Thursday, December 10, 2020

GUIDES on ALS Life Skills Module 2 - Interpersonal Communication - Activity 6 & 7

 Module 2: Interpersonal Communication

“Sa komunikasyon mahalaga ang unang impresyon”

The first impression you give is important in communication.



SESSION 2: COOPERATING WITH OTHERS

Activity 6: Self-Assessment of Working in Groups

Look at the picture and imagine that you are observing workers and their supervisor building a house. Write your observations following the questions below: (Masdan ang larawan at imadyinin na ikaw ay nagmamasid ng mga manggagawa at superbisor na gumagawa ng isang bahay. Isulat ang iyong mga obserbasyon/nakita alinsunod sa mga tanong sa ibaba:)


·                 What do you see in the picture? (Ano ang nakikita mo sa larawan?)

            Nakikita ko sa larawan ang isang grupo ng mga manggagawa habang ginagampanan ang kani-kanilang tungkulin sa isang ginagawang bahay.

·                 Do the workers take on different roles? What are they? (Ang mga trabahador ba ay may kanya-kanyang gawain? Anu-ano ang mga ito?)

            Ang mga trabahador ay may kani-kaniyang gawain. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

            1. Nagpuputol ng mga kahoy

            2. Naglilinis na pinagtatrabahuhan

            3. Gumagawa/Nagbabasa ng plano

            4. Pinangangasiwaan ng foreman ang pagpapagawa

·                 Do you think the task of building a house is easy to accomplish? Why or why not? (Sa palagay mo ba ay madaling magawa ang pagpapatayo ng isang bahay? Bakit o bakit hindi?)

            Hindi madali ang pagpapatayo ng isang bahay. Kailangang may koordinasyon ang bawa’t manggagawa upang madaling matapos at maging polido ang bahay. Kailangan nila ang makipag-usap sa isa’t isa sa bawa’t hakbang ng paggawa. Kailangan din ang isang pinuno/lider/foreman na magmamatyag upang masigurong tama sa panuntunan sa paggawa at kaligtasan ang bahay na itinatayo gayundin ang pagsunod ng lahat ng trabahador sa mga pagkalusugan at pangkaligtasang tuntunin upang maiwasan ang mga disgrasya at panganib.

·                 Does the task of building the house become easier if the workers do their own task well? Why or why not? (Mapapadali bang magawa ang pagpapatayo ng isang bahay kung ang mga trabahador ay ginagawa ang kani-kanilang mga tungkulin nang maayos? Bakit o bakit hindi?)

            Mas mapapadaling maitayo ang isang bahay kung ang bawa’t manggagawa ay ginagawa nang maayos ang kani-kaniyang tungkulin dahil maiiwasan ang anumang abala/sagabal na maaaring makaapekto sa gawain ng iba pang kasapi sa grupo. Magiging maayos din ang koordinasyon dahil dito at maiiwasan ang dagdag gastos kung sakali.

·                 Describe the role communication plays in the workers’ ability to successfully build a house. (Ilarawan ang papel ng pakikipagtalastasan sa kakayahan ng mga manggagawa upang matagumpay na itayo ang isang bahay.)

            Mahalaga ang papel ng komunikasyon sa kakayahan ng mga mangggaawa upang maitayo ang isang bahay. Dahil sa pakikipagtalastasan, nauunawaan ng bawa’t trabahador ang kahalagahan ng kaniyang tungkulin upang matapos agad ang proyekto. Malalaman din niya ang posibleng aberya o sagabal sa iba kung sakaling hindi niya maayos na ginawa ang gawaing nakaatang sa kanya. Matututunan din niya ang kahalagahan ng mga pangkalusugan at pagkaligtasang tuntunin upang mapabuti pa niyang lalo ang kanyang kaalaman. Mahalagang makipagtalastasan ang isang trabahador sa iba upang maisawalat niya ang anumang problemang kinakaharap at mabigyan ng solusyon o makapamungkahi ng makabagong pamamaraan at masuri ito ng mga kasamahan upang mapabuti at mapabilis ang paggawa.

Think about yourself when working in a group. Do you perform your task well? Why or why not? How do you describe yourself working in a group? (Isipin ang iyong sarili kapag nagtatrabaho sa isang grupo. Ginagawa mo ba ang iyong gawain nang maayos? Paano mo ilarawan ang iyong sarili na nagtatrabaho sa isang grupo?)

            Bilang kasapi ng isang grupo, maayos kong ginaampanan ang mga gawaing nakaatang sa akin. Iginagalang ko at nirerespeto ang ideya/panukala ng bawa’t isa kasalungat man ang mga ito sa aking sailing ideya/panukala. Sinusunod ko rin ang napagkasunduan ng grupo. Hinihikayat ko rin ang ibang miyembro na isiwalat ang kanilang mga saloobin gaano man ito kababaw o kalalim.

Let’s Apply!

2.4: Working in Groups Self- Assessment

Complete the table below by reading the list and checking three (3) boxes that best describe how you work in a group. (Kumpetuhin ang table sa ibaba sa pamamagitan ng pagbabasa sa listahan at pagtsetsek ng tatlong kahon na pinakamahusay na naglalarawan kung paano ka nagtatrabaho sa isang grupo.)

 

In groups, do you mostly tend to: (Sa mga grupo, ikaw ba ay madalas na:

Check 3 boxes

1.

Stay quiet for some time and then join in? (Tumahimik muna at makiisa pagkatapos?)

q

2.

Feel uneasy/uncomfortable and wish you were working alone? (Nakararamdam ng di-mapakali/di-komportable at hilingin na mag-isa kang nagtatrabaho?)

q

3.

Want to lead? (Nais mamuno/maging lider?)

q

4.

Encourage others to make contributions? (Humihikayat sa iba na magbigay ng kontribusyon/ambag?)

qü

5.

Come up with new ideas? (Nakaiisip ng mga bagong ideya?)

q

6.

Interrupt others to ensure your point is made? (Makisingit upang masigurong manaig ang iyong punto?)

q

7.

Keep the group focused on the task at hand? (Masigurong ang grupo ay nakatuon sa kasalukuyang gawain?)

qü

8.

Make everyone relaxed and promote harmony? (Pakalmahin ang lahat at itaguyod ang pagkakasundo?)

q

9.

Get frustrated when there is too much talk and not enough decisions and

q

 

action? (Naaaburido kapag napakaraming usapan at walang anumang desisyon at aksyon?)

 

10.

Make peace between those team members strongly disagreeing with

qü

 

each other? (Magbatiin ang mga miyembrong lubhang nagtatalo sa isa’t isa?)

 

Activity 7: Cooperating with Others

Look at the picture below. (Masdan ang larawan sa ibaba:)


In a basketball game, there is usually a winning team and a non-winning team. Describe a winner team and a non-winner team. Also, describe the characteristics of an individual team member of the winning as well as those of the non-winning team. (Sa larong basketball, kadalasan ay may panalo at natalong koponan. Ilarawan ang isang panalong koponan at talunang koponan. Isalarawan din ang mga katangian ng isang kasapi ng nanalong koponan gayuindin ang isang kasapi ng natalong pangkat.)

Add your description to the examples given in the table below. (Idagdag ang iyong paglalarawan sa mga halimbawang ibinigay sa table sa ibaba.)

 

Winner

Non-winner

The Team

·       Has a game plan

·       Ginagawa ang pangkalahatang istratehiya upang manalo

·       May pagkakaisa o pagkakasundo

 

The Team

·       No strategy

·       Walang pangkalahatang layunin

·       Walang pagkakaisa o pagkakasundo

Individual member

·       Listens to the coach

·       Naglalaro bilang isang grupo

·       Nakikinig sa panukala ng ibang miyembro

·       Nakikinig sa kapitan ng koponan

·       Ginagawa nang mahusay ang nakaatang na gawain

 

Individual member

·       Relies on himself alone

·       Hindi pinapansin ang suhestyon ng ibang miyembro

·       Naglalaro ayon sa kanyang kagustuhan o nagkakanya-kanya

·       Hindi pinakikinggan ang coach at kapitan

 

You are now are going to do an activity that will help you to be a cooperative and effective team player. Read this scenario: (Gagawa ka ngayon ng isang gawain/aktibidad na tutulong sa iyo upang maging isang nakikiisa at epektibong kasapi ng grupo.)

Renovations are complete and your new office space is ready for people to move into. You are part of a group of co-workers who has been called together to plan the move. A leader has been selected but everybody else’s roles need to be determined. This is the first time that you and your co-workers are meeting as a group. You need to discuss the location of people’s desks, the photocopier, printers, etc. and to decorate so the office will attract customers. You all need to determine the steps necessary to accomplish the task and the roles and responsibilities of those in the group. Your co-workers say these statements at the meeting:

Karl: “I know exactly what to do. We’re wasting time listening to all ideas!”

Dan: “This is so exciting! Let’s get more computers, and also an espresso machine and TV for the reception area!”

Bea: “I have ideas, but maybe they’re not good enough. Just ask if you’d like to hear them.”

Rose: “We can do this guys. We are a team. Let’s listen to everyone’s ideas.”

Dely: “No, no, no. I don’t think we can do this. Your ideas won’t work.”

You: _________

Answer the following questions: (Sagutin ang mga sumusunod na tanong:)

1.       Write your own short statement in the thought bubble. (Isulat ang iyong maikling pahayag sa “thought bubble”?)

You: “Matatapos natin nang maayos ang gawaing ito kung tayo ay magtutulungan at magkakaisa.”

2.       What type of personality do you think Karl has? Was he helping the group make decisions? Why/why not? (Anong klaseng personalidad sa iyong palagay mayroon si Karl? Nakatulong ba siya upang makagawa ng mga desisyon ang grupo? Bakit/bakit hindi? 

            Ang personalidad ni Karl ay dominante. Hindi ito makatutulong upang makagawa ng mga desisyon ang grupo dahil ang gusto niya ay ang kanyang mga panukaya/ideya lamang ang sundin ng mga kasapi.

3.       What type of personality do you think Dely has? Was she preventing the group from making progress? How could others encourage this person to contribute to the group? (Anong klaseng personalidad sa iyong palagay mayroon si Dely? Pinipigil ba niyang makasulong ang grupo? Paano mahihikayat ng iba ang ganitong tao upang makaambag sa grupo?)

            Ang personalidad ni Dely ay “disaggreable” o antipatika. Ang pag-uugaling ito ay nakasasagabal sa pagsulong dahil hindi siya sumasang-ayon sa anumang ideya o mayroon agad negatibong reaksyon para sa mga ito. Upang mahikayat ang kasaping may ganitong personalidad, dapat maging malinaw at detalyado ang bawa’t ideya/panukalang isusulong ng ibang kasapi at ipakita ang mga bentahe ng mga ideya/panukala upang sumang-ayon ito.

4.       If you were the group leader, and you were responsible for developing the plan, what would you say? (Kung ikaw ang lider ng grupo, at responsibilidad mo ang bumuo ng plano, ano ang iyong sasabihin?)

            Bilang lider, sasabihin ko sa grupo na mahalaga ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng bawa’t kasapi upang makumpleto ang aming gawain. Pagkatapos ay hihikayatin ko ang bawa’t kasapi na ibigay ang kaniya-kaniyang ideya/panukala upang matapos ang aming gawain. Bibigyan ko ang bawa’t kasapi ng pagkakataon na ipaliwanag nang malinaw ang kanyang ideya/panukala. Sa huli, susuriin ng grupo ang bawa’t panukala/ideya upang piliin ang may pinakamaraming bentahe.

Recognize that individuals making up a team may have different personalities and approaches. Some examples of individual personalities in this activity are the following: (Kilalanin na ang mga indibidwal na bumubuo sa isang grupo ay may iba’t ibang personalidad at diskarte. Ang ilan sa mga halimbawa ng personalidad sa gawaing ito ay ang mga sumusunod:)

Group leader: a strong leader tries to speak clearly and listen effectively. The group leader needs to clearly explain the objectives to the group and keep the group on task. As the person responsible for developing the plan, the leader tries to involve all in the discussion.

Quiet / shy person: has a lot of very good ideas but won’t say anything until someone asks directly. Who do you think is the shy person in this activity? (Sino sa palagay mo ang mahiyaing tao sa gawaing ito?)

            Sa  palagay ko ay si Bea ang mahiyain sa grupo sa gawaing ito.

Domineering person: wants to take over the discussion and lead the group. A domineering person thinks s/he has all the answers and does not want to waste time having everybody share their ideas. Who is the domineering person in this activity? How would you handle a domineering person? (Sino ang dominanteng tao sa gawaing ito? Paano mo i-handle ang isang dominanteng tao?)

            Si Karl ay ang dominateng tao sa gawaing ito. Kailangan ang diplomasya sa isang dominaneng tao. Ipaliwanag sa kanya na kailangang pakinggan din niya ang mga panukala/ideya ng iba upang masuri kung alin sa mga ito ang mas mahusay kumpara sa kanyang ideya/panukala.

Disagreeable person: has a negative attitude and are resistant towards all ideas. Have you experienced being with a person like Dely in this activity? How did you interact with that person? (Naranasan mo na bang makasama ang isang tulad ni Dely sa gawaing ito? Paano ka nakipag-ugnayan sa taong iyon?)

            Nakaranas na akong makasalamuha ang isang katulad ni Dely na antipatikang tao at punumpuno ng negatibong pananaw hinggil sa mga ideya/panukala ng iba. Kailangan lamang ipaliwanag sa isang antipatika/antipatiko na pakinggan munang maigi ang paliwanag ng nagmumungkahi bago humatol. Alamin muna niya ang mga bentahe/desbentahe ng mga ito bago magbigay ng pasya.

Encouraging person: makes sure that everybody is heard, regardless of their background or ideas. Pull group members into the conversation. Can you tell who is the encouraging person in this activity? Do you consider yourself an encouraging person? (Maaari mo bang sabihin kung sino ang mapanghikayat/nakapanghihimok na tao sa gawaing ito? Pinapalagay mo ba ang iyong sarili na mapanghikayat/mapanghihimok na tao?) 

            Ang mapanghimok sa gawaing ito ay si Rose. Maibibilang ko rin ang aking sarili na isang mapanghimok na tao dahil ako ay may positibong ugali, pinakikinggan ang anumang ideya ng ibang tao, at hinihikayat ang iba na magsalita at makiisa sa talakayan.

Ideas person: gets very excited in the group and loves to brainstorm and share extravagant ideas that aren’t always realistic. Who is the ideas person in this activity? Would you like an ideas person to be in your team? Why or why not? (Sino ang maideyang tao sa gawaing ito? Nais mo bang may maideyang tao sa iyong koponan/pangkat? Bakit o bakit hindi?)

            Si Dan ang maideyang tao sa gawaing ito. Nais kong mapabilang sa isang grupo ang isang maideyang tao dahil mapapag-aralan ng grupo ang kahalagahan ng mga ito.Isa pa, malikhain din ang isang maideyang tao. Nakapagmumungkahi siya ng isang bagay na kapakipakinabang sa bandang huli.

2.5 Elements of an Effective and Cooperative Team Member

Go through the Elements of an Effective and Cooperative Team Member and list one element that you think you are good at, and one element that you would like to improve in yourself. (Pagtuunan ng pansin ang Elements of an Effective and Cooperative Team Member at maglista ng isang elemento na sa palagay mo ay magaling/mahusay ka, at isang elemento na nais mong mapabuti pa sa iyong sarili.) [Ang iyong sagot ay nakabase sa iyong sariling saloobin/karanasan.]

I’m good at:

             Magaling/mahusay ako na makipag-ugnayan at isali ang iba pa sa magalang, mapitagan at matapat na paraan/talakayan. 

I can improve on:

            Mapapahusay ko pa ang aking sarili sa pagresolba ng mga hidwain ng mga miyembro (kung mayroon nito) upang makamit ang mga layunin ng grupo. 

Session 2 – Writing Space

Use this space to complete any of the written assignments above or write any thoughts or ideas that have come to mind on cooperating with others. (Gamitin ang espasyong ito upang kumpletuhin ang anumang sulating takdang aralin sa itaas o magsulat ng mga saloobin o ideya na pumasok sa iyong isip tungkol sa pakikipagtulungan/pakikiisa sa ibang tao.)  [Hayaang blanko kung walang isusulat.]