Module 4 - Work Habits and Conduct
SESSION 1: LOOKING FOR JOB
OPPORTUNITIES
Activity 1: Introductory Activity
I. Let us begin by jogging
our memory. Make a list of concepts or ideas that you learned from the previous
module in the space below. Please spend no more than 5 minutes.
(Magsulat ng mga
konsepto at ideya na natutunan mo sa nakaraang Module 3: Leadership and
Teamwork)
Halimbawa:
1.Kahit may
pagkakapareho ang ating paniniwala sa ibang tao, tayo ay kakaiba pa rin sa
kanila.
2. Hindi kailangang
maging sikat ang isang tao para maging pinuno.
3. May apat na klase
ng pamumuno – awtoritaryan, nanghihikayat, sumasangguni, at nakikilahok.
4. Bilang isang
lider, mahalaga ang makikipagtalastasan nang mahusay at magtaguyod ng
pagkakaisa sa mga kasapi.
5. Mainam na
nagkakasundo ang bawa’t kasapi sa kanilang layunin upang mas madali itong
makamtan.
II. In Module 4 you will learn about finding and keeping a job. Think about the proverb found at the beginning of the module:
“Ang magandang buhay ay makakamtan sa pamamagitan ng husay sa trabaho at sakripisyo” (The good life is to be earned with hard work and sacrifice).
What is the meaning?
(Ano ang kahulugan ng salawikain?)
Ang salawikain ay nangangahulugan na hindi madaling makamtan ang ating ambisyon o magandang buhay. Ito ay nangangailangan ng sakripisyo at husay sa pagtatrabaho sa mahabang panahon.
What do you think the proverb says about finding and keeping a job? (Ano sa iyong palagay ang sinasabi ng salawikain tungkol sa paghahanap at pananatili sa trabaho?)
Hindi madali o biro-biro lang ang makahanap at manatili sa trabaho. Mangangailangan ka ng husay at maraming sakripisyo.
III. Think of a time in your life when you worked hard for something. Write down the story here (you can also write about someone you know). (Isulat ang isang karanasan kung saan naghirap ka nang husto upang makamtan ang isang bagay. Maaari ring ikuwento ang naging karanasan ng pagpupunyagi ng iyong kakilala.)
Ang isang karanasan na naaalala ko kung saan kailangan kong maghirap nang husto ay aking pag-aaral sa kolehiyo. Ito ay dahil hindi lang katawan mo ang nahihirapan kundi maging ang iyong isip. Kung minsan ay nalilipasan ka na ng gutom matapos mo lang ang iyong proyekto. Naroong mapuyat ka sa pagrereview para sa mga pagsusulit. Minsan, kailangan mong pagbabad sa aklatan dahil wala kang pambili ng mga librong kailangan. Gayunman sa aking sakripisyo at pagpupunyagi, nakamit ko rin ang inaasam kong diploma na naging tulay ko upang makamit ang iba ko pang mga pangarap sa buhay.
What steps did you take to find a job? What went well? What didn’t? (Anong mga hakbang ang iyong ginawa upang makahanap ng trabaho? Ano ang naging nainam? Ano ang palpak?)
Sa paghahanap ng trabaho,ang ilan sa mga hakbang na nasubukan ko ay ang mga
sumusunod:
1. Pagtatanong sa mga
kapamilya, kaibigan, at kakilala
2. Pagbili ng pahayagan at
pagtingin sa mga anunsyo
3. Pagdalo sa mga employment
o job bazaar
4. Pagpunta at pagbabasa ng
mga job announcements sa munisipyo
5. Panonood ng TV
6. Pag-iinternet
Naging mas maganda
ang magtanong sa mga kapamilya, kaibigan, at kakilala dahil makakalap ka ng
dagdag na impormasyon tungkol sa trabaho at kumpanya.
Mahirap
ang pagdalo sa mga job bazaar dahil masyadong maraming tao at mahaba ang pila.
Hindi ka rin makapaghanda nang husto sa dagliang panayam.
Suntok din sa buwan ang pagsagot sa isang anunsyo sa pahayagan dahil kung magkaminsan ay hindi sumasagot ang pinadalhan mo ng aplikasyon kung natanggap nga nila ito o hindi o kung mayroon nang tinanggap na aplikante.
IV. Write: When you have a job, what do you think are the most important behaviors and attitudes to remember at the workplace? (Noong mayroon kang trabaho, ano sa palagay mo ang mga mahahalagang pag-uugali at asal na dapat alalahanin sa lugar ng pinagtatrabahuhan?)
Mga Dapat Tandaan na
Pag-uugali at Asal sa Lugar na Pnagtatrabahuhan:
1. Maging maaga sa pagpasok
2. Magsuot ng akmang kasuotan
3. Pamahalaan nang tama ang oras sa pagtatrabaho
4. Makipag-usap sa mga katrabaho
at superbisor sa paraang positibo at may respeto.
5. Maging bukas sa mga puna,
positibo man o negatibo, mula sa mga namumuno o katrabaho
6. Maging tapat sa lahat ng
pagkakataon
7. Makiisa at maging bahagi
ng isang grupo
8. Respetuhin ang gawain ng iba
Activity 2: Preparing a Bio-data and Application Letter
Have you ever written a bio-data or an application letter? Share your experience in the space below. (e.g. How did you find the experience? What was hard? What was easy?) Leave the space blank if you have never written any of these.
Nakasulat ka na ba ng isang bio-data o liham sa pag-aaplay ng trabahao? Ibahagi ang iyong karanasan sa nakalaang espasyo sa ibaba. (Halimbawa: Ano ang iyong naging karanasan? Ano ang mahirap? Ano ang madali lamang?) Hayaang blanko ang espasyo kung hindi ka pa nakagagawa ng alinman sa mga ito.
Nakaranas na akong gumawa ng isang bio-data at liham sa pag-aaplay ng trabaho noong ako ay labinsiyam na taong gulang. Ito ay sagot sa isang anunsyo sa pamosong kainan. Mas madali ang sumulat ng isang bio-data kaysa sa application letter dahil puro pampersonal na mga bagay-bagay lamang ang nilalaman ng bio-data samantalang kailangan mo pang pag-isipan nang mabuti ang nilalaman ng iyong liham. Nahirapan akong sumulat ng liham sa pag-aaplay sa trabaho dahil hindi ako ganoon kagaling sumulat sa wikang English. Pagkasulat ko ng aking liham, pinabasa at pinaayos ko iyon sa aking naging guro sa English na aming kapitbahay. Dahil sa kanyang tulong, naging maayos ang aking liham. Sa palagay ko ay isa iyon kung bakit ako natanggap sa trabaho.
Review the samples of bio-data and application letter provided in the next pages and answer the following questions:
Rebisahin ang mga halimbawa
ng bio-data at liham sa pag-aaplay ng trabaho sa mga susunod na pahina at
sagutin ang mga sumusunod na tanong:
What type of information do you find in a bio-data? Anong klaseng impormasyon ang makikita sa isang
bio-data? |
Ang isang bio-data ay
naglalaman ng:
|
What type of information do you find in the application letter? Anong klaseng impormasyon
ang makikita sa isang liham sa pag-aaplay ng trabaho? |
Ang isang liham sa
pag-aaplay ay naglalaman ng:
|
What are the differences between a bio-data and application letter? Anu-ano ang kaibahan ng
bio-data at liham sa pag-aaplay ng trabaho? |
|
Let’s Apply!
You will now prepare your own
bio-data using the form below. Make sure you follow the writing tips discussed
earlier.
Position Desired : Customer Service Supervisor
Date: : October 24, 2020
Name : Juan Santos Dela Cruz
Gender: : Male
City Address : 123 Roces Blvd., Santa Ignacia, Quezon City 1008
Metro Manila
Provincial Address : Barangay Bugaong, Tiaong, Quezon 4325
Telephone : (02) 899 2457
Cellphone :
0919 765 4532
E-mail Address :
juan2three@gmail.com
Date of Birth : Jan. 1, 1990
Place
of Birth : Tiaong, Quezon
Civil Status : Married
Citizenship : Filipino
Height: : 165 cm.
Weight : 63 kilos
Religion : Roman Catholic
Spouse : Juana Reyes Dela Cruz
Occupation : Sari-sari store owner
Name of Children : Jose Reyes Dela Cruz
Date of Birth : Dec. 4, 2014
: Aida Reyes Dela Cruz
Date of Birth : May 23, 2017
Father’s Name : Pedro Silva Dela Cruz
Occupation : Postman
Mother’s Name : Maria Santos-Dela Cruz
Occupation : Teacher
Language or dialect spoken and written : Filipino
& Bicolano
Person to be contacted in case of emergency : Juana Reyes
Dela Cruz
His or her address and telephone : 0929 789 5674
Elementary : Tiaong Central School
Year
Graduated : 2003
High School : Claro M. Recto National High School
Year Graduated : 2007
College : STI – Caloocan City
Year Graduated :
2009
Degree Received :
Diploma in Customer Relationship
Special Skills : Good communication & customer service,
patient, hardworking
Company Name :
McBee Food Corporation
Position : Customer Service Crew
From :
Jun 2009 To: Dec 2009
Company Name :
Don Pedro’s Catering Services
Position : Catering Supervisor
From : Jan 2009 To:
Sep 2020
Name : Mr. Timburcio Bartolome
Company : McBee Food Corp.
Position : Branch Manager
Contact No. : 0920 023 8765
Name : Mrs. Adelaida Sandoval
Company : Don
Pedro’s Catering
Position : F & B Manager
Contact No. : 0908 968 5423
Res. Cert. No : CCI2020 12345678
Issued at : Quezon City
Issued on : January 18, 2020
SSS :
02 – 8664589 - 2
TIN :
325 566 798
000
NBI No. : 13440087
Passport No. : P3422522A
Signature
Applicant’s Signature
Let’s Apply!
Now you will get to develop your own letter, using the writing space below. You can also write your letter with a computer. You can assume a scenario of a job opening that you would like to apply for, based on your experience. It can also be an application letter to a current job opening you are interested in.
Sa ngayon, kailangan mo nang sumulat ang sarili mong liham sa pag-aapaly, gamit ang espasyo sa ibaba. Maaari ka ring gumawa ng iyong liham gamit ang kompyuter. Maaari kang magkunwari na ikaw ay mag-aaplay sa isang trabaho na nais mong aplayan, base sa iyong karanasan. Maaari rin itong liham sa pag-aaplay sa isang tunay na trabahong nais mong aplayan.
Note the details of the job that you are applying for below. (Isulat sa ibaba ang mga detalye ng trabahong nais mong aplayan).
Customer
Service Supervisor
5
taon o higit pang karanasang pagsisilbi sa mga parukyano
Mainam
sa pakikipagtalastasan
May
mga katangian bilang pinuno
May
kaalaman sa paggamit ng kompyuter
Marunong
gumamit ng MS Word at Excel
SAMPLE: Application Letter
October
25, 2020
G.
Policarpio Villadolid
Hapag-Kainan
sa Gitna ng Parang
Malinaw
na Batis, Parang
Lungsod
ng Marikina
Ginoong Villadolid:
Nasabi ng aking kaibigang nagtatrabaho sa inyong kumpanya na kayo ay nangangailangan ng mga kawani sa inyong bubuksang bagong sangay sa Lungsod ng Pasig. Mangyaring sumulat ako upang mapabilang bilang aplikante sa posisyong Customer Service Supervisor.
Nag-aral ako ng Customer Relationship sa STI – Caloocan at nagtapos na kabilang sa limang may pinakamatataas na marka. Upang mahasa ang aking kaalaman sa pagbibigay serbisyo sa mga parukyano , dumalo ako sa iba’t ibang pagsasanay, simposium, at talakayan. Kalakip nito ang aking mga sertipiko at pagkilalang tinanggap.
Naniniwala akong napunan ko ang inyong pangangailangan sa posisyong inaaplayan dahil taglay ko ang mga katangiang hinahanap. Maliban sa aking edukasyon at kasanayang nabanggit, marunong din akong makaipag-usap nang maayos sa aking mga kasamahan lalo’t higit sa mga kustomer. Dagdag pa rito, marunong akong gumamit ng kompyuter at ng mga Microsoft softwares tulad ng Excel, Word, PowerPoint, at Outlook. Marunong din akong gumawa at magpadala ng mga email.
Lampas sampung taon akong nagtrabaho bilang Catering Supervisor subali’t dahil sa pandemya ay nagsara ang aming kumpanya matapos dapuan ng sakit at mamatay ang may-ari. Ang mahaba kong serbisyo sa iisang kumpanya ay nagpapatunay lamang ng aking pagiging matapat at dedikadong empleyado.
Kalakip ng liham na ito ang aking bio-data para sa
inyong masusing pagkilatis. Ako po ay handa sa isang panayam na inyong itatalaga.
Lubos
na gumagalang,
Signature
Jose
Dela Cruz
Aplikante
Sharing is caring
Review your bio-data and your application letter carefully one more time before sharing them with three people. These can be your family members, your friends or professionals in your community whom you know well for comments and feedback on any improvement you can make. Summarize their comments here.
Maingat na suriing muli ang iyong bio-data at liham sa pag-aaplay ng trabaho bago ang mga ito ay ibahagi sa tatlong tao. Ang mga ito ay maaaring miyembro ng iyong pamilya, mga kaibigan, o mga propesyonal sa iyong pamayanan na kilala mo para sa mga komento at puna upang mapabuti pa ang iyong ginawa. Ibigay ang buod ng mga komento dito.
Reviewer |
Feedback on the Bio-data |
Feedback on the Application Letter |
Juana Dela Cruz (Ate) |
Malinis at Kumpleto |
Direkta sa punto |
Romeo Macaspac (Matalik na kaibigan) |
Malinaw |
Nakapanghihikayat |
Tessie Lagmay (Guro) |
Mainam ang pagkakasulat |
Simple subali’t nakalulugod basahin; natugunan ang pangangailangan ng trabaho |
No comments:
Post a Comment