Sunday, February 21, 2021

How to Verify Result of A&E and PEPT and Request Copy of COR

Nawala ba ang iyong Alternative Learning System (ALS) Accreditation & Equivalency (A&E)  Certificate of Rating or COR? Nabasa? Inanod ng baha? Natabunan ng lupa? Nasunog? Naiwala ng iyong guro o paaralang pinasukan? Kung isa sa mga nabanggit ang iyong dahilan upang makakuha muli ng kopya ng iyong COR, hindi ka namali nang bisitahin ang blog ko.

Maliban sa pagpunta sa Department of Education (DepED) headquarter sa Taguig City o mag-request mismo sa iyong School Division Office (SDO), maaari nang makakuha ng kopya ng iyong COR sa pamamagitan ng online. Mangyaring sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:

1. I-download ang COR Request form dito - COR Request Form 

2. Sagutan at kumpletuhin ang dokumento.

    Para mapabilis ang pagpapatunay ng resulta, dapat ay kumpleto ang mga impormasyong hinihingi.

3. I-upload ang COR Request Form at iba pang kinakailangang dokumento (kung meron) dito - BEACORVerify, o kaya ay muling sagutan ang mga tanong. Kailangan ay may email address ka dahil kailangan ito.

4. Hintayin ang email ng Bureau of Education Assessment (BEA) dalawang linggo (o higit pa) matapos makapag-file.

5. Kapag masyadong naantala ang resulta ng iyong hinihingi COR, mag-email muli sa verification.bea@deped.gov.ph. Maaari rin silang tawagan sa mga teleponong:

(02) 8687 - 4146

(02) 8633 - 7202

(02) 8631 - 5057

(02) 8638 - 4879

Ang Verification/COR Request Form ay maaari ring gamitin sa mga sumusunod na pagsusulit:

1. Philippine Educational Placement Test (PEPT)

2. National Career Assessment Examination (NCAE)

3. Qualifying Examination in Arabic Language and Islamic Studies (QEALIS)

4. Educational Management Test (EMT)