Friday, February 26, 2021

GOOD NEWS for Batch 2019-2020 & Previous ALS Learners

Isang magandang balita ang nais ipaabot nina G. Diosdado M. San Antonio, DepED Undersecretary for Curriculum and Instruction, at Ms. G.H.S. Ambat, Assistant Secretary for Alternative Learning System, sa mga ALS Learners ng Batch 2019-2020 at mga nakaraang batch, na naghihintay ng ALS A&E Test. Sa isang Joint Memorandum No. DM-OUCI-2021-049 na nilagdaan ng dalawa noong February 24, 2021,  na dahil sa imposible nang maganap ang computer-based Accreditation & Equivalency Test o CB-A&E Test na dapat sanang gawin sa April 2021, isa sa magiging basehan upang mapagkalooban ng diploma o katunayan ang mga elementary at junior high school ALS learners ay ang kanilang portfolio.

Paano ito gagawin?

A. Para sa mga pansamantalang naka-enroll sa Grade 7 at Grade 11

1. Ang initial assessment ng mga Portfolio ay gagawin ng mga ALS teachers.

2. Muling isasalang sa pinal na evaluation ng Education Program Specialist II (EPS II) ang nai-submit na portfolio kung saan bibigyan ito ng marka.

3. Isang revalida ang gagawin ng formal teacher kung saan naka-enroll ang ALS learner. Ang resulta ng revalida ay hindi makapagbabago sa marka ng Portfolio.

4. Kukunin ang Average ng First at Second Grading Period ng mag-aaral. 

4. Upang mapagkalooban ng diploma o katunayan para sa elementary o junior high school, ang dapat na makuhang Final Grade ay 75% pataas.

Halimbawa:

A. Average Quarter Grade (AQG)

First Quarter Grade (Q1) = 81

Second Quarter Grade (Q2) = 83

Average Quarter Grade (AQG) = (Q1 + Q2)/2 = (81 + 83)/2  = 82

B. Learner's Portfolio Assessment Value (LPA)

Portfolio Assessment Obtained Score (P1) = 29

Portfolio Assessment Obtgained Total Score (P2)= 38

Learner's Portfolio Assessment Value (LPA) =  (P1/P2) x 100 = 29/38 x 100 = 0.76 x 100 = 76

C. Final Grade (FG)

FG = (LPA +  AQG) x 50% = (76 + 82) x 50% = (76 + 82) x 0.50 = 79

Kapag 75 pataas ang nakuha ng isang provisionally enrolled na ALS learners, siya ay pagkakalooban ng diploma o katunayan base sa level na kayang pinasa. Ang kanyang pangalan ay ilalagay na sa masterlist ng mga permanent enrolled na mag-aaral at makapagpapatuloy na siya sa Grade  o Grade 11 hanggang matapos niya ito.

Matatanggap ang diploma hanggang katapusan ng June 2021.

B. Para sa mga hindi naka-temporary enrolled ngayong taon (SY 2020-2021)

1. Gagawin ang initial assessment ng Portfolio ng ALS teacher.

2. Muli itong isasalang para sa pinal na evaluation ng EPS II kung saan lalagyan ito ng marka..

3. Isang revalida ang isasagawa ng EPS II para sa mga mag-aaral na nakakuha ng 28 points pataas sa kanilang Portfolio. Ang resulta ng revalida ay hindi makapagbabago sa marka ng Portfolio.

4. Ang mga mag-aaral na may marka na 28 pataas sa kanilang Portfolio ay magiging ALS completers at pagkakalooban ng diploma o katunayan. Sila ay maaari nang mag-enroll sa Grade 7 o Grade 11 sa susunod na pasukan, 2021-2022.

Ano ba ang revalida?

Ang revalida ay kapapalooban ng mga tanong na sasagutin ng isang mag-aaral tnngkol sa Portfolio na kanyang ginawa o isinumite.

Para mabasa ang buong Joint Memo No. DM-OUCI-2021-049, i-klik ITO.

Sample ALS Diploma:

ALS Elementary Diploma

ALS Junior High School Diploma