Monday, October 26, 2020

GUIDES on ANSWERING Activity 3 of ALS Life Skills Module 4 - Work Habits & Conduct

 SESSION 1: LOOKING FOR JOB OPPORTUNITIES

Activity 3: The Job Interview

Reflect on previous job interviews. What was it like? What went well and what did not? If you do not have previous experience, you may leave this section blank.

            Magbalik-tanaw sa iyong mga nakaraang job interviews. Ano ang pakiramdam? Ano ang naging maayos at ano ang hindi? Kung hindi ka pa nakaranas ng isang panayam sa trabaho, hayaan blanko ang espasyong ito.

          Magkahalong kaba at pananabik ang aking naramdaman nang ako ay huling nainterbyu sa aking inaplayang trabaho. Kaba dahil iyon ang aking unang pagsalang sa karanasang iyon. Pananabik dahil sa posibilidad na magkaroon na ako ng trabaho. Naging maayos ang daloy ng aking panayam kapag may kinalaman sa aking sarili ang tinatanong ng interviewer. Hindi lang naging maganda ang panayam kapag purong English na ang mga tanong dahil hindi ako masyadong komportableng magsalita sa English.

Let’s Exercise!

Note the details of the job that you are applying for below. (Isulat sa ibaba ang mga detalye ng trabahong iyong inaaplayan.)

  •  Customer Service Supervisor
  • 5 taon o higit pang karanasang pagsisilbi sa mga parukyano
  • Mainam sa pakikipagtalastasan
  • May mga katangian bilang pinuno
  • May kaalaman sa paggamit ng kompyuter
  • Marunong gumamit ng MS Word at Excel

Now write your answers to the potential interview questions in the space below. (Ngayon, isulat sa espaso sa ibaba ang iyong mga sagot sa mga posibleng  itatanong sa panayam.)

Tell me about yourself.

            Ako si Juan Reyes Dela Cruz, 30 taong gulang, may-asawa at 2 anak. Mayroon akong Customer Relationship diploma mula sa STI-Caloocan. Dati akong Catering Supervisor sa isinarang Don Pedro’s Catering Services. Marunong akong gumamit ng kompyuter at gamay sa paggamit ng mga Microsoft softwares tulad ng Word at Excel. Habang naghihintay ng magkaroon ng permanenteng trabaho, nag-oonline selling ako ng iba’t ibang bagay upang may maitustos sa aking pamilya.

What qualities and skills do you have that will help you perform this job?

            Maliban sa aking nabanggit na pinag-aralan at kasanayan sa paggamit ng kompyuter at mga softwares, may kasanayan ako sa pamumuno ng mga kasamahan sa trabaho. Lagi akong kalmado at magaling pakipag-usap sa mga parukyano, mapilit man ang mga ito o nagrereklamo. Isa akong team player at may kasanayan sa pakikipagtalastasan sa mga pinuno o simpleng kawani ng kumpanya.

What previous experiences do you have that are related to this position?

            Ang aking huling trabaho ay isang catering supervisor na nangangalaga sa kapakanan ng mga parukyano at namumuno sa mga tauhan. Dahil ang kumpanya ay nangangailangan ng isang customer service supervisor, sa palagay ko ay angkop ang aking higit sa sampung taong karanasan para rito.

Describe the responsibilities you had in your previous job.

            Maliban sa pamumuno sa mga tauhang nakaatang sa akin, gumagawa ako ng weekly schedule of work ng aking mga tauhan. Nakikipag-ugnayan din ako sa tagapamili upang bilhin ang mga kailangan ng aming departamento. Dagdag pa rito, gumagawa rin ako ng monthly budget at report. Nag-iinterbyu rin ako at tumatanggap ng mga bagong trabahador. Ang aking pinakamahalagang gawain ay ang makipag-usap sa mga parukyano, ibigay ang kanilang pangangailangan, sagutin ang kanilang mga katanungan, at bigyang solusyon ang kanilang mga hinaing at reklamo.

Are you familiar with this company/business/organization?

            Hindi ko pa masyadong kilala ang “Hapag-Kainan sa Gitna ng Parang” maliban sa ito ay isang kumpanyang naghahain ng mga lutong-Pilipino sa gitna ng parang o bukirin. Gayunman, napansin ko ang unti-unti nitong pagsulong dahil sa mga sangay na nakikita na sa iba’t ibang panig ng Metro Manila. Ang pag-unlad nito ang naging dahilan upang ipasya kong mag-aplay at maging bahagi ng kumpanya.

How did you learn about this company/business/organization?

            Nalaman ko ang tungkol sa inyong kumpanya mula sa isa ninyong chef na dating nagtrabaho sa aming nagsarang kumpanya. Dahil sa magagandang impormasyon at feedback na aking narinig sa kanya, lalo akong naging interesadong mag-aplay.

Why do you want this job?

            Kailangan ko ang trabahong ito una dahil kailangan kong tustusan ang pangangailangan ng aking pamilya lalo na ngayong pandemya. Ikalawa, alam kong susulong pa ang aking career at magkakaroon ng mga kasanayan sa inyng kumpanya. Ikatlo, batid kong maibabahagi ko ang aking kaalaman at kasanayan sa trabahong ito.

What are your strengths and weaknesses?

            Tulad nang nasabi ko na, magaling akong makipag-usap sa mga parukyano gayundin sa mga pinuno at kawani ng kumpanya. Masipag ako at marunong makisama sa iba’t ibang uri ng tao. Ang kahinaan ko ay masyado akong dibdiban sa pagtatrabaho kung kaya’t pagkaminsan ay nalilipasan na ako ng gutom.

Why should we hire you?

            Maliban sa angkop ako sa trabaho dahil sa angkin kong kaalaman, kasanayan, at karanasan, batid ko sa aking sarili na magiging asset ako ng inyong kumpanya sa ilalim ng inyong pagpapatnubay sanhi upang ako ay inyong tanggapin. Dahil sa aking pagiging tapat at dedikado sa trabaho at propesyon, makatutulong ako upang lalo pang umunlad at makilala ang “Hapag-Kainan sa Gitna ng Parang.”

What are the questions about the job or the organization that you may ask?

            Nais kong malaman ang ilan sa mga benepisyong tinatanggap ng inyong mga kawani at ang inyong mga polisiya tungkol sa promosyon at retirement upang maiayon ko ang aking pagtatrabaho at mga plano sa buhay. Nais ko ring mabatid ang mga pinuno ng kumpanya upang lubos ko silang makilala at maging inspirasyon ang kanilang naging buhay-buhay at gawin kong halimbawa.

Reflect on how you did in the exercise. Make a note of what went well, what can be better and how to improve them in the space below. Feel free to go back and revise the answers to the questions if needed.

            Magbalik-tanaw sa iyong ginawa sa pagsasanay. Isulat sa espasyo sa ibaba ang mga bagay na naging maayos, ano ang dapat pang pagbutihin, at kung paano maisasaayos ang mga ito. Kung kinakailangan, malaya kang rebisahin o baguhin ang iyong naging sagot.

            Naging maayos naman ang takbo ng panayam. Ang dapat lang baguhin ay ang pagiging handa at pangangalap ng marami pang impormasyon hinggil sa kumpanyang papasukan.   

Think about it!

Ask a family member or a friend to be a practice partner for the job interview. If you are doing the practice interview face to face or via video call, you should dress-up accordingly to truly depict an actual job interview.

            Hilingin sa isang miyembro ng pamilya o isang kaibigan bilang practice partner para sa isang job interview. Kung ang gagawing panayam ay face to face o sa pamamagitan ng video call, kailangang angkop ang iyong pananamit upang maipakita ang isang tunay na panayam sa trabaho.

Reflect on how you did in the second round of interview with a family member or a friend as the interviewer. Make a note of the key learnings and useful feedback.

            Magbalik-tanaw kung ano ang nangyari sa iyong ikalawang panayam kung saan  isang kapamilya o kaibigan ang naging interviewer. Isulat ang mahahalagang natutunan at mga kapakipakinabang na puna o feedback.

            Sa aking naging ikalawang practice interview, mas higit akong naging kampante bilang isang aplikante. Maayos kong nasagot ang mga katanungan ng aking Ate Isabel na siyang tumayong interviewer. Dahil dito ay nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili. Napag-alaman ko na mas magiging kalma sa pagsagot ang isang aplikante kung napaghahandaan ang isang panayam sa pamamagitan ng isang praktis. Isa pa, nabibigyan pa ako ng aking Ate nang mga tips kung paano sagutin ang isang tanong at ng tamang pagbigkas ng mga sarili at grammar. Kailangan din sa isang panayam na iwasan ang paligoy-ligoy at maging direkta sa pagsagot. Makatutulong din ang pagiging tapat sa pagsagot sa mga tanong na wala kang kaalam-alam o impormasyon. Dapat lamang na ibigay mo ang rason para rito.

Let’s Apply!

Ask a professional in your community whom you know well whether they can give you a mock interview. You might need to ask a few people before you can find someone who is available. If you are doing the mock interview face to face or via video call, you should dress-up accordingly to truly depict an actual job interview.

            Hilingin mo sa isang kakilalang propesyonal sa inyong lugar kung maaari kang bigyan ng isang mock interview. Maaari kang kumausap ng ilang tao bago ka makahanap ng isang taong may oras para rito. Kung ang gagawing kunwaring panayam ay face to face o sa pamamagitan ng video call, kailangang angkop ang iyong pananamit upang maipakita ang isang tunay na panayam sa trabaho. 

Reflect on how you did in the third round of interviews. Make a note of the key learnings and useful feedback.

            Magbalik-tanaw kung ano ang nangyari sa iyong ikatlong panayam. Isulat ang mahahalagang natutunan at mga kapakipakinabang na puna o feedback.

            Isang face to face interview ang naganap sa pagitan ko at ng aming kapitbahay na English teacher. Ito ay naganap noong Linggo ng hapon kung kailan siya ay available. Bago naganap ang aming kunwaring panayam, tinawagan ko muna siya at sinabi ko ang aking pakay. Pinagbigyan naman niya ang aking hiling at itinakda nga ang aming mock interview.

            Pinaghandaan ko ang interbyung iyon. Nagsuot ako ng long-sleeves polo shirt, itim na pantalon, at balat na sapatos na animo ay talagang sasabak ako sa isang tunay na job interview. Nag-umpisa ang panayam sa palitan ng batian sa isa’t isa.

            Nasagot ko naman nang mahusay ang mga tanong ng guro. Mas kampante ako at lubos ang kumpiyansa sa sarili sa pagkakataong ito. Nakatulong ang pagbabasa ko ng modyul tungkol kung paano ang aking dapat ikilos at gawin sa pagkakataong iyon. Malaki ring tulong ang paghahanda ng mga sagot sa posibleng mga tanong na maaaring itanong ng interviewer.

            Sa huling bahagi ng interbyu ay nagpasalamat ako sa kakilalang guro. Binigyan ko rin siya ng isang chocolate bilang pasasalamat sa pagbibigay niya ng oras sa akin.

            Bago umalis ay hiniling ko sa kanya na magbigay ng puna o feedback tungkol sa naganap na interview. Matapat naman siyang nagbibigay ng kanyang obserbasyon. Sabi niya ay huwag kong masyadong ilalayo ang aking mata habang nakikipag-usap. Dapat daw ay lumabas lang na kaswal ang pag-uusap at huwag ipahalatang sinaulo ang mga sagot. Pag-aralan ko raw ang maging mas kalmado pa upang maging tuloy-tuloy ang daloy ng aking pagsasalita. Pinahiram din niya ako ng libro tungkol sa English grammar upang mapabuti ko pa ang aking pagsagot at pagsasalita. Muli akong nagpasalamat sa kanya.