Monday, November 9, 2020

GUIDES & SAMPLE ANSWERS of Activity 3 & 4 of ALS MyDev Life Skills Module 2 - Interpersonal Communication

 Module 2: Interpersonal Communication

“Sa komunikasyon mahalaga ang unang impresyon.”

The first impression you give is important in communication.

SESSION 1: LISTENING AND SPEAKING EFFECTIVELY

Activity 3: Effective Listening 

Read the story about a workplace situation described below. Invite 2 of your family members, friend or home companions to do a role play. Assign them to take the roles pf the characters mentioned in the scenario. (Basahin ang kuwento tungkol sa isang sitwasyon  sa isang pinagtatrabahuhan na inilarawan sa ibaba. Mag-imbita ng 2 miyembro ng iyong pamilya, kaibigan o kasamahan sa bahay na magsagawa ng isang role play. Italaga sila sa iba’t ibang papel na gagampanan sa binanggit na senaryo. )

Omar is a front desk worker at Lantaka Hotel. He is responsible for checking guests in, answering the phone, and responding to the needs of hotel guests. He and his sister Sitti have been having some misunderstanding lately so he has been distracted at work. An angry guest from room 202 comes to the desk to complain about dirty sheets. While the guest was complaining, Omar’s mobile phone rings.

It was his sister. He asks the guest to wait for a minute but he ends up getting into a heated discussion with Sitti. The guest becomes annoyed and says she is going to go out and expects clean sheets by the time she returns in her hotel room. Omar nods his head in agreement and says, “No problem, it will be taken care of”. He continues with his phone conversation and he is quite upset when he gets off. Things start to get busy at the hotel -‐‐the hotel phone keeps ringing and a busload of guests arrives to check-in. The guest from room 202 returns, gets her key and within minutes she went down in the lobby shouting that her dirty sheets have not been replaced.

Read the following questions and write your answers below based on your understanding of the scenario. (Basahin ang mga sumususunod na tanong at isulat ang iyong mga sagot ayon sa pagkakaunawa mo sa senaryo.)

1.     What is the scenario all about?  (Tungkol sa ano ang senaryo/eksena?)

Ito ay tungkol sa isang bisita ng otel na nagrereklamo dahil marumi ang kanyang kumot at tuluyang nagalit sa bandang huli dahil hindi pinakinggan ang kanyang hiling.

2.     Can you identify any misunderstanding? (Matutukoy mo ba ang hindi pagkakaunawaan?)

Hindi natupad ni Omar ang kanyang pangako sa bisita ng otel na papalitan niya ang maruming kumot nito kaya nagalit ito.

3.     Why did this situation happen? (Bakit nangyari ang sitwasyong ito?)

Nangyari ang hindi pagkakaunawaang ito dahil hindi inintindi at nakalimutan ni Omar ang hinihiling ng bisita dahil sa pagtatalo nila ng kanyang kapatid sa telepono at kalaunan ay pagiging abala niya sa pagtatrabaho.

4.     Has a similar situation happened to you? Have you ever not listened to someone who was speaking to you? Have you experienced speaking and the other person was not listening to you? What happened? (Nangyari na ba sa iyo ang ganitong eksena? May pagkakataon bang hindi ka nakikinig sa kumakausap sa iyo? Naranasan mo na bang magsalita at ang kausap mo ay hindi nakikinig sa iyo? Ano ang nangyari?)

Naranasan ko ang pagbabalewala sa sinasabi ng aking kasamahan sa trabaho dahil may kaingayan sa aming paligid dahilan upang bigla niya akong iwan.

Naranasan ko rin na makipag-usap sa isang kaibigan na kunwari ay nakikinig sa akin, habang ito ay may kausap sa kanyang cell phone. Ang nangyari, hindi siya nakasama sa aming picnic dahil hindi pala pumasok sa kanyang isip ang aming pinag-usapan.

5.     If you were one of the characters, what will you do to avoid such a situation? (Kung ikaw ay isa sa mga tauhan, ano ang iyong gagawin upang maiwasan ang ganitong sitwasyon?)

Kung ako ang bisita, hindi ako aalis sa harap ni Omar hangga’t hindi napapalitan ang aking maruming kumot. Kung ako naman si Omar, hindi ko muna sasagutin ang tawag ni Sitti at uunahin ko ang hiling ng bisita.

2.1 Effective Listening Observation Checklist

Identifying effective listening skills and strategies: Read the statement in the table below one at a time. Check Yes if you use or practice the standard in your real-life situation, and check No if you don’t.  (Pagkilala sa mga mabisang kasanayan at istratehiya sa pakikinig. Basahin isa-isa ang ang pangungusap sa table sa ibaba. I-tsek ang “Yes” kung ginagamit mo o pinapraktis mo ang pamantayan sa iyong tunay na buhay, at i-tsek ang “No” kung hindi.

Standards

Yes

No

Do you use appropriate body language to show you are listening? (eye  contact, sit upright, nod head, etc.) (Gumagamit ka ba ng naaangkop na kilos ng katawan upang ipakita na ikaw ay nakikinig? (pag-upo nang matuwid, pagtango ng ulo, atbp.)

ü

 

Do you listen to the speaker without interrupting? (Pinakikinggan mo ba ang nagsasalita nang hindi nakakagambala?)

ü

 

Do you repeat what the speaker has said to make sure you have  understood correctly? (Inuulit mo ba ang sinabi ng tagapagsalita para masigurong tama ang iyong pagkakaintindi?)

 

ü

Do you ask questions for clarification when you do not understand something? (Humihingi ka ba ng paliwanag kung hindi mo nauunawaan ang isang bagay?)

ü

 

Do you avoid being distracted by noises, mobile phones, or by what other people are doing? (Iniiwasan mo bang magambala ka ng mga ingay, pag-uusap sa cell phone, o kung ano ang ginagawa ng ibang tao?)

 

ü

Do you avoid being distracted by the mannerisms, speaking style, clothing of the person speaking? (Iniiwasan mo bang magambala ng manerismo/nakagawian, istilo ng pananalita, pananamit ng nagsasalita?)        

ü

 

Are you aware of your own attitude & do you avoid being judgmental? (May kamalayan ka ba sa  iyong sariling pag-uugali at iniiwasan mo ba ang maging mapanghusga?)

ü

 


Count your YES and NO answers. If you have more YES answers, then most likely you are practicing good listening skills! (Bilangin mo ang mga sagot mong YES at NO. Kung mas marami ang sagot mong YES, nangangahulugan nito na pinapraktis mo ang mabuting kasanayan sa pakikinig!)

Let’s Apply!

Ask your family members, home companions or friends to do a role play with you. You can choose from the 2 role play scenarios described below. You may change the name of the characters to your real names or other names as you wish. Your conversation or dialogue in the role play must be according to the standards found in the Effective Listening Observation Checklist (Be sure to share the checklist with your role play partner beforehand!).

Hilingin sa mga miyembro ng pamilya, mga kasama sa bahay o mga kaibigan ang magsagawa ng isang “role play”/dula-dulaan/skit. Maaari kang pumili sa 2 senaryo/eksena na inilarawan sa ibaba. Puwedeng palitan ang mga pangalan ng mga tauhan ng inyong mga pangalan o ibang pangalan na nais ninyo. Ang inyong usapan o dialog sa role play ay nararapat na naaayon sa mga pamantayan na makikita sa Effective Listening Observation Checklist. [Siguraduhing ibahagi ang checklist sa mga tauhan sa dula bago simulan ang pagtatanghal.]

Role Play Scenario 1: At the Store

A young man named Jose works in a store selling items such as toothpastes, candles, pens, salt, sugar, and bread. He finds his boss, Maria, annoying and he tends not to listen to her all the time. One day, they had two types of bread to sell. Maria made it clear that the higher quality loaves should go for 50 pesos and the other ones for 30 pesos. All morning many customers came in to buy bread. Jose sold all loaves for the same price -‐‐ 30 pesos. When Maria returned, she realized that Jose sold the good quality bread for only 30 pesos. She got angry and said she would make Jose pay the difference.

Role Play Scenario 2: At the Construction Site

Patrick is new in his job at Candace Construction. His job is to mix cement for a wall that they are building. His supervisor had told him that for every bag of cement he should mix in 5 bags of sand. Distracted by all the noise around him, he couldn’t remember the number of bags of sand to add to the cement. He feared he would lose his job if he asked the supervisor again, so he did what he thought was right – 10 bags of sand for every bag of cement. After the wall had been up a few days, the wall crumbled.                            

Think about it!

Once the role play is over, encourage the role players (family member, home companion or a friend) to express your respective opinions about the story you just role-played together. You may wish to start a discussion with them on a later time either face to face, via text, chat, or whatever means available and comfortable to you. It’s always great to share your ideas and hear more points of view. (Pagkatapos ang isinagawang dula-dulaan, hikayatin ang mga gumanap (miyembro ng pamilya, kasama sa bahay o kaibigan) na isiwalat ang kani-kanilang opinyon/pananaw ukol sa kuwento. Puwede ring gawin ang talakayan sa ibang oras sa pamamagitan nang harapan, via text, chat, o anumang paraan na magagamit at komportable sa iyo. Laging mainam na ibahagi ang iyong mga ideya at pakinggan ang mas maraming pananaw.)

The following guide questions may help you in your discussion: (Makatutulong ang mga sumusunod na tanong sa inyong talakayan?)

1.       What did it feel like to be in a conversation where you failed to understand something that the other person is trying to say? (Ano ang iyong naging pakiramdam sa inyong pag-uusap kung saan hindi mo naintindihan ang nais sabihin ng ibang tao?)

          Kapag hindi ko maintindihan ang nais sabihin ng iba, tila nagkakaroon ako ng panliliit sa aking sarili. Iniisip ko tuloy kung may kahinaan ba ang aking isip o sadyang malabo ang nais ipahatid na mensahe ng aking kausap. Sa ganitong pagkakataon, dapat kong ipaulit sa aking kausap ang nais niyang sabihin o hinggan siya ng dagdag na paliwananag. Maaari ko ring ipaulit sa kanya ang kanyang sinabi upang matiyak na iyon nga ang nais niyang sabihin.

2.       What did you observe about our body languages while talking to each other? (Ano ang iyong naging obserbasyon tungkol sa mga body languages/mga ibig ipahiwatig ng ating katawan habang tayo ay nakikipag-usap sa isa’t isa?)

          Iba-iba ang ibig sabihin ng mga pagkilos ng katawan ng isang tao habang nagsasalita. Kailangan nating magkaroon ng kamalayan dito upang maiayon natin ang ating pakikipag-usap sa ibang tao.

3.       What conclusions can we make about how to be an effective listener? (Ano ang ating mga naging konklusyon hinggil sa kung paano ang maging isang mabisang tagapakinig?)

          Upang magkaroon ng mabuting pakikipagtalastasan, ang mga tao ay kailangang marunong rumespeto sa kausap at maging mabuting tagapakinig. Kailangan nilang magtanong upang malinawan ang napag-usapan.

4.       What other tips can you offer for us to become effective listeners? (Ano pang mga payo/gabay ang iyong maiaalok sa lahat upang maging mga mabisa/epektibong tagapakinig?)

          Ang mga payong aking maiaalok upang maging mabisang tagapakinig ay ang mga sumusunod:

          1. Umupo nang tuwid kapag nakikinig sa isang pagpupulong o talakayan.

          2. Iwasang magambala ang nagsasalita o mga tao sa paligid sa pamamagitan ng pagpatay sa hawak na telepono, pagkausap sa katabi kung hindi kinakailangan, at magpapakita ng mga kilos ng katawan na hindi angkop.

          3. Tapusin munang magsalita ang tagapagsalita bago ihayag ang salunggat na opinyon tungkol sa paksa.

          4. Ulitin ang sinabi ng kausap upang matiyak na pareho ang inyong pagkakaunawa sa pinag-usapan.

          5. Humingi ng dagdag impormasyon kung hindi masyadong naintindihan ang sinabi ng kausap.

          6. Huwag agad maging mapanghusga at magambala sa pananamit, nakaugaliang galaw o kilos, ibang pananaw ng nagsasalita.

Activity 4: Effective Speaking        

Get any object nearest to you (e.g. book, mobile phone) or a blank sheet of paper and draw something that comes to your mind first. Look for a family member. In 2 minutes, describe the object you chose or the picture you drew. Your task is to clearly convey the importance of the object or drawing in your daily life. Convince the listener/s of its importance. Keep checking to see his/her interest in the object and adjust your approach accordingly! (Kumuha ng isang bagay na malapit sa iyo (halimbawa: aklat, cell phone) o blankong papel at gumuhit ng kahit anong bagay na unang puamsok sa iyong isip. Humanap ng isang miyembro ng pamilya. Sa loob ng 2 minuto, ilarawan ang bagay na iyong napili o bagay na iyong ginuhit. Ang iyong pakay ay ihatid nang malinaw ang kahalagahan ng bagay o iginuhit sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kumbinsihin ang iyong tagapakinig/mga tagapakinig ang kahalagahan nito. Panatilihin ang kanilang interes sa bagay at iayon ang iyong pamamaraan!)

Reflect on the experience, using the questions below. (Magbalik-tanaw sa naging karanasan, gamit ang mga katanungan sa ibaba.)

1.       What lesson or lessons did you get from the activity above? (Ano o anu-ano ang mga leksyon/aral na nakuha mo sa gawain sa itaas?)

          a. Kailangang malakas at malinaw ang iyong pagsasalita upang maunawaan ng nakikinig ang iyong sinasabi.

          b. Magkaroon ng kamalayan sa mga ikinikilos ng kausap upang maiayon mo ang iyong pagsasalita.

          c. Kailangang gumamit ng iba’t ibang body language upang makatulong na ibahagi mo ang iyong mensahe.

2.       What will happen if we do not speak clearly? (Ano ang mangyayari kapag hindi tayo nagsasalita nang malinaw?)

          Kapag hindi tayo nagsalita nang malinaw, hindi natin maihahatid sa tagapakinig ang nais nating iparating. Hindi makukuha o mauunawaan ng ating kausap ang ating sinasabi kapag hindi malinaw ang ating pagsasalita. Maaaring magdulot din ito ng kalituhan.

3.       Were you able to give a clear message? (Nakapagbigay ka ba ng malinaw na mensahe?)

          Naibigay ko naman ng malinaw ang akin mensahe matapos ko itong ulit-ulitin sa kanila dahil may pagkakataong maingay sa paligid o kaya ay may gumagambala sa kanilang pakikinig.

4.       What were some of the effective speaking strategies that you used? (Anu-ano ang ilan sa mga istratehiya ng mabisang pakikinig ang iyong nagamit?)

          Ang ilan sa mga istratehiya ng mabisang pakikinig ang aking nagamit ay ang mga sumusunod:

          a. Gawing malinaw, maikli, at direkta ang mensaheng nais iparating.

          b. Magbigay ng mga halimbawa kung hindi agad naunawaan ang sinasabi.

          c. Maging magalang, matapat, at magiliw habang nagsasalita.

          d. Magsalita ng may kumpiyansa sa sarili subali’t hindi ng may kahambugan.

          e. Iayon ang sarili sa sitwasyon, kalagayan/pakiramdam at pag-uugali ng kausap.

          f. Magkaroon ng kamalayan sa iyong mga kilos o mga kilos na nais ipabatid ng kausap.

5.       What was the reaction of the listener to you? (Ano ang naging reaksyon ng nakikinig sa iyo?)

          Sa simula ay interesado ang aking mga tagapakinig subali’t habang lumalaon ay hindi na sila masyadong interesado sa aking sinasabi.

6.       How did you adjust your approach if you found the listener was not so interested in your object or drawing? (Paano mo binago ang iyong pamamaraan nang makita mong hindi masyadong interesado sa bagay na hawak mo o sa iyong iginuhit ang iyong tagapakinig?)

          Upang manumbalik ang kasiglahan ng aking mga kausap, nilalakasan ko ang aking pagsasalita o kaya ay nagdaragdag ako ng mga kaiga-igayang pananalita na nagpapasaya sa kanila. Kung magkaminsan naman ay sadyang humihinto ako sa pagsasalita upang tanungin sila kung may mga bagay silang hindi nauunawaan sa aking mga sinabi.

7.       What kind of body language did you use? (Anong body language/pahiwatig ng katawan ang iyong ginamit?)

          Ang ilan sa aking ginamit na body language ay ang paglalapat ng aking dalawang daliri sa aking bibig upang sawayin ang kanilang pag-uusap; pagkunot-noo kapag hindi sila nakikinig; at pagngiti o pagpalakpak upang makuha ang kanilang atensyon.

8.       What are some of the things that you as a speaker can use next time to be a more effective speaker? (Ano ang ilan sa mga bagay bilang isang tagapagsalita ang iyong gagamitin sa susunod na panahon para maging mas mabisang tagapagsalita?)

          Upang maging mas mabisa pang tagapagsalita sa susunod na panahon, kailangan ko ng mas maraming kaalaman ukol sa bagay/paksa na aking ipinahahayag. Dapat ko pa ring alamin ang mga paraan upang maging mas malinaw at kaiga-igaya ang aking pagsasalita, halimbawa, kung paano ang tamang bigkas, tono, o ritmo ng bawa’t salita, atbp.                       

 Let’s Exercise!

Read the statements one by one and put a ü if the statement is about effective speaking and û if not. (Basahin ang mga pangungusap nang isa-isa at lagyan ng ü  kung ang mga pangungusap ay ukol sa mabisang pagsasalita at û  kung hindi.)

1

I need to use positive and constructive words. (Kailangan kong gumamit ng mga positibo at konstraktibong salita.)

ü

2

I always check the mood and attitudes of my listeners. (Lagi kong sinusuri ang pakiramdam/kamalayan at mga pag-uugali ng aking mga tagapakinig.)

ü

3

I should always be respectful when I speak to elders, but not so much when I speak to those of a younger age. (Dapat ay palagi akong magalang sa aking pakikipag-usap sa nakatatanda sa akin, hindi masyado kung ang aking kausap ay nakababata sa akin.)

û

4

Honesty is one of the strategies to become an effective speaker (Ang pagiging matapat ay isa sa mga istratehiya upang maging mabisang tagapagsalita)

ü

5

Body language must be observed when speaking. (Ang ikinikilos ng katawan ay kailangang pansinin kapag nagsasalita)

ü

6

I will speak fast so I can finish early on so I can entertain more questions. (Magsasalita ako nang mabilis upang makatapos agad nang sa gayon ay masagot ko ang mas maraming mga katanungan)

û

7

I should be clear, brief and direct to the point when speaking. (Kailangan kong maging malinaw, maikli lang, at walang paligoy-ligoy kapag nagsasalita)

ü

8

I should know what I want to say in advance and prepare when possible. (Dapat ay alam ko na ang aking sasabihin sa umpisa pa lamang at makapaghanda kung kinakailangan.)

ü

9

I will avoid arrogance and maintain confidence when speaking. (Iiwasan ko ang kahambugan at mananatiling may tiwala sa sarili habang nagsasalita.)

ü

10

I will try to avoid respect when I needed to speak direct messages. (Susubukin kong iwasan ang pagiging magalang kapag kailangang kong magsalita nang diretsahan.)

û


Sharing is caring

This section encourages you to express your opinions to family and friends. Start a discussion with them face to face, via text, chat, or whatever means available and comfortable to you. It’s always great to share your ideas and hear more points of view. (Ang seksyon na to ay humihikayat sa iyo na ipahayag ang iyong mga pananaw sa iyong pamilya at mga kaibigan. Simulan ang talakayan sa pamamagitan nang harapan, via text, chat, o anumang paraan na magagamit at komportable sa iyo. Laging mainam na ibahagi ang iyong mga ideya at pakinggan ang mas maraming pananaw.) 

1.       How can my learning today help me become confident and effective in speaking? (Paano makatutulong sa akin ang aking natutunan ngayon upang ako ay maging tiwala at mabisa sa pagsasalita?)

          Dahil sa aking natutunan ngayon, nagkaroon ako ng sapat na kamalayan upang matanto ko kung ano ang aking naging kakulangan habang kinakausap ko ang iba. Sanhi ng mga kasanayan sa pakikipag-usap na aking natutunan, magagamit ko ito upang mapalakas ang aking kumpiyansa sa sarili at maging mabisang tagapagsalita. Dahil sa kamalayan sa mga ikinikilos ng iba, maiaayon ko ang aking mga kilos at pananalita sa kanila upang maihayag ko ang aking damdamin at saloobin nang mas malinaw.

2.       How important are effective speaking skills at home? School? Workplace? (Gaano kahalaga ang mga mabisang kasanayan sa pagsasalita sa tahanan? Paaralan? Pinagtatrabahuhan?)

          Mahalaga ang mabisang pakikipag-usap sa tahanan upang maging malinaw at tumpak ang nais ipahayag ng isang miyembro ng pamilya. Maiiwasan din ang samaan ng loob kapag naihayag nang maayos ng isang kasapi ang kanyang damdamin at pananaw sa isa pang miyembro ng pamilya.

          Importante ang pagsasalita nang mabisa sa loob ng paaralan upang makuha po ang interes ng iyong guro at mga kaklase. Mahalaga rin ito upang malinaw mong maipahayag sa mga tagapakinig ang iyong pananaw at ideya. Kailangang may kasanayan sa mabisang pakikipag-usap ang isang guro upang maunawaan agad ng mga mag-aaral ang mga aralin at maging kaiga-igaya ang mga talakayan.

          Mahalaga rin sa pinagtatrabahuhan ang mga kasanayan ng mabisang pagsasalita nang sa gayon ay maibahagi mo ng malinaw at tumpak sa isang namumuno o kapwa manggagawa ang iyong sariling pananaw o bagong ideya. Kailangan din ito upang maiwasan ang anumang samaan ng loob o kapahamakan sa loob ng pagawaan dahil sa hindi pagkakaunawaan.