Thursday, March 25, 2021

Guides and Sample Answers on ALS #MyDev Life Skills Module 7 - Financial Fitness - Activity 7

 Module 7: Financial Fitness

“Maging matalino sa paggamit ng iyong pera upang magkaroon ng sapat na ipon”

Be wise in using your money to have enough savings.

[ABISO: Ang mga sagot sa modyul na ito ay halimbawa lamang at base sa kaalaman at karanasan ng may-akda. Nakadepende ang sagot sa pansariling karanasan kaya walang maling kasagutan.]

SESSION 4: MANAGING DEBT

Activity 7: How to Avoid Debt

How do you feel when you owe money to someone? Why? Think of an example of a time when you owed someone money. How quickly did you pay them back? Why did you borrow money from that person? (Ano ang iyong pakiramdam kapag may utang ka sa isang tao? Bakit? Mag-isip ng isang halimbawa ng isang pagkakataon kung kailan may utang ka sa isang tao. Gaano kabilis mong nabayaran ito? Bakit ka humiram ng pera sa taong iyon?)

Nahihiya ako kapag umuutang ako sa ibang tao dahil nagpapakita ito ng kahinaan o walang kaalaman sa pagbabadyet  lalo na ang inutang ay para lamang sa pang-araw-araw na gastusin. Ganoon man, binabayaran ko naman agad ang aking utang sa oras na aking pinangako upang muli niya akong magkatiwalaan.  Nakautang ako sa taong ito dahil naubusan ako ng gas sa panluto. Hindi ko kasi inaasahan na mauubos agad iyon at wala akong nakatabing pera upang bumili. 

How do you feel when someone owes you money? Why? Think of an example of when someone owed you money. How much did that person borrow? How quickly did they pay you back—if at all? (Ano ang pakiramdam mo kapag may umutang sa iyo ng pera? Bakit? Mag-isip ng isang halimbawa kung kailan may nangutang sa iyo ng pera. Magkano ang hiniram ng taong iyon? Gaano kabilis ka niyang binayaran  — kung sakali man?)

Masaya ako kahit papaano kapag may umutang sa akin. Nangangahulugan kasi nito na kasama ako sa kanyang mga kakilala na handang tumulong sa oras ng kagipitan.  May isang pagkakataon na may umutang sa akin ng perang nagkakahalaga ng P 1,500.00 upang ipamasahe patungong Maynila.  Sa kasamaang palad, maraming taon na ang lumipas pero tila nalimutan na niya ang kanyang utang. Nahihiya naman akong maningil. 

7.13: Strategies for Getting Out of Debt

Sometimes, however, even with the best of intentions, people do fall into debt. Here are several strategies that can help to reduce debt. (Minsan, gayunpaman, kahit na may pinakamahusay na hangarin, ang mga tao ay nagkakaroon ng utang. Narito ang ilang mga diskarte na makakatulong upang mabawasan ang utang.)

Rank these strategies 1-5, with 1 being the easiest to do and 5 being the hardest to do.  (I-ranggo ang mga diskarte na ito sa 1-5, kung alin ang  1 ang pinakamadaling gawin at 5 ang pinakamahirap gawin.)

Strategy:

Rank (1-5)

Cut back on unnecessary spending. (Bawasan ang hindi kinakailangang paggastos.)

1

Do not borrow more money. (Huwag nang manghiram o dagdagan pa ang utang).

4

Speak to people you owe money to, to work out when you can pay them back. (Kausapin ang mga taong pinagkakautangan, upang makagawa ng paraan kung kailan mo sila mababayaran.)

5

Pay off any debt where people are charging you extra money (interest) on what you owe them. (Bayaran ang anumang utang kung saan sinisingil ka ng mga tao ng labis na pera (interes) sa inutang mo sa kanila.)

2

Don’t buy anything else or anything expensive while you have high debt. (Huwag bumili ng ano pa man o anumang mamahaling bagay habang marami ka pang utang.

3

Find a friend or family member to participate in this role play. For each of the following scenarios, your partner asks you whether it is a good idea to borrow money. Knowing what you do about financial fitness, how would you advise that person? After you do the role plays, write your ideas below. (Humanap ng kaibigan o miyembro ng pamilya upang lumahok sa role play na ito. Para sa bawat sumusunod na sitwasyon, ang iyong kapartner ay tatanungin ka kung magandang ideya na mangutang ng pera. Base sa mga nalalaman mo na  tungkol sa kalakasang pananalapi, paano mo mapapayuhan ang taong iyon? Matapos mong gawin ang mga role play, isulat ang iyong mga ideya sa ibaba.)

1. One of my sisters is very clever and wants to go to school to learn more and she needs money for her studies. (Ang isa sa aking kapatid na babae ay napakatalino at nais na pumasok sa paaralan upang matuto pa at kailangan niya ng pera para sa kanyang pag-aaral.)

Kung walang nakahandang salapi para sa pag-aaral, magandang ideya ang umutang sa ibang tao dahil may pakinabang namang nakalaan kapag nakapagtapos  ng pag-aaral ang aking kapatid na babae. Kumpiyansa naman ako sa kanya dahil siya ay matalinong tao at masipag mag-aral.

2. I’m having a party and I want to prepare a feast. (Magkakaroon ako ng isang party at nais kong maghanda ng isang bonggang salusalo.)

Kung sa utang lang manggagaling ang isang maluhong salusalo, mabuti pa ay huwag nang ituloy ang binabalak na handaan. Mapapasaya mo nga ang iyong mga bisita pero kalaunan ay ikaw naman ang magiging kawawa lalo na kung hindi mo alam kung saan kukunin ang ipambabayad sa iyong uutangin.

3. I want a cell phone to help me for my small business. (Kailangan ko ng cell phone para makatulong sa akin sa maliit kong negosyo.)

Mainam na ideya ang pag-utang kung gagamitin sa isang negosyo ang hihiramin lalo pa at ito ay makatutulong nang malaki upang umunlad ito. 

4. I want to sign up for literacy classes to help me to read and write better. (Nais kong magparehistro sa mga literacy classes upang matulungan akong mabasa at masulat nang mas mahusay.)

Maganda ang pag-utang na ito dahil may kapakinabangang nakalaan sa akin pagkatao. Sa benepisyong aking matatamo, kalaunan ay makakahanap ako ng pagkakakitaan.

5. I want to buy fruit and vegetables for people I live with to eat today, but I can only pay for the food later. (Nais kong bumili ng prutas at gulay para makakain ang aking mga kasama sa bahay ngayon, ngunit mababayaran ko lang ang pagkain sa kalaunan.)

Hindi mainam ang pag-utang na ito dahil maaari naman itong magawa sa ibang araw nang hindi umuutang. Oo nga at masustansiya ang mga pagkaing bibilhin, subali’t kung ito ay hindi naman kailangang-kailangan, mas mabuti pa rin ang maghintay ng panahon kung kailan hindi na kailangang mangutang. 

Session 4 – Writing Space

Use this space to complete any of the written assignments above or write any thoughts or ideas that have come to mind about the topic. (Gamitin ang espasyo o puwang na ito upang makumpleto ang anuman sa mga nakasulat na takdang-aralin sa itaas o sumulat ng anumang mga saloobin o ideya na naisip ang tungkol sa paksa.)

(Lagyan ng sagot kung may nais na ipahayag na ideya, kaisipan, o kuro-kuro hinggil sa paksang pinag-aralan.)