganap sa susunod na mga taon at
iniaayon niya iyon sa pagpapaunlad ng kanyang kumpanya. Marahil ay tumatanggap
din ng kritisismo si Mark subali’t ginagawa niya itong hamon upang lalo pang
mapaunlad ang facebook. Dahil dito, maituturing din siya bilang flexible na
lider o maaaring mabago ang isang desisyon o pananaw ayon sa sitwasyon.
3. Think of a person from your community or other person you
know who is an example of a leader that is inspiring and well respected. What
are his/her qualities/character that made him a leader?
Umisip ng isang tao sa iyong pamayanan o ibang tao na kilala
mo na isang halimbawa ng isang lider na kagalang-galang at isang
inspirasyon. Anu-ano ang kanyang mga
katangian at pagkatao kaya siya naging pinuno?
Taglay ng aming barangay captain ang mga sumusunod na katangian
at pagkatao kaya namin siya inihalal na pinuno:
1. Matapat. Hindi
siya nasisilaw sa kinang ng pera. Iyon ay ginagamit lamang para sa proyektong
pambarangay o tulong sa mga nangangailangan.
2. Walang
kinikilingan. Pantay-pantay ang kanyang turing sa isa’t isa, mayaman man o
mahirap, kamag-anak man o hindi. Ipinapataw niya ang kaparusahan sa sinumang
nagkasala nang walang pasubali.
3. Bukas ang isip.
Tumatanggap siya ng kritisismo at pinakikinggan ang pananaw o mungkahi ng iba.
Ang desisyong kanyang ginagawa ay nakabase sa pangkalahatang pakinabangan o
nais ng nakararami.
4. Responsable.
Ginagampanan ng aming kapitan ang kanyang mga tungkulin may nakakakita man o
wala. Kusang-loob siyang nagtatrabaho at hindi na kailangang utusan o
paalalahanan pa. Makikita ang kanyang presensya sa lahat pulong, pambarangay
man o pangmunisipal.
5. May tiwala sa
sarili. Kahit hindi mataas ang kanyang pinag-aralan, may tiwala sa kanyang
sarili at kakayahan ang aming punong-barangay. Ipinaglalaban niya ang mga
proyektong mapapakinabangan ng mga kabarangay kahit sa matataas na tao sa
lipunan o sa mga pulitiko. Hindi siya antubiling magsalita sa Tagalog maihatid
lang ang kanyang mensahe sa kinauukulan.
4. In addition to the qualities/characteristics that you
have mentioned, underline from the word/phrase list below other qualities that
your community leader demonstrates:
Maliban sa mga katangian/pagkatao na iyong binanggit,
salungguhitan mula sa mga salita/parirala na nakalista sa ibaba ang iba pang
katangiang ipinamalas ng pinuno sa inyong pamayanan:
enthusiasm courage self-control to make decisions
clear
vision planner
Let’s Exercise!
Below are statements that a leader says. Fill in the blanks
with the leadership style being demonstrated.
Ang nasa ibaba ay mga pangungusap na pahayagi ng isang lider. Isulat sa puwang kung anong istilo ng pamumuno ang ipinahihiwatig nito base sa leadership styles na binasa sa 3.2 (authoritarian, persuading, consulting, at joining)
|
Statement |
Leadership Style |
1. |
I already have the solution to our problem. I did
not have time to consult you because you are all
very busy. But I assure you that
this solution will benefit all of you, so please accept it. |
Ang istilo ng pamumuno ay |
|
|
|
|
|
PERSUADING? Consulting? Joining? Authoritarian? |
|
Mayroon na akong lunas
sa ating suliranin. Wala na akong oras para konsultahin pa kayo dahil alam
kong abala kayong lahat. Pero sigurado akong makatutulong sa inyo ang
solusyong ito, kaya pakiusap tanggapin ninyo ito. |
|
|
|
|
2. |
I have given you the background information about
our company’s problem. I think we should
transfer to a new location, but I
would like to get your views before I make the final
decision. I am open to your recommendations. |
Ang istilo ng pamumuno ay CONSULTING? Authoritarian? Joining? Persuading? |
|
|
|
|
|
|
|
Ibinigay ko na sa
inyo ang mga impormasyon hinggil sa problema ng ating kumpanya. Naisip kong
kailangan nating lumipat sa bagong lugar, pero hinihingi ko pa rin ang inyong
saloobin o pananaw bago ko gawin ang pinal na desisyon. Bukas ako sa inyong
mga mungkahi. |
|
|
|
|
3. |
I own this company and I have been running this
for the last |
|
|
10 years. Mia, contact the suppliers at once! Dan, this is not |
|
|
the time to ask many questions. Inform our field offices |
|
|
immediately about my decision. Ako ang may-ari ng kumpanyang ito at pinatatakbo ko ito sa nakalipas
na 10 taon. Mia, agad na tawagan mo ang mga suppliers (tagapagtustos)! Dan,
hindi ito ang tamang oras upang magtanong nang magtanong! Ipaalam agad sa
ating mga field offices (mga sangay) ang aking pasya. |
Ang istilo ng pamumuno ay AUTHORITARIAN? Consulting? Persuading? Joining? |
|
|
|
4. Please
feel free to discuss the issue among yourselves. You may ask me for guidance if you need to, but I leave the decision entirely up to the team. |
|
|
|
|
|
|
Nakikiusap ako na talakayin ninyo nang walang pag-aalinlangan ang
isyu. Maaari ninyo akong hingan ng gabay kung kailangan, subali’t ipinauubaya
ko nang lubos ang desisyon sa buong team (pangkat). |
Ang istilo ng pamumuno ay JOINING? Persuading? Consulting? Authoritarian? |
|
|
|
Let’s Apply!
Reflect upon and write about your own leadership style in
the writing space below.
Magbaliktanaw at
sumulat tungkol sa inyong sariling istilo sa pamumuno sa blankong espasyo sa
ibaba.
1. Your own leadership qualities: Which qualities do you
already have? Which qualities would you like to improve upon?
Ang iyong mga katangian
sa pamumuno: Alin sa mga katangiang ito ay mayroon ka na? Alin sa mga ito ang
nais mo pang mapagbuti?
Sa aking palagay, ang
mga katangiang taglay ko na bilang pinunoay ang mga sumusunod: matapat,
responsable, positibo, marunong makiayon sa iba at sa sitwasyon, at walang
kinikilingan. Ang mga nais kong mapagbuti ay ang pagiging matatas sa
pakikipagtalastasan sa pagsusulat man o pagsasalita. Isa pa sa nais kong
linangin ay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Dahil sa hindi ako masyadong
marunong magsalita ng English, nababawasan ang aking kumpiyansa sa sarili.
2. Your leadership style: What is your preferred leadership
style? Which leadership style are you least comfortable with? Is it possible to
use /adopt all types of leadership styles?
Ang istilo ng iyong
pamumuno: Ano ang iyong pinakagustong istilo? Anong istilo ng pamumuno ang hindi
ka komportable? Posible bang gamitin/magkaroon ng lahat ng uri ng istilo sa
pamumuno?
Ang
istilo ng pamumuno ng pinakagusto ko ay ang “joining leadership style”. Nais
kong ituring muna ako bilang isang kasapi lamang ng grupo na may kanya-kanyang
pananaw at adhikain. Naniniwala kasi ako na bago maging isang mabuting pinuno
ang isang tao, siya ay dapat lamang na maging mabuting tagasunod muna. Ang
istilong ito ay isang paraan din upang makiisa ang mga kasapi ng grupo at
maniwalang isasaalang-alang ang bawa’t opinyon ng isa’t isa at ang mabubuong
desisyon ay nakabase sa pinagkasunduan ng lahat.
Ang istilo ng pamumuno na hindi
ako komportable ay ang “authoritarian leadership” dahil kung magkaminsan ay
natatakot akong magkamali. Ayaw kong isisi sa aking lahat kapag pumalpak ang
aking naging desisyon. Nais ko rin kasing magkaroon ng boses ang bawa’t kasapi
ng grupo at ituring silang hind sunud-sunuran lamang.
Imposibleng gamitin lahat ang
isang istilo ng pamumuno sa pagdedesisyon dahil magkakontra ang mga iyon.
Gayunman, posibleng gamitin ang isa o kumbinasyon ng mga istilo depende sa
sitwasyon at pangangailangan. Halimbawa, kung gahol na sa oras, maaaring maging
“authoritarian” at “persuading” na ang isang lider. Gugawa siya ng isang
desisyon, kukumbinsihin at ipapatanggap niya ito sa grupo at pagkatapos ay
mamanduhan ang ibang mga kasapi kung anu-ano ang kanilang dapat gawin.
======
No comments:
Post a Comment