Thursday, October 15, 2020

ALS Module 3 - Leadership & Teamwork: Activity 1 | Guides & Sample Answers

ABISO:

1 – The activity featured in this video comes from Module 3 – Leadership & Teamwork produced by the Education Development Center.
2 – The purpose of this video is to give guidelines to ALS learners who are not well-versed in the English language by translating the questions into Taglish.
3 – The sample answer is written in Taglish so that it will not be copied by the learners as their own since the answer should be written in English in their module.
4 – This is for learning and teaching purposes only.
5 – If anyone wants to remove anything from this video, please email me first at poncianosantos1959@gmail.com or leave a comment.



Module 3 – Leadership and Teamwork
 

Activity 1: Introductory Activity & Learner’s Reflection 

1. Write five ideas that you can recall about the demonstration of non-verbal communication, listening actively and appropriately or practice of good customer service skills. 

     Sumulat ng limang ideya/kaisipan/kaalaman na iyong natatandaan/natutunan (sa Module 2) tungkol sa pagpapakita ng non-verbal communication(pakikipagtalastasan na hindi ginagamitan ng pananalita), aktibo at tamang pakikinig, o kung paano ipakita ang tamang serbisyo sa mga customers. 

Halimbawa: 

1. Maaaring ipakita ang pakikipagtalastasan na hindi gumagamit ng salita sa pamamagitan ng kilos ng katawan tulad ng pagtango, pag-iling, pagsimangot, laging pagtingin sa relo, pagpapakita ng pagkainip, at marami pang iba. 

2. Ang paggamit mo ng non-verbal communication ay maaaring nakatutulong o makasagabal sa pagpapahayag mo ng iyong saloobin. 

3. Ang mabuting pakikipagtalastasan ay nangangailangan ng respeto sa bawat isa at tamang pakikinig. 

4. Kung hindi nauunawaan ang sinasabi ng kausap, mangyaring hintayin siyang matapos magsalita bago hinggan ng dagdag paliwanag o klaripikasyon. 

5. Maging kalmado habang nakikipag-usap sa isang mapilit o nagrereklamong kustomer/parukyano. 

2. Read the proverb at the beginning of the module. “Leaders are always taken as role models” (Ang mga lider ay tinuturing na huwaran). What does it mean?
 
    Basahin ang sawikain sa simula ng module “Ang mga lider ay tinuturing na huwaran.” Ano ang kahulugan/ibig sabihin nito? 

Halimbawa: 

Nais ipahayag ng sawikain na dahil sa mga katangiang taglay ng isang lider o pinuno, sila ay lagi nating itinuturing na isang huwaran na dapat pamarisan kundi man gawing idolo. Isinasaisip natin na ang isang lider ay mas matalino sa atin, may katangi-tanging kaalaman at kasanayan, at mas mataas ang puwesto sa atin. Dahil dito, siya ay ating tinitingala, nirerespeto, at ginagawang inspirasyon. 

3. In your own words, how do you relate this proverb to yourself? Can you recall your first role model when you were younger? What were his or her qualities that you liked? Why? 

        Sa iyong sariling pananalita, paano mo iuugnay ang sawikain sa iyong sarili? Natatandaan mo ba kung sino ang iyong role model o iniidolo noong ikaw ay bata-bata pa? Anu-ano ang mga katangian na nagustuhan mo sa kanya? Bakit? 

Halimbawa: 

Isa sa mga iniidolo ko noong ako ay mas bata pa ay ang aking guro sa Matematika sa high school. Siya ay si Bb. Mercedes Yandoc. Idolo ko siya dahil magaling siyang magpaliwanag habang nagtuturo. Sinasagot niya ang aming mga tanong kung may hindi kami maunawaan sa aralin. Inuulit-ulit niya ang pagpapaliwanag hanggang kami ay matuto. Pinakikinggan niya ang aming hinaing at panukala kaya lumalim ang aming respeto sa kanya. 

4. This module will focus on leadership and teamwork at work. What do you think is the relevance between the proverb and the importance of leadership skills at work? How does it relate to your real-life situation? 

        Ang module na ito ay nakatuon sa pamumuno at pagtutulungan sa trabaho. Ano sa isip mo ang kaugnayan sa pagitan ng sawikain at ang kahalagahan ng mga kasanayan sa pamumuno sa trabaho? Paano ito maiuugnay sa tunay na buhay?

Halimbawa: 

Ang kasabihan o sawikain na “Ang mga lider ay tinuturing na huwaran” ay may kaugnayan sa mga layunin ng modyul dahil ang mga layunin ay nagbibigay paliwanag, katangian, at kasanayang dapat taglayin ng isang mabuting pinuno. Ang mga katangian at kasanayang ito ay dapat na maunawaan nang husto upang magampanan ng lider ang kanyang trabaho nang tama. Ang mga kaalamang ito ay mahalaga dahil isa sa mga adhikain ng bawat isa ay ang magkaroon ng hanapbuhay at ang mga katangiang dapat taglayin ng isang pinuno at tagasunod ay dapat isaalang-alang upang maging maayos ang relasyon o samahan ng bawa’t isa sa oras ng trabaho. 

 5. Look at the picture and imagine that you are with your friends playing tug of war game. You are a member of the group that wins the first round, loses the second round, but wins the final round and is declared as the champion. How did you feel when you won the first round? When you lost? When your team is declared as champion? 


        Tingnan ang larawan at imadyinin na kasama mo ang iyong mga kaibigan na naglalaro ng “tug of war”. Kabilang ka sa pangkat na nanalo sa unang laro, natalo sa ikalawa, pero nanalo sa huling round at idineklarang kampeon. Ano ang pakiramdam mo nang manalo ka sa unang round? Nang matalo? Nang ideklarang kampeon ang inyong pangkat? 

Halimbawa: 

Masaya ako nang nanalo ang aming pangkat sa larong “tug of war” sa unang pagkakataon. Ganoon na lang ang aking lungkot at panghihinayanang nang kami naman ang natalo sa pangalawang “round”. Naisip ko na baka hindi ko napag-igi ang aking paghatak. Napakasaya ko nang muli kaming manalo sa huling yugto ng laro at tanghaling kampeon. Nagkamayan, nagyakapan, nagpalakpakan, at masayang nag-usap ang lahat ng kasapi ng pangkat. Pagkatapos ay kinamayan din namin ang pangkat na natalo sa laro. 

6. Have you experienced participating in actual competition in the past? What was the competition all about? Did your team win or lose the game? What do you think was your team’s strategy for winning the game? 

Nakaranas ka bang makilahok sa isang aktuwal na paligsahan noon? Para saan ang paligsahan? Nanalo ba o natalo ang inyong pangkat? Ano sa palagay mo ang estratehiya ng inyong pangkat kaya nanalo sa laro? 

Halimbawa: 

Noong school intramurals nang maranasan kong makilahok sa aktuwal na paligsahan. Isa ako sa mga manlalaro ng basketball ng mga Juniors o third year students. Naging kampeon sa paligsahan ang aming koponan ng panahong iyon. Bukod sa mas matatangkad ang aming grupo sa iba, ang pagkakaisa ng team ang isang dahilan kung bakit kami nanalo. Isa pang dahilan ay ang walang sawang suporta ng aming coach sa oras ng pagsasanay. Pinapanood namin ang pagsasanay ng ibang team upang malaman kung paano sila maglaro at iayon ang amin depensa sa kanila. Dagdag pa rito ay ang pagsunod namin sa kapitan ng team at pagsasagawa ng mga tungkulin na nakaatang sa amin habang naglalaro. 

7. What were your contributions to the team that you think were factors for winning or losing the game? How about your teammates, what were their contributions? Was there a member in your group who acted as a leader and guided the team? What strategies did she or he use? 

Anu-ano ang iyong kontribusyon sa inyong pangkat na sa palagay ay dahilan kaya kayo nanalo o natalo sa laro? Ano naman ang mga ambag ng iyong mga kakampi? Mayroon ba sa grupo na tumayong lider at nagbigay gabay sa inyong koponan? Anong mga estratehiya ang kanyang ginamit? 

Halimbawa: 

Bilang kasapi, sinunod ko ang mga payo ng aming coach at kapitan ng aming koponan upang manalo kami sa laro. Nakiisa ako sa layunin ng pangkat at ginawa ang responsibilidad na nakaatang sa akin habang naglalaro. Ang aking mga kakampi ay lubos ang suporta sa akin. Tinulungan nila ako upang mapahusay pa ang aking paglalaro ng basketball sa pamamagitan ng pagbibigay ng tips o pointers kung paano humawak ng bola, mag-dribble, mag-lay up, at tamang pag-shoot. Tumayong pinakalider sa koponan ang aming captain. Siya ang nagbigay gabay sa aming mga bagitong manlalaro. Ibinahagi niya ang kanyang kaalaman at kakayahan sa amin. Isa sa estratehiyang kanyang ginamit ay ang pagkukumbinsi sa amin na kaya naming manalo kung pagsisikapan namin. Nagbigay siya ng regular na pagsasanay. Pinapanood din niya kami sa mga praktis ng aming katunggali upang maiayon ang aming depensa at opensa sa kanila. Ipinahayag din niya na nasa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa upang makamit namin ang tagumpay. Sabi pa niya, “Mag-enjoy lang kayo!” na amin namang ginawa habang naglalaro.

No comments: